Home / Romance / FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND / 🔥Chapter 13. Anniversary

Share

🔥Chapter 13. Anniversary

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-11-14 13:58:51

Pagkalabas nina Demon at Elicia, nanatiling nakabukas ang pinto. Tahimik ang buong sala, maliban sa patak ng tubig mula sa basong nabasag kanina.

“Hon… kilala mo ba talaga siya?” mahina ngunit nanginginig na tanong ni Elina kay Leonardo.

Hindi agad sumagot si sumagot. Nakapako ang tingin niya sa direksyong nilabasan ni Demon—parang may bahagi ng nakaraan na muli na namang binuksan, pilit niyang nililibing pero ngayon ay bumabalik nang walang babala.

“Leonardo…” bulong ni Elina, nanginginig ang boses. “Hindi mo maiintindihan…”

“Ang alin, honey, ang hindi ko maintindihan?” tanong ni Leonardo habang walang kamalay-malay na sinusubo ang meryenda sa mesa. “May problema ba—?”

Pero hindi na nakasagot si Elina. Tumigil lang siya, doon mismo sa mismong sahig na pinagbagsakan ng baso, habang unti-unting sumisiksik sa dibdib niya ang takot na akala niya’y nailibing na nang matagal.

Samantala, sa labas—

“H–Sir! Mr. CEO, w-wait!” hingal ni Elicia habang sumusunod kay Demon.

Hindi siya lumi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 139

    Sa presinto, tuluyan nang bumigay si Eli. Lumuhod siya sa malamig na sahig, halos gumapang papalapit sa mesa ng pulis na kausap niya kanina. “Maawa kayo… pakiusap,” basag ang tinig niya, paulit-ulit na nanginginig. “Hindi ko kaya… hindi ko kayang mawala siya. Anak ko ’yon… ako ang nagpalaki, ako ang nagpuyat, ako ang nagtiis.” Humahagulgol siya, noo’y halos idikit sa sahig. “Kahit ikadena ninyo ako pagkatapos… kahit ikulong ninyo ako habambuhay… basta makita lang niya ako,” umiiyak niyang sambit. “Huwag n’yo lang akong ihiwalay sa anak ko…” Ngunit nanatiling tahimik ang mga pulis. Walang galit. Walang awa. Trabaho lang. Sa Villamor Mansion, napaupo si Carlo, yakap ang sariling tuhod. Parang biglang lumiit ang mundo niya. Ang dalawang babaeng parehong nagsasabing ina niya—parehong sugatan, parehong umiiyak. “Kung hindi kayo…” nanginginig niyang wika, hindi na makatingin kaninuman, “bakit parang… may mali sa lahat?” Napapikit si Demon, parang tinamaan ng mabigat na katot

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 138

    Sobrang bigat ng hangin sa presinto. “HINDI AKO PWEDE MAKULONG! ANAK KO ANG BATANG IYON!” Basag at paos na ang boses ni Eli habang paulit-ulit niyang isinisigaw ang parehong linya, tila ba bawat sigaw ay kapit sa natitirang lakas ng kanyang kaluluwa. “Kahit pa sabihin ninyo kay Demon Villamor na ipa-DNA TEST AKO AT NG ANAK KO!” halos manginig na siya. “Malalaman nila… MALALAMAN NILANG AKO ANG TUNAY NA INA NG BATA!” Napaupo na siya sa sahig, yakap ang sarili, pero hindi huminto ang bibig niya sa pagsigaw—hanggang sa makulitan na ang mga pulis. Nagkatinginan ang mga ito bago tuluyang tinawagan ang Villamor hotline. Samantala, sa Villamor Mansion, mabigat din ang katahimikan. Nakatayo si Carlo Torrez Villamor sa gitna ng maluwang na sala—maliit ang katawan, nanginginig ang mga kamay, at halatang litong-lito. Ang pangalang iyon ang ibinigay ni Eli sa kanya. Apelyidong mabigat dalhin. Apelyidong may kapangyarihan… at dugo. Dahan-dahang lumapit si Demon Villamor. Hindi galit a

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 137

    “Limang taon na!” halos mapunit ang lalamunan ni Elicia sa tindi ng sigaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang nakatitig siya kay Demon, ang mga mata’y namumula at punô ng galit at sakit. “Limang taon na simula nang mawala ang anak ko!” nangingibabaw ang panginginig sa bawat salitang binibitawan niya. “Hindi kaya… ang batang ’yan ang anak namin ni Demon na matagal nang nawawala—at ikaw ang may kagagawan ng pagkawala niya!” Biglang nanlamig ang paligid. Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong garden venue bago ito napalitan ng sunod-sunod na bulungan. Ang mga bisita’y nagkatinginan, ang ilan ay napahawak sa dibdib, ang iba nama’y napasinghap sa gulat. “Anak ni Sir Demon?” “Limang taon ang edad… parang tugma…” “Hindi kaya totoo ang sinasabi niya?” Unti-unting lumakas ang mga usap-usapan, tila alon na unti-unting nilalamon ang engrandeng selebrasyon. Biglang nanigas ang panga ni Demon. Kumislap ang malamig at mabangis niyang mga mata habang mahigpit na kinuyom

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 136

    “Ano?!” Biglang umalingawngaw ang boses ni Demon sa buong bulwagan. Namula ang kanyang mukha sa galit habang mariing humakbang palapit sa babae. “Paano kami naging magka-match?! Imposible ang sinasabi mo! Saan mo kinuha ang blood sample ko?! Kasinungalingan ang lahat ng ’yan!” Iginuhit niya ang kamay sa ere na para bang pinuputol ang usapan. “Mga tauhan—ilabas ang lapastangang babaeng ’yan!” sigaw niya, nanginginig ang panga sa pagpipigil ng galit. Ngunit bago pa man makalapit ang mga guwardiya, mahigpit na niyakap ng babae ang bata at humarang. “Subukan n’yo lang siyang galawin!” sigaw niya, nangingilid ang luha ngunit matatag ang tindig. “Sinisiguro ko sa’yo, Demon, na makukulong ang babaeng ’yan sa kasong kabit!” Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na kamay ng bata, wari’y iyon na lamang ang lakas na humahawak sa kanya sa mundo. “Sinasabi ko na sa’yo—tanggapin mo ako at ang anak natin. Dito mismo, sa sarili mong pamamahay,” mariin niyang saad, puno ng pagsusu

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 135

    “Kailangan kong mahanap si Elina! Alam kong siya ang kumuha sa apo ko!” Mabigat ang boses ni Leonardo, puno ng galit at pangamba. Nanginginig pa ang kanyang kamao habang hawak ang gilid ng mesa sa police station. Walang paalam, tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas—parang may sariling isip ang mga paa niya. Hindi niya ininda ang sigaw ng pulis na humahabol sa kanya. Ang tanging nasa utak niya: Torrez Residence, ang dati nilang tirahan, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa labas, sumalubong ang malamig na hangin ng gabi. Bumuga ito ng usok sa bawat paghinga niya. Nakasakay siya agad sa kanyang sasakyan, padabog na isinara ang pinto, at pinaandar iyon na parang karerista—nag-iiskid pa ang gulong sa sementong basa ng ambon. Hindi niya alam… may anino na sumusunod sa kanya. Habang si Demon, seryosong nakaupo sa likod ng tinted na itim na van sa tapat ng presinto, tahimik na nagmamasid. Bahagyang umangat ang kanyang tingin. “Rumwaldo, ipasundan mo si Leonardo. Ngayon di

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 134

    Wala. Kahit ilang ulit nilang sinuyod ang ilalim ng ilog, kahit mangalay ang mga braso at manginig ang mga tuhod sa lamig, wala silang nakita—ni bakas ng sanggol, ni anumang palatandaan na naroon pa ito. Unti-unting umatras ang mga pulis, mabibigat ang mga hakbang, iwas ang mga tingin. Ang ilog ay nanatiling tahimik, parang sadyang itinatago ang katotohanan. Sa huli, wala nang nagawa kundi ang umalis. Tahimik ang biyahe pauwi sa mansion. Walang nagsasalita. Si Elicia ay nakatitig lamang sa bintana, yakap ang basang lampin na tila huling hibla ng pag-asa, habang tahimik na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Si Demon naman ay tuwid ang upo, mahigpit ang kamao, ang mga mata’y puno ng dilim at pangakong hindi bibitaw. Pagdating sa mansion, sinalubong sila ng malamig na katahimikan—isang tahanang kumpleto sa yaman, ngunit lubos na kulang sa pinakamahalaga: ang anak na hindi nila nahanap. Ngunit sa puso ni Demon, malinaw ang isang bagay—hindi pa ito ang wakas. Hahanapin niya ang kato

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status