Share

169

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-09-01 14:50:35

PAGKATAPOS nilang mag-agahan ay nauna nang umalis si Jav. Naiwan silang tatlong babae sa kusina.

"Neng, pumunta ka na sa itaas. Linisan mo ang mga kuwarto roon. Tutal, wala ka nang mga batang aalagaan," utos ni Honeylet sa dalaga.

"Sige po, Madam," sagot ni Neng at mabilis na umalis.

Sinundan siya ng tingin ni Elaine hanggang sa makalabas. Saka niya muling tiningnan ang ginang. Parang may kakaiba siyang naramdaman. Hindi pa tapos ang trabaho sa kusina, pero pinaalis na agad ni Honeylet si Neng.

"Ikaw naman ang maghugas ng mga pinggan... ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Honeylet kay Elaine.

"Elaine po," mahinang sagot niya, halos hindi makatingin sa ginang.

Tumikhim si Honeylet at nag-ayos ng upo sa silya. "Elaine... hmm. Baguhan ka pa lang dito, ‘di ba? Kaya naman sana ay matuto ka agad. Ayokong may palpak sa bahay ko."

Napayuko si Elaine at nagsimulang ayusin ang mga pinagkainan. Ramdam niya ang malamig na titig ni Honeylet na nakasunod sa bawat kilos niya.

"Kung gust
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Helen Cuencia
ano ba tlga c Elaine semi bida away kaloka
goodnovel comment avatar
Nimpha De Guzman
hangang 169 lang po ba bkt po ayaw na a open
goodnovel comment avatar
Rosy Sannie
Oo nga eh hahaha pinapatay ang bida
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   176

    NATAHIMIK silang lahat sa sinabi ni Jav. Ramdam ni Mylene ang bigat ng sitwasyon, nakikita niya ang pagnanais ni Jav na makapiling ang kanyang pamilya. Pero malinaw din ang panganib ng ginawa nila. Maaring magalit si Elorda at lalo lang lala ang sitwasyon. Mas maganda na hintayin ni Jav na humupa ang sakit ng kalooban na nararamdaman ng kaibigan nila. Ramdam naman nila ni Tess na mahal pa rin ni Elorda si Jav. At malakas ang kutob nila na maiisip din nito na bumalik sa asawa. “Jav, naiintindihan kita. Pero hindi ka puwedeng padalos-dalos. Hindi ka pa handang harapin ni Elorda. Masisira lang ang lahat. Baka lalong lumayo sa'yo ang kaibigan namin," ani Mylene na nagbigay babala. Napakuyom ng kamao si Jav at napatingala sa madilim na langit. “Paano kung hindi na dumating ‘yong tamang oras? Paano kung habang hinihintay ko, lalo lang akong malayo sa kanila? Hindi ko ginusto na magkaroon ng sirang pamilya. Ayoko na mawalay nang matagal sa kanila. Araw-araw akong hindi halos makahinga.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   175

    PIGIL na pigil ni Jav ang sarili na yakapin ang asawa. Kailangan nilang magpanggap na apat na clown para lamang makadalo sa unang kaarawan ng kanyang mga anak. "Pare, calm down. We're here just to see Elorda and the twins," paalala na bulong ni Patrick kay Jav. Napasulyap siya sa kaibigan niya, halatang nahihirapan pigilan ang damdamin. Sa ilalim ng makapal na make-up at ng pulang ilong, ramdam ni Patrick ang mabigat na buntong-hininga ni Jav. “Alam ko,” mahinang tugon ni Jav, saka siya muling tumuwid ng tayo at nag-act na parang nagbibiro sa mga bata. “Pero mahirap, pare. Ang lapit-lapit nila, pero para bang ang layo ko.” Napatingin naman si Lindrick na abala sa paggawa ng balloon sword para kay Uno. “Focus lang tayo, Jav. ‘Wag mong hayaang mapansin ka ni Elorda. Kapag may hinala siya, lagot tayo.” “Oo nga. Basta gawin lang natin ‘to. Kahit isang oras lang, makita mo na silang masaya. Pagkatapos, alis tayo na parang wala lang," sabat si Kevin na nakaupo at nagpe-pretend na nagjo

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   174

    MAY pumasok na apat na lalaking nakabihis clown. Nagtaka si Elorda na may clown palang kinuha ang mga kaibigan niya. "Tess, kumuha ba kayo ng clown?" tanong ni Elorda, ibinigay niya muna kay Erros si Uno. Napatigil si Tess. Napaisip pa siya sandali. Hindi niya kasi alam kung may hinire sila ni Mylene na clown. Napatingin siya sa gawi ng mga clown na nagsisimula nang magperform. Isang lalaking clown ang tumingin sa gawi niya at kumindat. Napakurap-kurap ng kanyang mga mata si Tess. Saka, muling bumaling ng tingin sa kaibigan. "H-Ha? Ano, Elorda... siguro ata," nauutal niyang sagot. "O-Oo. Meron nga..." Nahihirapan talaga si Tess. Pero pilit niyang umaaktong normal sa harap ng kaibigan. Napatitig si Elorda kay Tess. Saka, muling napatingin sa apat na lalaki. "May pambayad ba tayo sa apat na 'yan? Baka mahal maningil ang mga iyan..." tanong pa niya kay Tess. "Sandali nga, kausapin ko si Mylene. Siya naman ang kumuha sa mga clown. Sabi ko sa kanya, 'wag na at baka kapusin tayo sa

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   173

    ABALA ang magkakaibigang sina Elorda, Tess at Mylene sa pagluluto para sa kaarawan nina Dos at Uno. May ilan ding tumulong sa paggagayat ng mga sangkap at sa pag-aayos ng mga dekorasyon para sa birthday theme ng kambal. Maingay ang tawanan at halakhakan sa kusina, pero ramdam ang saya sa bawat kilos nila. Nakapagdesisyon si Elorda na imbitahan ang mga batang kapitbahay nila. Tutal, mga bata talaga ang dapat maging masaya sa kaarawan nina Dos at Uno. Para sa kanila ang pagdiriwang na ito. Hindi na mahalaga kung may iba pang bisita. Ang importante, maramdaman ng kambal ang ligaya ng kanilang unang kaarawan. Habang abala ang lahat, panay ang silip ni Elorda sa kambal na nasa sala. Namamangha sina Dos at Uno sa makukulay na palamuti, mga lobo, banderitas at simpleng dekorasyon na inayos ng mga kapitbahay. Pumapalakpak pa ang dalawa sa tuwa. Wari bang naiintindihan nila na espesyal ang araw na iyon para sa kanila. “Ang cute nila, parang nai-excite din,” natatawang sabi ni Tess habang pi

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   172

    NALALAPIT na ang birthday ng kambal. Isang taon na sila sa susunod na linggo. Pinag-iisipan pa ni Elorda kung maghahanda siya nga ng malaking party. Isa pa, hindi naman mahalaga para sa kanya kung may malaking handaan o wala. "Puwede naman na magluto tayo ng mga pagkain para sa mga bata rito? Hindi ba, maganda 'yon? Marami pang mga bata ang magiging masaya," ang naisip na suhestiyon ni Mylene. Napasulyap si Elorda sa kaibigan. "Maganda naman ang suggestion mo. Pero, unang birthday ng mga bata na wala ang ama nila. Parang hindi ko na alam paano ko ipapaliwanag sa mga anak ko na hindi kami buo sa espesyal na araw nila." Lumamlam ang mga mata ni Elorda na napatingin sa gawi ng kaniyang mga anak na masayang naglalaro. "Ang mahalaga naman ay nasa maayos kayong mag-iina. Di ba?" tanong ni Mylene na hinawakan ang balikat ni Elorda. Para mapabaling ang tingin ng kaibigan sa kanya. Nagpilit ng ngiti si Elorda. "Oo nga. Siguro ako lang ang masyadong nag-o-overthink. Gusto ko lang kasi na m

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   171

    DALAWANG linggo ang lumipas, naging kampante na rin sina Elorda sa bago nilang tirahan. Si Mylene ay nakahanap na ng bagong trabaho, hindi man kalakihan ang kita, sapat na rin para makatulong sa panggastos nila. Mahirap namang magtrabaho si Elorda dahil walang maiiwan sa kambal. Pero pinag-iisipan niyang maging online seller ng mga damit mula sa tindahan nila para hindi na kailangang lumabas ng bahay. Napalinga si Tess sa loob ng bahay. “Maganda naman dito. At saka, mukhang tahimik,” komento niya. “Oo nga, Tess. Mababait din ang mga kapitbahay,” sagot ni Mylene. Wala siyang pasok sa trabaho at naitaon nilang weekend para magkita rin sila. “Wala ka bang napapansing sumusunod sa ’yo?” biglang tanong ni Elorda. Marahang tumango si Tess, bagaman nag-aalangan. Hindi siya sigurado kung wala talagang nagmamanman sa kanya. “Wala naman siguro. At saka, hindi rin ako nagkukuwento kay Patrick. Hindi rin siya nagtatanong tungkol sa inyo. Siguro alam niya na hindi ko rin siya sasagutin kung m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status