Share

085

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-19 21:44:43

“JAV,” tawag ni Elorda ng mahina ngunit matatag ang boses sa asawa. “Kahit kalaban pa natin ang mundo, pipiliin at pipiliin pa rin kita. Hinding-hindi kita iiwan, kahit na sinuman ang humadlang sa’tin.”

Napayakap si Jav sa kanya, mahigpit na tila ayaw nang pakawalan. “Huwag mo akong iiwan, Elorda… Ikaw na lang ang natitirang lakas ko,” bulong niya, halos pumatak ang luha sa leeg ng asawa.

Tahimik lang si Honeylet na nakamasid sa kanilang dalawa. Sa kabila ng galit at takot sa kinabukasan ng anak, may kumurot sa puso niya. Kitang-kita niya ang pag-iyak ni Jav, hindi ito ang batang kilala niyang palaging matapang. At sa higpit ng yakap ng dalawa, parang unti-unting bumigat ang dibdib niya, na para bang naiintindihan na niya kung gaano kahalaga si Elorda sa buhay ng anak.

“Kahit anong sabihin niyong dalawa, hindi ko matatanggap na siya ang piliin mo, Jav. Hindi ko hahayaang masira ang buhay mo dahil lang sa pagmamahal na ‘yan," sabi ni Honeylet na pinanatili ang matigas ang ekspresyon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rissa Bien
update miss a
goodnovel comment avatar
Joan Cabrera
la kaines si jav ha parang walang bayag
goodnovel comment avatar
Rissa Bien
haysss sad naman miss a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   092

    KATATAWAG lang ni Jav kay Elorda at susunduin daw silang mag-iina ng asawa sa tindahan. Mukhang may ibang pinaplano si Jav pagkatapos ng trabaho nito. "Anong oras ba darating ang asawa mo?" tanong ni Tess. Ang bilis ng oras, pakiramdam niya ay parang kanina lang ng dumating sina Elorda at ng kambal. Pero maggagabi na kaagad. Bitin tuloy ang kwentuhan nilang magkaibigan. "Sabi niya pagkatapos pa ng trabaho niya..." Napangiti si Tess. "Bilib ako sa asawa mo, ha. Mahal na mahal ka talaga." "Kaya nga mahal na mahal ko rin siya," sagot ni Elorda na may ngiti sa labi. "Nakakainggit ka, sana ako rin. Magkaroon ng isang katulad ni Jav. Sayang lang wala siyang kapatid," bulalas ni Tess na parang nangangarap ng gising. "Pero noon, aayaw-ayaw ka pa sa offer niyang kasal, ‘di ba?" Natawa si Elorda. Kung babalikan ang lahat noong kinukumbinsi pa siya ni Jav na magpakasal, halos umayaw siya. Hindi kasi siya sigurado noon kung totoo ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya. Sino bang mag-aakal

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   091

    "MAYROON ka bang sasabihin sa akin, Elorda?" Nagulat si Elorda sa naging tanong ni Tess. Pero hindi niya iyon ipinahalata sa kaibigan. Mabilis siyang umiling. "W-Wala..." sagot niya na pilit tinitibayan ang loob sa harapan ni Tess. Matiim na napatitig si Tess sa kanyang kaibigan. Hindi siya kumbinsido. Parang mayroon sa loob niya na nag-uudyok na usisain si Elorda tungkol sa pagtira sa mansyon. “Mukha yatang may tinatago ka sa akin, Elorda,” ani Tess na hindi inaalis ang tingin dito. “Alam mo namang hindi kita huhusgahan. Pero kung may problema ka gusto kong malaman para matulungan kita.” Napakagat-labi si Elorda at bahagyang ibinaba ang tingin. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kaibigan. Ayaw niyang maipit sa tanong ni Tess, pero ayaw din niyang magsinungaling sa kaibigan niya. Masyado atang obvious sa mukha niya ang lungkot kahit na ngumiti pa siya. “Wala talaga, Tess…” pilit niyang sagot, ngunit halatang may pag-aalinlangan ang kanyang boses. “Wala?” kunot-noon

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   090

    NAUNA nang lumabas si Jav ng conference room. Hindi niya matagalan ang presensiya ng kanyang mga kinaiinisan sa loob. "Jav!" habol na sigaw ni Dindi. Mariing napapikit si Jav at napahinto sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap kay Dindi. "Yes..." walang emosyon niyang sagot. "Let's celebrate. May nai-reserved na seat si Daddy sa restaurant nearby." Pekeng ngumiti si Jav saka umiling. "I'm sorry pero busy ako." Tatalikod na sana siya pero biglang nagsalita ang dalaga. "Why? You don't want to be near me, right?" Napabuntong-hininga siya nang malakas, saka kinuyom ang kamay. "Dindi, not now. Please, I don’t have the energy for this." May bakas ng pagkainis sa boses niya at sa paraan ng pag-iwas ng tingin. "Ganito ka na lang ba lagi sa akin, Jav? Lagi kang umiiwas sa akin na parang may sakit akong nakakahawa. What did I do to make you hate me this much?" May pait ang boses ni Dindi, kita sa mata ang lungkot at hinanakit. Sandaling tumigil si Jav, pinipigilan ang saril

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   089

    "SIR, ipinapatawag na po kayo sa conference room. Magsisimula na po ang meeting," anunsyong sabi ni Annie pagkapasok sa loob ng opisina ng kanyang amo. Itinigil ni Jav ang ginagawa at napatunghay sa sekretarya. "Okay, Annie. I’m coming. Thanks," sagot niya. Pero pansin niyang hindi gumagalaw ang sekretarya sa kinakatayuan nito. "Bakit, may iba pa bang sasabihin?" tanong niya na nakakunot ang noo. "Sir, andito po si Sir Jason at ang Ninong Dindo Augustos n’yo." Nag-aalangang balita ni Annie. "What? Bakit nandito sila? I’m already here, ‘di ba? Ano pa bang kailangan nila?" Napataas ang boses ni Jav, sabay tayo at marahas na itinukod ang mga kamay sa mesa. Bahagyang napaatras si Annie at nabakasan ng takot sa mukha dahil sa pagsigaw ni Jav. "H-Hindi ko rin po alam, Sir. Pero narinig ko pong paparating na rin po dito si Ma’am Dindi." Sandaling natahimik si Jav, parang natigilan. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahagod ng kamay sa buhok. "D*mn it!" mahina niyang b

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   088

    PINAPATULOG ni Elorda si Uno habang si Dos ay kanina pa tulog. Napatingin siya kay Neng, na dalaga at bata pa. "Hindi ka naman nahihirapan sa pag-aalaga sa kambal, Neng?" "Hindi naman po, Ate Elorda. Mabait nga po sina Uno at Dos. Saka, tumutulong po kayong mag-alaga sa kanila," sagot ng yaya ng kaniyang mga anak. Napangiti si Elorda. "Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Huwag kang mahiya." "Salamat po, Ate Elorda." Tumango siya at marahang inilapag si Uno sa crib nito. Nakatulog na rin sa wakas ang kanyang panganay. "Tulog na sila. Magpahinga ka na rin, Neng," sabi niya nang maayos ang anak. Marahan namang tumango ang dalaga at umalis na. Para hindi siya mainip, tumutulong siya sa pag-aalaga sa kambal. Kahit paano, may pinagkakaabalahan siya lalo na kapag wala ang asawa. Medyo natahimik na rin sila at hindi na niya pinapansin ang paminsan-minsang pagpaparinig ng ina ni Jav. Nasasanay na rin siya sa ganoong pakikitungo ng ginang. Nakatagal na rin siya sa mans

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   087

    NAKATITIG lang si Elorda sa asawa habang tulog na tulog ito. Hindi na niya alam ngayon ang mangyayari. Naguguluhan siya, mananatili pa ba siya sa mansyon o aalis na sila? Pero, kung lalayo sila at aalis parang sinabi na rin niyang sumusuko na siya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng asawa. Hinalikan niya ito sa pisngi at humiga sabi ni Jav saka niyakap. Nagising si Jav na masakit ang ulo. Bumangon siya, hahawak ang sintido na kumirot. Natigilan siya nang makita si Elorda. "Mahal ko, sorry. Hindi ko na alam paano ako nakauwo kagabi..." hingi niya ng paumanhin sa asawa. "Hinatid ka ng mga kaibigan mo." Napakamot si Jav sa ulo, halatang nahihiya. "Sorry talaga, Mahal. Hindi ko na kaya ang gulong ito. Palagi na lang akong nakakaramdam na hindi ng takot." Hinawakan niya ang kamay ng asawa ng mahigpit. "Umalis na lang tayo. Bumalik tayo sa dating bahay natin. Mas payapa doon, malayo sa gulo. Malayo kina Mommy at Daddy." Umiling si Elorda, ramdam ang bigat ng bawat salita niya. "Hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status