Share

CHAPTER 30 "I'M OKAY"

KINABUKASAN ay pinilit ni Daniel na gawing normal ang takbo ng buhay niya. Sa susunod na linggo na ang dating ng Mama at kapatid niya galing ng New York. At katulad ng gustong mangyari ni Marielle, kukuha sila ng second opinion at sa pagkakataong ito ay kasama na ito at si Danica.

Katulad ng normal niyang ginagawa noon, sinundo niya si Ara sa pagpasok sa eskwela. Maganda ang bukas ng mukha nito nang mabungaran niyang naghihintay sa terrace ng bahay. 

Sa ningning ng kislap ng mga mata ni Ara, alam niyang mahal na mahal siya nito. Walang duda iyon, ay iyon ang nagpapabigat ng husto sa dibdib niya. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit nang makasakay ito sa loob ng kotse.

Ramdam ni Daniel ang tila malaking tinik na nakabara ngayon sa lalamunan niya dahil sa pagpipigil niyang mapaiyak. Pero kailangan niyang maging matatag. Kung hindi, mapipilitan siyang aminin rito ang totoong kun

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status