Share

Chapter 5

JAIRAH’S POV

Pagkarating ko sa bahay ay nilagay ko na ang bike ko sa isang gilid sa may terrace namin. Nakita ko si ate na nagluluto na ng pagkain para sa tanghalian namin.

“Bakit ngayon ka lang?” narinig kong tanong ni ate na nasa kusina. Naramdaman siguro niya na nandito na ako.

“Ehh kasi--“

“Eh kasi ano? Tinanghali ka na naman ng gising o tinamad ka lang gumising ng maaga?”

“Tinanghali ako ng gising kaya late na ako nakapagtinda.”

Binitawan niya yung sandok at lumapit sa akin.

“Ash naman, di ba sabe ko naman lagi sayo mag-alarm ka para hindi nale-late ng gising? Tapos nagkataon pa na maaga ako umalis kaya hindi kita nagising.”

“Nakalimutan ko mag-alarm.”

“Ayan na nga lang gagawin mo, hindi mo pa magawa. Ayan na nga lang hinihingi kong tulong mula sayo pero labag naman sa kalooban mo.”

“Hindi ko naman talaga gusto ‘tong ginagawa ko eh. Bata pa lang ako ganito na ginagawa ko. Imbes na maglaro ako, anong ginagawa ko? Nagtitinda ng pandesal!”

“Jai, huwag mo kong sinisigawan ha! Baka nakakalimutan mo, ate mo ko. Tsaka anong maglaro? Dalaga ka na, Jai.”

“Ate na walang ibang ginawa kundi utusan ako.”

Pagkatapos ko sabihin nun ay umalis na ako sa harapan ni ate at iniwan siyang tulala. Kahit kailan siguro hindi na kami magkakasundong dalawa. Siguro kung nandito lang sina Mama at Papa hindi kami ganito, hindi ganito ang buhay naming dalawa.

Pumunta na lang ako sa kwarto. Gagamutin ko pa nga pala ‘tong sugat ko.

Ano kayang magawa? Tawagan ko na lang pala si Chandra. Si Chandra ay ang bestfriend ko simula high school. Mabait na kaibigan yan. Nagtataka nga ako kung paano ko siya naging bestfriend kahit na ganito ugali ko.

*ring ring*

Tagal naman sumagot.

“Hello.”

“Hello, Chandra. Naabala ba kita?”

“Jai, ikaw pala.”

“Hindi mo na naman tinitingnan kung sino natawag sayo nho?”

“Sorry na agad. By the way bakit ka napatawag?”

“Punta ka dito sa bahay.”

“Bakit?”

“Ayaw mo? Magmomovie marathon tayo.”

“Gusto. Eto naman tampo agad. Bihis lang ako tapos deretso na agad ako dyan. See you. Bye.” Tapos pinatay na niya ang tawag.

Lilinisin ko muna ‘tong sugat ko habang hinihintay si Chandra.

CHANDRA’S POV

Hello sa inyong lahat. My name is Chandra Cortez. 24 years of age. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang commercial bank. Simple lang akong babae. May pagka-morena, mahaba buhok at may tangkad na 5’4

*ding dong* *ding dong*

Sino naman kaya ‘tong doorbell ng doorbell, agang aga. Nakain pa ako eh. Mag-isa nga lang pala ako sa bahay dahil yung magulang namin parehas ng wala kaya kaming dalawa na lang ni ate ko ang magkasama pero nasa Japan siya ngayon . Tungkol naman sa magulang namin, matagal ng namatay tatay namin dahil inatake sa puso sa hindi ko malaman na dahilan. Bata pa kasi ako nung nangyari yun. Sa nanay naman namin, hindi ko alam kung nasaan siya. Wala naman sinasabi sa akin si ate. At wala na rin akong balak na magtanong pa..  Tumayo ako at iniwan muna ang pagkain ko para silipin kung sino yung tao sa labas.

Lumapit na ako sa gate dahil hindi ko makita yung nagdodoorbell. Nagulat ako dahil may isang babae na nakatayo dun.

 “Ate?!”

“Hi, Chandra,” sabay ngiti nito.”

“Ate?! Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka ngayon?”

“Syempre gusto  kita isurprise eh.”

Pinapasok ko na muna si ate sa loob ng bahay para makaupo at makapagpahinga. Alam kong pagod ‘to sa byahe. Tinulungan ko na rin siya magdala ng mga dala niyang gamit.

“Teka, paano trabaho mo sa Japan?,” tanong ko sa kanya pagkatapos niyang makaupo. Pinagtitimpla ko muna siya ng kape, alam kong gutom ‘to.

Sa Japan siya naggraduate ng college dahil nagkaroon siya ng scholarship. Kahit ayaw niya noon dahil magkakahiwalay kami ay pinilit ko pa rin siya dahil saying naman yung opportunity ni ate.

“Sinundan ko yung boyfriend ko.”

 “Boyfriend? Yung boyfriend mong Hapon?”

 “Oo. Umuwi kasi sila ng parents niya dito for business matters.”

Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay binigay ko na ito sa kanya.

“Salamat.”

“Alam ba niya na umuwi ka rin dito sa Pilipinas?”

“Hindi. Isusurprise ko siya.”

“Paano na trabaho mo?”

“Nagleave naman ako ng ilang buwan.”

“Talaga? Ibigsabihin magkakasama na tayo?”

“Oo naman.”

Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si ate. Sa wakas, magkakasama na ulit kaming dalawa ni ate. Maya-maya pa ay may natawag sa phone ko.

“Sagutin mo muna yan baka importante,” sabi ni ate.

Iniwan ko muna saglit si ate sa may salas at sinagot ang tawag.

“Hello,” umpisa ko

“Hello, Chandra. Naabala ba kita?”

Si Jai pala.

“Jai, ikaw pala.”

“Hindi mo na naman tinitingnan kung sino natawag sayo nho?”

“Sorry na agad. By the way bakit ka napatawag?” Siguro nag-away na naman sila magkapatid.

“Punta ka dito sa bahay.”

“Bakit?”

“Ayaw mo? Magmomovie marathon tayo.”

“Gusto. Eto naman tampo agad. Bihis lang ako tapos deretso na agad ako dyan. See you. Bye.” Tapos pinatay ko na ang tawag.

“Sino yung tumawag?” tanong ni ate pagkabalik ko sa loob.

“Bestfriend ko, ate. Pinapapunta ako sa bahay nila,” sagot ko.

“Bakit daw?”

“Movie marathon daw. Pero sure naman na nag-away na naman sila magkapatid,” umupo ako sa tabi ni ate.

“Ayun ba yung nakekwento mo sa akin?”

“Yes, ate.”

Lagi ko silang nakukuwento kay ate. Tsaka kilala na rin naman niya si Jai dahil naging kaklase ko ‘to nung high school.

“Oh siya, maligo ka na at magbihis para makapunta ka na don. Mamaya na tayo magbonding. Magpapahinga lang ako.”

“Sige, sis.”

“Dalhan mo na rin sila ng chocolate. May mga dala ako dyan.”

“Noted.”

Nagmadali na ako maligo at magbihis. Paalis na ako at magpapaalam kay ate kaso nakita ko ‘to na nasa kwarto na at nagpapahinga. Itetext ko na lang siguro na paalis na ako.

Nag-abang na ako ng tricycle papunta kina Jai. Siguradong may kuwento na naman yun saken.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status