HUMINGA muna ng malalim si Jason bago nagsalita.“Honey, hayaan mo muna sila. Kung ito ang buhay na pinili ng anak natin,” saka siya tumingin kay Jav. “I want you and your wife to move here in the mansion. Gusto kong makasama ang mga apo ko. Lalaki pa naman silang dalawa, mga magiging tagapagmana sila ng pamilya Monasterio pagdating ng araw. Dapat lang na kasama ko sila rito sa mansyon." Nahimigan ni Jav ang ama na tila proud pa ito na kambal na lalaki ang unang anak nila ng kanyang asawa. Napasinghap si Honeylet sa sinabi ng asawa. Agad siyang napalingon kay Jason na nanlalaki ang mga mata. “Are you out of your mind, Jason? Gusto mong tumira rito ang hampas-lupang ‘yon? Hindi ko pa nga siya tinatanggap bilang manugang, tapos ngayon... patitirahin mo na siya dito?” Nakasimangot ang mukha niya na nkataas ang kilay pa na giit niya. “Mas maigi pa siguro kung ang kambal na lang ang tumira rito, ‘wag na ang nanay nila.” Napailing si Jason sa pagiging reklamadora ng kanyang asawa.
NAPANGITI si Jav. “Yes, Dad. Pero hindi pa po sila puwedeng kumain ng solid food." Lumingon si Jason kay Elorda at kahit sandali, tumama ang mga mata nila. May bahagyang tango siyang ibinigay, na agad namang ginantihan ni Elorda ng magalang na ngiti. Ngunit si Honeylet ay nanatiling tahimik. Minsan ay naglaladlad lang ng ulam sa plato niya, minsan ay pasimpleng sumusulyap kay Elorda. Halatang may bumabagabag pa rin sa damdamin ng ginang. Nilingon ni Jav ang ina. “Mom, tikman mo po ‘tong sinigang. Luto pa naman ‘yan ni manang, paborito mo ‘yan. Hindi po ba? “Hindi pa ako gutom,” matipid na sagot ni Honeylet, saka uminom ng tubig. Muling natahimik ang mesa. Nilingon ni Elorda si Jav, at kahit wala itong sinasabi, ramdam niya ang pag-aalala nito sa mga mata. Hindi niya alam kung kailan pa magiging magaan ang loob ng ina ni Jav sa kanya. Pero para sa pamilya nila at para sa kambal handa siyang maghintay. "I don't like her for you, Jav. Sa itsura palang ng babaeng iyon, mukha na siy
"MOM... Dad..." tawag ni Jav sa kanyang mga magulang. Nilapitan niya ang ama na walang reaksyon ang mukha at hinalikan ito sa pisngi, kasunod ang kanyang ina. Nagkakawag si Dos na karga ni Jav. Agad naman itong kinuha ni Elorda sa asawa. Ang tahimik ng mag-asawa na nakatingin kay Elorda at kina kambal. Parang hindi malaman ni Elorda ang iaakto sa harapan ng mga ito dahil sa blankong ekspresyon ng mga mukha nila. Hindi rin niya mahulaan ang iniisip nila dahil sa ngayon palang niya nakaharap ang mga magulang ng asawa. "She's my wife Elorda and my twins son, Uno and Dos," proud na pakilala ni Jav sa kanyang mag-iina. Saka niya binalingan ang asawa. "Mahal ko, parents ko nga pala. Mr. Jason and Mrs. Honeylet Monasterio..." "Good morning po," magalang na bati ni Elorda na yumukod ng kaunti bilang respeto sa mga magulang ng asawa. "Let's go inside..." tanging nasambit ni Honeylet saka tumalikod ito. Ni hindi man gumanti ng bati sa asawa ng kanyang anak. Nagkatinginan sina Elorda at
NAKATAYO sa harap ng vanity mirror si Elorda, tahimik na pinagmamasdan ang sarili. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ng ina ni Jav ang suot niya o baka masyadong makapal ang make up niya. Ngayon na ang araw na pupunta silang mag-iina sa mansyon. Ipapakilala na sila ni Jav sa kanyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na magkakaron ng lakas ng loob ang asawa niya na humarap ang magulang nito na kasama silang mag-iina. Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Kahit ilang beses nang sinabi ni Jav na magiging maayos ang lahat ay may bahagi pa rin sa puso niya ang nag-aalangan. Paano kung hindi sila tanggapin? Paano kung matahin siya dahil sa siya mismo? 'Di niya naman ikakaila ang malaking agwat nila ni Jav. Saka, maraming babae ang mas nakakahigit sa kanya. Hinaplos niya ang buhok at inayos ang laylayan ng kanyang bestidang kulay asul. Pilit niyang pinatitibay ang loob. Hindi siya perpekto, pero alam niyang totoo ang pagmamahal niya kay Jav, at higit sa lahat, hindi siya kailanman
"PLANO ko nang ipakilala kayo nina kambal kina Mommy at Daddy," biglang nasabi ni Jav kay Elorda. Naupo ng maayos si Elorda at tinitigan ang mukha ng asawa. "S-Seryoso ka ba d'yan? Baka nabibigla ka lang, Jav?" Malapad na ngumiti si Jav. Saka, umiling-iling. "Why? Anong problema kung iharap ko na kayong mag-iina ko sa mga magulang ko? Tama naman siguro ang hakbang ko na 'yon." "K-Kailan mo naman binabalak na ipakilala kami sa parents mo?" tanong ni Elorda na parang alanganin. "Sa weekends. Para andoon sa mansyon sina Mommy at Daddy. Papayag ka naman, di ba? Saka, para na rin hindi ko na kayo itinatago. Mas gusto kong maglakad tayo sa labas na hindi nag-aalala. Malaya tayo sa lahat ng tao." Buo ang loob na sagot ni Jav. Napakagat-labi si Elorda. Halatang kinabahan pero dama rin sa mga mata niya ang kasiyahan. “Hindi ko alam kung ready na ako…” mahina niyang sabi. “Lalo na sa parents mo, baka hindi nila ako magustuhan.” Ang daming takot ni Elorda. Hindi pa niya nakakaharap ang
PAGKAPASOK ni Jav sa bahay, bumungad agad sa kanya ang amoy ng nilutong ulam ni Elorda. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam niya ang init at lambing ng tahanan. Sa may sala, nakita niyang nakaupo si Elorda habang buhat-buhat si Uno. Si Dos naman ay tahimik na nakahiga sa crib, na parang inaantok. Pagkakita niya sa asawa, agad na lumambot ang mukha ni Jav. Lahat ng bigat sa katawan niya ay tila lumuwag kahit papaano nang makita ang simpleng ngiti nito. “Uy,” bati ni Elorda nang makita siya. “Kumain ka na ba? Mainit pa 'yung adobo.” Hindi agad sumagot si Jav. Lumapit siya at marahang hinalikan sa noo ang asawa saka umupo sa tabi nito. Inabot niya si Uno at karga habang pinagmamasdan si Elorda na nitong tahimik na nakangiti sa kanya. “Galing ako sa mansyon,” bungad ni Jav. “Nakausap ko si Dad. Tungkol sa’yo, sa kambal at sa atin.” Napatingin si Elorda sa kanya. “Ano'ng sabi niya?” “Galit siya sa akin,” mahinang tugon ni Jav. “Hindi siya sang-ayon. Galit din siya kasi nalaman n