Share

Kabanata 8 second

Pagbaba ng telepono agad tumayo si Ankara sa kinahihigaan at nagtungo sa terrace ng kwarto. Nagbigay siya ng buntong-hininga, nagmamasid sa paligid bago bumalik upang magbihis. Wearing with a hooded sweatshirt paired with jeans, dagdagan pa ito ng mask sa mukha na maihahalintulad siya sa isang artista na nagtatago sa mga fans at reporter.

        Pagkatapos magbihis nilisan niya ang kwarto na bukas pa ang ilaw. Alam niyang hindi siya mapapansin ng mga nurse and staff lalo't na sobrang busy ng mga ito. Sa hagdan na siya dumaan para iwas sa mga tao at para mapadali ang paglabas.

          Tumalon sa tuwa si Ankara dahil successful ang kanyang plano. Gumawa siya ng tawag gamit ang kanyang telepono sa isang kaibigan.

"Send mo yung address..Pupuntahan ko"

"Okay..No problem"

"Nang diyan na ba?"

"Oo..Sure ka na ba sa gagawin mo?"

"Yes, tatakas ba ako pag hindi. Babayaran kita pagdating ko."

         Matapos ang usapan agad pinuntahan ni Ankara ang lokasyon na may saya ang mukha.

••

          It's been 6:30 na in pm, naghatid na ng pagkain ang mga staff, ngunit sa room 32 si Yedd na ang naghatid. Magkahalong tuwa at kaba ang nadama ni Yedd dahil may aaminin siya kay Ankara ngayon. Aminadong kabado habang binubuksan ang pintuan pilit nagpakatatag si Yedd gusto niyang masabi na ito ngayon.

        Nanlaki ang dalawang mata ni Yedd ng wala sa kanyang silid si Ankara. Hinanap niya ito kung saan ngunit wala ito roon. Ang damit na sinuot ni Ankara kanina, Isang sticky note at credit card ang iniwan nito. Kinuha ito ni Yedd na may lungkot ang nararamdaman.

[ YEDD,

Credit Card for the bills. Thank you for your sympathy it's give me a second chance to change...Seeyah in the next life.]

        Mas masakit pa sa nagdudugong sugat ang nadama ni Yedd, hindi man lang niya nasabi ang nararamdaman niya para sa dalaga, na labis siyang nagsisi sa ginawa noon. Tumakbo palabas ng kwarto si Yedd nagbabasakaling maabutan pa niya. Takbo doon, takbo dito pero niisang anino ni Ankara wala siyang nakita. Labis ang alala at takot ang nadama ni Yedd, kung nasaan na ang dalaga at ano na naman kaya ang gagawing masama nito upang mamamatay.

         Gumawa siya ng tawag sa pamilya nito sakaling umuwi na ito. Tanging ang katulong na naghatid ng damit ang nakuhaan ng number ni Yedd kaya naman tinawagan niya ito. Nagulat ang katulong kasi sa kaalaman niya bukas pa  ang discharge nito at wala rin ito sa mansion. Gusto ng umiiyak ng binata ngunit kailangan niyang maging matatag alam niyang mahahanap pa ito kasi kakaalis lang nito. Sinabihan na niya ang mga staff pati na ang kapulisan ng lugar na hanapin ito. Gumawa na rin siya ng tawag kay Carmelita ngunit walang sumasagot.

•••

         Bawat haplos ni Carmelita ay nagpapagana sa binata. Bukod sa ganda ng mukha, ganda ng katawan ay alam niya na magaling rin ito sa kama. Sa labis na kalibugan, sa kotse ng lalaki na nila ito nagawa.

         Kagaya ng dati gumising si Carmelita ng maaga pero mas napadali lang ang pagdating niya sa kanilang bahay dahil hindi na siya kailangang maglakad lalo't pa ang kanyang sasakyan ay nasa parehong parking lot lang.

        Pagdating sa bahay ay agad nagbihis siya ng kanyang uniform at kumain. Habang kumakain ay tiningnan muna niya ang kanyang cellphone. Nabigla siya sa nakita ng may 20 missed call sa kanyang cellphone galing sa hindi kilalang numero. Naglakas loob si Carmelita na tawagan ito.

"Hello?"

"Carmelita kasama mo ba si Ankara?"

"Excuse me..Sino ka?"

"Sorry si Yedd to..Kasama mo ba siya?" nagmamadaling boses ang maririnig sa kabilang linya.

Nakadama ng takot si Carmelita sa tanong ni Yedd. "Hindi ba nasa hospital siya? Ayy Oo..Sabi niya discharge niya ngayon, umuwi na yun" -ng maalala ang sabi ni Ankara nun napangiti si Carmelita.

"Actually, Doctor niya ako..Umalis siya kagabi."

"ANO!?" napatayo sa kinauupuan si Carmelita. Makikita sa mukha nito na nangangamba.

"Tumawag na rin ako sa bahay nila kanina lang, hindi pa ito nakakauwi"

Hindi na nakasagot si Carmelita dahil naunahan na siya ng takot. Kaya nagpatuloy na lang si Yedd.

"Pagnakita mo siya, sabihan mo ako. May gusto sana akong sabihin sa kanya."

"Tatawagan ko siya..Bye"

        Nagpaulit ulit si Carmelita na tumawag kay Ankara ngunit sa lahat nang yun walang sumagot. Habang papunta sa paaralan gumawa siya ng tawag sa pamilya nito at kagaya sa sinabi ni Yedd hindi pa ito umuwi. Pinaalam ni Carmelita kay Yedd ang lahat na may mga luha sa mga mata at lungkot sa damdamin.

"Teacher, Ba't ang lungkot niyo po? May sakit po ba kayo?" kanina pa tulala si Carmelita nang magising siya ng mga salitang ito.

"Salamat Xian, Nag-aalala kasi ako sa kaibigan ko hindi pa kasi siya umuuwi"

"Okay lang yan Teacher" sabay bigay ng mahigpit na yakap dito.

"Class wala tayong pasok sa tanghali, may lakad si Teacher.. Okay ba yun?"

"Okay Teacher!"

•••

       Wearing with jeans and white t-shirts tulalang naghihintay sa coffe shop si Carmelita. Hindi man lang niya na puntahan ang kaibigan, Hindi man lang niya ito napigilan. Hindi na namalayan ni Carmelita na late na pala si Yedd sa exact time siguro sa rami ng kanyang iniisip.

"Sorry, Na late ako"

"It's Okay...May balita ka na ba?" malungkot na sabi ni Carmelita.

"Wala pa"

" Anong nangyari?Ba't na hospital siya? Hindi kasi niya ito binanggit."

         Sinabi ni Yedd kay Carmelita lahat, mula una hanggang sa pagtakas nito. Nawala lahat ng galit ni Carmelita kay Yedd at napalitan ito ng supporta. Nagsama ang dalawa papuntang police station pero nabigo ang mga ito. Pinuntahan nila ang mansion nila Carmelita pero tanging ang mga katulong lang ang naroroon. Sa araw na iyon ay umalis ang ina ni Ankara papuntang Canada para sa business habang ang ama nito ay pumunta ng Australia dahil sumabak kasi ito sa pagiging Judge.

         Walang nakuhang impormasyon ang dalawa sa araw na iyon. Malaking pagdidismaya ang inabot nila. Lungkot at takot ang nauwi nila.

"Hindi ka ba maghahanda may isang oras ka nalang?" mga salitang sumalubong kay Carmelita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status