"Tobi ano ba?! Pwede ba kahit ngayon lang??!" I yelled at my gay bestfriend as he tried to pull a glass of vodka from my hand.
Tiningnan niya lang ako gamit ang ekspresyon na bilang lang niya ginawa since we became friends. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya kapag ganoon ang mga matang ibinabaling niya sa'kin. Isa lang ang sigurado ako. Alam kong sobrang pag-aalala ang nararamdaman niya for me. Dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaganito.
Ngayon lang ako nasaktan ng ganito...
"I... badly need this... please..." I said, almost pleading.I saw his eyes caught on something or maybe on someone kaya nawala ang mga tingin niya sa'kin. And so I had the chance to drink it dahil kanina ko pa 'to gustong tunggain.Ibinagsak ko sa bar counter ang hawak kong baso pagkatapos kong inumin ang laman.
I heard Tobi sighed deeply. Pero hindi ko siya pinansin at sumenyas pa sa bartender for another glass.
Bakit gano'n? Hindi ko malasahan 'yong nakasanayan kong pait sa alak na 'to ngayon. Sobrang init lang ang nararamdaman ko na dumadaloy pababa sa lalamunan ko."I'll be back right away Viah. Wag na wag kang magbalak na umalis sa pwestong 'yan kung ayaw mong majombag kita mamaya. Wag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo kong bakla ka nakooo! Naiintindihan mo ba, Viah Isela Trianes??" may pagka-iritang sabi niya sabay nagmamadaling umalis sa harap ko nang marealize niya na wala akong balak na sagutin siya.Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag-inom.Much better. Walang istorbo.Bigla akong napayuko at napahawak sa dibdib nang mag flash na naman sa utak ko ang nangyari at mga nakita ko. Kumunot ang noo ko at mariing pumikit. I also bit my lower lip to stop myself from crying again.Ayoko nang umiyak...parang unti-unti akong nauubos... nanghihina... namamatay.Medyo marami na rin akong nainom pero bakit gano'n?Akala ko ba nakakalimot ang isang tao kapag umiinom??
Hindi ba 'yon exclusive for me?? Kahit sandali lang??
Damn it.
Umalis na 'ko sa pagkakaupo sa bar stool at naglagay ng cash sa counter. I didn't bother to check the amount na hinugot ko lang from my pouch. I don't care if I gave too much. Just wanna get outta here. Nairita 'ko bigla sa paligid.May umalalay sa'kin nang muntik na 'kong matumba.Agad kong tiningnan nang matalim ang lalaking nakapulupot na ngayon ang kamay sa bewang ko.He gave me his sweetest smile but sorry, I can see everything behind that."You're drunk lady. If you want, I'll escort you and drive you home," the jerk said."Really?" I asked then gave him a smile too.
Pansin ko ang pag-aliwalas ng mukha niya. Tss.
"Bullsh*t," sabi ko sabay biglang seryoso ng mukha.I rolled my eyes on him and was about to walkout when he grabbed my arm kaya agad akong napaharap sa kanya.Lalong uminit ang ulo ko kaya bago pa siya makapagsalita, buong lakas ko nang inapakan ang paa niya."Oh fck!!!" d***g nito sabay hawak sa basura niyang paa habang patalon talon.For me, isa yan sa mga silbi ng pagsusuot ng heels.Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palabas."Dude! Why did you mess with a Trianes, you stupid??" rinig kong sabi ng kasama ata ng ugok na 'yon.
Tss. Suckers.Nang makarating ako sa parking lot, hindi ko alam kung bakit napahinto na lang ako bigla sa paglalakad. At maya-maya pa ay bigla na lang akong napahikbi.My knees suddenly weakened and made me crouched. I covered my face with both of my hands because of frustration, as my tears continuously gushed down my face.Sa mga ganitong pagkakataon, lagi siyang nandito para patahanin ako. And with just a simple hug, a kiss on my head, or a slight tap on my back, all my worries would fade.Pero pa'no na ngayon na siya na ang dahilan ng sakit at pag-iyak ko?Dahil hindi ko matanggap ang inaasal ko ngayon, pilit kong kinalma ang sarili ko.I wiped my tears and stood up.
I could finally see my car when I saw Tobi from afar. Talking with someone.Maingat akong lumapit.At parang unti-unti na namang dinudurog ang puso ko sa sakit dahil sa taong nakita ko kaya napasandal ako sa poste na malapit din sa kanila."Alam kong hindi magagawa 'yon ni Zenice, Vanessa," I heard Tobi said.
"Hahahaha! How could you say that when you saw everything?" sagot ni Vanessa na parang enjoy na enjoy pa sa mga pinagsasasabi niya.I gritted my teeth. I want to slap her hard, pull her hair until she gets bald, or kick her face out of this world.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagpipigil ng galit.
"I don't believe you btch," madiing sagot ni Tobi.
I know how he is restraining himself from anger like me.
But he's making me bother. I don't know what he is trying to say.
Narinig ko ulit ang tawa ng demonyitang si Vanessa."Didn't you see my Zenice? She hungrily devoured me! As if she haven't ever experienced heaven with Viah!" sabi niya at muling tumawa.Napapikit ako at saka lang napansin ang mga luha ko na hindi na naman mapigil sa paglabas.Damn Viah! Kelan ka ba titigil sa kakaiyak?! Kelan ka pa naging ganito kahina?!
Nakarinig ako ng malakas na sampal.
I saw Vanessa na halos sumalampak sa semento kung hindi lang siya nakakapit sa kotse na nasa likuran niya.
"How dare you!" she shouted."How dare YOU!" Tobi corrected her at dinuro pa si Vanessa na ngayon ay nakahawak pa rin sa pisngi niyang dinapuan ng malakas na sampal ni Tobi.Kung hindi lang ako nasasaktan ngayon, sigurado akong hahagalpak na naman ako sa tawa dahil sa todong pakikipag-away ni Tobi sa mga btchy na katulad ng kaharap niya ngayon.Pero hindi eh.
I totally envy him for that. Kahit ako ay hindi ko kayang harapin si Vanessa sa ngayon kahit puno ako ng galit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Kaya ko namang makipagsabayan sa mga btch sa mundong 'to at kahit kelan ay hindi ako nagpatalo sa kahit na kanino.
"Kung ako sayo Vanessa, magsasalita na 'ko ngayon palang! Because I'll make sure na pupulutin ka hindi lang sa kangkungan kundi sa basurahan kapag hindi mo sinabi ang totoo! I'll make sure to drag your family business down and make your life miserable hangga't nabubuhay kayo! Aalisin ko lahat ng ipinagyayabang mo sa walang kwenta mong buhay!" sigaw ni Tobi.Marahas niyang hinawakan ang panga ni Vanessa at pilit iniharap sakanya."You know I'm VERY capable of doing that Ms. Ramirez. Pwede rin namang sa kulungan ko kaya ipalagay kaysa naman sa basurahan 'di ba?" gigil pa na sabi ni Tobi na may kasamang pagtataray.I saw Vanessa's reaction. She knew that Tobi is telling the truth and hella serious now.Binitawan niya ang mukha ni Vanessa at humalukipkip habang matalim pa rin ang mga tingin, probably waiting for her answer.Alanganin namang umayos ng tayo si Vanessa.
"Ha! I didn't expect that you'll be this aggres---""Cut the crap and just answer my damn question... WHAT DID YOU DO TO ZENICE?" Tobi asked, with his burning eyes.Vanessa is hesitating but seems like she doesn't have a choice."I... I d-d-drugged h-her... t-that night..."I... I d-d-drugged h-her... t-that night...I... I d-d-drugged h-her... t-that night...
I... I d-d-drugged h-her... t-that night...
Parang umalingawngaw sa tainga ko ang sinabi niya.
Bigla akong napaluhod. Nakaramdam ako ng hapdi sa mga tuhod kong nakatama sa semento pero wala 'yon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Parang napatungan ng isa pang sakit ang pesteng nararamdaman ko. Hindi ako makahinga. Pasikip nang pasikip ang paghinga ko. Parang nawala rin bigla ang epekto ng alak sa sistema ko.
"W-What??" hindi makapaniwalang tanong ni Tobi.I heard Vanessa scoffed."You know what? I can't really understand those two. Viah and Zenice. I never expected na kumagat ang kaibigan mo sa ginawa kong panlilinlang... Ha! Eh wala naman pala talagang tiwala 'yang magaling mong kaibigan kay Zenice eh! Nasaan 'yong pinagmamalaki niya sakin na tiwala nila sa isa't isa ha? Nasa'n?? Tapos anong kalokohan 'to ngayon?? Eh parang ikaw pa ang mas may tiwala kay Zenice kesa sa magaling mong kaibigan! Hahahahaha!" she laughed in disbelief.Hindi nakapagsalita si Tobi dahil pa rin sa gulat. Kahit ako ay hindi makagalaw.Tobi looked away. Perhaps, dahil sa huling sinabi ni Vanessa.
Right.
What have I done?Mali ba lahat ng pagkakaintindi ko sa pag-uusap namin kahapon?
Ginawa ko nga ba talaga ang lahat para malaman ang buong pangyayari?
Nagbigay nga ba ako ng sapat na tiwala para sa pinakamamahal kong tao?
My eyes get blurry because of my persistent tears.Muli ko silang sinilip nang bahagya. Pilit gumalaw at pilit na pinunas ang mga luha. Pinilit ko ring tumayo kahit nangangatog pa ang mga tuhod ko.I didn't expect na makita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Vanessa."Anong meron si Viah na wala ako?! Ginawa ko ang lahat para ako ang magustuhan ni Zenice pero bakit hindi niya 'ko makita?? Ilang taon akong nagpakatanga para sa kanya pero bakit lagi niya 'kong itinataboy?! Bakit bawat halik at hawak ko sa kanya no'ng gabing 'yon, parang hindi ko pa rin siya maramdaman?? Bakit kahit ako 'yong nasa harapan niya, iba ang tinatawag ng mga mata niya?? Bakit.... imbes na galit para sa'kin ang makita ko sa mga matang 'yon, pandidiri at pagkamuhi para sa sarili niya lang ang nakita ko??! Bakit imbes na ipikit niya ang mga matang 'yon habang hinahalikan ako, luha lang ang walang tigil na umagos sa mukha niya at parang humihingi ng tawad sa bwiset na Viah na 'yon??!!" sigaw ni Vanessa kasunod ang mga hikbing kumawala sa bibig niya.She’s… crazy.Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras.Nagmadali akong lumapit sa kotse ko para puntahan ang taong ako pala ang nanakit nang sobra. Dahil sa tiwalang hindi ko naibigay. Dahil sa katangahan ko na mabilis nagpabulag sa sarili kong nararamdaman.Bakit Zenice?Bakit hindi mo na lang sinabi ang totoo?! Bakit??!"V-Viah.." I heard Tobi nang makita niya 'ko pero hindi ko siya pinansin.
"Viah! Where are you going? You're drunk!" pahabol niyang sigaw pero hindi na niya 'ko naabutan dahil pinaharurot ko na ang sasakyan ko.
"Zenice---""---I...I'm sorry, Love."
TOBI's POVNandito ako ngayon sa tabi ng babaitang hindi ko alam kung pa'no ko naging kaibigan.Dahil simula nang makilala ko 'to, mas lalong naging nakakaloka ang lokaret kong buhay.Pero noon pa man, baby sister na ang turingan namin sa isa't isa kahit na minsan eh nasasapawan na niya ang katarayan ng lola niyo.Sobra na rin ang stress ko. Yung feeling na nasa pagitan ako ng problema nilang dalawa ni baby girl Zenice.Naaksidente pa siya matapos niyang magpaharurot ng sasakyan niya paalis sa bar ilang araw na ang nakakalipas.Tulala lang na nakatingin sa kanya ang eyes kong malaki na rin ang eyebags.Hindi pa nga ako nagkaka-lovelife pero mamamatay na ata ako sa pag-aalala.Nagising ang pretty kong diwa nang gumalaw siya.Nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niyang nakapikit pa hanggang ngayon.Parang hindi ko kinakaya ang mga n
VIAH's POV"Tell me it's not you Zenice... It's not you, right??" I said, pleading.I caressed her arms but she's just looking down.Sobrang sakit sa pakiramdam na 'yong mga matang halos hindi niya maalis sa pagtitig sa'kin dati, hindi na niya maiharap sa'kin ngayon."Zenice, look at me!" unti-unti nang lumalakas ang tono ng pagsasalita ko.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin."Love... it's not you, right? Hmm??" sabi ko habang pilit na ngumingiti at tinitingnan siya ng nangungusap kong mga mata. Alam kong papatulo na rin ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.I cupped her face with my hand. And the other one is holding her left hand tightly."I... I'm s-sorry Isela..." she said with a low voice, kasabay ng luhang bumagsak sa magkabilang pisngi niya.Tuluyan nang nawala ang mga ngiting pilit kong ipinapa
THREE YEARS AFTER. . .VIAH's POV"Viah giiiiirl! I missed y--- Oh wow. Red! Love that!"'Yan ang bungad sa'kin ng baklitang si Tobi na sinugod na naman ako dito sa office.He's talking about my hair color.Yeah. I've been changing it for... three years.Three years... gano'n na pala katagal."Kinumpleto mo talaga ang ROYGBIV colors ah. Bongga! Hahahahaha!" he said while slouching back on the couch in my office.I just rolled my eyes on him.He looks tired. We haven't seen each other for days. He must've been busy with his botique."This would be my last Tobi. I'll change this into my natural black hair color... soon," seryoso kong sabi without looking at his eyes. Patuloy lang ako sa pagkalikot sa laptop ko.I casted a short glance at him and I saw th
TOBI's POV"Viah giiiiirl! Walanghiya kang babae ka. Pinaghanap mo pa talaga 'ko! Pagkatapos mo 'kong bantaan na masasaktan ako 'pag nagtagal ako sa boutique? Tapos ikaw ngayon ang biglang nawala? Ikaw kaya saktan ko dyan?!" sabi ko sa kanya at hinarap siya habang hinahabol ang hininga ko.Sabi kanina sa bookstore, bigla na lang daw siya umalis nang walang sinasabi kung saan siya pupunta.I called her but she's not answering.Buti na lang nakita ko siya agad dahil sa nangingibabaw na kulay ng hair niya. Pft.Pero in fairness, kahit anong kulay ng hair nito eh feeling ko paganda pa rin siya nang paganda. Walang kupas ang isang 'to. Pero syempre. Kanino pa ba magmamana?Queen Tobi everyone! Hahahahahaha!Nawala ang maganda kong iniisip nang makita ko ang expression niya.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.Tulala. Parang nanghihina at--- nanginginig.Hinawa
ELA's POV"Isela..." narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Elise.Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang haplos sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang sarili kong pangalan.Nakakatawang isipin pero masyado ko atang mahal ang sarili ko."...ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang masyadong imik," dagdag na sabi ni Elise.Napatingin ako sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.Humahanga talaga ako sa ganda ni Elise kahit napakasimple lang nito. Napakaamo din ng mukha na akala mo ay hindi marunong magalit.Naalala ko tuloy kapag sinusubukan niyang maging istrikta sa mga batang tinuturuan niya sa isla. Mukhang epektibo naman sa mga bata dahil tumatahimik naman sila pero iba ang dating saakin no'n."Ayos lang ako. Napagod lang ata ako sa dalawang oras na biyahe sakay ng bangka," sagot ko sa kanya sabay ngiti nang bahagya.Mula kasi
VIAH's POVMedyo nagtagal pa 'ko dito sa labas ng mall dahil hindi ko pa gaanong ma-absorb ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala.But... I'm really happy.I really am.Pinunas ko agad ang nangingilid kong mga luha.It's not the time to cry Viah. You should prepare everything to take her back.First thing I should do is... go to that place.Isla... Aparo?It's quite familiar.Napuntahan na ba namin 'yon?Pero... bakit hindi namin siya nakita?I need to find out what's going on.Another thing... she can't remember me.She might have been in shock. Or...Something like amnesia?I took a deep breath.Okay Viah.First, stop worrying about that. What's more important is that she's alive and well.Although, by the looks of it, mukhang simple lang ang pamumuhay niya ngayon.But I'm beyond grateful whoever they are or which family was it. I'll make sure to repay their kindness bigtime. For taking care of Zenice when I wasn't there for her in the past years.After some time, I decided to get
VIAH's POVTahimik lang kami simula nang magdrive ako.Pasulyap sulyap lang din ako sa kanya sa rearview mirror.Pero...Ang sakit lang pagmasdan.Masakit makita ang sobrang pag-aalala niya sa ibang tao maliban sakin at sa pamilya niya. Na halos hindi niya 'ko mapansin kahit magkasama kami ngayon.I scratched the thought.Wag kang ganyan Viah. Baka masakal si Zenice sa'yo 'pag nagkataon. Lalo na't hindi ka naman niya naaalala. Be patient enough.Nagfocus na lang ako sa pagda-drive. Hindi naman gaanong malayo ang condo ko. A fifteen-minute drive will do.Maya-maya ay nakarating na kami. Tinulungan ko siyang alalayan ang kasama niya na mukhang lamig na lamig pa rin hanggang ngayon.Hindi ko maalis ang tingin kay Zenice. Gano'n din siya. Kaso sa iba nga lang at hindi sa'kin. Hindi niya maalis ang paningin sa kasama niya.I'm really happy that she's here... that she's well and alive.Pero hindi ko maiwasan ang malungkot dahil gustong-gusto ko na siyang yakapin at hawakan pero hindi ko mag
ELA's POV"Sit down. I'll make some soup... or maybe you want some porridge?" tanong niya habang nakangisi.Takte naman Isela! Bakit ba kasi ngayon pa yan nag-alborotong tiyan mo?!Nakakahiya!Pero...Kung iisipin ay okay lang naman. Dahil dun ay nakalayo na siya sa'kin. Kesa naman halos mawalan na 'ko ng hininga kanina dahil sobrang lapit ng mga mukha namin.Ano ba naman kasing babaeng 'to! Hindi ko malaman kung anong trip sa buhay. Minsan mukhang may deperensiya sa pag-iisip. Pero mukha naman siyang okay kung titignan. Basta 'wag lang niya 'kong tatawaging Zenice."A-ako na lang gagawa niyan. Papakainin ko din si Elise maya-maya," sa wakas ay nagawa kong makapagsalita. Akala ko nalunok ko na dila ko eh.Pansin ko namang napatigil siya sa paggalaw.Akala ko nga uutot lang eh. Pero gumalaw naman agad siya ulit.Baka hindi natuloy. Pfft.Pero hindi niya ba 'ko narinig?Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala siya.At dahil do'n ay napansin ko na naman ang damit at buhok niya na