Beranda / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 123.2: Tree House

Share

Chapter 123.2: Tree House

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-08 21:23:16

Naupo sa tabi ni Ysabela si Greig kaya nilingon niya ito saglit. Nakapagpalit na ang lalaki ng ternong damit kagaya niya. Ang isang staff ay naglapag ng kape sa harap ni Greig. Samantalang tsokolate naman ang sa kaniya.

“Inaayos na po ang mga bulaklak, Sir.” Imporma nito.

Tumango lang si Greig. Umalis ang babaeng staff kaya naiwan sila sa maliit na silid. Mula rito ay matatanaw naman ang malawak na taniman ng mga daffodils, chrysanthemum, daisies, at dahlia.

Hindi niya alam na ekta-ektaryang lupain ang pinagtataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.

Pumapatak pa rin ang ulan sa labas at medyo malakas ang ihip ng hangin. Tila nagsasayaw ang mga bulaklak habang naliligo sa ulan.

Walang kasingganda ang flower plantation na kaniyang natatanaw.

Tahimik silang dalawa ni Greig, pero ramdam niya ang madalas nitong paglingon para tingnan siya.

“I already ordered our lunch.” Basag nito sa katahimikan.

Ipinalibot niya ang malamig na kamay sa mainit na tasa at nakaramdam ng ginhawa.

“Hindi b
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Lan Nie
ay nku sna mag kaayos coava5 c nastha nlaman klukahn pti yng ada
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
...️...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Boss d
sana bigyan p ng chance ai greig at sana si natasha mahuli n ni grrig na nagsisinungaling mas mapapaganda ang kwento pag ganon puro mga kabit nlng ai
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 235

    Pabalik sa kaniyang opisina ay unti-unting rumihestronsa kaniyang isip kung gaano kaseryoso si Archie na patunayan ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi ito pupunta sa kaniyang store kung hindi ito nakakuha ng sapat na ebidensya na maaari nitong panghawakan laban sa kaniya.Tama nga naman si Archie, hindi tutugma sa kaniyang DNA ang DNA ng labi ng taong inilibing noon, limang taon na ang nakakalipas, dahil hindi naman siya ang babaeng iyon.Kumuha lamang ng bangkay mula sa ospital sila Klaus at Agatha, bangkay na hindi kinukuha ng mga kamag-anak dahil walang sapat na pangbayad sa hospital bill. Si Klaus ang gumawa ng paraan para mabili ang bangkay, at mailibing para palabasin na siya iyon.Nang makapasok sa kaniyang opisina, agad na dumiretso si Yvonne sa kaniyang bag na nasa ibabaw ng mesa para hanapin ang kaniyang gamot. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpapawisan siya ng malamig at nag-aangat-baba ang kaniyang dibdib.Mabuti na lamang at nang pabalik na siya sa kaniyang opi

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 234

    TALAGA? Naging miserable ba ang buhay ni Archie dahil sa kaniya? Paanong magiging miserable ang buhay nito kung ang tanging nais lamang naman talaga nito ay pahirapan siya hanggang sa mawalan na siya ng ganang mabuhay pa? Tapos ngayon sasabihin nitong siya ang lunas sa buhay nitong miserable? Talaga ba? He's pathetic! He's a pathetic liar! Sigaw ng kaniyang isip. Umiling siya, at tuluyang tinalikuran si Archie. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras para lang makipagdiskurso sa taong nasisiraan na ng ulo. Hindi rin siya si Yvonne para patunayan ang kaniyang sarili sa hayop na ito. The more she wastes time to talk to this fool, the more he will believe that she's Yvonne. Kaya tama na. Hindi na niya pag-aaksayahan ng lakas at panahon ang baliw na ito. Ilang hakbang pa lang ay tumigil siya ulit at nilingon si Archie na nakasunod ang tingin sa kaniya. Dumaan ang pag-asa sa mga mata nito nang makita siyang tumigil at lumingon. Ngunit agad niyang binasag iyon. "I don't want to

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 233

    Marami siyang gustong sabihin kay Archie. Gusto niya itong isumpa at murahin. Ngunit hindi niya ginawa. Hindi niya maaaring hayaan na lang na pangunahan siya ng kaniyang emosyon. Kailangan niyang kumalma at ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan dahil hindi siya Yvonne.. Kailangan na manatili ang kalmadong demeanor upang mapapaniwala niya ito sa kaniyang pagpapanggap. Kahit na mahirap. "I don't know what you're talking about, Mr. Garcia." That's the only thing she could say now. Na wala siyang alam sa mga sinasabi at ibinibentang nito. Tumitig naman si Archie sa babae. Blangko na ang ekspresyon ng mukha nito at pilit na pinaninindigan na hindi siya nito kilala at wala itong koneksyon sa kaniya. The betrayal in his heart is growing. Kung noon ito nangyari, baka hindi na siya nakapagtimpi. Baka napilitan na siyang paaminin ito gamit ang dahas. Ngunit sa lumipas na mga taon, nagawa na niyang kontrolin ang kaniyang emosyon. Hindi na siya nagpapadala sa kaniyang galit.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 232

    Sarkastikong ngumiti si Yvonne. Siguro nga ay hindi niya maitatago ang totoo kay Archie lalo pa't gagawin nito ang lahat para malaman nito ang kaniyang totoong pagkatao. At base sa sinabi nito, mukhang naghahanap na ng ebidensya ang lalaki na pwedeng magamit laban sa kaniya.She still looks like her old self. Sa panlabas na anyo ay agad siyang makikilala nito dahil wala namang nagbago sa kaniya. Ngunit hangga't hindi nito napapatunayan na siya ay siya, hindi siya dapat matakot.Isa pa, patay na ang Yvonne na kilala ng lahat. Nailibing na ito kasama ng ama nitong si David Santiago. Kaya hindi na dapat na matakot siyang baka may gawin na naman ito sa kaniya. Wala na siyang dapat na ikatakot pa, tapos na ang lahat. "I have nothing to do with you, Mr. Garcia. Kaya kung napagkamalan mo ‘ko na ibang tao, nasa sa’yo na kung maghanap ka ng ebidensya para may panghawakan ka diyan sa ibinibentang mo. But I must tell you this," tumiim ang kaniyang titig kay Archie. "I don't want to see you aga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status