Share

Fields of Pleasure 5

KINABUKASAN...

Mahinang katok mula sa pintuan ng aking silid  ang nagpagising sa akin. Sinipat ko ang orasan na nakapatong sa kabinet na nasa tabi ng aking higaan. Napabalikwas kaagad ako ng bangon ng makita ko na ang oras, pasado alas diyes na pala ng umaga. 'Patay!' Ngayon lang ako nagising ng matagal. Baka dumating na sila ninang. Nagmamadali kung tinungo ang pinto, wala na akong pakealam kung magulo ang aking buhok at pinagbuksan ang kanina pa kumakatok nito. Bumungad agad sa akin ang medyo nababagot na hitsura ni Analie.

"Kagigising mo lang ba?"

"Sorry," nahihiyang tumango ako rito. Iritado pa rin ang expression ng pagmumukha nito.

"Sumabay ka na sa aming mag-almusal ni ate Melleza. "

"Susunod  na ako, magpapalit lang ako ng damit." 

Maiksing tugon ko rito na tanging pagtango lamang ang naging tugon nito. 'Ang suplada naman nito.' 

Paalis na sana ito ng bigla itong tumigil at lumingon, " ito raw muna ang susuotin mo, pansamantala." Sabay abot nito sa isang paper bag na dala-dala nito kanina pa. Matapos maibigay sa akin ang paper bag na hawak ay saka pa ito bumaba. Hindi na ito muling lumingon pa kaya isinara ko na ang pinto.

Pagkasara ko ng pintuan ay nagmamadali akong tumungo papunta sa banyo. Naghilamos lamang muna ako at nagmugmog kaagad.

 Chineck ko ang laman ng paper bag na binigay ni Analie sa akin. Naglalaman ito ng isang pares ng pink cotton fanelah. May desinyong mga puting bulaklak ito na pinaresan ng kulay pink rin na cloth headband. Mas makulay kumpara sa suot ni Analie na isang plain na kulay pink na ternong uniform. . Sinuot ko kaagad ang damit na binigay na tamang tama lang ang sukat sa aking katawan.

Pagkatapos kong pagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin ay itinabi ko agad ang paper bag sa gilid ng aking higaan at nagmamadaling lumabas ng silid.

Bumungad ulit sa akin ang sala sa ikalawang palapag. Ginamitan nila ng neutral na paleta ang naturang sala na nakapagbigay ng malikhain na ilusyon para pagandahin pa lalo  ang maliit na  espasyo ng bahaging ito para pagmukhaing malawak. May apat na seater na sofa na kulay gray, sa ibabaw nito may apat na throw pillows. Dalawa ay hugis parihaba na pinaghalo ng kulay asul na turkesa at puti, ang dalawang unan naman na mas maliit sa dalawang unan at hugis parihaba ay pinaghalong kulay pula at pink. May maliit na bilugang kahoy na mesa sa gitna, na may malagong halaman at dalawang pirasong libro at isang bakanteng ashtray. Sa tapat ng apat na seater na upuan ay isang 77 inches flat screen na telebisyon. May dibisyon sa bawat gilid nito at may mga librong nakalagay, isang napakagandang painting, hugis araw na wall clock, at apat na klase ng indoor cactus. May asul na cotton carpet naman ang  nakalatag  sa sahig. Gawa sa kahoy ang tiles sa buong ikalawang palapag.

Pinagmasdan ko muna itong maigi  bago ko napagdesisyonan na bumaba.

Pagkababa ko naman bumungad sa akin ang dining area nila Roger na nakapwesto lamang sa tapat ng  malawak na lawn sa labas. Pang-six seater ang marmol na mesa, na may anim rin na wooden na upuan. Nakapatong sa ibabaw nito ang isang vase na puno ng bulaklak ng marigold at hinaluan ng orchids.

Lumiko ako sa isang pintuan kung saan matatagpuan ang kusina ng bahay. 

Naabutan kong naghahanda na ng pagkain si ate Melleza habang si Analie naman ay nakatalikod na nag-aayos ng mga kubyertos. Nginitian agad ako nito nang mapansin niya ako na nakatayo sa gilid ng pinto.

"Magandang umaga sa'yo, ineng!" Bati agad nito sa'kin. Kagaya ni Analie ay plain rin ang mapusyaw na kulay pulang suot nitong uniform.

Nilingon agad ako ni Analie at pairap akong pinasadahan ng tingin.. Natatawa ako sa paraan nang pakikitungo nito sa'kin. Hindi ko nalang ito binigyan pa ng pansin bagkus sinagot ko ang pagbati sa akin ni ate Melleza, " magandang umaga rin po. Pasensya na po at late na po akong bumaba. "

"Naku, namamahay ka lang. 'saka hindi mo naman kailangang gumising ng maaga dahil si baby Reema lang naman ang aasikasuhin mo rito."

"Nakakahiya naman po kung hindi ako tumulong. " Aniya ko sa isang mahinhin na pagngiti.

"Sus, h'wag ka ng mahiya! Ang totoo, wala rin naman kaming masyadong ginagawa rito. " Sagot ni Analie sa akin na nauna nang pum'westo sa hapagkainan.

Sinenyasan ako nito na umupo na para kumain. Tumalima naman kaagad ako.

"Ang gagawin mo lang naman  dito ay bantayan ng maayos si baby Reema. Minsan sinasama ka ni ma'am kapag may mga importanteng lakad siya, na kailangang kasama rin si baby Reema. Hindi mo na rin dapat problemahin ang paglalaba ng mga damit ng bata dahil tuwing sabado'y may pumupunta ritong labandera." Pagpapaliwanag ni Analie sa akin. Kahit medyo puno ang bibig nito habang nagsasalita ay naintindihan ko pa rin kahit papano.

Tumatango-tango ako sa mga sinasabi nito sa akin. "Maiba po tayo. Matagal na po ba kayo rito?"

"Si Ate Melleza ay dating yaya ni Sir. Kung hindi ako nagkakamali ay mahigit 35 years na siyang naninilbihan kay Sir, tama ba 'te?" Nilingon pa ito ni Analie upang bigyang kasiguraduhan ang naging tanong nito. Bilang pagtugon ay isang mahinhing mga ngiti naman ang ginawa ni ate Melleza at dahan dahang na tumango.

"Ikaw?"

Interesadong tanong ko na humarap naman sa kanina pa nagsasalitang si Analie..

"Two years pa lang ako rito. "

Parang kargador naman kung kumain ang babaeng 'to. Nakalimang sausage na siya samantalang ako ay dalawa pa lang ang aking naubos.

"Pero, matagal na akong naninilbihan kay Sir! Pinapaaral niya kasi ang dalawa ko pang nakababatang mga  kapatid kaya ang kapalit n'on ay ang magtrabaho ako sa kanya bilang errand girl. " Dagdag pa nito. Habang nagsasalita ay wala ring tigil ang pagnguya nito.

"Errand girl? "

"Oo, 'yong tagaligpit ng mga gamit niya. Minsan inuutusan niya ako na magbayad ng mga bills; like kuryente, tubig o 'di kaya taga grocery. Mga gan'on..." Nilantakan naman nito ang mangga. " Tsaka, tagahatid ng mga regalo sa mga nililigawan niya! " Takip nito ng kamay sa bibig, kunware bumubulong ito para hindi marinig ni ate Melleza pero nahampas pa ito ng huli.

"Ah, 'yon pala 'yon!" Tango-tango ko naman habang inuubos ko ang pangatlong sausage na kinakain ko. Marami pala siyang nililigawan rito. Dismayado kong isinubo ang huling piraso ng sausage.

"Naku, ang daldal mo talaga Analie! Mam'ya niyan marinig ka pa ni ma'am!" Sita kaagad nito kay Analie.

"Wala pa naman si maam dito eh!" Napalabi pa nitong pangangatwiran.

"Kahit na! Baka nakakalimutan mo na si Sabrina ay inaanak 'yan ni ma'am! Lagot ka, isusumbong ka talaga niyan!" Pananakot pa nito kay Analie na ikinatawa ko na lamang.

Tiningnan naman ako ni Analie. Tinatant'ya kung ano ang susunod na sasabihin.

"Hindi naman mukhang balimbing itong si Sabrina, eh! Kung nagkataon na magsusumbong siya ay ako talaga ang makakalaban niya!" Irap pa nito sa akin. Tama naman siya dahil hindi talaga ako magsusumbong.

"Ayoko ng kaaway at mas lalong ayoko ng gulo." Pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa habang nakangiti..

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Feeling proud pa itong napatango sa harapan namin. Nginitian ko lang ito. Mukhang marami itong alam tungkol kay Roger.

"Ano po ba ang trabaho ni ninang at kuya Roger?" Pag-iiba ko na naman sa pinag-usapan namin ngayon.

"Ay hindi pa pala nabanggit ni Sir sayo?" May pagtatakang tanong ni Analie sa akin. Umiling lang ako. Totoo naman na hindi pa naikwento ni Roger sa akin ang naging trabaho niya. Wala rin akong alam sa trabaho ni ninang. Ngayon ko lang din naisipan na mag-usisa tungkol sa trabaho nilang dalawa.

"Manager si ma'am sa isang boutique na pagmamay-ari ni ate Rochelle, habang si Sir naman ay isang property consultant."

Tumayo na si Analie habang nagpapaliwanag sa akin. Dumiretso ito sa harap ng lababo. Tapos na kaagad itong kumain.

"Kaano-ano nila si, Rochelle?"

"Nakatatandang kapatid 'yon ni Sir. Magkasing bait sila ni Sir. Mamaya makilala mo 'yon." Excited na wika pa nito sa akin.

"Eh si ninang hindi ba mabait?"

Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. Medyo alanganin pang ngumiti si Analie bago ito  humarap  sa akin. Pero akmang magsasalita na sana ito nang...Naagaw ang pansin namin nang makarinig kami ng malakas na busina mula sa isang sasakyan. At nakikita ko ang mga natatarantang hitsura nina ate Melleza at Analie. 

"Ano pa ang tinutunga tunganga mo d'yan? Buksan mo na ang pinto, Analie! " Singhal ni ate Melleza rito, na kinaripas naman kaagad nito nang takbo papunta sa labas at upang pagbuksan ang  gate ng bahay.

" Sabrina, magligpit ka na at magpapainit lang ako ng ulam dahil and'yan na si ma'am!" Taranta rin itong naghagilap ng gagawin.

Tumalima naman agad ako. Hindi ko maiwasang mapaisip. Pakiramdam ko ay parang may mali...

Anong klaseng babae kaya si ninang kapag kasama niya ang mga ito? Masama ba siya? O baka ayaw lang nila kay ninang para kay Roger? Halos hindi maipinta ang mga hitsura nila ng dumating si ninang. Kitang kita ko base nalang sa mga reaksyon ng mga mukha ng mga ito, lalo na ang kilos nila na may hindi talaga tama. 

'Salbahi ba si ninang? Masama ba ang ugali nito? Bakit ganito na lang sila ka taranta ng malaman nilang dumating na si ninang. Hindi kaya?'' 

Pilit kung inalis sa isipan ko ang pag-isipan ng masama si ninang, na  sana mali ako nang naiisip. Pero bakit ba ako nag-isip ng ganito kay ninang? 

vivaciouswitch

HI, 3 CHAPTERS PER WEEK ANG PAG-UPDATE KO.

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status