LOGINMagaling ang ginawa mo, Elina…” malamig na sabi ni Leonardo habang nakapamulsa ang mga kamay. “Kung palagi ka ba namang ganyan, eh talagang magkakabalikan tayo.”
Nanlisik ang mga mata ni Elina, nanginginig ang labi sa pinipigilang luha. “Anong pinagsasabi mo, Leonardo?! Bakit ganyan ka sa anak natin?!” halos pumutok ang dibdib niya sa sakit habang itinuturo si Elicia. Biglang tumawa si Leonardo—isang tawang walang saya, puno ng pait. “Hindi ko siya anak. TanSa loob ng Villamor Tower, naroon ang pekeng si Elicia kasama ang mag-amang sina Demon at Carlo. “Gusto ko nang umuwi sa mama ko!” malakas na sigaw ni Carlo nang magising siya sa loob ng silid. “Stop crying, Carlo! Kahit kailan, hindi ka na makakabalik sa mama mo!” matalim na saad ng pekeng Elicia habang mariing nakatitig sa bata. Mas lalo lamang umiyak si Carlo dahil sa takot. “STOP CRYING! Kapag narinig ka ni Demon, papatayin ko ang mama mo!” galit na sigaw nito. “So… iyon pala talaga ang plano mo? Ang patayin ang tunay na si Elicia?” malamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran nila. Nanlaki ang mga mata ng pekeng Elicia nang makita si Demon na nakatayo sa may pinto. “N-No… mali ang iniisip mo, Demon. Hindi ko—” “STOP PRETENDING!” mariing putol ni Demon. “Mga pulis, hulihin ninyo ang babaeng ito! At hanapin ninyo ang tunay kong asawa—si Elicia Villamor!” Agad na nilapitan ng mga pulis ang babae habang pilit itong nagpupumiglas. Lumipas ang ilang oras. Bumuk
“Tama ba ang ginagawa ko?” bulong ni Eli sa sarili habang nakatayo sa gitna ng katahimikan ng paint house. Para bang ang buong lugar ay humihinga nang mabagal, at siya lang ang hindi makasabay. “Bakit parang may mali… pero hindi ko maintindihan kung ano?”Hinawakan niya ang sariling sentido. May kumikirot na alaala sa likod ng kanyang isip, parang piraso ng salamin na hindi niya maikabit-kabit. “Bakit wala akong maalala nang maayos? Sino ba talaga si Daniel sa akin? At… anong dahilan niya para tulungan ako?”Ang mga tanong ay umiikot sa kanyang isipan na parang bagyong hindi tumitigil. Kanina lang, umalis si Daniel. Tahimik. Biglaan. At may bigat sa kanyang mga mata na parang may iniwan siyang hindi kayang sabihin.Ilang oras ang lumipas.Hindi mapakali si Eli. Sa bawat hakbang niya sa loob ng silid, tila may bumubulong sa kanya mula sa dingding, mula sa kisame, mula sa sarili niyang dibdib. Parang may katotohanang pilit lumalabas, pero siya mismo ang humaharang.Hanggang sa may napan
“Anong nangyayari? Sino ba ang taong dumating?” malakas na tanong ni Eli, halatang nag-aalala habang nakatago sa silid. “S-si Fiona…” maikling sagot lang ni Daniel. Hindi na niya naramdaman ang kirot ng sugat at ang dugong dumadaloy sa kamao niya; tila panandaliang napawi ng bigat ng emosyon na bumabalot sa kanya. Si Fiona ang dumating? Anong sinabi niya? Hinahanap ba niya ako?” tanong ni Eli sa sarili, bahagyang nanginginig sa takot at pag-aalala. “Hindi ka niya hinahanap,” mahinang paliwanag ni Daniel, pinapahid ang pawis sa noo. “Hindi mo ba narinig? Buong akala niya, ang babaeng kasama ni Demon ay ikaw… at hindi ibang tao.” Napabuntong-hininga si Eli, bahagyang napangiti sa gitna ng kaba. Hindi niya inasahan ang ganitong pangyayari—isang kalituhan na, sa kabutihang palad, nagbigay sa kanya ng panandaliang kapanatagan. Ngunit sa puso ni Daniel, nanatili ang galit at poot. Ang pagkawala ng kanyang ina at ang panlilinlang ni Demon ay patuloy na bumabalot sa kanya, sabay sa
“PASADO alas sais na nang makarating sina Eli at Daniel sa isang kompanya na dati nilang pinapasukan ni Fiona—at kung saan si Daniel ang manager noon. Bahagyang madilim pa ang paligid. Kakaunti pa lang ang empleyadong dumarating, at ang malamig na hangin ng umaga ay tila may dalang kaba. “Bakit dito tayo pumunta?” mahinang tanong ni Eli habang palinga-linga. “Baka makita tayo rito ni Demon? ’Di ba lagi siya rito? Kasi siya ang may-ari ng—” “’Wag kang mag-alala,” putol ni Daniel, malamig ngunit kontrolado ang boses. “Hindi na siya pumupunta rito. Ang kompanyang ito ay pag-aari ko na… at wala na siyang karapatang pumunta pa rito.” Napatigil si Eli. “Anong ibig mong sabihin?” Tahimik lang si Daniel. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa susi ng kotse, iwas ang tingin. May mga bagay na hindi pa niya kayang ipaliwanag. “Pumasok na tayo. Baka may makakita pa sa ’yo,” mabilis niyang sabi. “Talagang may makakakita sa akin dito. Kompanya ito,” sagot ni Eli na may halong inis at kaba.
Humakbang palapit si Daniel kay Elicia, mabigat ang bawat galaw na para bang pinag-iisipan niya ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata nito—mga matang punong-puno ng sakit, pagod, at matagal nang kinimkim na pag-asa. “Elicia,” marahan ngunit mariin niyang tawag. Napatingin si Elicia sa kanya. Namumugto ang kanyang mga mata, bakas ang puyat at walang tigil na pag-iyak sa mga nagdaang araw. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit niyang niyayakap ang sarili, tila pinipigilan ang sariling tuluyang bumigay. “Tutulungan kitang makuha ang anak mo sa pamilyang Villamor.” Parang tumigil ang mundo ni Elicia sa sandaling iyon. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata, at napaatras siya ng kalahating hakbang, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “T-talaga?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ka nagsisinungaling, Daniel? Hindi mo lang ba ako binibigyan ng maling pag-asa?” Napalunok siya, at tuluyan nang tumulo ang isang lu
Madaling-araw nang magising si Eli. Mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan at masakit ang ulo niya. Sa dilim, unti-unti niyang inalala ang lahat—at doon siya kinabahan. “Kailangan kong tumakas… kailangan kong mabawi ang anak ko sa babaeng ’yon,” nanginginig niyang sabi. “Ako ang tunay na Elicia, kaya ako ang dapat na nasa lugar niya.” Tumayo siya kahit nanghihina ang tuhod at buong lakas na sumigaw, “Tulungan niyo ako! Please! Tulungan niyo ako!” Ngunit walang sumagot. Ang boses niya’y agad nilamon ng katahimikan. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang bodega—malawak, malamig, at walang kahit sinong makakarinig. Naupo siya sa sahig, pilit pinipigilan ang takot, nang bigla siyang makarinig ng mahinang katok sa pader. Tok… tok… Nanlaki ang mga mata ni Eli. Mabilis siyang tumayo. “May tao diyan! Tulungan niyo po ako!” sigaw niya, umaasang may sasagot. Sa halip, biglang lumakas ang katok. Sunod-sunod na kalabog ang tumama sa pader, paulit-ulit at mariin, dahilan p
“Hindi ako papayag,” mariing bulong ni Leonardo, pero halata ang pagkadurog ng kontrol niya. Ramdam ng lahat ang tensyon na tila sasabog anumang oras. Lumapit si Don Toribio, mabigat ang hakbang, at tumigil sa harap ni Leonardo. “Anak, minsan hindi lakas ang kailangan… kundi tamang timing. Hindi
Sa pinakataas ng T. Empire Hotel—ang huling palapag na eksklusibong nakalaan para lamang sa mga Torrez—ay kumikislap ang mga gintong chandelier, ang sahig ay gawa sa imported na marmol, at ang bawat sulok ay may bantay na naka-itim, armado at hindi kumikibo. Dito nakatira at nananatili ang mga pina
Nanigas si Elina, parang may humigop ng hangin sa dibdib niya. “B-Bakit mo tinatanong ’yan… ngayon?” nanginginig niyang sagot, iwas ang tingin. Humakbang palapit si Leonardo, pero halatang takot din sa sagot na matatanggap. “Dahil kailangan kong malaman kung para saan ba ako lalaban. Kung ako ba
Pagkalabas ni Demon, napahawak si Elicia sa dibdib niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Ano ba ’yon…” bulong niya, nanginginig pa rin ang tuhod. Mabilis siyang nagbihis—ayaw niyang tuparin ni Demon ang banta nitong siya mismo ang magsusuot ng underwear niya. Pagbukas niya ng pinto, nandoon agad s







