Share

Fields of Pleasure 3

NAGSIMULA nang lumamig ang simoy ng hangin ngayon dahil papalapit na ang buwan ng disyembre. Kaya mas binilisan ko pa ang pagbuhos ng tubig sa aking buong katawan para hindi ko na masyadong maramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo. Ayoko ring maabutan ng ibang tao na naliligo sa balon. Hindi na kasi ako sanay na maligo ng lantad sa labas. Kung hindi lang sana nasira ang aming banyo ay hindi ako mag-aaksaya ng oras na maligo rito.

Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong magpunas at magtapi ng tuwalya sa katawan. Palinga-linga pa ako sa buong paligid kung wala bang  ibang mga dumaraan at nagmamadaling pumunta sa pinakaunang puno ng saging na  aking nakikita. Nagkubli ako rito upang magtanggal ng  basang damit. Nagdala na rin ako ng mga tuyong damit na ipampalit.

Maingat at mabilisan ang ginawa kong pagbibihis ng may maulinigan ako na  mga kaluskos.

Nagmumula ang ingay sa kabilang puno ng saging. Malapit lamang din sa puno ng saging na aking pinagkukublihan ngayon.  Bigla akong nakaramdam  ng kaba. Ito ang pinakaayaw ko talaga, sa tuwing  naliligo ako sa balon. Pero ang aking ikinapagtataka  ay kung bakit sobrang aga naman. Dahil sa aking pagkakatanda ay wala pang napapagawing tao ng ganitong mga oras. Pasado alas singko pa lang kasi ng madaling araw. Kaya pilit na iwinaksi  ng aking isipan ang kutob na nararamdaman. Nagmamadaling isinuot ko kaagad ang dala kong jogging pants. At mabilisang binalot ang buhok ko ng tuwalyang dala.

Handa na sana ako sa pag-alis ng muli ko na namang narinig ang kakaibang ingay.  Animo, kinakapos ito ng hiningaPinakinggan kong mabuti ang ingay na aking narinig, nagbakasakali na baka mali ako ng hinala. Ngunit, napagtanto ko rin na hindi isang hayop ang nagtatago sa kabilang puno kundi isang tao. Kaya, imbes na matakot ay umusbong ang galit sa aking dibdib. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang binabastos ako. Hindi ako napapalagay kapag hindi ko  ito natuturuan ng leksyon ang mapangahas na taong iyon.

Naghagilap ako ng magiging sandata ko kung sakaling manlaban ito. At hindi naman ako nabigo. May nakita akong nabaling sanga ng saging at agad ko itong pinulot. Medyo matigas pa ito at isang hampas ko lang sa bagay na ito ay tiyak magkakapasa talaga.

Dahan-dahan akong umikot, sa kabilang bahagi, nagtago at nagpalipat lipat sa mga puno ng saging. Hanggang sa nakita ko na ang bastos na nilalang na nambuso sa akin.

Kalmadong nakasandal ito sa puno ng saging habang nakapikit at paimpit na umuungol. Hindi ko masyadong naaninag ang pagmumukha nito dahil madilim pa lang. Kaya, maingat ko itong nilapitanMakakatikim talaga ang bastos na nilalang na ito sa akin ng mega palo dahil sa kapangahasang ginagawa niya. Subalit bigla akong natigilan ng akmang

ihahampas ko na sana sa kanya ang sanga ng saging. . .

Nagulat na lang ako  kasi bigla nalang  itong nangisay , kaya nakaramdam ako ng takot. Sa halip na hahampasin ko na sana ito, ay nabitawan ko ang bitbit na sanga ng saging at nagmamadali akong lumapit dito at malakas na niyugyog ang magkabilaang balikat nito. Paimpit itong sumigaw na animo sinasapian ito ng sampung demonyo.

Tarantang

taranta ako sa aking nasaksihan, ngunit, makalipas ang ilang minuto sa ganoong

tagpo ay bigla na lang itong tumigil, at parang walang nangyaring kakaiba. Kalmado at nakangisi pa itong humarap  sa akin.

Hindi pa ako naka-move- on sa nangyari at nagulat pa ako nang mapagtanto ko na ang pangahas na lalaking nambuso sa akin ay walang iba kundi ang nobyo ni ninang--si Roger!

Hindi agad ako nakaimik. Maraming salita ang gustong lumabas sa aking bibig  kanina na gusto ko pa sanang sabihin pero ngayong nalaman ko na kung sino ito ay parang natameme ako. Nalunok ko pa ata ang aking dila.

"Sorry, hindi ko napigilan. "

Hinging paumanhin nito na akala mo ordinaryo lang sa kanya ang kabalastugang ginagawa niya saakin ngayon.

"Ang totoo, sinundan talaga kita rito para mabantayan. . .  Kaso, hindi ko kasi alam na maliligo ka pala kaya nawalan na ako ng choice kundi ang panuorin ka. "

Pangangatwiran pa nito, na hindi ko man lang nakikitaan ng pagsisisi pero hindi ko na masyadong maintindihan ang iba pa nitong sinasabi dahil mabilis ko na itong tinalikuran.

Hinabol pa ako nito, " wait! "

Ngunit hindi ko na ito muling nilingon pa. Hindi ko kasi alam ang aking nararamdaman  ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking sarili  kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa nobyo ni ninang. At para makaiwas, ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad.

Huli ko na ngang  mapansin na naiwan ko pala ang sabonera  na kanina ko pa bitbit, pati na ang pinagbihisan kong mga basang damit kanina. Gusto ko pa sana itong balikan, ngunit nagdalawang isip na ako. Isa pa at malapit na ako sa aming bahay. Kaya napagdesisyonan ko na lang na mamaya ko nalang ito kukunin dahil ayokong makasalubong ang pagmumukha ng nobyo ni ninang.

'Ang tanga-tanga mo Binang! Bakit hindi mo siya pinalo? Bakit mo pinalampas ang isang iyon? Dapat

binugbog mo siya eh! Pero bakit wala ka man lang ginawa?!' kastigo ko pa sa aking sarili habang naglalakad. Naiinis ako sa aking sarili ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Kaya hindi ko kaagad napansin ang nakausling ugat ng isang puno sa aking daraanan. Huli ko nang makita ito.  Natapilok na ako at wala sa sarili napaupo sa lupa habang mariing  napapikit ang mga mata.

SOBRANG sakit ng aking paa. Nakakapanghina sa pakiramdam ang pagkirot nito. Nasalo ko na ata ang kamalapasan ngayong araw. Akala ko pa nga ay naputulan na ako ng ugat sa paa dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Kaya dahan-dahan akong nagdilat  ng mga mata para suriin ang paa ko kung may galos ba ito, pero, napatigil ako. Nagtataka ako kung bakit naging iba ang suot ko ngayon. Tandang tanda ko pa na nakatsinelas ako, bakit nakasuot na ako ng sandalyas ngayon.

Nakapagtataka naman, kanina lang ay nasa bukid ako pero ngayon ay nasa loob na ako ng isang sasakyan. Namamaligno ata ako.

"Are you okay, Sab?" Napaupo ako ng matuwid nang marinig ang isang pamilyar na boses.

Tumingala ako at saktong pag-angat ko ng mukha ay napagawi ang tingin ko sa salamin at nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Roger sa akin.

Napaigtad na naman ako ng hawakan nito ang aking braso.  Ang init na nagmumula sa kanyang mga palad ay nagdudulot sa akin ng kakaibang sensasyon.

"Please, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo ngayon."

Mababakas sa tono ng pananalita nito ang labis na pag-aalala.

Naalala ko na. Ngayon pala ang araw na lumuwas ako ng maynila para mamasukan kina ninang. At kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Roger ngayon.

Bumuntunghininga muna ako bago ko siya sinagot, "oo, ayos lang ako. Naalimpungatan siguro ako dahil nagkapulikat ang binti ko. "

Pero tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Hinahaplos nito ang braso ko habang nagsasalita, "are you sure?"

Ito na naman ang pakiramdam na hirap na hirap akong labanan. Ang init na nagmumula sa mga palad niya at ang paraan ng paghaplos niya sa aking braso ay parang nagniningas na apoy. Mahirap labanan, kaya hangga't kaya ko pang kontrolin ang aking sarili ay mabilis kong hinawi ang kanyang kamay  sa aking braso.

"Ayos lang po ako." Mariin kong sagot sa kan'ya.  Imbes na magalit ito dahil sa ginawa kung paghawi sa kamay nito ay  hindi man lang  ito pumalag at isang simpleng pagtango lang ang tanging naitugon nito.

Itinuon ko ulit ang aking atensyon sa labas at ngayon ko lang napagtanto na naka-park ang sasakyan niya sa isang bakanteng lote.

Bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba. Sobrang dilim kasi ng paligid. Tanging ang liwanag lamang ng ilaw ng sasakyan ni Roger ang nagsilbing liwanag dito ngayon.

Kaya naglakas loob akong magtanong,

"Malayo pa ba tayo?"

"Actually, no! Nasa unahan lang ang subdivision na tinitirhan namin. Itinigil ko nalang muna ang sasakyan kanina dahil I'm worried about you. " Bumuntunghininga muna ito bago inistart ulit ang engine.

"H'wag kang mag-alala, ayos lang talaga ako." Mahinang tugon ko sa kanya.

"Okay." Maiksing sagot nito at seryosong nakatuon na ang pansin sa daan.

Wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa isang malapad na gate. Pansin ko na kahit nandito na kami ay madilim pa rin. Mangilan ngilan lang ang mga bahay na may ilaw.

"Goodevening, Sir. Kayo po pala 'yan, " saludo ng gwardya kay Roger.

Nakabukas na ang bintana sa banda ni Roger at kinakausap nito ang gwardyang bantay.

"May sumabog po kasing linya kaya nagbrown out. Tapos, ayaw pang gumana 'yong ibang koneksyon kaya iilan lang sa mga bahay ang nagkailaw. " Mahabang pagpapaliwanag ng gwardya.

Pagkatapos nilang mag-usap ay pinaandar na ulit ni Roger ang sasakyan. Saglit lang ang itinakbo nito at huminto kaagad ito sa isang bahay. Hindi ko gaanong kita ang pinakaharapan nito ngunit  nasisiguro kung malaki at malawak ito.

Pumasok kami sa isang automatic na bakod. Nagkukusang bumukas  ito ng dumating kami. Isang bakod na hanggang leeg ko lamang ang taas.

Nagbusina si Roger at mabilis na nagbukas ang malaking pintuan ng bahay. May lumabas na dalawang babae na nakasuot ng pantulog na damit.

"Goodevening, Sir!" Magalang at sabay na bati ng dalawang unipormadong babae.

Tango lang ang itinugon ni Roger sa kanila. Sumenyas ito na kunin ang dala kong bag sa compartment ng sasakyan at tumalima naman kaagad ang kasambahay. Humarap ito sa kanya pagkatapos makuha ang dala kong bag.

"Ate Melleza, pakihanda po kami ng makakain. Analie, pakiakyat ang bag niya sa silid ni Reema."

Ma-owtoridad na utos ni Roger sa dalawa.

"Pakisabi na rin sa ma'am ninyo na bumaba na para sabay-sabay na kaming kumain. "

"Sir, umalis po si ma'am ngayon. " Pag-aatubiling wika n'ong may bitbit ng aking bag.

"Saan siya nagpunta? Sinong kasama ni Reema sa taas?" Seryosong tanong ni Roger.

"Dinala po niya si baby Reema. Dumalo sila sa isang children's party sa kabilang subdivision. Kasama niya po si ate Rochelle at ang dalawa po ninyong mga pamangkin. "

Halata sa boses ng kasambahay ang pag-alinlangang sumagot.

"Sige, i-akyat mo na 'yan."

Mabilis namang tumalima ang kasambahay.

Kinontak niya si ninang at pagkatapos nilang mag-usap ay nakita ko pa ang makahulugang pagngiti ni Roger ng humarap ito sa akin.

"Kumain muna tayo bago magpahinga."

" Hindi po ba uuwi si ninang ngayon, kuya?" May pag- alinlangan kong tawag ng kuya sa kanya. Nasanay kasi ako na Roger lang ang tawag ko sa kanya pero baka magtaka ang mga kasama nila dito sa bahay.

"Hindi," nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng bigla itong bumulong sa akin. Hindi naman madilim ang bahay nila pero hindi rin gan'on kaliwanag. Kaya hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Sobrang lapit kasi ng bibig nito sa aking tainga  at ang init ng hininga niya ay sapat na para mangaliskag ang mga balahibo ko sa aking buong katawan. Hindi ko maiwasang mapapikit, pilit na nilalabanan ang sensasyong ginagawa nito sa akin.

Namasukan ako para sa pamilya ko. Ito ang paulit-ulit na pinapasok ko sa aking isipan. Kaya, huminga muna ako ng malalim at mabilis na lumayo sa pagkadikit kay Roger. Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito bago nagsimulang kumain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status