Share

084

Author: RIDA Writes
last update Huling Na-update: 2025-07-19 18:51:04

NAPAHIGPIT ang hawak ni Elorda sa braso ni Jav. Parang nawawalan siya ng lakas. Buong buhay niya ngayon lang siya muling nakarinig ng mga ganitong masasakit na salita. Sobrang sakit na inaalipusta ang buong pagkatao mo at hinuhusgahan ka, na hindi ka pa binigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili.

Mariing siyang napapikit, pinahid ang luha sa pisngi pero hindi nagpatinag. “Huwag po kayong mag-alala. Hinding-hindi ko hihilingin kay Jav na piliin ako kapalit ng mga magulang niya. Pero hindi ko rin kayang bitawan ang asawa ko at ang mga anak namin. Kahit gaano n’yo po ako kamuhian, handa akong patunayan na karapat-dapat ako sa pagmamahal niya.”

“Pagmamahal?” matalim na tumawa si Honeylet na puno ng pang-iinsulto ang tingin. “Mahal mo ba siya o mahal mo lang siya dahil sa maginhawang buhay mo dahil sa anak ko? Elorda, hindi mo ako maloloko. Kita ko sa mga mata mo at alam ko ang klase ng babaeng katulad mo.”

Nanlaki ang mata ni Jav sa narinig. Napabitaw siya sa asawa.

“Mom, sobra n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Laila asis
na I yak nmn aq ......
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Graveh namn nah parents matapobre
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
thanks author ...️ pag dumating c dindi mas ma lala pa Dyan ang problema nyo Kaya hawak Kamay kayong dalawa
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   090

    NAUNA nang lumabas si Jav ng conference room. Hindi niya matagalan ang presensiya ng kanyang mga kinaiinisan sa loob. "Jav!" habol na sigaw ni Dindi. Mariing napapikit si Jav at napahinto sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap kay Dindi. "Yes..." walang emosyon niyang sagot. "Let's celebrate. May nai-reserved na seat si Daddy sa restaurant nearby." Pekeng ngumiti si Jav saka umiling. "I'm sorry pero busy ako." Tatalikod na sana siya pero biglang nagsalita ang dalaga. "Why? You don't want to be near me, right?" Napabuntong-hininga siya nang malakas, saka kinuyom ang kamay. "Dindi, not now. Please, I don’t have the energy for this." May bakas ng pagkainis sa boses niya at sa paraan ng pag-iwas ng tingin. "Ganito ka na lang ba lagi sa akin, Jav? Lagi kang umiiwas sa akin na parang may sakit akong nakakahawa. What did I do to make you hate me this much?" May pait ang boses ni Dindi, kita sa mata ang lungkot at hinanakit. Sandaling tumigil si Jav, pinipigilan ang saril

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   089

    "SIR, ipinapatawag na po kayo sa conference room. Magsisimula na po ang meeting," anunsyong sabi ni Annie pagkapasok sa loob ng opisina ng kanyang amo. Itinigil ni Jav ang ginagawa at napatunghay sa sekretarya. "Okay, Annie. I’m coming. Thanks," sagot niya. Pero pansin niyang hindi gumagalaw ang sekretarya sa kinakatayuan nito. "Bakit, may iba pa bang sasabihin?" tanong niya na nakakunot ang noo. "Sir, andito po si Sir Jason at ang Ninong Dindo Augustos n’yo." Nag-aalangang balita ni Annie. "What? Bakit nandito sila? I’m already here, ‘di ba? Ano pa bang kailangan nila?" Napataas ang boses ni Jav, sabay tayo at marahas na itinukod ang mga kamay sa mesa. Bahagyang napaatras si Annie at nabakasan ng takot sa mukha dahil sa pagsigaw ni Jav. "H-Hindi ko rin po alam, Sir. Pero narinig ko pong paparating na rin po dito si Ma’am Dindi." Sandaling natahimik si Jav, parang natigilan. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahagod ng kamay sa buhok. "D*mn it!" mahina niyang b

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   088

    PINAPATULOG ni Elorda si Uno habang si Dos ay kanina pa tulog. Napatingin siya kay Neng, na dalaga at bata pa. "Hindi ka naman nahihirapan sa pag-aalaga sa kambal, Neng?" "Hindi naman po, Ate Elorda. Mabait nga po sina Uno at Dos. Saka, tumutulong po kayong mag-alaga sa kanila," sagot ng yaya ng kaniyang mga anak. Napangiti si Elorda. "Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Huwag kang mahiya." "Salamat po, Ate Elorda." Tumango siya at marahang inilapag si Uno sa crib nito. Nakatulog na rin sa wakas ang kanyang panganay. "Tulog na sila. Magpahinga ka na rin, Neng," sabi niya nang maayos ang anak. Marahan namang tumango ang dalaga at umalis na. Para hindi siya mainip, tumutulong siya sa pag-aalaga sa kambal. Kahit paano, may pinagkakaabalahan siya lalo na kapag wala ang asawa. Medyo natahimik na rin sila at hindi na niya pinapansin ang paminsan-minsang pagpaparinig ng ina ni Jav. Nasasanay na rin siya sa ganoong pakikitungo ng ginang. Nakatagal na rin siya sa mans

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   087

    NAKATITIG lang si Elorda sa asawa habang tulog na tulog ito. Hindi na niya alam ngayon ang mangyayari. Naguguluhan siya, mananatili pa ba siya sa mansyon o aalis na sila? Pero, kung lalayo sila at aalis parang sinabi na rin niyang sumusuko na siya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng asawa. Hinalikan niya ito sa pisngi at humiga sabi ni Jav saka niyakap. Nagising si Jav na masakit ang ulo. Bumangon siya, hahawak ang sintido na kumirot. Natigilan siya nang makita si Elorda. "Mahal ko, sorry. Hindi ko na alam paano ako nakauwo kagabi..." hingi niya ng paumanhin sa asawa. "Hinatid ka ng mga kaibigan mo." Napakamot si Jav sa ulo, halatang nahihiya. "Sorry talaga, Mahal. Hindi ko na kaya ang gulong ito. Palagi na lang akong nakakaramdam na hindi ng takot." Hinawakan niya ang kamay ng asawa ng mahigpit. "Umalis na lang tayo. Bumalik tayo sa dating bahay natin. Mas payapa doon, malayo sa gulo. Malayo kina Mommy at Daddy." Umiling si Elorda, ramdam ang bigat ng bawat salita niya. "Hind

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   086

    AKAY nina Lindrick at Kevin si Jav habang papasok sa loob ng mansyon habang si Patrick ay nakasunod lang sa kanila. Napatigil sila nang nasa sala pa ang nakakatandang Monasterio. "Good evening po, Tita and Tito..." bati ni Patrick sa mag-asawa. Napatayo si Honeylet at tinaasan ng kilay ang tatlong kaibigan ng kanyang anak. "Anong maganda sa gabi kung iuuwi n'yo ng ganyan ang anak ko?" tanong niya. Sa halip na batiin din ang binata ay tinarayan pa ito. Napakamot sa kanyang ulo si Patrick at napatingin sa dalawang kaibigan. Ibinubuyo ng mga tingin nila sa kanya na siya na ang maging lider sa gabing ito. Napabaling muli ang tingin niya sa mag-asawa. "Dalhin lang po namin si Jav sa kuwarto nila," nag-aalalangan pa na sabi niya. Parang naiilang siya sa uri ng tingin ng ama ng kanilang kaibigan. "Ang maigi pa nga. Tutal, hindi naman kami makapagdesisyon para sa kaniya. Baka kayo ay mapayagan ni Jav. But he is sleeping anyway." Sagot ni Honeylet na may ibig sabihin. "Tita, hindi po sa

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   085

    “JAV,” tawag ni Elorda ng mahina ngunit matatag ang boses sa asawa. “Kahit kalaban pa natin ang mundo, pipiliin at pipiliin pa rin kita. Hinding-hindi kita iiwan, kahit na sinuman ang humadlang sa’tin.” Napayakap si Jav sa kanya, mahigpit na tila ayaw nang pakawalan. “Huwag mo akong iiwan, Elorda… Ikaw na lang ang natitirang lakas ko,” bulong niya, halos pumatak ang luha sa leeg ng asawa. Tahimik lang si Honeylet na nakamasid sa kanilang dalawa. Sa kabila ng galit at takot sa kinabukasan ng anak, may kumurot sa puso niya. Kitang-kita niya ang pag-iyak ni Jav, hindi ito ang batang kilala niyang palaging matapang. At sa higpit ng yakap ng dalawa, parang unti-unting bumigat ang dibdib niya, na para bang naiintindihan na niya kung gaano kahalaga si Elorda sa buhay ng anak. “Kahit anong sabihin niyong dalawa, hindi ko matatanggap na siya ang piliin mo, Jav. Hindi ko hahayaang masira ang buhay mo dahil lang sa pagmamahal na ‘yan," sabi ni Honeylet na pinanatili ang matigas ang ekspresyon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status