Hello guys, it's been awhile. Malakas ang ulan sa lugar namin kaya nawalan ng kuryente at signal, palaging emergency calls lang :‹ So ayon, babawi na lang si author sa inyo since maayos na ang signal at okay na ulit ang supply ng kuryente.
Hawak ni Archie ang kamay ni Yvonne, nagtatalo sila dahil sa plano niyang pagpunta sa Amerika upang makalayo saglit sa mainit na isyu na kinakaharap ng kanilang pamilya.Hilom ng luha ang mga mata ni Yvonne habang pilit na binabawi ang kamay kay Archie.“Von, listen to me.” Pagmamakaawa niya.Mabigat sa kaniyang dibdib na makitang umiiyak si Yvonne. Hindi siya mapalagay kapag alam niyang may nagawa siyang hindi maganda sa kaniyang kasintahan.“I’m going home now, Archie. Kakausapin ko si Daddy! May magagawa pa naman kami para matulungan namin si Tito Lexus.”Nagdagdagan lamang ang bigat sa dibdib ni Archie. Naalala niya ang naging usapan nila ni Adonis Santiago noong nakaraang araw.“My daughter is my only treasure, Archie. Alam mo na walang ibang mas mahalaga sa akin kung hindi ang kaligtasan ni Yvonne.” Paliwanag ni Adonis sa kaniya.“Your family is facing a huge debt, Archie. Dahil sa ginawa ng mga magulang mo, mapipilitan akong iurong ang engagement ninyo ni Yvonne para maprotekta
Kinabig niya ang manibela at lumiko sa kabilang daan. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at para siyang sinisilaban ng buhay kapag napapasulyap siya sa rearview mirror at nakikita ang maputlang mukha ni Yvonne. Pumunta siya sa condo nito pagkatapos na manggaling sa bahay ng mga Alcazar. Naisip niyang daanan ang condo, ngunit bago pa magpark ay natanaw na niya ang pamilyar na pigura ng babae na paika-ikang naglalakad sa gitna ng kalsada. Halatang nagmamadali ito kahit pa may bali ang paa. Nakasuot ito ng hoodie at pajama, ngunit kahit pa balot na balot ang buong katawan nito, kilalang-kilala na niya si Yvonne. Sinundan niya ng tingin ang babae at nakitang tumuloy ito sa katapat na convenience store ng condo at tila may hinahanap sa halamanan. Nang makuha na nito ang isang pouch ay mabilis nitong ipinasok sa bulsa ng suot na hoodie ang misteryosong pouch at nagmamadaling bumalik sa loob ng condo. May kakaibang naramdaman si Archie sa kinilos Yvonne, kaya naman dumiretso siya s
Dalawang oras nang nasa loob si Yvonne at hindi pa rin nila alam ang kalagayan nito. Dalawang doktor ang nagmamadaling pumasok sa emergency room para tulungan ang naunang doktor na tumitingin kay Yvonne. Tulalang nakaupo si Archie sa mahabang upuan habang pabalik-balik si Agatha sa paglalakad at hindi pa rin mapakali. Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas ang doktor. “Who’s the patient's family here?” Tanong nito. Agad na nag-angat ng tingin si Archie. Tumayo siya at akmang lalapit na sa doktor nang maunahan siya ni Agatha. “I’m her cousin, Doc.” Saad ni Agatha. Paos ang boses nito. Halata na ilang oras na umiyak ang babae bago tumigil kaya garalgal pa rin hanggang ngayon ang boses. “K-kamusta siya, Doc?” Tanong ng babae. “I’m sorry, but the situation needs a surgical intervention. It is necessary in order to save the patient." Mababa ang boses ng doktor nang sumagot. "She is still under procedure, we’re doing dilation and curettage to her. She’s losing so much blo
“Von, don’t say that.” Reklamo niya.Sa loob-loob ni Agatha, may kutob siyang may hindi gagawing tama si Yvonne. Sa istraktura ng mga salita nito, alam niyang may nais ipahiwatig sa kaniya ang babae.Ramdam niya na hindi gusto ni Yvonne ang pagdadalang-tao nito, kaya naman gusto niya sanang tulungan ang babae sa abot ng kaniyang makakaya. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa si Yvonne. Ayaw niyang makita na nalulugmok ito sa depresyon dahil sa pagbubuntis.What hurts Agatha’s heart is that… she couldn't have babies.Hindi siya maaaring magbuntis. Hindi niya kayang bigyan ng anak si Klaus kaya alam niyang mas lalong imposible na magustuhan siya ng kaniyang asawa. Mababa ang matris niya, kaya maliit lamang ang porsyento ng matagumpay na pagbubuntis sa kalagayan niya.Maliban pa roon, malaki ang tyansa na malagay sa kapahamakan ang buhay niya kung sakaling ipilit niya na magkaroon ng anak. Kaya masakit sa loob niya na makita na ang bagay na pinapangarap niya ay problema lamang sa iba.Inabot n
Wala sa sariling naglalakad si Archie sa pasilyo. Para siyang tinatangay ng hangin sa kung saang direksyon. Ang kaniyang diwa ay nasa malayo habang ang kaniyang mga mata ay hindi makapagpokus. May ilang tao pa siyang nakabanggaan, ngunit patuloy lamang siya sa paglalakad at tila wala siyang pakialam. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyayari sa kaniya. Para siyang nawawala sa sarili. Hindi gumagana ang kaniyang isip at namamanhid na buo niyang katawan. Nang makarating siya sa kaniyang sasakyan, tulala pa rin siyang naupo sa driver's seat habang tinitingnan ang madilim na parking lot. Nakaukit na sa kaniyang isip ang maputlang mukha ni Yvonne. Ang mga mata nitong walang buhay. Ang mga labi nitong nangingitim. Lahat iyon ay malinaw sa kaniyang alaala at parang masamang panaginip habang nakadilat ang kaniyang mga mata. The scene was so familiar. Bulong ng kaniyang isip. Pagkatapos na malaman na pinatay ang kaniyang ama sa ibang bansa ng mga taong tumutugis sa kanila, na
“Things could have been easy, if forgiveness was given to her. She could have live a longer life it wasn't because of your cruelty!”Ngayon ang ikaapat na gabi ng burol ni Yvonne. Hindi siya hinayaan na makapasok sa tahanan ng mga Santiago dahil ayaw ni Agatha na makita siya ni Yves Santiago. Sa labas ng bahay, malapit sa kalsada ay sinalubong na siya ni Agatha nang makita siya.Marami ang sasakyan sa labas ng bahay. Marami ang mga tao na pumunta sa burol lalo pa't hindi lamang si Yvonne ang ibinuburol ngayon.Kahapon ay ibinalita ang pagpanaw ni Adonis Santiago kaya ngayon naman ang ikalawang gabi ng burol ni Adonis.Malaking kontrobersyal ang kinakaharap ngayon ng mga Santiago dahil sa halos sabay na pagkawala ng nag-iisang anak ng mag-asawang Santiago at ang kilalang business tycoon na si Adonis Santiago."Kaya ang kapal naman ng mukha mo para pumunta pa rito?!" Hasik ni Agatha sa kaniya.Malamig ang mga matang tiningnan ni Archie ang babae.Ayaw niyang makipagtalo. Hindi rin siya
“We’re not going back yet.” Malamig na turan ni Archie.Muli niyang sinulyapan ang kaibigan. Frustrated na rin ngayon si Patrick. Pupunta pa sila sa burol ni Señor Gregory upang makiramay, ngunit dahil sa ikinikilos ni Archie ngayon ay mukhang hindi sila matutuloy.Sa kanilang tatlo nila Greig, siya lamang ang wasto pa ang pag-iisip.Isang malagim na krimen ang nangyari kay Ysabela, naibalik na ang labi nito sa Manila at ibinuburol na rin kasama si Señor Gregory. Ang mga Ramos ay naghihinagpis din dahil sa pagkawala ng dalawang miyembro ng pamilya.Samantalang sa mga Santiago naman ay ibinuburol si Yvonne at Adonis. Kasabay pa nito, nahaharap si Archie sa isang imbestigasyon dahil sa pagkamatay ni Yvonne.Si Greig naman ay pinapatugis pa rin hanggang ngayon ang mga taong kumidnap at pumatay sa asawa nitong si Ysabela.Masakit na ang ulo ni Patrick. Ang kaniyang dalawang kaibigan ay nahaharap sa malalaking problema na parehong mahirap na masulusyunan.Tumigil sa gilid ng kalsada, sapat
He turned off his phone. Itinapon niya sa labas ng sasakyan ang upos ng sigarilyo saka nilingon saglit ang kaibigan. “I don’t want to talk to her.” Mataman niyang sagot. Umiling si Patrick, halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya sa kaniyang mga desisyon. Isinandal niya ang ulo sa headrest at ibinaling muli ang tingin sa mansyon. Hindi siya natatakot sa ginagawang imbestigasyon ng mga pulis, dahil maliban sa corrupt video scandal nila ni Yvonne na pilit ni-re-retrieve ng mga pulis ay wala nang ibang ebidensya na magagamit laban sa kaniya. Napapaisip siya ngayon. Sino ang taong nagpadala ng video scandal nila ni Yvonne kay Yves Santiago? Ilang beses lang na pwedeng e-play ang video dahil nagse-self-destruct ang kopya pagkatapos. Kaya nahihirapan ngayon ang mga pulis na retrieve ang video para magamit sa korte bilang ebidensya. Ang video scandal ang dahilan kung bakit pagkatapos ng nangyari kay Yvonne ay pinuntahan siya ng mga pulis at tinanong. Hindi pa siya tuluya
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting