Share

115

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-09 12:23:10

NATAPOS ang kainan sa hardin. Nagpasalamat at masayang-masaya na umalis na ang mga kapitbahay nina Jav. Kumakaway pa si Honeylet sa mga tao na may pekeng ngiti sa labi.

"Convincing ba ang drama ko?" Untag niya sa asawa.

Napailing na lang si Jason. Ang mapagkunwari niyang asawa. Pati ba naman mga walang kaalam-alam na ibang tao ay ginagawang tau-tauhan.

Ano bang mapapala nito sa pagiging peke?

"Ano bang pakulo ito, Honey? Pati ang mga inosenteng tao ay ginagamit mo na sa kalokohan mo..." aniya. Naiinis na siya sa iginagawi ng kanyang asawa. Hindi naman ganito si Honeylet noon. Napakabait nitong maybahay. Nagkaroon lamang ng pamilya ang kanilang kaisa-isang anak ay nagbago ang ugali nito.

Pakiramdam niya ay nakikipagkumpetensya siya kay Elorda.

"Hay naku, Jason," sabay irap ni Honeylet habang tinatanggal ang hikaw niya, "kung hindi ako kikilos, sinong aasahan natin? Si Elorda? Na halos ayaw na tayong kilalanin dahil sa anak mo?"

"Anak natin, Honey," madiin na paalala ni Ja
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   118

    "ALAM mo ganyan na ganyan din ang buhay namin. Pero ako, pinilit kong makatapos. Kaya nakapagtrabaho ako sa ibang bansa. Naging maayos naman ang buhay namin," kuwento rin ni Elorda. "Unti-unti nakakapundar na ako. Nakabili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko. Lahat ng hirap ko ay nagkakaroon na ng saysay..." Bahagyang ngumiti si Neng, napayuko siya. Saka, tumunghay sa kanyang amo. "Maswerte po kayo, Ate Elorda. Kahit paano ay nakita n'yo ang mga pinaghirapan mo. Ako po, wala." Napabuntong-hininga si Neng. “Parang habang tumatagal, lalo lang akong napapagod. Kahit anong kayod ko, parang walang nangyayari. Laging may kulang… laging may kapalit.” Tahimik na nakinig si Elorda, nakatingin sa kawalan habang iniisip ang pinanggalingan niya noon. “Ganyan din ang naramdaman ko dati. Pero alam mo, Neng, hindi ka dapat sumuko. Kahit maliit lang ang nababago, basta may nababago, tuloy lang.” Napatingin ulit si Neng sa kanya, bakas sa mga mata ang halo ng pagod at pangungulila. “Pero paan

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   117

    PUMASOK sa kuwarto si Jav, nadatnan niyang nakaupo si Elorda sa gilid ng kama. Umupo siya sa tabi ng asawa at napahinga ng malalim. "I'm sorry for what my Mom said..." "Okay lang 'yon. Sa isang taon nating magkasama, nasasanay na rin ako na ganoon ang nanay mo sa akin," sagot ni Elorda na may pait sa loob-loob niya. "I just can't control what my parents say or do,” mahinang sambit ni Jav, nakayuko habang minamasahe ang sentido niya. “Pero ayokong maapektuhan ka pa.” Bahagyang ngumiti si Elorda, pilit tinatanggal ang bigat sa tono ng usapan. “I’m fine, Jav. As long as alam kong ikaw ay nasa panig ko. Wala akong hindi kayang tiisin para sa'yo at sa mga anak natin." Tumingin si Jav sa kanya, may halong guilt sa mga mata. “Always. Ikaw ang asawa ko. Wala nang iba." Saglit silang natahimik. Tanging mahina nilang paghinga ang maririnig sa silid. Pagkatapos ay kinuha ni Jav ang kamay ng asawa at marahang pinisil, parang sinasabi na kahit anong mangyari. Siya at si Elorda ay magkasama p

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   116

    KINABUKASAN, nasa iisang lamesa silang lahat para sa almusal. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig. Pati na ang ingay ng dalawang bata habang pinapakain ni Neng. "What's your plan today, Jav?" Basag na tanong ni Jason sa anak. Napahinto si Jav sa pagkain at napasulyap muna sa asawa. Saka, muling binalikan ng tingin ang ama. "Hindi ko pa po alam, Dad. Pag-uusapan pa po namin ng asawa ko," sagot niya. "Kayo, baka mayroon kayong pupuntahan. Go ahead. Huwag n'yo po kaming isipin. Kanya-kanya naman po siguro ang lakad nating lahat." Napalingon si Jason sa kanyang asawa. Nakataas na naman ang kilay nito at halos hindi maipinta ang mukha dahil sa nanghahaba na nguso. "Yeah. We are planning to go somewhere today, sa Tagaytay. Your mom wants to see the garden cafe she saw on social media," sagot ni Jason, pilit na umaaktong normal. Napangiti si Elorda nang marinig ang nabanggit na lugar. "Ay, 'yun po ba 'yung may mga hanging plants at puro puti ang paligid? Gusto ko rin sana p

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   115

    NATAPOS ang kainan sa hardin. Nagpasalamat at masayang-masaya na umalis na ang mga kapitbahay nina Jav. Kumakaway pa si Honeylet sa mga tao na may pekeng ngiti sa labi. "Convincing ba ang drama ko?" Untag niya sa asawa. Napailing na lang si Jason. Ang mapagkunwari niyang asawa. Pati ba naman mga walang kaalam-alam na ibang tao ay ginagawang tau-tauhan. Ano bang mapapala nito sa pagiging peke? "Ano bang pakulo ito, Honey? Pati ang mga inosenteng tao ay ginagamit mo na sa kalokohan mo..." aniya. Naiinis na siya sa iginagawi ng kanyang asawa. Hindi naman ganito si Honeylet noon. Napakabait nitong maybahay. Nagkaroon lamang ng pamilya ang kanilang kaisa-isang anak ay nagbago ang ugali nito. Pakiramdam niya ay nakikipagkumpetensya siya kay Elorda. "Hay naku, Jason," sabay irap ni Honeylet habang tinatanggal ang hikaw niya, "kung hindi ako kikilos, sinong aasahan natin? Si Elorda? Na halos ayaw na tayong kilalanin dahil sa anak mo?" "Anak natin, Honey," madiin na paalala ni Ja

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   114

    MAHABANG lamesa ang nasa gitna ng hardin. May dahon ng saging sa ibabaw at nakalagay ang mga kanin. Nasa gilid naman ang mga ulam na ipinaluto ni Honeylet. "Lukring, ipatawag mo ang mga kapitbahay. Dito na sila kumain ng pananghalian. Maganda na marami tayong kakain. Boodle fight," utos ni Honeylet. "Honey, okay lang ba sa'yo na kasama ang mga kapitbahay natin na kumain?" Paniniguradong tanong ni Jason. Napalingon ang asawa niya sa kanya. "Oo naman. Walang problema sa akin kung kasabay natin ang mga mahihirap nating kapitbahay. Makakatikim na sila ng masasarap na pagkain na hindi nila kayang bilhin sa pang-araw-araw. Hindi ba't mas masarap kumain kapag alam mong may napasaya kang ibang tao?" Sabay ngiti ni Honeylet habang tinitignan ang mahabang lamesa. “Tsaka, para makita rin nila kung gaano ako kagaling maghanda. Hindi ba, Lukring?” dagdag pa niya sabay irap kay Elorda na noon ay lumabas mula sa bahay at naglalakad palapit sa kanila sa hardin. Tahimik lang si Elorda habang pina

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   113

    "MAHAL ko, sigurado ka ba sa pasya mo? Hindi ka ba maiilang habang andito sila? Alam ko naman na hindi ka komportable na nasa malapit lamang sina Mommy at Daddy, andito rin si Dindi," nababahalang mga tanong ni Jav sa asawa. Hindi mawala sa kanya ang mag-alala. Ang huling araw nila sa mansyon ay hindi naging maganda. Ayaw niyang mahirapan o sumama muli ang loob ni Elorda. Mas mahalaga ang mararamdaman ng kanyang asawa kaysa sa kahit anong obligasyon niya sa pamilya. Pero ngumiti lang si Elorda. Mahinahon at buo ang loob. "Jav, mahal kita. At mahalaga sa akin ang kapayapaan ng pamilya natin. Hindi ko ito ginagawa para lang sa kanila, ginagawa ko rin ito para sa atin. Para matapos na ang kung anong hindi natapos noon." Napatingin si Jav sa mga mata ng asawa. May lungkot pa rin doon, pero mas nangingibabaw ang tapang. "Sigurado ako sa pasya ko. Kung may sama man ako ng loob noon, hindi ibig sabihin gusto kong dalhin 'yon habangbuhay. Gusto kong subukang muli. Kahit mahirap at kahit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status