ANMELDEN"Darling nasaan ka?" Pag tawag ko saaking anak, iniwan kolang siya saglit sa labas ng pinto dahil ipinasa ko ang aking resume para sa bago kung ina-applayan na trabaho, ngunit pag labas ko ay wala na siya sa pinto, kaya naman agad ko siyang hinanap ngunit hindi kona siya matagpuan, bilang ina labis na akong nag-aalala, hindi naman aalis ang anak ko ng hindi nag papaalam saakin, kaya saan siya pweding pumunta?, hindi naman sila nagkita ng ama niya diba?.
"Xie Rahn anak ko, nasaan kana ba, balik kana please nag aalala na si mommy" sa hindi malaman na dahilan ay nakararamdam ako ng takot sa puso ko, marahil dahil sa pag aalala dahil kahit minsan hindi pa nangyayari ang ganito, noon nong nasa korea pa kami kahit minsan hindi pa nawala ang anak ko, pero dito sa pilipinas isang araw palang ay nangyayari na ito!, natakot ako lalo na at dito ang kaniyang ama, paano kung magkita sila?. Pero okay lang kung ama nya ang makakuha sa kanya dahil masisiguro kona hindi siya sasaktan, pero katapusan kona. At kung ibang tao naman! No! Hindi! Maayos lang ang anak ko. "Excuse me po ma'am, may nakita poba kayong batang babae, limang taong gulang naka pink na dress, at may hairpin na pink butterfly? Mga ganito ang taas niya" tanung ko sa babaeng dumaan sa harapan ko habang inaaksyon sa kawalan ang taas ng anak ko. "Oh anak nyo yun Mrs" tumingin ako sa kanya ng diretso dahil sa tila natatakot niyang tugon sa tanung ko "Nakita mopo ba" tanung ko ulit "May batang babaeng naka bangga kanina sa bagong CEO nitong Xien corp, sa tingin ko iyon na ang anak mo" parang sinasaksak ang puso ko dahil sa kaba, ngunit nakahinga naman ako ng maluwag, lalo't hindi ang ama niya ang nakakuha sa kanya. "Nasaan sila?, alam mopo ba ma'am?" Mabilis kung tanung "Nasa hospital po, yun ang pagkakaalam ko" tila nanghina ako dahil sa sinabi ng babae "Saang hospital?, Anong nangyari sa anak ko?" Huminga ng malalim ang babae dahil sa sunod sunod kung tanung "Nasa Xien hospital po sila, at wag kang mag alala Mrs, wala namang nangyari sa anak mo" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Kung ganon, anong ginagawa nila sa hospital?" Kalmadong tanung ko sa babaeng ito, ngumiti naman siya saakin bago sumagot. "Ipapa test daw ng DNA ang bata kasama ang bagong CEO ng kompanya na ito" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng babae. "Bakit?" Maikli kung tanung, kasi naman kung sino man ang CEO ng Xien corp, bal*w naba siya?, nabangga lang siya ng anak ko at umabot nasa DNA?. "Kasi kamukha daw ng babaeng minahal dati ng bagong ceo ang bata, kaya naghihila siya na baka anak niya ito" halos malaglag ang panga ko dahil sa sumunod nitong sinabi, ngunit bigla nalang akong natauhan ng mapagtanto na hindi kopa pala alam kung sino ang bagong CEO. "Kilala moba ang bagong CEO?, sino siya?" Pagtatanung ko, at umaasa na sana hindi totoo ang kutob ko, sana hindi talaga ang lalaking iyon ang bagong CEO. "Yeah, si CEO Xidrick Iearahn Hue, ang CEO ng Iearahn group, siya ang bagong nag mamay-ari nitong Xien corp" tila nabuhusan ako ng mainit na tubig sa nalaman ko. Mabilis akong sumakay ng taxi para pumunta sa Xien hospital at umaasa na maka habol pa, at hindi pa huli ang lahat. ________ "Darling nandito kalang pala!" Humahangos kung tawag sa anak ko at agad itong nilapitan, kampante ako na hindi ako makikilala ng dati kung asawa dahil naka mask at sumbrero ako, siguro naman sa loob ng limang taon ay nakalimutan nyana rin ang boses ko. "May result napo ang DNA test" parang tambol sa bilis ang puso ko ng sabihin iyon ng doctor habang papalapit at iniabot ang envelope na nag lalaman ng resulta kay Xidrick. Hirap na hirap akong huminga dahil sa nangyayari, gusto kung agawin sa kamay ni Xidrick ang result, pero hindi ko magawa dahil mas mapapahamak lang ako. Hindi nanga nag dalawang isip at mabilis na binuksan ni Xidrick ang resulta, tila tumigil sa pag pintig ang puso ko ng biglang lumaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa nakita. "Negative ang DNA result" parang nabunutan ako ng tinik sa puso ng marinig ang sinabi ng doctor. "Okay napo ba sir? Pwedi na kaming umalis ng anak ko?" Pagpapaalam ko at mabilis na binuhat ang anak ko. "Darling anong ginawa mo?" Kunwari ay galit kung tanung kay Xie Rahn. "Sorry po mommy" paghingi niya ng paumanhin at nagpapa cute pa sa harap ko. "Alam mobang natakot si mommy?, paano kung may nangyari sayo?" 'paano kung nag positive ang DNA test?' bulong ko saaking isipan. "Mommy galit kapo ba?, sorry napo please" umiiyak na wika ng anak ko at niyakap ako, hinalik- halikana ang buong mukha ko. "Wag monang uulit mangako ka kay mommy" saad ko naman na parang nagtatampo pa. "Yes po mommy, promise, iloveyou mommy" malambing nitong wika kaya naman ngumiti na ako at pinaupo siya sa mga hita ko. (Flash back) Nagmamadali na akong sumakay ng taxi para pumunta sa nasabing hospital, at umaasa na sana makahabol pa, buti nalang at bigla kung naalala si kuya Ha-E, ang doctor na naging kaibigan ko sa korea, kamakaylan ay pumunta siya dito sa pinas at dito na siya nag t-trabaho, kaya naman agad ko siyang tinawagan. "Oh napatawag ka Xie?" Kalma nitong wika ng sagutin ang tawag ko. "Kuya Ha-E kaylangan ko ang tulong mo, baka may kilala kang doctor na nag t-trabaho sa Xien hospital" bakas sa boses ko ang pag aalala "Anong malaking pagkakataon, dito ako mismo nag t-trabaho sa Xien hospital" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Ano bang problima mo?, sabihin mo saakin, at ang inaanak ko nasaan ba?" Nag aalala nitong tanung, noong nasa korea kami, nakilala ko siya nong nagkasakit si Xie Rahn, at simula noon ay tinuring konang kuya si Doctor Ha-E, at inaanak na ang turing niya kay Xie Rahn. "N-nag kita sila ng totoo niyang ama, at nandiyan sila para mag pa DNA test, please kuya Ha-E, wag mong hayaan na malaman ng totoo niyang ama ang totoo" "Wag mong sabihin na ang ama ng inaanak ko ay ang bagong nag mamay-ari ng Xien corp, at Xien hospital?, si CEO Iearahn?" Sunod sunod na tanung nito, at halos hindi maka paniwala sa mga nalalaman. "Ipapaliwag kopo sayo ang lahat kapag may oras na ako, sa ngayun po please pake tulungan ako na gawan ng paraan ang DNA" pakikiusap ko dito. "Wag kang mag-alala ako na ang bahala sa lahat" naka hinga ako ng malalim ng marinig ang sagot nito, alam ko naman na tutulong siya at hindi niya matiis ang inaanak niya. Pero natatakot parin ako dahil hindi kopa alam ang mga susunod na mangyayari. "Negative ang DNA test" tuluyan na akong naging payapa ng marinig iyon. (End of flash back) "Mommy galit papo ba kayo? Di nyo kasi ako pinapansin eh" napangiti ako dahil sa nagtatampong wika ng anak ko. "Hindi galit sayo si mommy darling, halika kanga rito" wika ko at hinalik-halikan ito. Pasensya na anak kung hindi ko magawang sabihin sayo ang totoo, patawad anak kung tinatago ko sayo ang totoo. Nakita mo naman ang ama mo malayo sa katayuan natin, at isapa mayroon na siyang sariling pamilya ngayun kaya hindi nyana pweding malaman na may anak siya saakin, at baka masira ang pangalan mo anak. Ayaw kung tawagin kang anak sa labas kaya patawad anak , gagawin ni mommy ang lahat para protektahan at itago ka sa kamay ng tatay mo."Boss nandito napo siya" pabulong na wika ng assistant ko, habang nababalisa marahil natatakot siya na baka hindi ako sumang-ayon sa naisip niyang plano.Ang totoo kasi niyan, si lola lagi akong kinukulit na mag asawa na, sa edad kodaw na 30 ay baka magiging matanda na ako, kaya naman ginagawa ni lola ang lahat para makipag kilala ako sa ibat ibang babae, pero ayaw ko talaga ng mga babae. Noon madali lang takasan ang pananakot ni lola, hanggang sa dumating ang araw na nakakatakot, nalaman kung may sakit si lola at ayaw niyang uminom ng gamot kung hindi ako magdadala ng asawa at ipapakilala sa kanya. At ngayun na lumala na ang sakit ni lola at kaylangan na niyang magpa-opera pero ayaw niya parin dahil hindi padaw ako nag aasawa, kaya naman sa takot na baka may mangyari kay lola ay minsan kona ding naisip na mag asawa, pero wala akong makita na babae para saakin. Pakiramdam ko lahat ng babae sa paligid ko ay manloloko lang, mukhang pera, o marahil pera talaga ang habol saakin, sikat a
"Hello?" Sagot ko sa cellphone ko ng may biglang tumawag, naglalakad ako sa kawalan habang iniisip kung saan kukuha ng pera para sa pang gamot ni lola ngayung araw, at saan na naman ako mag hahanap ng bagong trabaho, nagising lang ako sa malalim kung iniisip ng may tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag."Ms: Xien right?" Tanung ng kabilang linya, at ng marinig yun, nakaramdam ako ng takot "Yes po" maikli kung tugon."Ang lola nyupo ma'am ay nandito sa hospital, maari ba kayong pumunta agad?" Naghabulan sa bilis ng pintig ang puso ko dahil sa narinig kung balita, at hindi nako nag dalawang isip pa, sumugod na ako agad sa nasabing hospital."Lola Zaxi!" Hinihingal kopang tawag dito habang papasuk sa room kung saan siya naka confined."Kamusta kana po lola?" Nag aalala kung tanung habang sinusuri kung ayus lang ba siya o may ano mang nangyari sa katawan niya."Nak... Ayus lang ako, ikaw hindi kaba papagalitan sa trabaho mo, bakit ka umuwe?" Natahimik ako dahil sa sinabi ni lo
"Nak anong sabi mo?, nagkita ang mag ama?" Tumingin ako kay lola Zaxi at sumenyas na huwag siyang maingay baka magising ang anak ko at marinig siya. Matagal ng gusto Makita ng anak ko ang totoo niyang ama, pero hindi na sila pweding magkita, dahil hindi ko hahayaan na masira ang pangalan niya at matawag pa siyang anak sa labas, baka maging dahilan pa iyon ng pambubully sa kanya, at bilang ina niya hindi ko gustong makita na magkakaganon ang anak ko, at gagawin ko ang lahat ng makaka buti sa kanya."Yes po lola, at nag pa DNA test pa sila" nanlaki ang mga mata ni lola dahil sa sinabi ko, parang hindi siya makapanila dahil kung totoo iyon bakit kasama kopang bumalik ang anak namin?, alam naman din niya na hindi papayag si Xidrick na ganito, at kapag nalaman niyang siya ang ama ng anak ko, sigurado na hindi siya magdadalawang isip na kunin ito."Anong nangyari?, bakit kasama mo parin si Xie Rahn bumalik?, hindi ba siya kinuha ng dad niya?" Nagtataka na tanung ni lola kaya napangiti ako
"Darling nasaan ka?" Pag tawag ko saaking anak, iniwan kolang siya saglit sa labas ng pinto dahil ipinasa ko ang aking resume para sa bago kung ina-applayan na trabaho, ngunit pag labas ko ay wala na siya sa pinto, kaya naman agad ko siyang hinanap ngunit hindi kona siya matagpuan, bilang ina labis na akong nag-aalala, hindi naman aalis ang anak ko ng hindi nag papaalam saakin, kaya saan siya pweding pumunta?, hindi naman sila nagkita ng ama niya diba?."Xie Rahn anak ko, nasaan kana ba, balik kana please nag aalala na si mommy" sa hindi malaman na dahilan ay nakararamdam ako ng takot sa puso ko, marahil dahil sa pag aalala dahil kahit minsan hindi pa nangyayari ang ganito, noon nong nasa korea pa kami kahit minsan hindi pa nawala ang anak ko, pero dito sa pilipinas isang araw palang ay nangyayari na ito!, natakot ako lalo na at dito ang kaniyang ama, paano kung magkita sila?.Pero okay lang kung ama nya ang makakuha sa kanya dahil masisiguro kona hindi siya sasaktan, pero katapusan k
"Hello daddy? , finally po nakita na kita!" Binalot ako ng gulat dahil sa pag tawag saakin ng daddy ng limang taong gulang na batang nasa harapan ko, ramdam ko ang takot ng babae dahil sa sinabi ng kanyang anak.Pero bakit hindi ako galit?, dati naman kapag ganitong may tumatawag saakin ng kahit ano ay nagagalit na ako, pero ngayun bakit ay kakaiba? Bakit parang masaya pa ako? Parang ang sarap sa pakiramdam na tawagin akong daddy ng batang ito. At yung babae parang pamilyar siya saakin.Kilala nya kaya ako?, kasi para siyang umiiwas saakin at kahit kanina ng makita palang ako ay ramdam kona ang takot niya, tila nag iingat siya na hindi ko alam. At ng marinig ko ang boses niya kusa kung naalala ang dati kung pekeng asawa, ang babaeng binayaran ko para mag panggap na asawa ko.Nang marinig ko ang boses niya ay nagawa niyang ibalik ang lahat ng nangyari limang taon na ang lumipas, ang biglang pagkawala ni Xie Xiah Xein, ang babaeng minahal ko ng patago, ang babaeng hanggang ngayun ay hin
"Mommy finally po, makakapunta nako sa Philippines!" Masayang wika ni Xie Rahn, dahilan para haplusin ko ang ulo niya.Nag b-byahe na kami pauwing pinas, naka sakay kami sa eroplano at naka upo sa pinaka likuran nito, ayaw na ayaw kasi ng anak ko sa harap at gitna maingay daw, kaya't naki-usap ako sa flight attendant na kung maari ay sa likod kami uupo, nong una ay tumanggi ito dahil may naka re-save nadaw sa pwesto na iyon, at sadyang nakakatakot daw ang taong uupo doon.Pero para sa anak ko? Walang mas nakakatakot pa, kaya naman hindi ako tumigil at naki-usap ng husto hanggang sa pumayag na sila. Nagtataka ako kung sino ang makakasama namin sa pwesto at bakit ganun nalang ang takot sa kanya ng mga taong ito!"Basta po ma'am, ang makakasama nyu sa pwesto ay ayaw na ayaw sa maingay, kaya nga pina-serve niya ang likuran" napatango ako dahil sa paalala nito, sa tingin ko hindi basta basta ang makakasama namin sa buong byahe, kaya kinausap kona agad ang anak kona wag magiging maingay dah







