RIZ“Kahit hindi mo sabihin, malalaman ko rin kung sino ang gumawa niyan and there will be hell to pay. No one hurts the mother of my child and gets away with it.” Malamig ang boses niya at walang ibang emosyon kung hindi nagbabadyang galit.The car was ready when we reached the basement. Ipinagbukas kami ng pinto ni Manong. Nang makapagsuot kami ng seatbelt ay umandar na ang sasakyan. Just like the owner of the car, intimidating din ang loob ng kotse at para bang ibinagay ang design sa mga executive na katulad niya. The seats were made of leather, mabango ang loob at wala ni kaunting kalat. Even the damn windows were clear kahit na maitim ang tint nito.Habang umaandar kami ay tumitipa siya sa kaniyang cell phone. Nang matapos siya ay ibinalik niya iyon sa bulsa sa kaniyang dibdib.“What is it?” tanong niya sa akin. Naramdaman siguro niya ang pagtitig ko sa kaniya.“I just wanted to know kung ano ang itatawag ko sa ’yo. I met you as Paul but I don’t think the people around you call y
JUSTINEVER since Riz came, para akong nakasakay sa isang roller coaster. It was easy for her to rile me. Kahit mahaba ang pasensiya ko ay may mga oras na gusto nang malagot ng katinuan ko. Dealing with her was like disciplining a child with tantrums. Aminado naman siya na hindi ito ang ugali niya. I’ve read that in the pregnancy book as well. Pregnant women go through a lot of changes. Their hormones were acting up along with other several things.“You always use him against me,” sikmat niya sa akin.Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinawagan ang isang designer. “Renata, I need a white dress. No, short. Like one of those cocktail black dresses you have but I want white. Off-white is fine. Size?” Tiningnan ko siya. “Send me two dresses, size two and four. I’ll pay for both. I want different designs. Send me some shoes as well.” When I ended the call, nakatingin siya sa akin. “What is it?”“Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong magpasalamat?”“Am I supposed to? It’s business. I pa
RIZI ONLY said that so he would change his mind. Gusto niyang magpakasal for the wrong reason. Oo, buntis ako. But it doesn’t mean he has to marry me. Para sa isang katulad ko na lumaki sa isang dysfunctional na pamilya, pangarap kong makasal at bumuo ng pamilya na may pagmamahal sa isa’t isa. Sa gusto niyang mangyari ay hindi na magkakatotoo ang nais ko.“It’s a marriage of convenience.” Intimidating ang tono ng boses niya pero hindi ako magpapadaig sa takot. He was not here to hurt me. Justin was actually doing the opposite. He was trying to take care of me and the baby.“It is. Kaya nga huwag na nating ituloy. Don’t make it more complicated than it is now. Mananatili ako dito hanggang makapanganak, pero huwag na tayong magpakasal.”“And if Veronica comes here, what are you going to say to her?”Naumid ako at hindi kaagad nakapagsalita. Ano nga ba ang sasabihin ko sa fiancée niya kung magkaharap kami?“You see? But if we are married, you can tell her that you’re my wife.”“Fine. Le
JUSTIN“YOU may now kiss your wife,” wika ni Ninong habang nakangiti.Nang tingnan ko si Riz ay para siyang hindi humihinga. Is that how much she didn’t want to marry me? O talagang ninenerbiyos lang siya? I am not going to deny it. What I did was similar to a shotgun wedding, pero para din naman sa kaniya iyon. If her father hit her or someone in her family noong nalaman na buntis siya, mas lalo siyang masasaktan kapag nagsama kami sa iisang bahay na hindi legal. And then there’s also Veronica na nagmamadaling magpakasal kami sa kung anong kadahilanan. Pakiramdam ko, may hindi ako maalala tungkol sa kaniya.“Sa pisngi lang,” bulong sa akin ni Riz nang yumuko ako.Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya. Higit pa nga sa halik sa pisngi ang ginawa naming dalawa, pero ngayon kasal na kami ay hindi puwede sa labi? Forget that. I kissed her lips instead. At dahil sa gulat ay bahagyang napaawang ang mga labi niya. I took that chance to deepen the kiss. I didn’t care if there were oth
RIZJUSTIN was not in the room when I woke up in the morning. Napansin ko na wala ako sa guest room na pinagbihisan ko kahapon bago ang kasal. At ang matindi, malaking T-shirt na ang suot ko. I was so tired last night, naubos na siguro ang adrenalin ko pagkatapos naming makasal ni Justin. Hindi ko man aminin sa sarili ko at sa kaniya, I felt relieved na maayos ang kalagayan namin ng ipinagbubuntis ko sa piling niya. Hindi pa man ako nanganganak, responsable na siyang ama . . . at asawa.Ang maleta ko ay nakatabi sa isang sulok at sa hula ko ay nailagay na niya sa closet ang mga damit ko. I can’t get out of the room wearing just a big shirt kaya nang bumangon ako mula sa kama ay kumuha kaagad ako ng pamalit. I want to take a quick shower before I eat breakfast. Iniwan ko sa kama ang pamalit ko saglit para i-check ang cell phone ko. Walang tawag.Malinis ang loob ng banyo at halatang magaling mag-maintain ang katiwala. I saw a big tub at bigla akong na-excite. Kahit may tub noon sa baha
JUSTINFOR the first time in a long time, hindi ako nakatulog nang maayos dito sa Batangas. Simula pagkabata, kapag narito kami ay tulog na ako nang alas-nuwebe. But last night, it was pure hell. I took a very long shower and at the end of it, hindi pa rin ako satisfied. Natulog akong masakit ang puson. Having blue balls on my wedding night was something I have never dreamed of.Sa takot kong hindi mapigilan ang sarili kong gapangin siya kagabi ay sa couch ako natulog. Mag-uumaga na noong tinalo ako ng antok at nang magising naman ako ay alas-sais pasado na ng umaga. Riz kicked off the sheets and my huge T-shirt have hiked up. Nakahantad na ang pisngi ng pang-upo niya. Abot-abot ang dasal ko. Kinumutan ko siya at dali-daling kumuha ng board shorts mula sa closet at saka naglunoy sa swimming pool.Ang akala ko ay mamaya pa siya magigising kaya safe pa akong maligo but I did not expect her to be up so soon at nakatapi lang ng tuwalya sa banyo. My wife’s wet hair was dripping a bit and i
RIZI WAS more than ready to take a leap when I heard a woman’s voice. Hindi ko pa man siya nakikita ay alam kong siya si Veronica. Boses pa lang iyon pero alam kong sosyalin siya at may attitude. Malayong-malayo sa isang katulad ko.Justin tried to hold me pero tinabig ko siya. He started this at hindi ko maiwasan ang umasa na nag-e-effort siyang maging maayos kami. That maybe the marriage of convenience can turn into something more. Pero sa pagdating ng fiancée niya ay nalusaw ang mga iniisip ko.“Wait in the living room.” Justin looked frustrated and I can’t imagine how he feels right now.“Why can’t I wait here?” maarteng tanong ng babae sa labas ng banyo.I rolled my eyes and walked back to the shower. Bahala siya sa buhay niya. Lumabas siyang basa ang shorts kung gusto niya.“Just do as I say, Veronica.” Mas madiin na ang mga salita ni Justin ngayon at walang bakas ng pagsuyo. I wonder how he’s like when mad. Mukha namang hindi pa sagad ang inis niya ngayon.“Fine!” sigaw ng bab
JUSTINNANG matapos kaming maligo kanina, sinabi ko kay Riz na huwag lumabas ng silid namin. I know Veronica can be vicious at hindi iisang beses ko siyang nabalitaan na may sinampal na babae. And the thing is, hindi valid ang pagseselos niya noon dahil ang mga babaeng iyon ay hindi ko kilala at ni hindi ko nakausap. However, it’s different this time around. Kasal na kami ni Riz at may kasunduan kaming dalawa.As soon as I walked in to the living room, kaagad siyang humakbang palapit sa akin. Veronica was about to give me a hug when I stepped back.“What’s wrong?” Instant ang pagkunot ng noo niya.“We need to talk. Have a seat.”“Aren’t you going to give me a kiss?” Lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang hindi ako sumagot. “What the fuck is going on?”“Why are you here?” Sinikap kong maging kalmado ang pag-uusap namin but I know she’s already upset.“Itinatanong pa ba ’yan? Of course, I’m here because I want to see you. Dito ka lang naman pumupunta kapag nawawala ka. What are you d