“How’s Niccolò?” Agad na tanong ni Archie nang harapin niya si Greig. “Stable na ang anak ko.” Mababa ang boses na sagot ni Greig. “T*ng*n*. Buti nalang hindi gaanong malala ang nangyari kay Niccolò, kung hindi, babalatan ko ng buhay ang g*g*ng Jimenez na ‘yan!” “Ililipit na ba sa ward si Niccolò?” Tumango si Greig bilang tugon. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at pag-aalala. Hindi siya umalis sa pintuan ng emergency room hangga’t hindi lumabas ang doktor at sinabi sa kaniyang maayos naman kahit paano ang naging examination kay Niccoló. Walang major injury at wala rin internal bleeding. Iyon nga lang, dahil hindi pa kaya ng kaniyang katawan ang nangyari sa kaniya, nagcollapse ito nang hindi na kayang indahin ng bata. Pinipilit lang pala ni Niccolò na tiisin ang lahat ng kaniyang mga pasa at sakit ng katawan. Kanina pa nagdidilim ang kaniyang paningin, at ilang beses na niyang naisip na b*r*l*n si Jimenez. Paulanan ito ng bala sa katawan hanggang sa makuntento siya, pero hindi ni
“Mommy.” Nakangiting bati ni Niccolò kay Ysabela nang mag-video call sila.Nangilid agad ang mga luha ni Ysabela nang makita ang kaniyang anak. Maputla si Niccolò, mukhang nanghihina pa, may pasa sa mukha, at tila may galos sa gilid ng noo.Pinilit ni Ysabela na ngumiti kahit na ang totoo ay sobra-sobra ang sakit na nanunuot sa kaniyang puso dahil sa kaniyang nakikitang kalagayan ng kaniyang anak.“N-nics,” nanginig ang kaniyang boses. “How are you my baby?”Ngumiti si Niccolò saka nilingon saglit si Greig. Nakita niyang masuyong ngumiti si Greig, tila sinasabi kay Niccolò na sabihin ang kahit na anong gusto niyang sabihin.Humarap sa kaniya si Niccolò, may kislap ng pag-asa ang mga mata.“I’m feeling better now, Mommy. Tito Greig promised me that after the doctor’s examination to me tomorrow, we can already go back to Sicily. I miss you a lot, Mom. I miss Athy so much.” Malambing nitong sabi.Oh. The heaven knows how much I miss you, my little boy. Puno ng sakit na bulong ng isip ni
Naalala bigla ni Greig si Athalia. Papa na ang tawag nito sa kaniya dahil sa impluwensya ni Patrick. Sa tuwing umuuwi siya, sinisigurado niyang may dala siyang bagong laruan o mga pagkain para kay Athalia. Iyon ang mga panahon na madalas siyang umalis dahil hinahanap nila si Niccolò, samantalang naiiwan lagi si Patrick, Athalia at Ysabela sa bahay. Noong una, Tito Greig lamang ang tawag sa kaniya ni Athalia. Hanggang sa maging papa, iyon ay dahil napapansin ni Athalia ang pagkakahawig nila ni Niccolò at mas lalong nangungulila sa kakambal. Kapag nakikita siya ni Athy, mas lalo itong nangungulila kay Niccolò. Kaya nang minsan na magtanong ito kung bakit magkamukha sila ni Niccolò, sinubukan niyang ipaliwanag ang bagay na iyon sa abot ng kaniyang makakaya na hindi inaamin na anak niya ang dalawa. Mahirap. Hanggang sa bigla itong magtanong kung okay lang ba na tawagin siya nitong papa. “Tito Patrick told me that I can call you Papa Greig. You’re so nice to me. And also to Mommy. M-ma
Dalawang araw ang lumipas, nakabalik din sa wakas sa Sicily ng ligtas si Niccolò at Greig. Sinalubong sila ni Patrick sa airport samantalang naiwan si Ysabela at Athalia sa bahay kasama ang ilang tauhan.“How’s your flight?” Tanong ni Patrick.Natutulog pa rin si Niccolò sa bisig ni Greig at mukhang antok na antok pa rin.“How’s Niccolò?” Tanong niya nang mapansin na hindi man lang nagising si Niccolò kahit na nasa airport na sila.“He’s fine. Hindi nakatulog ng maayos sa flight dahil sa sobrang excited na makauwi, ngayon tuloy pagod at hindi na malabanan ang antok.” May kaonting ngiti sa labi ni Greig nang sabihin iyon.Iginiya niya sa dalang sasakyan si Greig. Sa likod naupo ang lalaki at inayos nito ng mabuti si Niccolò para makahiga pa rin sa upuan nang hindi na kailangan na gisingin pa.Pumasok siya sa sasakyan at naupo sa driver's seat. Tiningnan niya si Greig sa rearview mirror habang inaayos nito ang higaan ni Niccolò.Parang kinukurot ang kaniyang dibdib ng maliliit na kamay
Samantala, sa Pilipinas ay pumutok agad ang balita nang pagkakahuli kay Alhaj Jimenez. Ito ang naging headline ng mga pahayagan at naging malaking balita ng media.Maging si Natasha na nasa ospital ay nasagap ang impormasyon ng pagkakahuli kay Alhaj, dahilan para maging hysterical ang babae.“Kasalanan ni Ysabela! Kasalanan ng babaeng iyon! Inagaw niya sa akin si Greig! Inagaw niya ang lahat ng dapat ay sa akin!” Sigaw nito sa loob ng ward habang itinatapon niya ang mga gamit.Inalis niya rin ang IV fluids, dumudugo na ang kaniyang mga sugat kaya kailangan siyang e-restrain ng mga nurse, ngunit nanlalaban lamang siya.Para siyang baliw na hindi malapitan ninuman at nagsisisigaw. Kung may lumapit na nurse ay agad niyang binabato o sinasaktan. Pumasok na ang doktor sa ward, dala na nito ang tranquilizer ngunit hindi pa rin makahanap ng tyempo para turukan ang babae.“Nat, please. Calm down.” Pagmamakaawa ni Ada sa babae nang makitang duguan na ang hospital gown na suot nito dahil sa pwe
“Ano bang sinasabi mo, Ada, ha? Walang kasalanan ang anak ko!” Galit na sigaw ni Rumulo.Umalingawngaw ang kaniyang boses sa hallway, dahilan para mapatingin sa kanila ang ilang mga nurse na dumadaan.Umiling si Ada, hindi na kayang itanggi ang katotohanan na may kasalanan sila at ngayon ay bumabalik na sa kanila ang karma.“Totoo ang sinabi no’ng babae, inutusan sila ni Natasha para bantayan si Ysabela at Greig sa isla—”“No.”“Pinakidnap ni Natasha si Ysabela. Ibinilin niya rin na patayin si Ysabela at sunugin ang katawan nito hanggang sa wala nang ebedinsya—”Pak!Natigilan si Ada nang dumapo sa kaniyang pisngi ang mabigat na kamay ni Rumulo Entrata.Hinawakan siya ng lalaki sa braso at kinaladkad siya hanggang sa isang sulok. Itinulak siya ni Rumulo habang nanlilisik ang mga mata nito.“Hindi kita pinakain, binihisan, at binuhay para lang sirain ang anak ko sa akin.” Mariin na turan ni Rumulo kay Ada, halos manggigil na saktan ang babae.Umurong naman si Ada dahil sa takot.“Alam
Hindi maalis ni Ysabela ang tingin sa kaniyang mga anak. Mahimbing na natutulog si Athalia at Niccolò.Mukhang napagod pareho dahil sa pangungulit ni Athalia sa kapatid ngayong maghapon. Alas onse y media na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ysabela, gusto niya pa rin pagmasdan ng mabuti ang kaniyang mga anak.Hanggang ngayon sumisikip pa rin ang kaniyang dibdib sa tuwing naaalala ang mga pasang nakita niya kanina sa katawan ni Niccolò.Bilang isang ina, malaki ang kaniyang pagsisisi dahil sa kaniyang kapabayaan kay Niccolò. Para sa kaniya, kasalanan niya rin kung bakit nangyari ito sa kaniyang anak.Ang paghingi ng tawad ay kulang pa para mapawi ang lahat ng sakit na naramdaman ni Niccolò.“Ysa?”Nilingon niya kung saan galing ang boses at nakita si Greig sa may pinto.“Akala ko nagpapahinga ka na.” Sabi nito at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.Nakapatay na ang ilaw sa kuwarto ng mga bata, tanging ang naghihikahos na liwanag na lamang mula sa lampara ang nagbibigay ng
“You survived the last five years without us.” Paalala niya. “I barely survived, Ysabela.” Marahang tugon ni Greig. Umawang ang labi ni Ysabela nang makita kung gaano kahina ang dipensa ngayon ni Greig. Para itong baso na isang tapik na lamang ay mababasag na. Naalala niya bigla ang mga sinabi sa kaniya ni Patrick nang minsang makapag-usap sila ng masinsinan. Nagdusa rin si Greig sa mga nagdaang taon. Halos mapariwara ang buhay nito dahil sa biglaan niyang pagkawala at ni Señor Gregory. Hindi niya alam ang buong nangyari kay Greig, pero naniniwala siyang hindi na niya kailangan na malaman pa ang buong pangyayari para lang malaman ang sakit na naramdaman nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang mga kamay at marahan na hinaplos ang pisngi ni Greig. Agad na napapikit ang lalaki at dinama ang kaniyang haplos. Malungkot siyang ngumiti. Kung maaari lamang itanggi ang kaniyang nararamdaman ay ginawa na niya, pero hindi… dahil kahit anong galit at poot niya para kay Greig, hindi magbabago
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting