MAINGAT na naisarado ni Jav ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa, pagkapasok niya sa loob. Ayaw niyang makalikha ng ingay. Mariing napapikit s Elorda nang maramdaman na may pumasok sa kuwarto. Alam niyang ang asawa na niya iyon. Lumundo ang kama at rinig niya ang mga pagbuntong-hininga ni Jav. Maingat ding idinampi ni Jav ang kamay sa balikat ni Elorda, para bang sinusukat kung tatanggapin ba nito ang kanyang paglapit. "Elorda..." mahina niyang tawag, puno ng pag-aalinlangan. Hindi gumalaw si Elorda, nakapikit pa rin, pinipigilan ang sariling magpakita ng kahinaan. Pero naroon sa pagitan ng mga buntong-hininga ni Jav ang isang bigat na mahirap ipagsawalang-bahala. "Alam kong galit ka pa," tuloy ni Jav, bahagyang yumuko para mas marinig siya ng asawa. "Pero hindi ko kayang matulog na ganito tayo, mahal ko." Unti-unting iminulat ni Elorda ang mga mata at nanatiling nakatalikod pa rin sa asawa. "Kung alam mo, bakit mo pa hinayaan?" tanong niya, mababa pero matalim ang tono.
NAGLAKAD palabas si Honeylet sa kusina. Tumigil pa siya sa gilid ni Elorda at tinaasan ito ng kilay bago tuluyan na umalis sa kusina. Hindi nagpatinag si Elorda sa kanyang kinatatayuan. Nanatili siyang nakatayo at ni hindi nagpakita ng kahit na anong reaksyon sa ginang. Nang mapag-isa silang mag-asawa sa kusina ay kinumpronta ni Elorda si Jav sa mga narinig. "Ano 'yon, ha? Anong pinagsasabi ng Nanay mo tungkol sa magulang ko?" Sunod-sunod niyang tanong sa asawa. Napaamang si Jav habang nakapameywang na nakatingin kay Elorda. "Mahal ko, wala... walang sinasabi si Mommy na ganoon. Mali ang pagkakaintindi mo." Napatango-tango si Elorda sa naging sagot ng asawa niya. Nakukuha pa nitong magsinungaling sa kanya at ipinagtatanggol ang ina. "Wala? E, bakit ganoon ang reaksyon n'ya? Ikakaila mo pa sa akin. E, rinig na rinig ko ang lahat." Naiinis siya na pati ang magulang niya ay nakakaranas nang hindi magandang pakikitungo ng ginang. Sana hindi nito binabastos ang magulang niya. "Ka
SA loob ng bahay, agad na inupo ni Jav ang mag-asawa, sina Elina at Sicandro sa sofa. Pinuntahan naman ni Neng ang kusina para maghanda ng maiinom sa dalawang matanda. Tahimik lang si Honeylet, pero hindi mawala ang singkit ng mata niya habang pinagmamasdan ang magulang ni Elorda. Tila sinusuri bawat kilos at itsura nila. “Dumito na po muna kayo. Magpahinga kayo at kakain pa po tayo ng hapunan,” masiglang sabi ni Jav habang inaabot ang isang baso ng tubig kay Sicandro. “Salamat, hijo,” tipid na tugon nito, halatang naiilang pa rin. Si Elorda naman ay umupo sa tabi ng ina at marahang tinapik ang kamay nito. “Relax lang po, Inay. Wala po kayong dapat ikahiya." Binalingan niya si Neng. "Pakidala na lang sina kambal sa kuwarto..." utos niya na sinunod naman ng dalaga. Nang makaalis ang mga anak, napansin niyang nakatingin pa rin ang ina ni Jav sa kanila na umiiling-iling. Lumapit si Honeylet sa kanyang anak. “Jav, puwede ba muna tayong mag-usap sa kusina?” aniya ng mahina pero ki
"BILIHIN ko na po ang lahat ng mga paninda n'yo, Inay..." sabi ni Elorda. Napatingin si Elina sa dalang container at tinignan ang laman. "Napadami pa nito, anak. Kaya naman naming maubos ito rito." "Okay lang po. Para hindi na po kayo maglalako. Napakainit po ng panahon at mahihirapan pa kayong ubusin 'yan bago kayo makauwi sa bahay n'yo," katwiran ni Elorda. Nagkatinginan sina Elina at Sicandro. Tumango si Sicandro sa asawa niya. Saka binalingan ni Elina ang anak. "E, kung sigurado ka. Sige. Nakakahiya naman sa'yo, Elorda. Bibilhin mo pa ang lahat ng mga paninda namin. Kami ang may atraso sa'yo matagal na. Hindi ko nga alam kung paano ka kakausapin," ani Elina. "Inay, sinabi ko na po kanina. Kalimutan na po natin iyon. Matagal na 'yon at dapat na nating umusad." Nakangiting tugon ni Elorda sa kanyang mga magulang. Naroon ang lambing sa boses ni Elorda, pero dama rin ang bigat ng mga salitang iyon. Saglit na natahimik ang paligid, tanging tunog lang ng hangin at kaluskos ng daho
NAPATIGIL sa paglalako ang mag-asawa. Halos mabitawan ng babae ang cooler na dala habang ang lalaki nama’y napalunok, tila hindi makapaniwala sa nakikita. “Elorda… anak?” mahinang tawag ng ina, nanginginig ang boses. Unti-unti silang lumapit na parang takot na baka biglang maglaho ang anak na matagal na nilang hindi nakita. Tumayo si Elorda mula sa mesa, nanginginig ang mga tuhod. Ramdam niya ang pangingilabot sa bawat hakbang. Nang maglapat ang kanilang mga mata, bumagsak na lang ang kanyang mga luha. Paglapit ng mag-asawa, agad siyang niyakap ng ina. Mahigpit at puno ng pananabik habang napayakap na rin sa kanila ang ama. Pare-pareho silang tatlo na humahagulhol ng iyak. Mahabang panahon din na nagkaroon ng lamat ang kanilang buong pamilya dahil sa ginawa nina Harry at Elaine kay Elorda. Pero natuto na siyang magpatawad at wala na ang galit sa puso niya. “Akala namin… hindi na tayo magkikita,” hikbi ng ina. Simula noong nangyari ang kasal nina Harry at Elaine ay wala na si
IKALIMANG araw ng bakasyon nila, nagpasya si Jav na ipasyal ang kanyang mag-anak sa Mount Makiling. Maganda ang panahon kaya gusto nilang maghiking at mag-nature trips. Hindi nila inaya ang kanyang mga magulang at si Dindi. May ibang lakad ang mga ito at hindi na niya inalam kung saan. "Excited na akong pumunta sa Mount Makiling. First time ko itong makikita," sabi ni Elorda habang inilalagay ang mga pagkain sa likod ng sasakyan na dadalhin. "Talaga ba? Hindi ka pa nakakapunta sa Mount Makiling?" Baling na tanong ni Jav. "Sa Manila kami nakatira at sa isang maliit na barangay lang, dating squatter. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakapasyal sa bansa, kasama ka na at ang mga anak natin. Puro lang kasi ako trabaho pada maibigay ang lahat sa pamilya ko." Sagot ni Elorda. Napangiti si Jav. Bibihira na magkwento ang asawa niya tungkol sa pamilya nito, para bang may iniiwasan itong i-kwento. Ayaw din niyang pilitin si Elorda na sabihin sa kanya ang lahat. "Handa na ang lahat," tangin