Share

CHAPTER 6

VIAH's POV

Medyo nagtagal pa 'ko dito sa labas ng mall dahil hindi ko pa gaanong ma-absorb ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala.

But... I'm really happy.

I really am.

Pinunas ko agad ang nangingilid kong mga luha.

It's not the time to cry Viah. You should prepare everything to take her back.

First thing I should do is... go to that place.

Isla... Aparo?

It's quite familiar.

Napuntahan na ba namin 'yon?

Pero... bakit hindi namin siya nakita?

I need to find out what's going on.

Another thing... she can't remember me.

She might have been in shock. Or...

Something like amnesia?

I took a deep breath.

Okay Viah.

First, stop worrying about that. What's more important is that she's alive and well.

Although, by the looks of it, mukhang simple lang ang pamumuhay niya ngayon.

But I'm beyond grateful whoever they are or which family was it. I'll make sure to repay their kindness bigtime. For taking care of Zenice when I wasn't there for her in the past years.

After some time, I decided to get inside the mall.

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ko yung spot kung saan nakita si Zenice no'ng babaeng kasama niya kanina.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal.

This is her favorite ice cream shop kung saan lagi niya 'kong dinadala noon. The shop where we always used to go. Na halos naging mas madalas pa 'ko rito noon kaysa sa kanya kahit siya ang unang nagdala sa'kin dito.

Dito ko rin siya mas nakilala.

Long and fun conversation... 'yong kaming dalawa lang.

Nang dahil sa kanya natutunan kong maging simple lang sa maraming bagay.

Like...

Everytime I felt stressed, tired of everything, or even when there's some sort of celebration, I always go for a drink. With friends, or if not, just with Tobi.

But when she came into my life? I don't even know when and how did an ice cream tastes so good, or when did just a simple conversation became so special and an enjoyable moment, and how come that just by looking at her, it felt like I wanna gave up everything I have just to be with her.

"Viah!"

I came back to my senses when I heard Vico's voice. Halos patakbo siyang lumapit sa'kin.

"What the hell did happened?? Tobi told me that something's going on with you!" may galit ang tono niya pero mas ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

I don't know why I hugged him.

"V-Viah," he muttered.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya then gave him a smile after.

"I'm okay Vico. I'm... totally fine," I said.

He deeply sighed with relief.

"A-Are you sure?" he asked.

Tumango na lang ako sa kanya at umalis na sa harapan niya para pumunta na rin sa sasakyan ko.

I faced him again when I remembered something.

"Where did Tobi go?" I asked.

"H-His Dad is in the hospital kaya---" hindi ko na siya pinatapos.

I'll go to Tobi first. He was always there for me since then that I think I'm being a cruel friend to him. Aaminin ko na, ako madalas ang dahilan ng sakit ng ulo niya.

I'm everybody's headache as always. But Tobi is the only one who stayed.

Tuluyan na 'kong lumayo kay Vico dahil ayoko munang sabihin sa kanya ang tungkol kay Zenice.

I'm sure he won't believe what I'll say and I don't want him to stop me again from what I should be doing.

Lalo na ngayong mas kailangan kong makakilos nang malaya.

ELA's POV

"S-sorry po talaga dahil naabala pa namin kayo. May s-sakit po kasi ang nanay ko kaya hindi gaanong normal ang ikinikilos niya. Hindi po kasi siya mapalagay sa isang lugar kaya siguro umalis siya kanina sa tabi ko at basta-basta na lang tumawid sa kalsada. Sorry po talaga," sabi ng dalagita na kanina pa humihingi ng patawad sa'min.

May muntik na kasing masagasaan 'yong tricycle na sinasakyan namin kanina. Mabuti na lang at hindi naging malala 'yong lagay niya. Nagkagalos lang sa may siko at paa 'yong babae pero dinala pa rin namin sa ospital lalo na't iyak siya nang iyak. Hindi naman namin magawang iwanan na lang. Dinala siya sa emergency room at ngayon ay maayos na ang lagay niya.

"'Wag mo nang isipin 'yon. Sa susunod ay mas mag-iingat na lang kayo," sabi ni Elise sa dalagita sabay tapik sa balikat nito.

Maya-maya lang ay nagpaalam na kami sa kanya.

Napatigil kami sa may gilid ng ospital sa labas at naupo sa semento na may mga halaman sa gilid.

"Pa'no na tayo nito Elise?" malumbay na sambit ko.

Hindi agad siya nakapagsalita.

Hindi na kasi namin maaabutan si Mang Kanor sa oras na 'to.

Tumawag kanina si Aling Trining at sinabi namin ang nangyari. Pinauna na ni Elise si Mang Kanor dahil walang magbabantay sa asawa niyang may sakit. Taga roon din siya sa Isla namin at nakisabay lang kami sa kanya kanina nang dalhin niya sa pamilihan ang mga huli nila ng mga kapwa niya mangingisda. Iilan na lang kasi ang may maayos na bangka sa amin na magagamit sa pagpunta sa malayong bayan.

"Makikiusap na lang ako roon sa kaibigan ko na nakatira dito. Na baka pwede ay magpalipas muna tayo doon ng gabi sa kanila. Mapagkakatiwalaan naman 'yon at mag-isa lang din sa tinitirhan niya kaya sa tingin ko ay papayag siya," sabi ni Elise.

Tumango naman ako bilang sagot habang siya ay may kinakalikot na sa cellphone niya.

Napansin ko ang sunod-sunod niyang pag-ubo.

"A-ayos ka lang ba??" nag-aalala kong tanong sabay hagod sa likuran niya.

Kanina pa kasi umuulan at alam kong mahina sa lamig si Elise.

"Okay lang ako Isela. 'W-wag ka nang mag-alala. Sanay na 'ko sa ganito," sabi niya sabay mahinang tumawa.

Napabuntong hininga na lang ako. Agad ko siyang inalalayan nang tumayo siya.

"Halika na. Maglakad na tayo papunta sa kanila habang tinatawagan ko siya. Hindi naman 'yon gaanong malayo kaya pwede nating lakarin. Medyo madilim na rin kasi. Mabuti na lang at nagdala tayo ng payong," sabi niya.

Kinuha ko ang nasa kamay niya at ako na ang nagdala no'n lahat.

"Ako na. Payungan mo na lang ako," sabi ko.

Hindi na siya nakaangal kaya agad na niyang inayos 'yong payong. Paalis na sana kami nang may biglang nagsalita malapit sa amin.

"M-mam Ahn??" sabi ng isang medyo maliit lang na babae na parang nakakita pa ng multo. Mukhang galing siya sa labas ng ospital dahil basang basa ang payong na dala niya.

Tiningnan namin siya ni Elise nang may pagtataka. Mukhang nurse siya rito sa ospital dahil sa unipormeng suot niya.

Tumingin ako sa likuran namin at sa magkabilang gilid ko. Si Elise lang naman ang nandito saka ako. Malayo din sa amin ang ibang mga napapadaan.

Tinuro ko ang sarili ko, pakatapos ay si Elise habang nakatingin sa babae at parang tinatanong kung sino ba ang tinutukoy niya.

"Kayo po ba yan Mam Ahn??" tanong ulit niya habang medyo nakatakip ang bibig at parang paiyak na din. Pero malinaw na sa akin siya nakatingin.

Ann? Anne? An?

As in, an-an?---Aish!

Isela naman eh!

"U-uhm... N-nagkakamali po ata kayo. Isela po ang pangalan ko," alanganin kong sagot sa kanya.

Ano ba naman 'to. Kanina Zenice. Tapos ngayon naman, Ann? Lagi na lang akong napagkakamalan na ibang tao ngayon. Sa tingin ko hindi na lang dapat ako sumama kay Elise. Mukhang malas ako eh. Wala naman akong balat sa pwet.

Hmp.

"I-Isela?? Isela ba kamo???" mukhang hindi makapaniwalang tanong ulit niya.

"P-pasensiya na po ate ha. Kailangan na naming umalis ng kasama ko. Pero sigurado pong nagkakamali lang kayo. Baka kamukha ko lang ang tinutukoy ninyo. Sige po ha," pagmamadali kong sabi habang mabilis na inalalayan si Elise kahit marami akong dala. Umubo na naman kasi siya nang sunod-sunod. Nararamdaman ko na din ang lamig sa paligid kaya kailangan na talaga naming umalis. Baka magkasakit pa siya.

Bago namin iwan yung babae ay parang tuod naman siyang nakatayo lang doon. Buti nalang ay hindi na niya kami pinigilan katulad nung kaninang magandang babae.

Naalala ko naman tuloy.

Nagulat ako kanina nang makasakay kami ni Elise sa tricycle nang iwan namin 'yong babae kanina sa labas ng mall. Sa tingin ko kasi ay hindi ako makahinga kaya napahawak ako sa dibdib ko at doon ko lang naramdaman ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Kaya simula no'n ay nabagabag na 'ko masyado. Kung hindi pa dahil sa nangyaring maliit na aksidente kanina, siguro ay muntanga pa 'ko hanggang sa isla.

"Ayos ka lang Ela?" tanong ni Elise na mukhang nag-aalala sa nangyari.

"Wag mo 'kong alalahanin. Mukhang... masyadong common ata ang mukha ko rito kaya maraming kamukha. Sa tingin ko ay sa isla na lang dapat ako mapirmi dahil nag-iisa lang ang mukha kong maganda roon. Hahahaha!" sabi ko na ikinatawa naman niya.

Natigil kami sa biglaang pag-ring ng cellphone niya.

"Hello Carlo?" sambit niya kaya agad akong napatingin.

Lalaki ang tinutukoy niyang kaibigan??

"Ah... K-kasi... nagka-problema kami ng kasama ko at h-hindi kami nakauwi sa isla... P-pwede bang... makituloy muna kami sa'yo? Ngayong gabi lang! Maaga kaming aalis bukas. Pangako," sabi ni Elise na mukhang hiyang-hiya.

Hindi ko alam kung ba't napataas ang kilay ko.

Hala... Tumataray na ba 'ko?

Umayos ka Isela!

Maya-maya pa ay mukhang malungkot na ang itsura niya.

"A-ah... Gano'n ba... Hindi! Okay lang. Maghahanap na lang muna kami ng matutuluyan. Napakarami naman dito sa lugar niyo 'di ba? Nagbabakasakali lang naman ako dahil matagal na rin tayong hindi nagkikita. Gusto ko sana makipagkwentuhan. Hahaha!... Oo... Isang gabi lang naman kaya wag ka nang mag-alala... Oo... Sige... Salamat at pasensiya na sa abala...Oo naman... Sige, ingat din," sabi ni Elise at binaba na rin ang cellphone niya. Pagkatapos ay hinarap niya 'ko.

Kita ko ang mukhang pagod na niyang mga mata. Medyo matamlay na rin siya kumilos. Napansin ko rin ang kabilang balikat niya.

"Ano ba yan Elise! Hindi ka ba marunong magpayong?? Basa ka na o!" sabi ko sa kanya at lumapit agad ako para mapunta sa may side niya ang payong.

"Dun nga muna tayo!" sabi ko sabay lapit sa isang pamilihang mukhang sarado na. Sumunod naman agad siya habang pinapayungan pa rin ako.

"Umuwi siya sa probinsiya nila kaya wala siya sa tinutuluyan niya rito ngayon," sabi niya. Hindi naman na 'ko nakapagsalita.

Ibinaba ko muna ang mga pinamili namin sa may gilid.

Hala. Mukhang nababasa na rin ang mga 'to.

Hindi ko na muna masyadong inalala pa 'yon. Mas importante pa rin si Elise.

Magsasalita na sana ako nang bigla na naman siyang umubo. Nakahawak na rin siya sa sintido niya at nakapikit pa ang mga mata.

"E-Elise!" inalalayan ko siya sa bewang para hindi siya tuluyang matumba. Mukhang nanghihina na talaga siya.

Sobrang pag-aalala at pagkataranta na rin ang naramdaman ko. Sa tingin ko ay naluluha na rin ako.

"Z-Zenice?? What happened???"

Hindi ko alam kung bakit napanatag ang loob ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Inangat ko ang ulo ko at nagulat naman sa nakita ko.

Alam kong matamlay na rin ang mga mata ko pero pilit ko pa ring inaaninag ang nasa harap namin dahil hindi ako sigurado sa nakikita ko.

Agad siya sa'ming lumapit at ibinaba ang katawan kaya magkatapat na kami ngayon.

Literal na lumaki ang mga mata ko kaya mas lalong malinaw na ang mukha niya.

Siya 'yong babae kanina sa mall! Yung babaeng pula ang buhok!

Medyo nabasa ata ang buhok at mukha niya dahil sa ulan.

Pero parang ang ganda pa rin niyang tingnan kahit medyo magulo ang buhok nito.

Jusko Isela! Ano bang sinasabi mo! Nangyari na't lahat lahat ganyan pa rin ang---

"Zenice?! Are you okay?? Bakit kayo nandi---what happened to her??" rinig kong tanong niya na mukhang alalang-alala nang mapabaling ang tingin nito kay Elise.

"A-ahh... M-may nangyari kasing hindi inaasahan kaya h-hindi kami nakauwi. Mukhang m-may sakit din si Elise dahil sa ulan at l-lamig.. K-kaso h-hindi ko alam kung san pupunta at---"

"Get up and come with me," putol niya sa sinasabi ko saka siya tumayo.

"H-ha? P-pero---"

"Hahayaan mo siyang ganyan? And look at yourselves! Mukha kayong palaboy laboy! Pa'no kung may mangyari sa inyo rito?? Mga babae pa naman kayo!" mukhang galit na sabi niya.

"Hindi ko hahayaang may mangyari na naman sayo Zenice. H-Hindi ko na kakayanin..." sabi pa niya na parang nagmamakaawa.

Nakita ko na naman ang mga mata niyang 'yon.

Bago pa 'ko makapagsalita ay binubuhat na niya si Elise kaya agad ko namang inalalayan ang bewang nito.

Ipinasok na namin siya sa sasakyan ng babae at nagulat ako nang minadali niya ring papasukin ako.

"'Wag kang magpapaulan. Baka magkasakit ka rin. At 'wag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao... at mas lalong hindi ako baliw," sabi niya. Isasara na sana niya ang pinto ng kotse pero hinarap niya ulit ako.

"Sayo lang pala," sabi niya sabay ngisi. At tuluyan nang isinara ang pinto.

Napalunok naman ako sa huling sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit napahawak ako sa pisngi ko.

Marahan ko naman 'tong sinampal dahil baka kung ano naman ang isipin ko.

Ano ba Isela. Si Elise na muna alalahanin mo, okay?

Hinawakan ko ang noo niya at mukhang mainit nga. Bakit kasi ngayon pa umulan? Ang ganda naman ng panahon pag-alis namin sa isla kaninang umaga.

Maya-maya pa ay pumasok na rin 'yong babae... dala-dala 'yong mga pinamili namin.

Nilagay niya 'yon sa katabi niyang upuan.

Tiningnan niya 'ko at mukhang nagulat nang makitang nakatitig na pala 'ko sa kanya.

"A-ah... It looks like... these are important to you. Kaya dinala ko na rin dito," sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

"S-Salamat..." sabi ko at tumahimik na rin.

Hindi ko kasi inaasahan na... maiisip pa niya 'yon.

Na kahit ako ay hindi ko na napansin pa kanina 'yong mga dala namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status