Compartir

Chapter 55

Autor: Luffytaro
last update Fecha de publicación: 2026-03-14 13:26:07

PAKIRAMDAM ni Addie ay napaka espesyal ng araw na iyon dahil hindi lang siya ipinagluto ni Sevi kundi hindi rin siya nito hinayaang maghugas ng plato. Ito ang gumawa ng lahat ng iyon kahit na pinilit niya pa itong tulungan ito kaya sa huli ay naroon siya at nakaupo habang pinapanood itong maghugas ng plato.

“Kailan ka pa dumating?” hindi niya napigilang hindi magtanong dahil hindi niya man lang ito naramdamang dumating.

Ipinilig nito ang ulo at nilingon siya. “Well, paano mo malalaman e ang sar
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • FATED TO BE MINE   Chapter 57

    PAGKASARA ng pinto ay napasalampak sa sahig si Andromeda, ang kanyang mga mata ay walang tigil sa pag-iyak. Naninikip din ang dibdib niya sa halo-halong emosyon. Kung kailan tanggap na niya, nakalimot na siya ay muli lang itong magpapakita sa kaniya. Pakiramdam niya ngayon ay parang kahapon lang ulit nangyari ang lahat.Ang sugat na naghilom na ng napakatagal sa pagkakaalam niya ay muling nabuksan at sa pagkakataong iyon ay mas masakit pa iyon kesa noong una siyang masaktan.~~~~~MAGKATABI sina Addie at Sevi sa sofa habang nanunuod ng isang pelikula. Kanina pa tahimik ang katabi niya na para bang may malalim na iniisip, simula ito nang bumalik sa loob matapos itong makipag-usap sa kanyang telepono.Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala dahil sa hindi magandang ekspresyon nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong sumandal sa kaniya. Hindi siya gumalaw at hinayaan na lamang ito hanggang sa narinig niya ang boses nito. “Ang sarap sa pakiramdam yung ganito, nasa tabi kita. Mag

  • FATED TO BE MINE   Chapter 56

    HINDI namalayan ni Addie na maging siya ay nakatulog na habang yakap-yakap ni Sevi. nang magising siya ay halos palubog na ang araw. Hindi niya akalain na makakatulog siya ng ganun katagal habang nakatabi si Sevi. dahan-dahan siyang bumangon sa takot na baka magising niya ito dahil alam niya na hanggang sa mga oras na iyon ay nagbabawi pa rin ito ng tulog.Mabuti na lang dahil sa sarap ng tulog nito ay hindi ito nagising. Mabilis siyang lumipat sa kanyang silid para maligo na muna bago siya magluto ng makakain nila dahil tiyak na gutom ito pagkagising.Nang magising nga ito ay eksaktong nakaluto na siya kaya naghain na siya. Tahimik silang dalawa habang kumakain nang biglang tumunog ang cellphone nito. Kaagad nitong kinuha iyon at sinulyapan. Nang makita nito ang tumatawag ay kitang-kita niya ang pag-iba ng ekspresyon nito bago pinatay ang tawag. Kaya lang makalipas lang ang ilang sandali ay muli na naman itong tumunog dahilan para mapasulyap siya rito.“Bakit hindi mo sagutin? Baka i

  • FATED TO BE MINE   Chapter 55

    PAKIRAMDAM ni Addie ay napaka espesyal ng araw na iyon dahil hindi lang siya ipinagluto ni Sevi kundi hindi rin siya nito hinayaang maghugas ng plato. Ito ang gumawa ng lahat ng iyon kahit na pinilit niya pa itong tulungan ito kaya sa huli ay naroon siya at nakaupo habang pinapanood itong maghugas ng plato.“Kailan ka pa dumating?” hindi niya napigilang hindi magtanong dahil hindi niya man lang ito naramdamang dumating.Ipinilig nito ang ulo at nilingon siya. “Well, paano mo malalaman e ang sarap ng tulog mo.” sabi nito sabay ngiti na mas lalong ikinakunot ng noo niya. “Napaka ingay mo talagang matulog, bukod pa doon ay…” napailing na lamang ito na para bang ayaw na nitong pag-usapan pa iyon.“What are you talking about?” tanong niya habang nakatitig dito.“Well, uhm… you know, tumabi ako sayo kagabi at…” bigla itong nag-iwas ng tingin. “Natuluyan ako ng—”“Oh dammit! Stop!” pigil niya sa susunod pang sasabihin nito habang namumula ang kanyang mukha.Bakit ba kasi nagtanong pa siya? K

  • FATED TO BE MINE   Chapter 54

    PAGDATING ni Addie sa villa ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang napakatahimik na kapaligiran. Isang linggo lang siyang nawala doon pero pakiramdam niya ay isang taon na. Napabuntong hininga siya. Kahit na napakaikli pa lang ng panahon na pananatili niya roon ay talagang naging pamilyar na siya rito.Dahan-dahan siyang pumasok at iniikot ang paningin sa loob, napakalaki ng bahay ngunit siya lang ngayon mag-isa ang narito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi maisip si Sevi ng mga oras na iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at dumiretso sa kanyang silid upang makapagpahinga na dahil pagod pa siya sa kanyang byahe.~~~~~SUSURAY suray na naglakad si Addie papunta sa banyo. Kagigising niya lang ng mga oras na iyon at hindi siya nag-set ng alarm niya ngayon dahil wala pa naman ang amo niya. Hindi naman sinabi nito sa kaniya kung kailan ito darating kaya hindi niya alam kung kailan ito uuwi.Pagkatapos niyang gawin ang mga kailangan niyang gawin ay bumaba na siya sa kusina ngunit nasa

  • FATED TO BE MINE   Chapter 53

    KATULAD nga ng napagkasunduan nila ni Sevi ay pinayagan siya nitong umuwi sa probinsya. Mabuti na lang talaga ay nagawa niyang makumbinsi ito dahil kung hindi ay hindi niya na naman sana nakasama ang kanyang mga anak.Ngayong araw nga ang huling araw niya doon dahil mamayang gabi lang ay babyahe na ulit siya pabalik ng syudad. Napakabilis ng araw kapag kasama niya sina Zeus at Zion pero kapag nasa villa siya ay halos isang taon ang isang araw. Napabuntong hininga na lang siya habang inaayos ang mga gamit niya pabalik nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya rito. Nakatayo sa pinto ang kanyang tiyahin.“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito sa kaniya na may pag-aalala ang mga mata.Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na medyo bilasa ang kanyang tiyahin. Ilang beses na niya itong tinanong kung may problema ba ngunit palagi nitong sinasabi na wala. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tumango rito. “Oo naman auntie.” sagot niya.Naglakad ito patungo sa tabi niya a

  • FATED TO BE MINE   Chapter 52

    INILAPAG ni Addie ang ipinadala sa kaniya ni Sevi na Juice at meryenda sa pool area. Tatalikod na sana siya nang bigla itong mag-angat ng ulo at tumingin sa kaniya. “Where do you think you are going?” tanong nito sa kaniya habang nakataas ang kilay.“Sa loob s—” itinikom niya ang kanyang bibig ng mabilis. Muntik na naman niya itong matawag ng sir. Napabuga siya ng marahas na hangin.“Umupo ka rito.” sabi nito at pagkatapos ay tinapik ang upuang nasa tabi nito. Napakunot kaagad ang kanyang noo bago mabilis na umiling. “May gagawin pa ako.” sagot niya rito na totoo naman dahil may mga naghihintay pa sa kanyang mga gawain sa loob. Maglalaba pa siya at mamamalantsa. Hindi naman iyon mahirap gawin iyon sa kaniya dahil sanay naman siya sa mga gawaing katulad nun.Tumaas ang kilay nito. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo minsan at ayaw mong sumunod sa akin?” tanong nito sa kaniya, hindi naman ito galit.Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit mabilis itong nagsalita. “May sasa

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status