Share

Kabanata 6 Ankara

"Magkano ka ba?Ha!"

"Ba't hindi ka sumasagot!"

" Bingi ka ba?"

       Kitang-kita sa mata ng lalaki ang pangamba sa sabi ng babae marahil first time nitong nakatagpo ng dalaga na ganito magyaya at ganito ang lakas ng loob. Hindi lang ang lalaki nangangamba pati na rin si Carmelita. "Ankara? Diba inuwi na kita? Anong ginagawa mo rito?" ang mga salitang inihanda ni Carmelita na sasabihin sa babae.

        Nawala lahat ang plano ni Carmelita ng may lalaking lumapit kay Ankara. Ang kanyang mukha ay puno ng galit sa ginagawa ni Ankara. Tinitigan nito ang mga mata ni Ankara at hinakan ng mahigpit ang kanang kamay. Agad silang pumunta sa direksyon ng lalaking katabi ni Carmelita. "Yedd?" sabi ni Carmelita sa kanyang sarili.

"Pasensiya ka na, Nakainom kasi ito" sabi ni Yedd sa lalaki sabay tapik sa balikat nito.

"I understand.. Anyways she's not my type dzuhh...Actually, hinihintay kung boyfriend ko" halong pagkagulat at pagkasaya ang nasa mukha nina Carmelita at Yedd sa sagot ng lalaki ay este ng bakla. Samantalang si Ankara ay ubod ng inis ang naghari sa mukha nito. 

"THANK YOU"

"Next time, Bantayan mo iyang girlfriend mo, ang weild niya." nang marinig ang sagot ng bakla muntikan ng sabunutan ito ni Ankara mabuti na lang pinigilan ito ni Yedd. "HAY, KALOKA NITO!" huling salitang sabi ng bakla habang umaalis na ang dalawa. Hawak-hawak parin ni Yedd ang kamay ni Ankara habang lumilisan sa lugar kaya naman nasiyahan si Carmelita sa sitwasyon.

       Pagkatapos buksan ni Yedd ang pintuan ng exit ay agad tinanggal ni Ankara ang mga kamay sa kamay ni Yedd. 

••

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi ka lang pala mapagmataas, mapanghimasok ka rin ng buhay ng ibang tao!"

"Ang ganda ng business mo Yedd!"

•• 

       Mga salitang galing kay Ankara. Hinayaan at pinakinggan ni Yedd ang mga salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. " Umuwi na tayo, Ihahatid kita" sabi ni Yedd at agad hinila si Ankara.

•••"Ano ba hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, gusto mo ng suntok ha!?"

"Alam mo mauna kana..Itutuloy ko muna tung paghahanap ko"•••

      Malakas na sabi ni Ankara. Inis at galit ang makikita sa kanyang mukha.

      Nagbigay ng malakas na buntong hininga si Yedd at agad binuhat si Ankara na walang sabi. Ikinagulat ni Ankara ang ginawa ni Yedd na hanggang kotse talaga ginawa nito.

" Ba't mo ito ginagawa?" tanong ni Ankara habang si Yedd ay nag-aayos ng seat belt ni Ankara. Nagpatuloy lang sa ginagawa si Yedd, hindi sinagot ang tanong at agad minaneho ang sasakyan.

       Nang mawala na ang "unknown relationship quarrel" agad ng naghanap ng lalaki si Carmelita. Napadali lang ang paghahanap dahil na rin sa taglay niyang ganda at porma.

"Ba't hindi ka sumasagot?" inis na sabi ni Ankara. Nilingon ito ni Yedd, binigyan ng tingin sabay balik ang lokasyon ng mata sa kalye.

••"Alam mo di ko alam kung anong nakain mo, bakit hindi ka sumasagot!?"

"Sana tuluyan kanang di makapagsalita!"

" Ihinto mo itong sasakyan at babalik ako doon!"••

       Tuloy-tuloy sa pagsasalita ni Ankara dahilan ng paghinto ni Yedd ng sasakyan. Hinawakan ni Yedd ang leeg ni Ankara at binigyan ng matamis na halik. Natigilan ang dalaga at nanlaki ang mga mata. Nang mapansin na lumalalim na ang ginagawa agad kumawala si Ankara.

        Itinuloy ni Yedd ang pagmamaneho habang ang dalaga tulalang-tulala sa nangyari, natauhan lang ito ng makarinig ito ng bosina ng ilang sasakyan na dumadaan. "Ba't mo yun ginawa? Bakit ka nagbibigay ng motibo Yedd!? Sino ba ako para sayo!? Ibalik muna ako doon!" -galit na sumigaw si Ankara sa loob ng sasakyan at dahan-dahang umaagos ang likido na galing sa kanyang mata.

        Labis ang hapdi na nararanasan ni Ankara. Ang paghihiya na ginawa ni Yedd ay nanatili sa kanya. Pinilit niyang kalimutan, pinilit niyang magmahal ng parehong kasarian at pinilit niyang mabuhay. Sa kanya ring pamilya wala siyang nakuhang supporta. Ubod ng mga negatibo ang isipan ni Ankara. Sawang-sawa na siya sa buhay na ito. Hindi niya na hinintay ang sagot ni Yedd, binuksan ang pintuan ng sasakyan habang umaandar pa ito.

 "ANKARA!" matapos sabihin iyon ni Yedd ay agad tumalon si Ankara sa kalsada. Agad inihinto ni Yedd ang sasakyan ngunit huli na niyang masagip ang dalaga, nagpagulong-gulong ito syaka nasagasaan ng sasakyan.

        Daling-dali pinuntahan ni Yedd si Ankara. Kasabay nito lumabas rin ang dalawang nakasakay sa sasakyan na bumangga. "Ankara?" sabi ng lalaking kakalabas lang ng sasakyang bumangga sa dalaga. Agad na nakilala ni Yedd ang ang lalaki, ito ay ang ama ni Ankara isa itong magaling na abogado, habang ang kasama nitong lumabas ay isang dalaga na ang edad ay maihahalintulad sa kanila ni Ankara. Alam ni Yedd ang mga magulang ni Ankara at sa kanyang kaalaman niya hindi ito ka ano-ano ni Ankara.

        Binigyan ng tingin ni Yedd ang dalawa at binuhat si Ankara na duguan ang noo, mga paa, mga braso at kamay. Ang takbo ng sasakyan ay sobrang bilis dahil sa nadama na pangamba at galit.

•••

"20,000 is that enough?" sabi ni Carmelita sa binata. Napatawa ang lalaki at sumagot "Ako dapat ang magbibigay..I will double it".

" Ang ganda naman ng hotel na pinili mo" matutuksok sabi ni Carmelita at dahang-dahan na hinahaplos ang dibdib ng lalaki.

"Kasing ganda mo" sagot ng lalaki at sinimulan ng hubaran ng damit si Carmelita.

        Nagsimula ng maghalikan ang dalawa na para bang wala ng bukas.Habang naghahalikan ginawa itong oppurtunidad ni Carmelita na tanggalan ng pantalon at damit pantaas ang lalaki. They are so focus and so expert na para bang sanay sila sa kanilang ginagawa. The man is so eye-catching not for it's masculine body but for also his loooks. Ang kanyang gene ay may kalahating Amerikano, makikita rin sa mga damit nito na mamahalin, sa isang sulyap mo palang masasabi mo na talaga na ang isang ito ay kabilang sa mga mayayaman na tao.

          It's been 2 am in the morning but still the atmosphere of the room was so weild. The only thing may heard is the scream of desire of the two.

•••

"Doctor Yedd?" ikinagulat ng guard ng hospital ng makitang may hawak itong dalaga na sugatan. Agad pumunta ang guard sa emergency area upang humingi ng tulong at binalikan si Yedd na may kasamang nurse's at mga gamit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status