Share

Kabanata 283

Author: Purplexxen
last update publish date: 2026-11-18 15:06:21

Maghapon ulit na hindi niya napansin si Archie sa isla. Kahit noong tanghali ay mag-isa siya sa hapag.

Hindi kagaya noong mga nagdaang araw na palagi niyang inihahanda ang sarili sa posible nilang pagkikita ni Archie, ngayo’y hindi na siya ganoon kaaligaga. Ramdam niya rin na wala ang presensya nito sa paligid kaya’t mas kalmado siya at hindi iniisip ang mga aksidenteng tagpo.

Isa pa, nakatulong din ang presensya ng mga tauhan. Sa isip niya, kahit na kayang-kaya ni Archie na gawin kung ano ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
JN Zurcd
thank you so much ms. a sa update..sana po tuloy2 na....at sana din po magkaron ng happy ending sa knila...deserve nila pareho ang maging masaya...
goodnovel comment avatar
Jucevill Biñan Tolentino
happy gid ko pag kakita ko na may update na
goodnovel comment avatar
Jucevill Biñan Tolentino
salamat miss author sa update, sana marami pang update tungkol sa kanila archei para happy
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Kabanata 286

    Hindi dapat siya nagtanong! Ang tanga niya para magtanong, samantalang kita naman na basang-basa nga si Archie dahil sa ulan. Kumunot ang kaniyang noo at wala sa sariling napaatras. Bumubulong ang kaniyang isip na dapat na siyang tumakbo pabalik sa kaniyang kwarto. Ngunit ilang hakbang pa lamang paurong ay napatigil na siya ulit. She couldn't just run away. Minsan lang sila magkita ni Archie. Bukas, maaga pa, siguradong wala na ito sa bahay at may pupuntahan na naman ito sa likod ng isla. Whatever that is, she wants to ask about it. “Madalas kayo sa likod ng isla? May nakatunton na sa akin rito?” Parang balewala niyang tanong. Iyon ang katotohanan na pinapaniwaalan niya. Dahil na rin sa narinig niyang usap-usapan ng mga kasambahay noong nagsibalik ang mga ito, naisip niyang posibleng may nakahanap na sa lugar na pinagtataguan ni Archie sa kaniya. May ilan nang sumusubok na magtungo sa isla. At dahil hindi magsasabi ng totoo sa kaniya ang mga katulong, mas mabuti nang direkta n

  • Fake Marriage With The CEO   Kabanata 285

    Gabi nang bumuhos ang malakas na ulan. Katatapos niya pa lamang maghapunan nang magsimula iyon. Tumitila ng ilang minuto, ngunit muling bumubuhos ng mas malakas. Maganda ang panahon kaninang umaga hanggang hapon. Hindi makulimlim, kaya buong pagtataka niyang nilingon ang nakasaradong bintana na nababasa na ngayon ng ulan. Bakit napakalakas ng ulan ngayong gabi? Kagaya ng mga nagdaang-gabi, hindi siya agad dinalaw ng antok. Kahit pa dinalhan siya ng gatas ni Jenna kanina ay hindi pa rin siya makaramdam ng antok. Epekto iyon marahil ng madalas niyang pagtulog sa hapon kaya hirap na dumalaw ang antok sa gabi. Pilit niyang ipinikit ang mga mata habang pinapakinggan ang patak ng ulan sa labas ng bahay. May tanong sa likod ng kaniyang isip na ayaw niya sanang bigyan ng pansin. Ngunit ayaw nitong maglaho, lalo pa't nagugulat siya kapag lumalakas ang buhos sa labas. May nasisilungan kaya sila Archie? May kubo ba roon? Hindi ba’t nasa likod nitong isla sila Archie at may binabantayan?

  • Fake Marriage With The CEO   Kabanata 284

    Matuling lumipas ang tatlong araw. Nakabalik na rin ang ibang tauhan sa isla kaninang umaga kaya mas marami na ang nagbabantay na mga tauhan at maingay na rin ang kabahayan dahil sa mga katulong. Ngunit kaninang umaga, nang tanungin niya si Jenna kung bakit ngayon lamang nakabalik ang babae gayong dapat ay kahapon pa ito, hindi nito naibigay ang detalyeng gusto niyang marinig. “Malakas po ang alon, Miss. Hindi kakayanin ng bangkang de motor ang ihatid kami rito kaya hinintay muna namin na pumayapa ang mga alon.”Maalon? Kahapon ay umulan ngunit saglit lang. Hindi rin naman ganoon kalakas ang ihip ng hangin. At sa baybayin, hindi rin malakas ang hampas ng alon kaya nahirapan siyang paniwalaan ang sinabi ni Jenna. Ganunpaman, hindi na niya pinilit ang babae na magsabi ng totoo sa kaniya. Alam niyang hindi nito sasabihin ang totoong dahilan kung bakit ngayon lang nagsibalik sa isla ang lahat ng tauhan. Pagkatapos na kumain ng tanghalian kasama si Jenna at Arca sa may dalampasigan,

  • Fake Marriage With The CEO   Kabanata 283

    Maghapon ulit na hindi niya napansin si Archie sa isla. Kahit noong tanghali ay mag-isa siya sa hapag. Hindi kagaya noong mga nagdaang araw na palagi niyang inihahanda ang sarili sa posible nilang pagkikita ni Archie, ngayo’y hindi na siya ganoon kaaligaga. Ramdam niya rin na wala ang presensya nito sa paligid kaya’t mas kalmado siya at hindi iniisip ang mga aksidenteng tagpo.Isa pa, nakatulong din ang presensya ng mga tauhan. Sa isip niya, kahit na kayang-kaya ni Archie na gawin kung ano ang gusto nitong mangyari sa kaniya, hindi dapat natatakot dahil may iba naman silang kasama.Noong sila nga lang dalawa ay wala itong ginawa sa kaniya, paano pa kung may kasama sila?Buong araw na pabalik-balik siya sa bahay at sa dalampasigan. Maliban sa wala rin naman siyang gagawin sa kwarto, mas presko ang hangin sa may dalampasigan kaya gusto niyang doon magpalipas ng oras.Alas dos ng hapon nang sinadya niyang mahiga sa ilalim ng mayabong na puno ng Palo Maria. Naglatag ng makapal na kumot s

  • Fake Marriage With The CEO   Kabanata 282

    Naligo na siya at nakapagbihis nang umakyat si Arca para dalhin ang mainit na gatas. Naisip siguro yata ng babae na mahihirapan siyang matulog kaya nag-initiate na itong magbigay ng gatas.Naupo siya may paanan ng kama habang mabagal na sinusuklay ang kaniyang buhok.Napansin niya, hindi pa bumabalik sila Archie. Hindi niya pa naririnig ang boses ng ilang tauhan. At tila wala pang dumadaan na mga yabag sa harap ng kaniyang pintuan.Gabi na. Madilim na sa labas. Pero tila natatagalan sila Archie. Imposibleng dahil iyon sa mga solar panel sa may taas nitong isla?“Hindi pa sila bumabalik?” Mahina niyang tanong nang maglakad si Arca papunta sa may pinto.Lumingon ito saglit. At kahit wala siyang pangalan na binanggit, alam na agad ng babae kung sino ang kaniyang tinutukoy.Marahan itong umiling.“Hindi pa, Miss.”So, something is really troubling Archie now.Tumango siya ng kaunti.Sinasabi ng kaniyang kutob na posibleng may nakakaalam na sa kaniyang pinagtataguan at may umaaligid na sa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 281

    Maagang gumising si Yvonne nang marinig na nagsidatingan na ang ilang tauhan galing sa bayan. Si Arca ang naabutan niya sa baba na nag-aayos ng mga dalang gulay at prutas. Dalawang katulong pa lamang ang bumalik at apat na security guard.Ganunpaman, natutuwa siya na may iba na siyang makakasama maliban kay Archie. Hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanilang dalawa sa tuwing sila na lamang. Pakiramdam niya kasi, habang tumatagal ay parang natitibag ang kaniyang dipensa laban sa lalaki.“Baka sa susunod na araw pa sila Jenna.“ Imporma ni Arca sa kaniya nang magtanong siya kung nasaan ang babae.“Bakit ba natagalan kayo sa bayan?”Nasa kusina sila, naghihintay siyang matapos itong magsalansan ng mga pagkain sa pantry.Hindi agad sumagot ang babae kaya napatitig siya rito. Halatang pinipigilan nito ang sarili na sagutin ang kaniyang tanong.“Arca.” Tawag niyang muli nang hindi pa rin ito magsalita.Sumulyap ito sa kaniya at nang makita ng paninitig niya ay pinilit ang sarili na ng

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 257

    Unti-unti na rin nababawi ni Yvonne ang kaniyang lakas. Dalawang araw din siyang binantayan ng mabuti ni Jenna, Arca at ng nars na si Kara. Ang kaniyang pagkain, pagligo, at pag-ehersisyo ay tinutukan ng tatlo. “Miss, ang vitamins niyo po.” Paalala ni Jenna habang inilalapag sa mesa ang bote ng vi

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 190.2: Shattered Hope

    “Hmmm. Ugh. Ugh.” Yvonne moaned louder. Ang sunod-sunod nitong ungol habang malakas niyang ibinabaon ang pagkalalaki ay talagang nakakataba ng puso para kay Archie. Bumilis lalo ang kaniyang paglabas-pasok. Nagsasalpukan ang kanilang maselang parte at yumuyugyog ang sofa dahil sa lakas ng kaniyang

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 163: Taxi

    “Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kam

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 265

    Lumubog ang araw, naayos na ng mga kasambahay ang mesa, at mga upuan. Inilabas na rin ang kaniyang pagkain. “Nag-iihaw po ng pusit sila Solomon, gusto niyo po ba, Miss?” Nakangiting tanong ni Arca. Marahan siyang umiling. “Hindi, marami naman ditong pagkain.” Aniya sa babae. Nagluto ng maram

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status