Share

036

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-06-27 00:54:32

NAGSITAAS ng kanilang mga kamay ang tatlong binata. "Kami pong lahat ang witness, kasama 'yong isang babae na best friend ng bride," sabi ni Patrick na umaktong parang wala lang.

Napaawang ng malaki ang bibig ni Elorda. Totoo nga. Magkakasabwat silang lahat. Pati ba naman si Tess?

Paano ito nagawa ng sarili niyang best friend?

"Dito na kayo sa unahan, Mr. Monasterio," utos ni Mayor Rodrigo.

Hindi na binitawan ni Jav ang kamay ni Elorda at marahang iginiya ito sa harapan, malapit kay Mayor. Napalingon siya sa dalaga, hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Gulat, inis at takot ang lahat ng emosyon na makikita mo.

Kailangan talaga niyang gawin ito. Pilitin si Elorda. Dahil kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon, baka tuluyan na siyang mawala sa buhay nito. Nanganganib pa na mamagitan ang kanyang mga magulang sa oras na malaman ang tungkol kay Elorda.

Kakaibang babae talaga si Elorda. Hindi siya basta kinikilig sa matatamis na salita. Ang taas ng pride. Ilang beses na siyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Ang tagal tlga mg I do n Elorda ayan tuloy tpos NG update, thanks po s update
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
I do nah agad Elorda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   036

    NAGSITAAS ng kanilang mga kamay ang tatlong binata. "Kami pong lahat ang witness, kasama 'yong isang babae na best friend ng bride," sabi ni Patrick na umaktong parang wala lang. Napaawang ng malaki ang bibig ni Elorda. Totoo nga. Magkakasabwat silang lahat. Pati ba naman si Tess? Paano ito nagawa ng sarili niyang best friend? "Dito na kayo sa unahan, Mr. Monasterio," utos ni Mayor Rodrigo. Hindi na binitawan ni Jav ang kamay ni Elorda at marahang iginiya ito sa harapan, malapit kay Mayor. Napalingon siya sa dalaga, hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Gulat, inis at takot ang lahat ng emosyon na makikita mo. Kailangan talaga niyang gawin ito. Pilitin si Elorda. Dahil kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon, baka tuluyan na siyang mawala sa buhay nito. Nanganganib pa na mamagitan ang kanyang mga magulang sa oras na malaman ang tungkol kay Elorda. Kakaibang babae talaga si Elorda. Hindi siya basta kinikilig sa matatamis na salita. Ang taas ng pride. Ilang beses na siyang

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   035

    NAPASINGHAP si Elorda nang malaman kung nasaan sila. Napatingin siya isa-isa sa mga kaibigan ni Jav. Kanya-kanya naman na umiwas ng tingin ang tatlo, habang si Tess ay nakagat ang ibabang labi. "Wala akong kinalaman dito, Elorda. Hindi ko alam na rito tayo pupunta. Iyon ang totoo," usal ni Tess na naghuhugas ng kanyang mga kamay upang hindi paghinalaan ng kaibigan. Masamang tinignan ni Elorda si Tess. "Sure kang hindi mo alam?" Mabilis na tumango si Tess. "Wala talaga akong kinalaman dito." Giit niya, ito na ang pagiging tigre ni Elorda. Nagkakaroon na nga ng invisible na sungay. Malilintintikan talaga siya kung aamin sa kaibigan. Binalingan ni Tess ang tatlong binata. "Ipapahamak n'yo pa ako sa kaibigan ko! Mga loko-loko kayo!" Kunwari-kunwariang galit siya para lang hindi mabuko. Napapakamot ng ulo sina Kevin, Lindrick at Patrick. Dahil ang totoo ay may alam na rin si Tess. Kinuntsaba na nila para lamang mapapayag si Elorda. Dahil mahihirapan silang kumbinsihin ito na suma

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   034

    "ANO bang ginagawa mo, Tess?" Naguguluhang tanong ni Elorda sa kaibigan. Nagtataka siya sa ikinikilos ni Tess. Bigla-biglang pumasok sa kuwarto niya at naghalungkat sa baruan niya. "May hinahanap lang ako... 'Wag ka munang malikot d'yan," sagot ni Tess. Napahinto siya nang may maalala. "Ang maigi pa pala ay maligo ka na. Pagkatapos ako ang magbibigay ng susuotin mo. Sige na, Elorda. Double time..." utos pa niya na may pagmamadali. Napakunot ang noo ni Elorda. Maliligo? Ang aga pa para siya maligo. Ano ba talagang nangyayari sa kaibigan niya? Napapakamot siya ng kanyang ulo na lumapit kay Tess. Sinalat niya ang noo nito, check lang niya baka may lagnat. Kakaiba kasi ang ikinikilos kanina pa. "Bakit may pasalat-salat ka pa sa noo ko, Elorda? Ang sinasabi ko ang gawin mo. Hala! Maligo ka na.." Parang bossy na utos ni Tess. Hinawakan ang kamay ng kaibigan at hinila papunta sa banyo na malapit sa kusina. Pagkalabas nila ng kuwarto ay nagulat si Elorda sa nakita. At napabaling muli an

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   033

    BUO ang barkada ni Jav sa bar. Nagsasaya na silang lahat habang siya ay ang lalim ng iniisip. "Pare, ang tahimik mo. Inaya ka namin dito para magliwaliw, hindi para magmukmok ka sa isang tabi," saad ni Kevin. "I'm just worried to Elorda. Pagkatapos, nasa bahay pa si Dindi at si Ninong. Paano ko iiwasan ang babaeng 'yon? Ayaw pa ni Elorda magpakasal sa akin.." sagot ni Jav na halatang problemado sa dalawang babae "Tsk... problema nga 'yan." Nausal ni Kevin. "Sigurado ka na ba talaga kay Elorda? I mean, pakakasalan mo siya?" "I'm sure. Matagal ko nang pinag-isipan 'to. Naghintay na ako sa kanya ng mga ilang buwan. Ngayon pa ba ako hindi magiging sigurado sa gusto ko at nararamdaman ko," sagot ni Jav. Ilang beses na ba niyang sasabihin na mahal niya si Elorda at gusto niyang pakasalan ito? Parang walang naniniwala. Halos masiraan na nga siya ng bait kahahanap kay Elorda. Ginulo nito ang puso at mundo niya. Hindi na ito tungkol sa responsibilidad niya bilang ama ng mga anak nila, iy

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   032

    IMBES na umuwi si Dindi sa mansyon ay pumunta na lang siya sa resto bar. Sobrang naiinis siya sa trato ni Jav. Pero, hindi pa rin niya kayang tumigil. Umaasa at aasa pa rin siya kahit na panay ang taboy nito sa kanya. "One glass of margarita," sabi niya sa bartender. Tumango ang lalaki at kinuha na ang order niyang drinks. Mga ilang minuto lamang ay nasa harapan na niya ang glass ng ladies drink. She drinks it straight. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpakalasing. Umuwi na halos wala na sa katinuan. Masama ang loob niya. Sinasayang lang siya ni Jav. Sinasayang lang ang isang katulad niya na maganda, seksi at mayaman. Ano pa ba ang kulang sa kanya para hindi magustuhan ni Jav? Lahat nga ng lalaki sa loob ng bar ay napapalingon sa kanya. Pero, wala pa rin siyang kadating-dating sa lalaking nagugustuhan. "Can I offer you a drink?" offer ng lalaking lumapit kay Dindi. Sinuyod niya ng tingin ang lalaki. In fairness, gwapo ito at mukhang disente. Malinis pa at mukhan

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   031

    LUMAPIT si Dindi sa babaeng nasa reception sa lobby ng kompanya. "Hi, may I know where the office of Mr. Javinzi Carlos Monasterio is?" Napatingin pa muna ang babae sa kanya. Para pang sinisipat siya mula ulo hanggang paa. "Sa CEO office po?" Napakunot ang noo ni Dindi. Parang gusto pa atang palabasin ng babae na hindi niya alam ang sinasabi niya na sa CEO office ang punta niya. "Of course! Now tell me, what floor is the CEO’s office? I'm asking about Javinzi Carlos Monasterio, your CEO!" galit na sabi niya. Napataas-baba naman ang balikat ng babae, waring hindi alam ang isasagot dahil sa pagtaas ng kanyang boses. "Sino po ba kayo? Kung makaasta kayo parang nobya kayo ni Sir." Matapang na tanong ng babae. Napangisi si Dindi. Hindi ata talaga siya kilala nito. "Okay. Magpapakilala ako sa'yo. Pero bukas maghanap ka na ng bagong trabaho. Dahil ipapatanggal talaga kita." Nanlaki ang mga mata ng receptionist. Para siyang biglang natakot sa babala ng baarng kaharap. "Huwag niyo po

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status