MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si I
MALAKAS ang naging tahip ng aking dibdib, matapos kong simutin ang huling laman ng baso ng lambanog na kanina pa naming iniinom ng aking matalik na kaibigan. Hindi ko kasi naiintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Para akong kinikilabutan na hindi ko malaman. "Samuel, tama na iyang kakainom ninyo! Tingnan mo nga ang hitsura niyang si Danilo, napakaputla na! Akala mo ibinabad sa suka!" Saway na paalala ng misis ng aking matalik na kaibigan. Ngunit wala man lang akong narinig na kasagutan mula sa aking matalik na kaibigan. Kaya nang lingunin ko na ito ay napailing na lamang ako dahil kanina pa pala ito humihilik. "Dumito ka na lang kaya muna matulog, Danilo. Masyado ng malalim ang gabi. " Wika nito habang inaakay ang aking kaibigan na kanina pa bagsak. Katuwang nito ang anak na lalaki sa pagbuhat. "Salamat, Salome. Pero kailangan ko ng umalis. Baka mapadaan si misis at masermunan pa ako kapag hindi ako naabutan n'on sa bahay. " Mabilis kung tinanggihan ang naging alok nito
Taong 2019: "Binang! Binang!" Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang boses ni Ate Sandy na sumisigaw. Alas singko pa lamang naman ng madaling araw pero parang wala man lang itong pakealam kung makadistorbo ba ito sa mga natutulog pa naming kapitbahay. Kaagad naman itong sinalubong ng tatlo pa naming nakababatang mga kapatid. At humahangos pa itong pumasok sa pintuan ng aming munting tahanan. "Oh 'nak, bakit ka napasugod ng kay aga?" May himig pag-aalala ang boses ni nanay habang tinatanong si ate Sandy. Imbes na sagutin ang katanungan ni nanay ay nagtanong din ito pabalik, " Nasaan po si Binang, 'nay?" Mahahalata sa boses nito na puno ng kasabikan. Ano kaya ang kailangan nito sa'kin at napasugod pa ito ng ganito kaaga. Mukhang importante ang pakay ni Ate sa'kin dahil dumayo pa talaga ito kahit na madaling araw pa lamang upang puntahan ako dito sa aming munting tahanan. Nasa kabilang dulo pa naman ito ng sakahan nakatira. "Bina, may magandang balita ako para sa'yo!" Napakal
5 years later.. "Mag-iingat ka roon, anak. " Habilin ng inay ko sa'kin habang nagliligpit ako ng mga iilang damit na aking dadalhin para sa pagluwas ko papunta sa Maynila. "H'wag kang maging pasaway doon ha. " Wika naman ni itay na hindi ko napansin ang pagdating galing sa sakahan. "Opo, magpapadala po ako kaagad ng pera kapag nakaluwag luwag na po ako roon," magalang na sagot ko naman sa kanila. "Pasensya ka na sa'min 'nak, ha." Malungkot na wika ni nanay sa akin. Tumigil muna ako sa aking ginagawa at mapang-unawang humarap kaagad dito. Sa walong magkakapatid ako ang pang-apat. May mga asawa't-anak na ang aking tatlong nakatatandang kapatid na nakaasa lang sa sakahan ng aking masipag na tatay. Kakanin ang negosyo ng aking nanay at ako, at ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae ang tumutulong sa paglalako nito. Hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral sa kagustuhang matulungan ko ang aking mga magulang. Ayokong tularan ang mga nakakatanda kong kapatid, na pagkatapos pag
NAGSIMULA nang lumamig ang simoy ng hangin ngayon dahil papalapit na ang buwan ng disyembre. Kaya mas binilisan ko pa ang pagbuhos ng tubig sa aking buong katawan para hindi ko na masyadong maramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo. Ayoko ring maabutan ng ibang tao na naliligo sa balon. Hindi na kasi ako sanay na maligo ng lantad sa labas. Kung hindi lang sana nasira ang aming banyo ay hindi ako mag-aaksaya ng oras na maligo rito. Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong magpunas at magtapi ng tuwalya sa katawan. Palinga-linga pa ako sa buong paligid kung wala bang ibang mga dumaraan at nagmamadaling pumunta sa pinakaunang puno ng saging na aking nakikita. Nagkubli ako rito upang magtanggal ng basang damit. Nagdala na rin ako ng mga tuyong damit na ipampalit. Maingat at mabilisan ang ginawa kong pagbibihis ng may maulinigan ako na mga kaluskos. Nagmumula ang ingay sa kabilang puno ng saging. Malapit lamang din sa puno ng saging na aking pinagkukublihan ngayon. Bigla akon
PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN ay iginiya ako ni Roger paakyat sa ikalawang palapag.Ang desinyo ng hagdanan nila ay pinagsama ng matibay na kahoy na panghakbang at may panel ng transparent na salamin sa bawat gilid nito. Nakakalikha ito ng isang nakakaaya sa pagitan ng makabago at natural na elemento. Sa mga magasin na kasama sa mga pinapadala ni ninang ko lang nakikita at nababasa ang mga ganitong klase ng desinyo. Ngayon, nakikita ko na ito sa personal.Bumungad kaagad sa akin ang isang maliit na sala. Hindi ko masyadong mabigyan ng deskripsyon ito dahil medyo madilim na sa bahaging ito.Humakbang lamang si Roger sa pinakamalapit na pintuan. Binuksan nito iyon, pumasok ng isang hakbang at pinindot ang