Sa mga bumabati po ng Happy New Year sa akin, Happy New Year din po readers!💓 Thank you dahil hanggang sa 2025 ay nariyan pa rin po kayo. Hopefully sa February ay matapos ko na po itong book ni Greig at Ysabela.
“Sh*t!” Pinunit ni Alhaj ang kaniyang pulo para itali sa dumudugo niyang braso. Sumabit iyon sa lumang bakal malapit sa bukana ng tunnel na kaniyang nilabasan. Hindi niya napansin na may matulis na bakal sa gilid, hindi rin kasi kasya ang buo niyang katawan kaya sasabit talaga ang kaniyang braso sa kaniyang paglabas. “Sh*t!” Nagtagis ang kaniyang bagang nang makita ang dugong tumutulo mula sa sugat hanggang sa kaniyang mga daliri. Paulit-ulit siyang nagmura at tanging pagsuntok na lamang sa lupa ang nagawa. Matinding galit ang namuno sa kaniyang puso, may sumisiksik na awa para sa sarili, at sumisipa rin ang pagkabigo. Maayos niyang trinato si Ysabela. Wala siyang ibang ginawa kung hindi mahalin at paglingkuran ang babae sa loob ng limang taong pagsasama nila. Hindi niya kailanman naisip na darating pa ang araw na ito, dahil buong akala niya, magsasama na silang dalawa hanggang sa huli nilang hininga. “F*ck this life!” Pagod siyang nahiga sa bermuda. Sobrang dilim ng ka
Pagkarating sa tahanan naman ng mga Corleone, ginamot agad ni Alessandra ang kaniyang brasong may sugat.“Uncle Alhaj!” Lumapit si Eracle, ang anak ni Alessandra sa Sicilian na asawa.Ngumiti siya nang magsalubong ang tingin nila ng pitong taong gulang na batang lalaki. Ngiting-ngiti naman si Eracle.“Hi, Eracle.” Bati niya.“Cosa è successo al suo braccio, mamma?” (What happened with his arm, Mom?)Kuryusong tumingin si Eracle sa kaniyang braso nang makitang ginagamot iyon ng ina. Naglaho ang ngiti nito dahil sa pag-aalala.Lumingon saglit si Alessandra sa anak at masuyong ngumiti.“Are you alright Uncle Alhaj?”“I’m fine, Era. There’s nothing to worry about.” Maingat niyang usal.“Perché sei venuto a trovarci solo adesso, zio?” (Why did you only visit now, Uncle?)Kumunot ang noo ni Alhaj, hindi niya naunawaan ang sinabi ni Eracle kaya nilingon niya si Alessandra para humingi ng tulong.Alessandra giggled.“Can you let Uncle Alhaj rest first, Era? He's hurt and it's not good for the
Sarkastiko itong ngumiti at may madilim na emosyon ang naglalaro sa mga mata ni Domingo.“Si Archie Garcia ang lalaking nagpabagsak sa mga Chua at Buenavista, hindi ba? Siya rin ang nasa likod ng pagbagsak ng Rivero’s Shipping Company.”Nabalitaan niya ang nangyari noong pagkakalugmok ng mga Garcia, at ang paghihigante nito sa mga pamilyang nagpahirap sa kanila. Ang mga nabanggit na mga pamilya ay pamilyar sa kaniya, ngunit hindi niya alam ang eksaktong nangyari para bumagsak ang bawat isa sa kanila.“He even wants to acquire the sugarmill in Ilocos del Sur. Naunahan ko lang siya. Ang alam ko, binibili niya maging ang mga lupain at ari-arian ng mga taong may kasalanan sa kaniya. He’s filthy rich. He has a good connection with powerful Mafia in Italy.”Saad ni Domingo na tila kilalang-kilala si Archie. Mukhang maraming alam si Domingo sa buhay ng kaibigan ni Greig.“Marami ang mga tauhan niya. Napasok nila ang mansyon. Tingin ko hindi rin naman ako matutulungan ng mga pulis kung sakali
Mayaman ang mga Corleone sa Sicily. Malaki ang tahanan ni Alessandra. Lagpas sampung kuwarto ang nasa ikalawa at ikatlong palapag. Kumpara sa kanilang mansyon, mas doble ang laki ng mansyon na ito. Kaya siguro kahit na mahirap ang mag-isa, mas pinipili nalang iyon ni Alessandra upang makasigurado na makukuha ni Eracle ang lahat ng pera’t kayamanan ng pamilyang Corleone pagsapit ng legal na edad nito. Pagkatapos niyang magbihis at kumain, muli niyang sinulyapan ang kaniyang cellphone. Hindi siya makakatuloy kaya hihintayin nalang niyang makatanggap ng mensahe galing kay Natasha. Dalawa sila sa problemang ito, kaya magkasama nilang lulutasin ang problema. Alas dos ng madaling araw, gising na gising pa siya at nakatulala sa bintana ng kuwarto at tinatanaw ang malaking buwan sa kalangitan. Nagring ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang binalingan iyon ng tingin at nakitang bagong numero iyon. Sinagot niya pa rin, at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. “Kadarating k
Hindi makatulog si Ysabela kahit na madaling araw na. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit hindi ang kaniyang isip. Nasa tabi siya ni Athalia at ayaw niya sanang magising ang kaniyang mga anak dahil sa paglilikot niya.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi niya. Bumaba siya ng kama at naglakad palabas ng kuwarto. Madilim na ang buong sala at kusina, ang tanging liwanag na lamang sa paligid ay nagmumula sa mga downright torch na nakadikit sa pader.Naglakad siya at tumuloy siya sa teresa, binuksan niya ang sliding door at itinulak iyon. Agad na umihip ang malamig na hangin papasok ng silid.Mula rito, matatanaw ang dikit-dikit na kabahayan ng mga Sicilian na nakatayo sa mabatong bahagi na malapit sa dagat. Maganda ang view ng hotel room dahil nakaharap sa dagat at tanaw ang kumunidad ng Sicily.Inilagay niya ang mga kamay sa ibabaw ng barandilya. Malungkot siyang ngumiti sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang madilim na karagatang nakalatag. Nagkikislapan ang daan
Nakita ni Greig ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Ysabela. Napaiwas ito ng tingin at lumamig ang ekspresyon ng mukha. Parang tinusok ng karayom ang kaniyang dibdib dahil sa naging reaksyon ng babae. Para sa kaniya, sila ang totoong pamilya. Anak niya si Athalia at Niccolò kaya pamilya silang maituturing. Kahit na wala na ang Lola ni Ysabela, may uuwian pa rin ito sa Pilipinas. At siya iyon. Ngayon niya napagtanto na ang tagal niyang hinintay na dumating ang araw na ito, na mabigyan siya ng pagkakataon na mahalin ng tama si Ysabela. Years of longing to hold her again. Bulong ng kaniyang isip. Ngunit natatakot siyang baka sa simpleng hawak palang ay mabasag na niya ang babae. Itinaas ni Ysabela ang tasa nito at uminom. Hindi na siya kinibo ng babae. Tanging pagtitig na lamang ang nagawa niya sa maamo nitong mukha. Sobrang hirap pala na maliban sa hindi ka maalala ng babaeng mahal mo, hindi ka rin kilala ng mga anak mo. Sa tuwing binabalikan ni Greig ang limang taon niyang pagdurus
Nagtagis ang bagang ni Ysabela. Tiningnan niya ng masama si Greig at humakbang siya palapit. Nawala ang takot at gulat, napalitan iyon ng matinding galit.“I don’t know anything about you Mr. Ramos, except for being a client to us. So, please, I hope this won’t confuse you. Wala kang karapatan na halikan ako.” Mariin niyang sabi.“Kaya sa susunod na gawin mo iyon, asahan mong dadapo na ang palad ko diyan sa mukha mo!”Tinalikuran niya si Greig. Nagngingitngit pa rin ang kaniyang loob-loob at hindi maunawaan kung bakit may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan.Bumalik siya sa kuwarto at madaling nahiga muli sa tabi ni Athalia. Mukhang hindi rin pala sila ligtas kung nasa puder sila ni Mr. Ramos.Hindi niya gusto na pinagsasamantalahan nalang lagi ng mga tao ang kaniyang kahinaan. Hindi niya alam kung kanino pa magtitiwala. Una, ilang taon siyang niloko ni Alhaj at ginawang t*ng*. Ngayon naman ay pagtatangkaan pa siyang bastusin ni Greig!Pumatak ang kaniyang mga luha. Gulong-gulo na siya,
Sh*t. Napapamura nalang talaga si Greig sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang laman ng kaniyang refrigerator. Ayaw niyang mapahiya kay Niccolò. Ngayon pa lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na magkausap at gumawa ng isang bagay na magkasama, tapos papalpak lang siya. Wala gaanong laman ang refrigerator sa kaniyang hotel room. Nakalimutan niyang magstock ng mga pagkain dahil nasanay siyang tumatawag nalang sa restaurant ng hotel para magpadala ng pagkain sa kaniya. Nakatayo sa kaniyang tabi si Niccolò, kuryuso ang mga mata at nagtataka kung bakit wala pa siyang inilalabas na lulutuin. “Ah.” He cleared his throat. “Naubos na ang bacon.” Aniya, medyo kabado. “I will try to call the restaurant so they can send us some food stock and ingredients we need.” Nagsalubong ang kilay ni Niccolò. “You don't have food here?” Tanong nito. Kumurap siya ng ilang beses. Kung pagkain lang, kaya niyang magpaakyat ng buffet kung iyon ang ang gusto ni Niccolò, pero wala siyang stock ng pagka
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya