Aminado siya na may kasalanan siya. Parang wala siya sa kaniyang sarili nitong mga nagdaang araw. Hindi pa sila nakakapag-usap ng matino pagkatapos siya nitong mahuli na may kasamang ibang babae. Dapat ay makaramdam siya ng pagsisisi, lalo pa’t nakita niyang nasaktan niya si Lindsy. Nabigo niya ito, hindi siya tumupad sa kaniyang pangako. Ngunit bakit wala siyang maramdaman? Bakit hindi ganoon kabigat ang kaniyang dibdib kumpara sa tuwing sumasagi sa kaniyang isip si Yvonne? Nakarating siya sa basement. Tatlong sasakyan ang nakaparada sa eksklusibong parking space na kaniyang binayaran. Isang Range Rover, isang Volvo XC90, at isang Mercedes-Benz. Pinili niya ang huling sasakyan, dahil siguradong magpapayabangan ang mga Alcazar sa reunion mamaya. Ayaw niyang maging katatawanan. Kaya ang pinakabagong modelo ng Mercedes-Benz na kaniyang nabili ang dadalhin niya ngayong gabi upang makita ng mga Alcazar na totoong nakabalik na siya sa mataas na level ng kanilang lipunan. He wants to sho
Isang linya na lamang ang mga kilay ni Archie dahil sa pagtatagpo nito sa gitna. Ang kaniyang mukha ay tuluyang naging madilim ang ekspresyon habang tinitingnan ng mabuti si Lindsy.Marriage has no value to him. Pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Yvonne noon, nagbago na ang pananaw niya sa kasal at legal na pagsasama ng dalawang tao. Hindi na iyon gaanong importante sa kaniya, lalo pa’t nadungisan na ang kaniyang paniniwala.He gritted his teeth.Noon, walang problema kung maikasal sila ni Lindsy sa kahit na anong araw, buwan at taon. Wala siyang reklamo dahil alam niya sa kaniyang sarili na responsabilidad niyang pakasalan ang babae pagkatapos ng mga naitulong nito sa kaniya.Without Lindsy and Fernando Alcazar, I'd still be that homeless and scared little rat.Dahan-dahan niyang itinango ang kaniyang ulo.“So be it.” Sagot niya.“If your Dad wants us to marry tomorrow, then let’s marry tomorrow.”Nag-angat ng tingin si Lindsy sa kaniya. Halos pabigla at gulat na gulat ang ekspres
There’s a growing anger inside Archie’s heart. Noon, nag-usap sila ni Fernando na hindi nito pakikialaman ang mga Santiago dahil personal ang naging kasalanan ng pamilyang iyon sa kaniya, kaya siya lang dapat ang maningil at wala nang iba. “Archie!” Natanaw nila ang paglapit ni Fernando sa kanila. Matangkad ito at malaki ang pangangatawanan. Medyo lumubo ito dahil na rin sa kasaganahang natatamasa. “Dad.” Bati ni Lindsy sa lalaki at sinalubong ito. Agad din na ibinalik sa kaniya ni Fernando ang tingin pagkatapos na yakapin ang anak. “Magandang gabi po, Tito.” Bati niya sa mababang boses, kahit na parang may halimaw sa kaniyang loob na nagwawala at nagsisisigaw. “Finally, you’re here. I’m glad that despite your busy schedule, you still find time to celebrate the Alcazars family reunion.” Ngumiti ito sa kaniya at marahan na tinapik ang kaniyang balikat. “You asked him to come, Dad. He'd do so.” Mahinang turan ni Lindsy. Ngumiti si Fernando, tumango ito at halatang natutuw
Alas dyes y media nang tuluyan na makapagpaalam si Archie kay Fernando at Lindsy. Hindi pa tapos ang kasiyahan, ngunit mabuti na lamang at pumayag ang mag-ama na umuwi na siya.Isa rin sa dahilan ng pagpayag ni Fernando ay para makapagpahinga siya. May importanteng bagay silang gagawin bukas kaya kailangan na maganda ang tulog ni Archie ngayong gabi, upang maging maganda rin ang gising niya bukas.Laking ginhawa naman para kay Archie na hinayaan siya ng mag-ama na makauwi na sa kaniyang condo.Hindi na niya matagalan ang okasyong ito.Isa pa, marami na ang nainom ng matandang Alcazar kaya nagiging madaldal na ito sa kanilang kumpulan. Wala na itong ibang bukambibig kung hindi ang tagumpay na nakakamit ng kompanya dahil paniniwala na mayroong swerteng dala ni Archie.Naniniwala si Fernando na dahil kay Archie kaya tuluyan na lumago at naging dakila ang kanilang mga negosyo't yaman. Noon, wala silang maipagmamalaki dahil maliit na kompanya lamang sila.Hindi sila dakila. Hindi sila kila
The Santiagos are rich and mean. Isip ni Lindsy.Noon, madalas na niyang makita si Yvonne Santiago sa mga pagtitipon. Palagi itong pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga tao dahil sa pagiging mayaman at eleganteng babae.Anak ito ni Yves at Adonis Santiago, ang mag-asawa na galing sa upper class.Noon, sa malayo niya lamang napagmamasdan si Yvonne dahil hindi niya kayang lapitan ang babae. Hindi sila kasing yaman ng mga Santiago. Hindi sila kasing dakila ng pamilyang iyon.Isang beses, nagkaroon ng pagkakataon ang kaniyang ama na makausap si Adonis Santiago. Naging maayos ang naging pag-uusap ng dalawa, nahikayat ng kaniyang Daddy na mag-invest si Adonis sa kanilang maliit na kompanya.Maliit lamang ang kompanya na itinatayo ng kanilang pamilya dahil wala pa silang pera. Wala silang pondo. Takot din silang mabaon sa utang kaya maliit na puhunan lamang ang kanilang inilaan.Their company is not a threat to Adonis Santiago.Para kay Adonis, hangga’t hindi nagiging banta ang kompanya na
Samantalang tahimik na pinagmamasdan ni Archie ang mansyon ng mga Santiago mula sa malayo. Hindi niya akalain na dadalhin siya ng sariling mga kamay at paa pabalik sa lugar na ito. Wala sa kaniyang isip ang magmanehon papunta mansyon ng mga Santiago at magpakita sa huling lamay ng mag-ama. Nakikita niya ang mga pabalik-balik na mga tao mula sa nakabukas na gate. Kapansin-pansin din na mas maraming sasakyan ngayon ang nakaparada sa labas ng bahay. Siguro, dahil ito na ang huling gabi na ibuburol ang mag-ama kaya narito ang lahat para makiramay sa pamilya. The pain inside Archie's heart is quite unfamiliar. Hindi niya maintindihan kung para saan ang masakit na pagpintig nito. Pakiramdam niya, pinagtataksilan niya ang kaniyang sarili dahil sa pagpunta sa lugar na ito samantalang pinangako niya noon na kapag nasingil na niya ang mga Santiago ay hinding-hindi na niya ito lilingunin pa. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Ipinikit niya saglit ang mga mata. Ang hirap magk
Parang kahapon lang ang lahat. Ganitong-ganito siya, parang magnananakaw na pilit na pumapasok sa isang marangyang mansyon. Ang pagkakaiba lang, kaysa magnakaw ng mga mamahaling gamit, ang kaniyang pakay ay makita at makausap ang isang magandang dilag. Gamit ang mga sanga ng puno ng balimbing, nagpalipat-lipat siya sa bawat malalaking sanga na kayang suportahan ang kaniyang bigat. Hanggang marating niya ang katapat ng tuktok ng pader kung saan kailangan niyang lumipat mula sa sanga patungo sa pader. Sampung pulgada ang kapal ng pader kaya maaari siyang tumapak doon pansamantala at maghanap pagkaraan kung saang parte siya maaaring bumaba para ligtas na makapasok sa loob. Nakita niya ang batong istatuwa ng tigre na. Madalas, tumatapak siya roon para makababa ng ligtas sa pader. Naglakad siya palapit sa ulo ng istatuwa habang binabalanse ang sarili sa makipot na tuktok ng pader. Umupo siya, saka inabot ang ulo ng istatuwa. Nang maramdaman na matibay pa rin iyon at kaya pang suport
Nagtagis ang bagang ni Archie. Walang sinuman ang may karapatan na magbigay ng opinyon kung sino ang nagkasala at kung sino ang hindi nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Siya lamang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil siya ang dumanas ng kalupitan ng mga tao. “Agatha told me that Yvonne even attempted to jump off from her balcony.” Biglang turan ni Klaus. Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang sinabi ng lalaki. Why would she do that? Tinitigan niya mula sa dilim ang mukha ni Klaus. Seryoso ito at tila alam ang mga sinasabi. Malayo ang tingin ng lalaki na wari bang may inaalalang pangyayari. “Yvonne tried to elope with Archie. Gustong sumama ni Yvonne kay Archie papunta sa ibang bansa kaya tumakas ito, pero hindi natuloy dahil sa may nangyaring hindi maganda. She was gone for two days. Natagpuan na lang siya na walang malay at puno ng sugat at pasa ang buong katawan. Wala siyang maalala, maliban sa ninakaw ang kaniyang gamit ng isang lalaki habang binabaktas niya ang ma
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina