Share

179

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-06 10:22:05

NAPAISIP si Jav sa tinuran ni Patrick. Maging siya ay napansin niya na tila kakaiba ang tingin sa kanya ng asawa. Siguro nga ramdam ni Elorda na siya ang kausap nito.

"Then, I need to be extra careful. Malakas ang pakiramdam ng asawa ko pagdating sa akin. Gusto ko silang balikan bukas para makita. Pagkakataon ko na ito at ayokong sayangin habang nasa malapit pa ako," sabi niya.

Ayaw niya munang bumalik ng Manila hangga’t hindi sila nagkakausap ni Elorda. Gusto niya pa ring subukan na kumbinsihin ang asawa na bumalik. Hihingi siya ulit ng tawad kay Elorda upang mapagbigyan siya nito.

"Jav, sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Sa nakikita ko kay Elorda parang maayos siya na wala ka. Nakaya niyang dalhin sina kambal. Parang masaya pa nga siya." Untag ni Kevin, sinasabi lang niya ang napansin kanina habang kasama ang mag-iina ng kaibigan.

Parang may laman ang mga sinasabi ni Kevin. Tila ata sinisiraan nito si Elorda sa kanya. Isa rin ata ito sa may ayaw sa asawa niya.

"Masay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Rosy Sannie
Mama ni jav si dindi p at Elaine sus daming kontrabida
goodnovel comment avatar
Rosy Sannie
Sana nmn kc puro pighati nlg ang role ni elotda dito pasakit nlg lagi
goodnovel comment avatar
nagiePangani
balikan m na c jav elorda. npaka swerte m sa kanya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   225

    MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   224

    HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   223

    UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   222

    "MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   Author's Note

    Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   221

    MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status