Nang sumunod na araw maagang gumising si Ysabela para maghanda sa pagpunta sa regional court.Ang alam niya'y alas nuebe y media ang appointment niya roon, pero dahil gusto niyang maaga siyang pumunta ay naghanda na siya.Baka may mga papel pang kailangan lakarin kung sakali.Dahil sa pagpunta ni Greig sa kaniya kagabi, tuluyan siyang nawalan ng ganang kumain. Kaya ngayong umaga ay pinagluto niya ng masarap na putahe ang sarili para makabawi.Adobong manok, fried rice, at pritong isda ang niluto niya.Iniwasan niyang malagyan ng maraming bawang ang adobo at fried rice dahil ayaw niya sa amoy nito.Napapansin niyang nahihilo siya sa amoy ng bawang.Nagbook na rin siya ng taxi papunta sa regional court dahil alam niyang matatagalan siya kung sasakay pa siya ng bus.Mas mabuting bago pa mag-alas nuebe ay naroon na siya.Sa labas ng village naghintay ang taxi kaya may pagkakataon siyang makapaglakad-lakad.Isang oras din ang naging byahe niya papunta sa regional court. Kaya nang makaratin
Isinugod siya sa ospital at binigyan ng paunang lunas. Maliban sa ilang galos at sugat sa kaniyang palad ay wala na siyang ibang ininda.Iyon nga lang, maraming dugo rin ang nawala sa kaniya dahil malaki at malalim ang sugat. Kinailangan niya pang ipatahi ang sugat ng walang anesthesia.Ayaw niyang magpaturok ng anesthesia dahil baka makasama iyon sa kaniyang baby. Kaya't habang tinatahi ang kaniyang sugat ay umiiyak siya sa balikat ni Gretchen, ang babaeng tinulungan niya.Yakap-yakap siya nito at inaalu, ngunit walang paglagyan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Bawat pagtusok ng karayom sa kaniyang laman ay hindi niya maipaliwanag ang sakit na dulot.Basang-basa ang kaniyang pisngi dahil sa luha. Dumudugo na rin ang kaniyang labi dahil sa mariin na pagkagat.Noon pa man ay takot na siya sa karayom at sa dugo. Kaya ngayon na kailangan niyang indahin ang lahat ng ito ay parang nahihirapan siyang huminga.“You're so brave, Ysabela.” Komento ni Gretchen nang matapos na gamutin ang kan
Ilang minuto pa lang ang kaniyang pag-idlip nang malakas na bumukas ang pinto ng emergency room.Nagmulat siya ng mga mata at napabaling doon.Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang lalaking pumasok. Madilim ang anyo ni Greig nang inilibot nito ang tingin.Nang makita siya ay malalaki ang hakbang na naglakad ito papunta sa kaniya.Sumikip ang kaniyang dibdib. Ngayon niya mas lalong naramdaman na masakit ang sugat sa kaniyang kamay.Gusto niyang umiyak at yakapin ang lalaki. Sabihin dito kung gaano iyon kasakit.Nanubig ang kaniyang mga mata. At nang makalapit ito sa kaniya'y tuluyang pumatak ang kaniyang mga luha.I was so scared, Greig. Bulong ng kaniyang isip.“Ysabela.” Tawag nito sa kaniya.Malalaki ang hakbang nito dahilan para mabilis itong makarating sa kaniya.Pinagmasdan niya si Greig. Gusto niyang isipin na hindi siya pinaglalaruan ng kaniyang isipan, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Umigting ang panga nito nang makita ang kaniyang kamay.“What happened?” Malamig an
Bumukas muli ang pinto kaya mabilis na bumaling doon si Ysabela. Akala niya'y bumalik na ang doktor para ibigay ang bagong prescription.“I brought you food, Ysabela.” Ngumiti sa kaniya si Gretchen.Nangunot ang kaniyang noo. Nakasuot ito ng mahabang dress na kulay pula. Hindi kagaya kanina na parang chic ang dating nito, ngayon ay napaka-elegante at sopistikada nito.Ang pulang dress ay umabot hanggang sa ibaba ng tuhod at may malaking bulaklak sa kanan nitong balikat.Muntik na niyang hindi makilala ang babae, kung hindi pa siya nito tinawag sa kaniyang pangalan.Naglakad ito palapit dahilan para mapalingon si Greig at Natasha.“I've already paid for your bills.” Dagdag ng babae.Hindi siya makapaniwala na ang chic-mid-thirties na Gretchen kanina ay bilang naging sopistikadang early-fourties na ngayon ang dating.Inilapag ng babae sa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama ang dalang pagkain.Humarap ito kayna Greig at bahagyang nagtaas ng kilay nang makita ang nakakapit na si Natas
Kung noon ay nagpapanggap lamang si Natasha na mahina siya, ngayon ay nararamdaman niyang totoong nauubos ang kaniyang lakas. Parang nauubusan siya ng hininga.Pakiramdam niya'y kung hindi niya makokontrol ang sarili ay talagang sasabog siya sa galit dahil sa mga sinasabi ng mommy ni Greig.Galing siya sa prominenteng pamilya, kaya ngayon na tinatawag siyang kabit ay tuluyang nagdidilim ang kaniyang paningin.How dare this old witch call me a mistress?!Alam niyang nakikilala siya nito, ngunit halatang pilit nitong isinasantabi ang pagkakakilanlan niya.Kahit kailan ay hindi pa siya nakaramdam ng ganitong pagkapahiya sa tanang buhay niya.Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang humilig kay Greig at sa mahinang boses ay magsalita.“Mrs. Ramos, you really misunderstood everything.”Pinilit niyang magmukhang kaawa-awa.Inalalayan naman siya ni Greig.“I don't think so. I think it would be best if you keep a distance with my son. You should understand that seducing a married man is a
Ibinilin ng nurse na dalhin si Ysabela sa ward dahil may kailangan pang tingnan ang doktor.Naisip niyang baka tumagal pa ang hinihintay niyang prescription dahil nasabi niya sa doktor na buntis siya.Pero mas mabuti na iyon, dahil ayaw niyang maging banta sa buhay ng kaniyang anak ang mga gamot na ibibigay sa kaniya ng doktor.Inayos ni Gretchen ang dalang pagkain at naupo ito sa gilid ng kama.Balak nitong pagsilbihan siya na tinanggihan naman niya agad.“Tita, huwag na. Ako na po.” Nahihiya niyang sabi.Magagawa pa naman niyang kumain gamit ang kaliwang kamay, iyon nga lang medyo mahirap iyon dahil hindi naman siya kaliwete.Tahimik siyang pinagmasdan ni Gretchen habang kumakain. Madalas nitong ayosin ang kaniyang buhok at punasan ang kaniyang bibig ng tissue kapag may kaonting dumi.“Don't be hesitant with me, Ysabela. Hindi ka naman iba sa akin. Let me take care of you until you get better.” Malambing nitong saad.Ayaw niyang makaabala sa ginang kaya naman hindi na lang niya ito
Bumukas ang pinto kaya napabaling silang dalawa ni Gretchen doon.Unti-unti siyang lumayo sa babae nang makita si Greig.Hindi niya inaasahan na babalik pa ito pagkatapos umalis kasama si Natasha.Kanina ay mainit ang kaniyang puso dahil sa kabutihan ni Gretchen, ngayon ay parang unti-unti na naman iyong binabalot ng lamig.May nakalimutan ba ito kaya bumalik?Kumunot ang kaniyang noo nang maglakad ito papunta sa kaniya.“Did you already send your mistress home?” Pigil ni Gretchen sa kaniyang anak.Pumagitna ang ginang sa kaniya at kay Greig.Nakita niya ang mabilis na pagdilim ng mukha ni Greig. Wari bang gusto siya nitong lapitan pero dahil humarang ang ina ay wala nang nagawa.“I want to see, Ysabela.” Ani Greig.Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Ysabela ng ilang minuto.Hindi naman siya pinaglalaruan ng kaniyang pandinig hindi ba?Isang hakbang pa ang ginawa nito pero hinarang ulit ng ginang ang kaniyang anak.“She needs a lot of rest, Greig. At mukhang hindi makakabuti na pa
“M-medyo kumikirot lang, pero magiging okay din naman ako agad.” Utal niyang dagdag nang mas tumagal ang tingin ni Greig sa kaniya.Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa may pinto. Ayaw niyang lokohin ang sarili, imposibleng nag-aalala ito sa kaniya.“You were stitched without an anesthesia.”Nanindig ang kaniyang balahibo sa paraan ng pagkakasabi nito.Wari bang alam din ng lalaki ang naramdaman niyang sakit, at hanggang ngayon ay ginagambala pa rin ito.Kumurap siya para walain ang nagbabadyang luha.Kanina lamang ay gusto niyang magsumbong kay Greig, gusto niyang sabihin kung gaano kasakit ang pagtusok ng karayom sa kaniyang laman, at kailangan niya iyong indahin hanggang sa huling tahi.“I'm f-fine.” Para siyang nauubusan ng hininga.Napatitig sa kaniya si Greig.Alam ng lalaki na nagsisinungaling siya. Hinding-hindi makakalimutan ni Greig ang mga pagkakataon na halos mawalan siya ng malay kapag nakakakita ng dugo.Sa dalawang taon nilang pagsasama, alam na nito ang mga kin
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya.Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki.Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital.Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya.May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya.Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong sa ka
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.