Share

Fields of Pleasure 4

PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN  ay iginiya ako ni Roger paakyat sa ikalawang palapag.  

Ang desinyo ng hagdanan nila ay pinagsama ng matibay na kahoy na panghakbang  at may panel ng transparent na  salamin sa bawat gilid nito. Nakakalikha ito ng isang nakakaaya sa pagitan ng makabago at  natural na elemento.  Sa mga magasin na kasama sa mga pinapadala ni ninang ko lang nakikita at  nababasa ang mga ganitong klase ng desinyo. Ngayon, nakikita ko na ito sa personal.

Bumungad kaagad sa akin ang isang maliit na sala. Hindi ko masyadong mabigyan ng deskripsyon ito dahil medyo  madilim na sa bahaging ito. 

Humakbang lamang si Roger sa pinakamalapit na pintuan. Binuksan nito iyon, pumasok ng isang hakbang  at pinindot ang switch bago ito humarap sa akin at nagwika. "Ito ang master's bedroom." Isinara nito ulit ang pintuan bago ako muling iginiya papunta sa katabing  pintuan  ng master's bedroom. 

Binuksan naman nito ng malawak ang pintuan na sa aking hula ay ito na ang silid ni baby Reema.  Hindi nga ako nagkakamali dahil pagkabukas nito ng ilaw sa silid na pinasukan ay tinawag na ako nito upang pumasok din. 

"This is baby Reema's room and your room as well. "

Malawak ang kabuuan ng naturang silid. Malaki pa nga ito sa aming  bahay.  Inilibot ko ang aking paningin. May  double  space na higaan katabi ng isang  tilt window, na may design na sunflower na kurtina. Matingkad na kulay dilaw at pink naman  na bedsheets at dalawang unan ang nakalagay rito. Isang katamtaman lang na sukat  na kulay rainbow na carpet ang nakalatag sa wooden  na  sahig. Pumagitan naman ang isang kulay puti na cabinet na may dalawang drawer bago ang parihabang kuna ni baby Reema, na nakadikit sa dingding na may desinyo ng outer space. Habang dinikitan ito ng maraming glow in the dark na mga  bintuin.

"This is your bed." Wika ni Roger habang nag squat ng upo sa bandang paanan ng aking magiging higaan. "And obviously, that crib would be my baby Reema's bed. " Nakangiting tinuro naman nito ang  kuna na nakadikit sa dingding. 

Pagkatapos itinuon nitong muli ang atensyon sa harapan ng aking higaan at hinila nito ang ibabang bahagi ng aking higaan.  "Dito mo ilalagay ang bedcover at mga unan. " Tinulak nitong muli ang hinila nitong bahagi ng aking magiging higaan. 

Muli itong tumayo at lumapit sa dingding na nakapwesto  sa  bandang ulunan ng aking higaan. Akala ko ay isang plain na dingding lamang ito. Huli ko nang  napagtanto na isa pala itong sliding na pintuan ng isang built-in na kabinet ng mga damit. 

"You can hang your clothes here, " hawak nito sa parte na may mga nakasabit na hanger at itinuro naman nito ang apat na layer na hugis parisukat. "Or just fold it here."

Nagsquat na upo ulit ito at isa-isang hinihila ang tatlong magkasunod sunod na drawer. "You can safely put your shoes here," at muling isinara ang tatlong drawer. 

"Naku, isang sapatos lang naman ang dala-dala ko rito," natatawang wika ko. 

Tumayo itong muli at pinatong ang kamay sa  aking balikat. Sa pagdampi ng mainit na  palad nito sa aking balikat ay nagdudulot sa akin ng kakaibang sensasyon. Ngunit, pinipilit kong iwaksi ang nararamdamang kakaiba para rito. 

"I'm sure, madadagdagan pa 'iyang mga sapatos mo. Lalo na kapag nagustuhan ka ni ate Rochelle. She loves giving gifts." Nakangiting wika nito sa akin sabay pisil sa aking balikat. 

'Si ninang din naman ah. Mahilig din magbigay ng regalo iyon.' Gusto ko sanang idugtong ito sa sinasabi nito kaso mas pinili ko nalang na manahimik. 

Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili kapag nahahawakan ni Roger ang parte ng aking katawan. Kahit ang magdikit ang aming mga balat, nagdudulot kasi ito sa akin ng kakaiba na mahirap ipaliwanag.

Binitawan nito ang aking balikat at lumapit sa maliit na cabinet na katabi ng aking higaan. May nakapatong sa ibabaw nito na isang bagay na tinatawag nilang lampshade. "You can put your personal stuffs here. Just make it sure na nakasara ito dahil for sure bubuksan ito ni baby Reema. "

Masunuring pagtango lamang ang tangiing naging tugon ko rito.

Naglakad ito sa kabilang side ng silid kung saan nakadisplay ang isang maliit na  mesa na gawa sa plastik at apat na maliliit na upuan pambata. Sa gilid nito nakatayo ang apat na layer na bookshelves na puro pambatang libro ang nakadisplay. Katabi naman nito ang isang gray na donkey rocking chair na may toddler seat at nakahilerang cabinet na lagayan ng mga iba't-ibang mga laruan. 

"Dito kayo maglalaro ni baby kapag ayaw nitong bumaba. Nilagyan ko na rin ng single couch para may upuan ka habang pinapanuod mo siya na maglaro," aniya pa nito. 

Lumapit ito sa isang pintuan na nakapwesto sa gilid rin ng pintuan ng silid. " Ito naman ang magiging banyo ninyong dalawa." 

Sinilip ko ang looban nito. Sa gilid ng pintuan ay may  isang lababo na may faucet. Isang mahaba pero gadangkal na space para sa paglagyan ng mga abubot ng bata. Toothbrush  nito, toothbrush ko at dalawang magkaibang brand ng  toothpaste,  dalawang suklay, hairclips, headband, maliit na mirror stand at isang halaman sa may bandang dulo. May  dalawang hakbang na hagdanan na gawa sa  kahoy na para siguro kapag naghilamos at magtoothbrush na ang bata. May lagayan naman  ng tissue  sa gilid ng lababo at katabi nito ang isang toilet bowl. Sa likod na part nito ay isang malapad na salamin. Isa-isang binuksan ni Roger ang isang built-in cabinet na ang harapan ay isang salamin. Nandoon na lahat ng mga toiletres na stock para sa aming dalawa ng bata. At sa bandang dulo naman ay isang glass na shower room. Katapat nito  ay ang  waistline  tilt  na  bintana na may puting pintura ng rehas. 

"Bago kita iwanan dito, katabi ng mga cabinet's clothes mo ang cabinet's clothes rin ni baby Reema, "itinuro nalang ni Roger ang cabinet na sinabi nito. 

"Just suit yourself here, okay? See you tomorrow. Goodnight, Sabby." 

Walang pahintulot na nagbeso pa ito sa akin at nakatangang tinalikuran  lang ako nito bago lumabas ng silid at dahan-dahang  isinara ang pintuan. 

Napahawak nalang ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pangyayari. Bumilis bigla ang pintig ng aking puso. Nakaramdam din ako ng kakaiba sa aking sikmura. Parang masakit na hindi ko maintindihan. Hindi rin ma-i-aalis sa aking mga labi ang isang pigil na mga ngiti. 

Ipinilig ko ang aking ulo dahil mali itong naramdaman ko kay Roger. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Huminga muna ako ng malalim bago ko napagpasiyahan na maligo. Nagbabakasakali na mawala ang init na aking nararamdaman  kanina pa lang. 

MATAPOS NG NANGYARI  kanina ay halos hindi na  ako dalawin ng antok. Kanina pa ako nagpaikot-ikot dito sa aking higaan.  Pero, hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking  alaala ang lahat. Hindi pa rin nawawala sa mga titig niya ang nagniningas niyang pagnanasa na pinipilit kong iniwasan. 

Kung siguro n'ong dati na magnobyo palang silang dalawa ni ninang ay may pagkakataon pa sana akong sumingit ngunit hindi ko ginawa dahil mataas ang respeto ko kay ninang. Matindi ang atraksyon na nararamdaman ko kay Roger noon pero nagawa kung pigilan.  Ano pa kaya ngayon na kasal na sila at may anak pa.

Alam ko sa sarili ko na mas kailangan kung  maging maingat dito   dahil magkasama na kami sa iisang bahay. Marami na ang mga matang nakabantay kapag may makikita silang kaunting pagkakamali. Dapat mawala na sa aking sistema ang ganitong pakiramdam. 

Kaya mas lalo kong itinatatak sa aking isipan ang naging pangako ko kay nanay, isang araw bago ako lumuwas ng maynila. 

Noong una, malaki ang naging pagtutol ni nanay sa naging plano ko. Ayaw niya sana akong umalis, pero nagpumilit ako sa kan'ya.  Ipinangako ko rin sa kanya na magtiwala lamang siya sa akin, na hindi na niya ako dapat na alalahanin pa, na kaya ko na ang aking sarili, na ginagawa ko ang lahat ng ito hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa kanila. Hanggang sa huli ay napapayag ko pa rin siya kahit na malaki ang pagtutol nitong lumuwas ako ng maynila. Sa totoo lang, matagal ko nang pinapangarap na makaangat kami sa buhay. Matagal ko na ring gusto na ipagpatuloy ang aking pag-aaral ngunit dahil hindi sapat ang kinikita namin ni nanay sa paglalako ng mga kakanin at sinabayan pa ng mga peste sa bukid. Kaya hindi ko na kayang makita sila nanay at tatay na nahihirapan. Wala naman din sigurong masama na mangarap ng mas mataas. Kung ang pangarap na ito ay ikakabuti namin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status