Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 4: Apologize

Share

Chapter 4: Apologize

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2024-09-03 06:59:58

Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.

“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”

Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang.  Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.

Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. 

Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.

“You b*st*rd!”

Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.

Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.

Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica dahilan para magpumiglas ito.

“Let me go!”

Mas matangkad si Ysabela kumpara kay Danica kaya naman parang maliit na kuting ang babae na pilit siyang kinakalmot.

“Bitiwan mo ‘ko, ano ba?”

Hindi niya binitawan ang babae kahit nagpupumiglas ito.

“Who do you think you are? You are just a thing for Greig to warm the bed. You are not even as good as a chicken!”

Mas marami pang tao ang lumapit nang marinig ang pagsigaw ni Danica.

Ang lahat ay naiintriga sa eskandalong nangyayari.

“Anong kaguluhan ‘to?!”

Tila kulog ang boses na iyon. Mabilis namang nahawi ang mga tao at tuluyang nakita ni Ysabela ang paparating na lalaki.

Madilim ang anyo ni Greig nang tuluyang pumasok sa pantry. Sa tabi ng lalaki ay si Christoff na dala-dala ang ilang gamit ng amo.

Mukhang aalis si Greig ngunit nakita ang kumpulan ng mga tao.

Natahimik ang buong silid. Walang nangahas na magsalita.

“K-kuya Greig?” Utal na saad ni Danica.

Lumukob ang takot sa dibdib ni Danica nang makita ang lalaki. Kilala niya ang lalaki, alam niyang napakastrikto nito at minsan ay malupit sa ibang tao. Maging ang kaniyang Mommy ay ibinilin siyang huwag gagawa ng kahit na anong ikakagalit ng kaniyang pinsan.

Ngunit nang maisip niyang siya ang kawawa dahil hawak pa rin ni Ysabela ang kaniyang kamay ay tila lumakas ang kaniyang loob. Muli siyang nagpumiglas at dahil sa pagkabigla ni Ysabela sa pagdating ni Greig ay tuluyan siya nitong nabitawan.

“Kuya Greig.” Mabilis siyang tumakbo papunta sa lalaki.

“Look what she had done!”

Pinakita niya ang namumulang pisngi.

“Ysabela, your entitled assistant, slapped me! She already lost her mind!”

Nakita ni Ysabela ang pagsulyap ni Greig sa pinsan nitong si Danica. Tila humapdi lalo ang napaso niyang braso kasabay ng paghapdi ng kaniyang mga mata.

Nang ibaling ni Greig sa kaniya ang mga mata ay mabilis na kumunot ang noo nito.

“As my assistant and an employee in this company, I know you're well-aware of the company's rules and regulations.”

May diin sa mga katagang binibigkas nito. Unti-unting sumilay ang kalupitan sa mga mata ng lalaki dahilan para magbara ang lalamunan ni Ysabela.

Alam niyang galit ito.

Mas lalo lamang natahimik ang paligid.

Ikinuyom niya ang kaniyang kamao. Ngayon ay mag-isa siya, tila pinagkakaisahan. Ngunit nanatili ang tuwid niyang pagtayo, kagaya ng isang kawayang pilit na pinapayuko ng hangin sa parang.

Noong una siyang pumasok bilang empleyado ay binalaan na siya ni Greig na ang kompanyang ito ay walang puwang para sa mga emosyong hindi makakatulong sa pag-unlad. Isinasantabi dapat ang personal na nararamdaman.

Alam niya ang ibigsabihin ni Greig, at alam niya kung saan ang kaniyang posisyon.

Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang marinig mismo sa labi ng lalaki kung talaga bang tapagpainit lamang siya ng kama para rito.

Just a bed warmer. Iyon lang ba talaga ang tingin nito sa kaniya?

Ang mga empleyado ay mabilis na bumalik sa kaniya-kaniyang cubicle nang dumating si Greig, pero may iilan pa rin na matapang na nakikiusyuso.

Ang malamig na titig ni Greig ay mas lalo lamang na nagpapabilis sa tibok ng kaniyang puso.

Kinurot niya ang kaniyang mga palad para maiwala ang pait na nag-uumapaw sa kaniyang dibdib. Unti-unti siyang tumungo.

“Pasensya na, bilang empleyado ng kompanyang ito, dapat ay hindi ko iyon ginawa.”

Nagtaas ng kilay si Danica nang makita ang nakayukong si Ysabela. Sa puso niya ay nagdiriwang na siya dahil alam niyang siya ang kakampihan ni Greig.

“Tingin mo ganoon lang iyon? Na magiging maayos na ang lahat pagkatapos mong humingi ng—”

Bago niya pa matapos ang sasabihin ay muling nagsalita si Ysabela.

“Ang s*mp*l na iyon ay personal na rumirepresenta bilang ako. Walang kinalaman ang kompanya o ang pagiging empleyado ko sa kompanya.”

Napaawang ang bibig ni Danica nang marinig iyon.

“What the—”

“Tingin ko wala naman akong dapat i-hingi ng tawad.”

Ibinaling niya ang tingin sa babae at matapang na sinalubong ang galit nito.

“As Ysabela, I refuse to apologize.”

Pagkatapos nito ay mabilis siyang naglakad paalis.

“You b*st*rd!” Halos mapunit ang mukha ni Danica dahil sa galit.

Sanay siyang palaging nagmamataas kaya hindi niya matatanggap na matalo ng babaeng minamaliit niya lamang. 

Hindi siya makakapayag na magmumukha siyang talunan.

“Kuya Greig, this is too much! Pagkatapos niya akong s*mpalin ay hahayaan mo nalang siyang umalis? We should get her back.

“Sinundan ng tingin ni Greig ang pag-alis ng babae.

“She even refused to apologize! You should fire her, Kuya!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marlon Cleofe
magandang simula sana mabasa k hangang dulo nxt po
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawang Ysabella
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 239

    Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 238

    Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 235

    Pabalik sa kaniyang opisina ay unti-unting rumihestronsa kaniyang isip kung gaano kaseryoso si Archie na patunayan ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi ito pupunta sa kaniyang store kung hindi ito nakakuha ng sapat na ebidensya na maaari nitong panghawakan laban sa kaniya.Tama nga naman si Archie, hindi tutugma sa kaniyang DNA ang DNA ng labi ng taong inilibing noon, limang taon na ang nakakalipas, dahil hindi naman siya ang babaeng iyon.Kumuha lamang ng bangkay mula sa ospital sila Klaus at Agatha, bangkay na hindi kinukuha ng mga kamag-anak dahil walang sapat na pangbayad sa hospital bill. Si Klaus ang gumawa ng paraan para mabili ang bangkay, at mailibing para palabasin na siya iyon.Nang makapasok sa kaniyang opisina, agad na dumiretso si Yvonne sa kaniyang bag na nasa ibabaw ng mesa para hanapin ang kaniyang gamot. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpapawisan siya ng malamig at nag-aangat-baba ang kaniyang dibdib.Mabuti na lamang at nang pabalik na siya sa kaniyang opi

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 234

    TALAGA? Naging miserable ba ang buhay ni Archie dahil sa kaniya? Paanong magiging miserable ang buhay nito kung ang tanging nais lamang naman talaga nito ay pahirapan siya hanggang sa mawalan na siya ng ganang mabuhay pa? Tapos ngayon sasabihin nitong siya ang lunas sa buhay nitong miserable? Talaga ba? He's pathetic! He's a pathetic liar! Sigaw ng kaniyang isip. Umiling siya, at tuluyang tinalikuran si Archie. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras para lang makipagdiskurso sa taong nasisiraan na ng ulo. Hindi rin siya si Yvonne para patunayan ang kaniyang sarili sa hayop na ito. The more she wastes time to talk to this fool, the more he will believe that she's Yvonne. Kaya tama na. Hindi na niya pag-aaksayahan ng lakas at panahon ang baliw na ito. Ilang hakbang pa lang ay tumigil siya ulit at nilingon si Archie na nakasunod ang tingin sa kaniya. Dumaan ang pag-asa sa mga mata nito nang makita siyang tumigil at lumingon. Ngunit agad niyang binasag iyon. "I don't want to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status