LOGIN“I’m Sylvia,” sabay lahad nito ng kamay niya. Bahagyang tumango si Reign. “Reign,” pakilala niya saka magalang na nakipag-shake hands sa kanya. “Sorry kung nakaabala ako ha.” “It’s okay. Ano pong sadya niyo?” nakangiting tanong ni Reign. Ngumiti si Sylvia bago inilapag sa mesa ang isang maliit na sketch. “Magpapagawa sana ako ng customized wedding ring.” Agad na umupo si Reign sa tapat nito. “Sige po. Anong design po ang gusto niyo?” “Simple lang.” Inabot ni Sylvia ang papel. Tahimik iyong pinagmasdan ni Reign. “Combination po ng pearl at gold?” “Yes.” Tumango si Reign habang sinusuri ang detalye. “Tapos po may engraving?” Ngumiti si Sylvia. “Yes.” “Ano po ang ipapalagay?” Bahagyang natahimik si Sylvia na para bang nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti ito at tumitig kay Reign. “Michael & Sylvia.” Natigilan si Reign. Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya. Unti-unti siyang napatingin kay Sylvia. “Sorry?” mahinang tanong niya. “Michael & Sylvia,” ulit nito
“Ma…” mahinang tawag niya. “Ang sabi ko… sino ang kausap mo?” Dahan-dahang ibinaba ni Leona ang tawag. Lumapit siya kay Reign at iginaya ito paupo sa kama. “S-si… Josef. ‘Yung sa event, naalala mo pa ba?” Dahan-dahang tumango si Reign. “B-bakit niya tinatanong kung nasaan ka?” Sandaling natahimik si Leona, parang pinag-iisipan ang isasagot. “Anak, baka nag-aalala lang. Alam mo naman ang nangyari sa mansyon ng Lucero, ’di ba? Saka… hindi na rin iba si Josef sa ’kin anak. He’s a friend.” kalmadong sagot nito. Napabuntong-hininga si Reign habang nakatingin kay Leona na para bang hindi pa rin kumbinsido. “Kaibigan ba o… may something?” mahinang dagdag niya. “Reign,” mahinahong saway ni Leona, “wala ’yon.” Pero hindi pa rin makampante si Reign. “Ma, wala namang problema kung makikipag-kaibigan ka, pero— kung magkaka-stepfather ulit ako tapos kasing sama o mas masama pa kay David, ayoko na Ma… hindi ka pa ba nadadala sa mga nangyayari sa atin ngayon?” Napatigil si Leona. Dahan-
Tulala pa ring nakatingin si Reign sa direksyon ng pintong pinasukan ni William habang mainit pa rin ang mukha niya.Dahan-dahan siyang napahawak sa labi niya saka mariing napapikit.“Diyos ko…” nahihiyang bulong niya sa sarili. “A-ako ba ang… first kiss niya?” natatawang bulong niya habang papasok sa silid ng mama niya.Pagpasok niya sa silid, himbing nang natutulog ang mama niya. Tumabi siya rito at mahigpit niya itong niyakap.“Goodnight, Mama. I love you…” bulong niya saka ito hinalikan sa noo.Umunat ng higa si Reign habang nakatitig lang sa kisame.“Alam mo, Ma, nami-miss ko na ’yung buhay natin dati na… kahit mahirap, masaya at ligtas naman tayo… hindi tulad ngayon na… nakakatakot na ’yung mga nangyayari.”Napabuntong-hininga si Reign saka nagpahid ng luha.“Lord sana… matapos na lahat ng gulo na ’to,” bulong niya saka pumikit.——Kinabukasan…“Kung hindi ka rin lang mapapasakin… dapat ka nang mamatay!”Pawis na pawis na napabalikwas ng bangon si Reign.Mabilis siyang napahawak
Maghapon na ang lumipas matapos ibalita ang nangyaring sunog sa mansyon ng mga Lucero, pero hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in kay Reign ang nangyari. Paulit-ulit pa ring nagpa-flash sa isip niya ang nagliliyab na mansyon ng mga Lucero na napanood niya sa balita sa TV. Mariin siyang napapikit at napasandal sa sofa. “A-ang ikli lang pala talaga ng buhay ’no?” hilam sa luhang sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Mahigpit siyang niyakap ni Leona habang marahang hinihimas ang likod niya para pakalmahin. “N-never kong naisip na mauuna pa pala sa ’kin si Cassandra…” garalgal ang boses ni Reign habang umiiyak. “Shhh… anak, tahan na…” mahinang sagot ni Leona. “Sabi kasi nila, kapag masamang damo ka, hindi ka agad mamamatay… pero bakit nauna pa sa ’kin si Cassandra? Ibig sabihin ba no’n, mas masama ako sa kanya?” kunot-noong tanong ni Reign habang nagpapahid ng luha. Agad siyang binatukan ni Leona. “Reign, ikaw! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Kahit gaano pa ka
Tahimik lang si Michael habang pinagmamasdan silang dalawa.“You know what?” napangisi siya. “Hindi na masaya sa bahay na ’to.”Unti-unting nagdilim ang mukha niya.“Wala na si Mommy… wala na si Reign… puro masasamang alaala na lang ang nandito.”Mariin niyang hinawakan ang lighter sa kamay.“At kayo…” parang lasing na itinuro niya ang dalawa. “Dapat na rin kayong mawala.”“Teka! Wala naman kaming ginawang masama sa ’yo!” humahagulgol na sigaw ni Manang Sabel.Biglang natawa si Michael.“Wala?” dahan-dahan siyang lumapit dito. “Ilang beses mong ginamit ang katawan ko noon habang bata pa ’ko, Manang?”Biglang namutla si Manang Sabel.“M-Michael…” nanginginig ang labi niya habang napapailing. “B-bata ka pa no’n… a-akala ko hindi mo na naaalala…”Biglang natawa si Michael pero walang buhay ang mga mata nito.“Hindi ko makalimutan,” malamig niyang sagot. “Kada hahawakan ako ng ibang tao… ikaw agad ang naaalala ko.”Unti-unting nanginig ang buong katawan ni Manang Sabel.“S-sorry… hindi ko
Walang nagawa si Sylvia kundi ang sumunod kay Michael papuntang airport. Dahan-dahan siyang lumapit dito at umupo sa tabi niya. Nilingon siya nito pero hindi nagsalita si Michael. Habang papasok sila sa boarding area, ilang beses na gustong huminto ni Sylvia. Gusto niyang magtanong. Gusto niyang magalit. Pero sa tuwing makikita niya ang mukha ni Michael, parang nawawala lahat ng lakas niya. Mahal niya ito. At kahit gaano kasakit, mas gusto niyang manatili sa tabi nito kaysa tuluyang mawala sa kanya. Pagpasok nila sa boarding gate, tahimik lang silang pumila kasama ang ibang pasahero. Pagkatapos ng ilang minuto, nakasakay na sila sa eroplano. Pagkaupo nila, agad na sumandal si Michael sa upuan at pumikit. Tahimik lang si Sylvia, nakatingin sa bintana habang pilit pinipigilan ang luha. Pero hindi niya rin kinaya. Unti-unting yumugyog ang balikat niya kasabay ng tahimik na pag-iyak. Napamulat si Michael saka napabuntong-hininga nang makita siya. “Sorry…” halos b
REIGN’S POVBahagya akong natigilan. Seryoso ba siya? Makikipag-date talaga siya kay Cassandra? Napayuko ako at napakagat nang madiin sa ibabang labi. “What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay. Seryoso talaga siya. Nanginginig ang mga kamay
REIGN’S POV Nagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Masakit. Pero— Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang nanigas ang katawan ko habang naghahalikan sila sa harap ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan sila. Pero wala akong
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari







