Si Sabrina Villalon ay isang mapagmahal na probinsyana, na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang kanyang pamilya. Nayanig ang tahimik at inosente niyang mundo simula nang dumating ang isang Roger Bernardino sa kanilang baryo. Si Roger Bernardino ay ang nobyo ng kaniyang pinakamamahal na ninang--si Marites. Kasabay nang pagdating nito ay ang pagkatuklas niya sa isang nakakawindang na sekreto na matagal nang inilihim sa kanila ng ninang Marites niya. Isang sekretong maaring ikasisira at makapagpabago sa pananaw niya sa buhay. Dahilan upang mabuo ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. Isang pagmamahalan na marami ang hadlang. Isang pagmamahalan na hahamakin ang lahat para makamit lang ang hustisya para magkaisa ang kanilang mga puso. Ano kaya ang nakakawindang na sekretong itinatago ng ninang niya? Ikakapahamak ba nilang dalawa ito? At papaano nila mapanindigan ang mapanghusgang mundo? o hahayaan nalang nilang mawawasak ng tuluyan ang kaniyang puso?
View MoreMALAKAS ang naging tahip ng aking dibdib, matapos kong simutin ang huling laman ng baso ng lambanog na kanina pa naming iniinom ng aking matalik na kaibigan.
Hindi ko kasi naiintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Para akong kinikilabutan na hindi ko malaman.
"Samuel, tama na iyang kakainom ninyo! Tingnan mo nga ang hitsura niyang si Danilo, napakaputla na! Akala mo ibinabad sa suka!"
Saway na paalala ng misis ng aking matalik na kaibigan.
Ngunit wala man lang akong narinig na kasagutan mula sa aking matalik na kaibigan. Kaya nang lingunin ko na ito ay napailing na lamang ako dahil kanina pa pala ito humihilik.
"Dumito ka na lang kaya muna matulog, Danilo. Masyado ng malalim ang gabi. "
Wika nito habang inaakay ang aking kaibigan na kanina pa bagsak. Katuwang nito ang anak na lalaki sa pagbuhat.
"Salamat, Salome. Pero kailangan ko ng umalis. Baka mapadaan si misis at masermunan pa ako kapag hindi ako naabutan n'on sa bahay. "
Mabilis kung tinanggihan ang naging alok nito sa akin. Tutal, kasama ko naman ang aking drayber.
"Hala, bumiyahe na kayo upang makarating agad." Pagtataboy agad nito sa akin.
HABANG nasa biyahe ako ay hindi pa rin mawawala-wala ang kaba na aking nararamdaman. Idagdag pa na medyo hilo na rin ako dahil sa dami ng nainom namin ni Samuel kanina.
Napukaw muli ang aking atensyon ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kahit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa kalasingan ay pinilit ko pa rin itong sagutin. Ang unang naiisip ko na tumawag ay ang aking misis, ngunit nagkamali pala ako.
Lumakas pa lalo ang kaba sa aking dibdib. At dahil dito ay parang nawala bigla ang pagkahilo na aking nararamdaman. Napalitan ito ng pausbong na galit. Hindi ko rin napigilan ang pagtangis ng aking mga bagang.
"Jordel, pakihinto muna ang sasakyan at magpalit nga tayo ng pwesto. "
Mahinahong utos ko sa aking drayber na halatang nagtataka sa aking sinabi pero kaagad naman nitong sinunod ang aking utos.
Hindi na ako lumabas ng aking sasakyan para lumipat sa drivers seat dahil sa mismong loob ng sasakyan na ako lumipat ng pwesto. Pagkalapat ng aking puwit sa upuan ay binuksan ko kaagad ang glove compartment, at kinuha ang isang makapal na plastic envelope, saka ko ito binigay kay Jordel.
"Ano po ito, boss?" Naguguluhang tinanggap nito ang plastic envelope.
"Gusto kong magpasalamat sa naging serbisyo mo sa akin."
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntunghininga bago magsalita ulit. " Kaya mo bang magtago ng malaking sekreto?"
Kahit naguguluhan ay mahina naman itong tumango at nagwika, " nasaiyo po ang aking buong katapatan, boss. Utang ko po sa inyo ang lahat. "
"Good. May ipapagawa ako sa iyo." Mahinang saad ko rito. " Gusto kong puntahan mo ang address na nakasulat sa labas ng plastic envelope na hawak mo. Ingatan mo ang laman niyan, ha. At kahit ano ang mangyari ay huwag na h'wag mo itong ibibigay kahit kanino, maliban nalang sa mag-asawang Villalon at sa anak nito na inaanak ko rin. Pero huwag muna ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Basta... umalis ka na. "
Mahabang pagpapaliwanag ko rito. Masunuring naman itong tumango. Lumingon muna ito bago bumaba ng aking sasakyan.
"Mag-iingat ka po, boss..."
"Tawagan mo muna ang ma'am mo at papuntahin mo sa address na iyan. At ibigay ang sulat na ito." At nag-abot ako ng isang maliit na puting sobre dito.
Isang naguguluhan na pagtango lang ang tanging naitugon nito sa akin. Hindi na ito nag-usisa pa. Basta masunurin lamang itong umalis.
Hinabol ko pa nang tingin ang papaalis na si Jordel at inaantay ko muna itong makasakay sa isang dumaang jeep bago ko pinaandar ang aking sasakyan.
TAHIMIK na ang buong paligid ng makarating ako sa aming bahay. Tanging tunog lamang ng mga kulisap ang naririnig kong nag-iingay. Matapos kong dukutin ang susi ng aking bahay ay kaagad akong bumaba ng sasakyan. Panatag akong nag-isip na hindi pa nakauwi ang aking misis dito.
Kinapa ko agad ang switch, saglet na nasilaw ako sa liwanag na dulot nito. Nang masanay na ang aking mga mata sa liwanag ay bumungad sa akin ang mga basag na mamahaling vase na pinamana pa sa akin ng aking yumaong mga magulang. Nagkalat din lahat ang iba pang mga gamit. Animo'y dinaanan ang aking bahay ng isang ipu-ipong ligaw.
Nanumbalik ang pagtahip sa aking dibdib habang dahan-dahan kong kinapa ang baril na nakasukbit sa aking pantalon na suot. Mahigpit kung hinawakan ang baril na palagi kong dala-dala habang dahan-dahan kung binuksan ang pintuan patungo saaking silid-tulugan.
Walang silbi ang maingat kong mga galaw dahil bigla na lamang sumulpot sa kung saan ang taong tumawag sa akin kanina lang.
"Mabuti naman at nakauwi ka na! Kanina pa kita hinihintay rito!"
Pagak na tawa nito habang nagsasalita.
"Hindi ba p'wedeng ipagpabukas na natin ang usapang ito?"
Napatiim bagang kong wika rito, 'Bakit ba hindi ito makapaghintay?'
Napakuno't noo itong tumitig sa akin.
"Urgent nga ito, pre! At wala na akong sapat na panahon... " Aburido ang mga galawan nito. Pabalik balik din itong naglakad sa aking harapan.
"Alam mong nanggaling na ako roon kanina. Bakit hindi ka nalang sumunod doon at ikaw na sana ang personal na kumausap sa kaibigan nating si Samuel sa totoong pakay mo?"
Nagpakawala muna ito ng tunog na hindi pagsang-ayon sa aking sinabi bago ito muling nagsalita.
"Ilang beses na ba natin ito pinag-usapan, pre? Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo tungkol dito?"
Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin pero ni hindi ko mahagilap sa mga titig nito na ito ay sinsero.
Masyadong mahirap para sa akin ang magdesisyon dahil una sa lahat hindi sa akin ang dokumentong gusto nitong kunin. Ngunit malalagay naman sa alanganin ang aking sarili kung hahayaan ko nalang ito sa gusto nito.
Napukaw muli ang aking atensyon ng biglang tumunog ang cellphone nito. Aligaga pa ito ng makita ang nakaregister na pangalan sa screen nito. At nagmamakaawang humarap ulit ito sa akin.
"Bumalik na naman sila... "
Nanginginig ang mga kamay nitong humawak sa magkabilaang braso ko. At para itong takot na takot ng pareho naming narinig ang pagbalandra ng mga pintuan mula sa baba. Animo'y galit na galit ang taong nagbukas nito.
"Sige na, p're...Nakikiusap ako sayo. Gagawan ko naman kaagad ng paraan para maibalik ko kaagad ito.. Wala na kasi akong ibang matatakbuhan kundi ikaw lamang."
Para na itong maamong tupa kung makiusap sa akin. Umaalingawngaw sa katahimikang ng gabi ang mabigat na mga yabag na papalapit sa aming kinaroroonan.
Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntunghininga. 'Sana nagkita na ang misis ko at si Jordel dahil hindi ako nakasisigurong maabutan pa ako ng umaga rito.'
Mabilis na lumapit kaagad ako sa headrest ng aking higaan at umupo. Bago ako dumukwang ay dinukot ko muna ang susi na kanina pa nakahanda sa aking bulsa. Pagkatapos ay binuksan ko ang maliit na kahon na nakatago sa bandang ulunan ng aking kama. Inilabas ko mula rito ang isang tinuping papel. Mahigpit ko itong hinawakan. At akmang i-aabot ko na sana ito sa aking dating matalik na kaibigan ay pabalandra namang binuksan ang pintuan ng aking silid.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nabingi ako sa isang malakas na putok na aking narinig upang maging dahilan ng pagsakit ng aking tainga. Napahawak kaagad ako sa aking ulo dahil parang nahihilo ako.
"Pasensya ka na, p're. Ayoko sanang gawin ito sayo kaso nakipagmatigasan ka kasi sa akin eh. Kaya kung pupwede sana ay ihingi mo nalang ako ng tawad kay San Pedro, ah. Babawi nalang ako sa'yo sa susunod na buhay. Paalam na sa'yo, p're. "
Marahas na hinablot nito mula sa akin ang tinuping papel na kanina ko pa hawak-hawak. At humalakhak ng malakas na parang baliw bago nilisan ang aking bahay. Iniwanan ako nitong nakahandusay sa sahig at walang humpay ang pag-agos ng mainit, malapot na pulang likido..
Gusto ko sanang sumigaw upang humingi nang tulong, pero wala man lang boses ang gustong kumawala sa aking lalamunan. Gustuhin ko mang manlaban, ngunit wala na akong sapat na lakas upang gawin ito. Dahil unti-unti nang namamanhid ang aking buong katawan. Hanggang sa nandilim na sa akin ang lahat.
CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments