AGA’S POV
Pasakay na sana siya ng bike ng makita ko yung tuhod niya.
“Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo. Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?”
“Ang O.A mo po. Malayo ‘to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak.”
Napaka taray naman nung babae na yun. Ako na nga nagmamalasakit dahil alam kong ako ang mali pero inaway pa ako. Bahala nga siya. Kailangan ko na magmadali dahil male-late na ako sa school. 9am na tapos ang klase ko 10am. Kung hindi lang dumating yung babae na yan kanina pa ako nakasakay.
Ako nga pala si Agassi Ching. Aga for short. Twenty-six years of age. Fourth year college na ako at nagte-take ng HRM na course. My mom is pure Filipino while my dad is a Japanese. Ang pangalan ng mom ko is Aimi Ching at Akihiro Ching naman sa dad ko. Wala akong kapatid kaya only child nila ako. Nakakalungkot nga dahil wala akong kapatid eh.
Galing akong Japan pero lumipat kami dito sa Pilipinas dahil para sa business ni Dad. Kaya no choice naman ako kundi sumama dahil walang mag-aalaga sa akin doon at for sure na hindi papayag si Mom na maiiwan lang ako mag-isa sa Japan.
Back to reality. Magpapahatid sana ako sa driver namin kaso wala pa siya hanggang ngayon dahil hinatid niya ang mga magulang ko sa restaurant namin. Nakarating na rin ako sa school. Sigurado maninibago ako dito ngayon dahil new environment ‘to. Sana mababait ang magiging kaklase ko.
Tapos na ang flag ceremony nang makarating ako sa gym. Mukhang nagpupuntahan na sila sa magiging room nila. Kinuha ko naman ang registration form ko at tiningnan kung anong room at building ko.
Lumabas na ako sa gym at saktong labas ko ay nakita ko ang building na nakalagay sa registration form ko. Nag-umpisa na ako maglakad para hanapin ang room ko. Nakalagay ay room 202, ibigsabihin sa second floor ‘to.
Nahirapan akong makaakyat dahil ang daming estudyante ang nag-uumpukan sa daan. Medyo sanay na naman ako dahil parang ganito rin naman sa pinapasukan kong school sa Japan. After 123456789 years, nakarating na rin ako sa second floor.
Kaliwa o kanan? Saan kaya ang room 202? Tiningnan ko ang room na nasa kaliwa ko, room 206. Sa kanan, room 205. Mukhang sa kanan nga ang room 202. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa itaas ng pinto ng bawat room na madadaanan ko para mahanap ang room ko at habang naglalakad din ako ay ang panay tingin naman ng mga babae na nadadaanan.
“Uy, may cutieee!”
“Chinitooooo.”
“Mukhang may lahi.”
“Mukhang transferee.”
“Bago matapos ang araw na ‘to, magiging kami niyan.”
Hindi ko alam kung nagbubulungan pa ba sila dahil dinig na dinig ko ang usapan nila. Nang makarating na ako sa tapat ng room ko ay nakita kong nasa loob na ang mga kaklase ko. Nag-aalinlangan ako pumasok dahil nahihiya ako. Hiro kaya mo yan, ikaw pa ba.
Humakbang na ako papunta sa pintuan ng classroom naming at sumilip. May teacher na pala.
“Good morning po, Sir. Dito po ba ang HRM-1A?” tanong ko sa prof.
“Oo, Iho. Dito nga. Pasok ka. And you are?”
“I’m Agassi Ching po,” pagkasabi ko ng pangalan ko ay may tiningnan naman siya na papel. Mukhang listahan ng mga name namin.
“So, transferee ka pala?”
“Opo, Sir.”
“Dahil ikaw ang pinakang huling dumating, maaari mo ba maipakilala ang sarili mo sa kanila?”
“Yes, Sir,” nginitian ko si Sir at humarap na sa buong klase. Kinakabahan ako na ewan. Mukha naman silang mababait.
“Good morning everyone. My name is Agassi Ching but you can call me Aga. Twenty-six years old. Tumigil ako sa pag-aaral ng ilang taon para tulungan ang magulang ko sa work nila kaya ngayon lang ulit ako nakapag-aral. Galing akong Japan pero lumipat kami dito sa Pilipinas for important matters,” pagkatapos ko magpakilala ay nginitian ko sila.
“May lahing Hapon ka ba?” tanong ng isang lalaki na parang nerd.
“Half-Japanese ako and half-Filipino. Dad ko yung Japanese then my mom is Filipino,” sagot ko.
“Tsaka niyo na ulit interviewhin si Aga kapag mahaba pa oras natin mamaya. Kailangan niyo pang magpakilala sa akin isa-isa. Mr. Ching, pwede ka na pumili kung saan mo gusto umupo.”
“Thank you po, Sir.”
Nilibot ko ang paningin ko at naghanap kung saan ako pwede umupo. Nakita kong may isang lalaki ang tinawag ako.
“Dito ka na lang sa tabi namin. May bakante pa naman na upuan.”
“Sige. Salamat.”
“By the way ako nga pala si Kenneth Bautista,” inabot niya sa akin ang kamay niya at nakipag shake hands naman ako.
“Ako naman si Lance Ford,” sabi naman ng katabi niya sabay abot din ng kamay.
“Mamaya na sama ka samin sa lunch ha,” bulong sa akin ni Kenneth na katabi ko.
“Sige, sige.”
Tumahimik na sila dahil nag-uumpisa na magpakilala ang mga kaklase namin. Kakaunti lang pala kami sa section na ito. Siguro nasa sampu lang. Bakit kaya kakaunti lang kame? Mamaya ko na lang sila tatanungin sa lunch.
Maya-maya pa ay si Kenneth na ang tumayo at pumunta sa unahan.
“Hi, everyone. Alam kong alam niyo naman na ako ang pinakang gwapo dito sa section natin,” sabay hawak niya sa kanyang buhok at kamot sa ilong kaya nagtawanan ang mga kaklase naming, “By the way, I’m Kenneth Bautista. 22 years old. Ineexpect ko this year ay sana matanggap niyo na ako talaga pinakang gwapo sa klase natin. Thank you.”
Tawang-tawa naman si Sir sa pagpapakilala ni Kenneth. Mukhang siya ang kwela dito sa klase naming. Sunod naman na tumayo ay si Lance. Siya na pala huling magpapakilala.
“Good morning. I’m Lance Ford. 22 years old. Pasensya na pala kayo sa sinabi ni Kenneth dahil mukhang nakalimutan na naman niya inumin ang gamut niya.”
Nagtawanan na naman ang klase miski si Sir sa sinabi ni Lance. Kung si Kenneth ay kwela, si Lance naman ay mukhang serious mode. Mukhang magiging Masaya ang pag-aaral ko this year.
JAIRAH’S POVNagising ako mula sa mahinang katok sa pinto n gaming kwarto. Pagmulat ko ng aking mata ay napansin kong wala na sa kaniyang kama si Kyla. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na sa labas. Kinuha ko agad ang phone ko, 7pm na pala.Napatingin ako sa pinto at niluwa nito si Kenneth na mukhang kakagising lang din dahil magulo pa ang buhok nito. Nakasuot lang siya ng shorts at jacket.“Nagising ba kita?” tanong nito. Pumasok na siya at pumunta sa kama ni Kyla para umupo.“Oo pero okay lang. Napasarap pala tulog ko.”“Dinner na raw tayo sabi ni Mommy.”“Sige. Mag-aayos lang ako.”“No need. Maganda ka na naman kahit walang ayos.”Umiling-iling ako pagkatayo ko sa kama. “Mr. Bautista, gasgas na ‘yang ganyang
JAIRAH’S POVMagkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami at bakit wala man lang akong makitang bahay kahit isa?“T-Tulong! Tulungan niyo po k-kami! Nasusunog po ‘yong s-sasakyan!”Sa huling pagkakataon ay nilapitan ko isa-isa ang pamilya ni Kenneth pero hindi ko sila magising. Puro dugo na sila dahil sa lakas ng pagbangga namin sa puno. Sobrang sakit na rin ng ulo ko.“A-Ate…”“Jai, Jai, gising. Nananaginip ka.”Isang boses ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at si Kenneth ang una kong nakita. Maayos ang hitsura niya kaysa sa kanina. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ako na lang pala ang nasa sasakyan nila. Mukhang nabasa naman ni Kenneth ang nasa isip ko.&
JAIRAH’S POVIt was already 5am nang magising ako dahil sa boses ni ate. Ngayon ay Linggo at ngayon ang araw kung saan isasama ako ni Kenneth sa outing nila ng kaniyang family at mga kaibigan sa Tagaytay.“Gumising ka na diyan baka mamaya nandyan na si Kenneth,” utos sa akin ni ate.Kenneth told me na dadaanan na lang daw nila ako ako mamaya. Noong una ay ayoko pumayag dahil nakakahiya naman pero dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang. Bumangon na ako pagkalabas ni ate ng kwarto. Inayos ko na ang hinigaan ko sabay kuha ng aking tuwalya para dumeretso sa aking pagligo.Inabot ako ng halos 20 minutes sa banyo. Gusto ko sana bilisan dahil sobrang lamig ng tubig kapag madaling-araw pero dahil mabagal ako kumilos ay inaabot ako minsan nang hanggang kalahating oras sa banyo.Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko na a
Hindi na ako nakapagpasalamat ulit ng maayos kay Kenneth dahil para akong nawala sa sarili nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na paalis na pala siya.“S-Sige.”Ang huling salita na sinabi ko sa kaniya nang magpaalam siya. Sumakay na siya sa van niya at sumilip sa binatana nito upang kumaway sa akin habang naandar na ang sasakyan paalis. Kinawayan ko rin naman siya dahil nakakahiya naman kung hindi ako kakaway.Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pa rin pala si ate. Siguro ay sobrang busy nito sa trabaho niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang-tulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Kenneth.Bakit ba ako namomroblema eh ligaw lang naman? Pero kakakilala pa lang naman namin. Baka masyado lang siya nadala sa damdamin niya. Kung magtatanong naman ako kay ate, siguradong yare ako do’n dahil ayaw pa
JAIRAH’S POV“So, tara na?” yaya niya.“Tara.”Tuwang-tuwa naman ang mga staffs ko dahil pumayag si Kenneth na sumama sila. Nagulat naman ako paglabas namin dahil akala ko kotse ang dala niya, van pala.Isa-isa nang pumasok sa van ang mga staffs ko. Nakita ko na may kasama pala si Kenneth na driver. Mayaman pala talaga siya.“What a coincidence? Buti pala van ang dinala mo,” sabi ko sa kaniya habang nasa biyahe kami.“Syempre, alam ko kasing hindi ka papayag na hindi sila kasama lalo na ngayon na kailangan niyo mag-celebrate.”“Thank you for that.”“Always welcome, my queen.”Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang huling dalawang salita na sinabi niya. Totoo ba ‘yon o baka nabibingi lang ako. Hin
JAIRAH’S POVIlang buwan na rin ang nakakalipas simula noong nagsimula akong magtrabaho rito sa bakery restaurant na ibinigay sa akin ni ate. Masaya ako dahil ngayon ay nakakatulong na ako sa kaniya. ‘Yong dating Jairah na laging kaaway niya, ngayon ay kasundo na niya. Dati, masaya ako kapag wala akong ginagawa sa bahay kasi hindi ako napapagod pero narealized ko na kung hindi ako kikilos, paano na ang future namin? Kung hindi nagsumikap si ate, siguro wala kami kung nasaan kami ngayon. Wala kaming business na pinagkakakitaan.Masaya kong pinagmamasdan ang paligid ng Delightful Pastry. Halos araw-araw ay hindi kami nauubusan ng customers. Umaabot pa kami sa point na natataranta kami kapag malapit na maubos ang mga menus namin. Kaya nagpapasalamat ako dahil nandito ang mga staffs ko para tulungan ako. Siguro kung ako ‘yong dating Jai, init ng ulo at sigaw ang aabutin nila sa akin. May mga nagtatawanan na magbabarkada, mas