Share

D-04

"Bakit gusto mo 'kong makausap?"

Nandito kami sa loob ng kotse niya. Alam ko naman na mayaman sila, hindi na ako nagtataka, pero hindi ko pa din maiwasang hindi mamangha kapag nagiging saksi ako kung gaano sila kayaman.

"Kamusta acads mo?" He's trying to divert the topic, I guess.

Tumingin ako sa orasan ko. "I only have 30 minutes before my next class, Kuya. Stop going around the bush and just tell me." Direktang sabi ko.

Napastraight siya ng upo at tumingin sa akin. Tumingin din ako sa kaniya pabalik, at hindi ko talaga maialis ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Do I have a heart disease?

"I don't really know how to say this." Pumaling ang ulo ko para mas matitigan siya.

Is he sweating?

"I promise, kahit anong hilingin mo or hingin mong pabor, gagawin ko!" Lalong nangunot ang noo ko. What is he bubbling about?

"What favor are you going to ask?" Pagtatanong ko. Halatang natigilan siya dahil sa pagiging straight forward ko.

Matagal siyang tumitig sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. His eyes are color brown and he has thick, long eyelashes. Makapal din ang kilay niya at palaging magulo ang kulay brown na buhok. I wonder if he even comb it.

"I...uhm..." I saw him close his eyes tightly from my peripheral view. I wanted to laugh seeing how frustrated he is. Ano ba kasi ang gusto niya? "I.. I need a pretend girlfriend. Cassiedy just won't stop going after me, I mean I tried to be mean to her pero wala pa din, e. Ayoko na siyang mapahiya pa lalo, but I want her to stop chasing me."

I was stunned for a moment. Tama ba ang naiisip ko? Teka lang, ano?

"Alam kong mabibigla ka. I'm really sorry. I just really need your help. Mabilis lang naman 'to, as soon as tumigil na si Cassiedy, tama na. Please?"

Nakatitig ako sa mukha niya pero wala doon ang pag iisip ko. Pretend girlfriend? Seriously?

Natahimik ako at hindi ko mahagilap ang tamang sasabihin. Parang biglang naging blangko ang utak ko at nagsimula ako sa pagiging kinder.

"Krissy?"

I know this is absurb. I just met him yesterday, hated him and he sent me home.

Hay naku, Krissy! Don't overthink! It's not as if he's asking you to be his girlfriend for real. For sure naman na mabilis lang 'to. Ate Cassiedy will probably stop kapag nalaman niya na may bago si Kuya Jonathan, 'di ba? I bet she's not that kind of girl na maghahabol pa din kahit may bago na.

"C-can I think—"

"Of course!" Pagputol niya sa sasabihin ko. "Take your time thinking about your decision. Hindi naman kita minamadali. Ako na nga ang humihingi ng pabor, ako pa ba magiging demanding?"

Tumango ako ng isang beses. Inabot niya sa akin ang phone niya kaya nagtatakang tumingin ako. "Save your number here."

I type my number on his phone using my shivering and sweating hands. I am lost of words, really.

"I'll give you a call later." Nakangiting sabi niya habang nakataas ang phone at pinapakita sa akin ang number ko doon. Tumango ako bilang pagsang ayon.

"I'll go to my classroom now." Mahinang sabi ko.

"Sure, hatid na kita."

"Hindi na!" Pagpigil ko sa kaniya mula sa pagbaba. "I-I mean, you don't need to. Kaya ko naman po, Kuya."

Upon hearing that word, the corner of his lips rose again. Para bang isang malaking joke na tinatawag ko siyang Kuya. Ano bang masama do'n? Kuya naman talaga namin siya, he's 5 years older than me as well.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at bumaba na sa sasakyan niya. Ramdam ko pa ang tingin ng ilang estudyante na nadadaanan ko.

"Oh, bakit parang hinahabol ka ng kabayo diyan?" Puna ni Haeden nang umupo ako sa upuan ko. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig mula sa tumbler ko.

"Wala. Akala ko malelate na 'ko, e." Palusot ko. As if naman na papaniwalaan niya pero 'yun na lang talaga pinakaeffective na palusot na naisip ko. Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang prof namin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Saang org ka sasali?" Tanong ni Haeden habang naglalakad kami sa hallway.

Papunta kami sa library ngayon para magreview dahil may quiz kami sa Basic Calculus.

"Hindi ko pa alam. Ikaw ba?" Nagkalat din ang mga estudyante kasi karamihan sa mga prof ay nasa meeting.

"Hmmm.. Let's see. Bet ko sumali sa teatro kaso tinatamad ako kapag naiisip ko 'yung practice palagi. Matrabaho, e. Pwede din naman sa STEM Soc. or sa dance extreme, nah, I'm not really sure what to do with my life. Hayy!" She hopelessly sighed.

Wala bang tiktok org. dito? Dun na lang yata ako magaling, e.

"'Nga pala, anong meron sa inyo ni Kuya Jonathan?" Biglang tanong niya. Natahimik ako. "May nakakita sa'yo kahapon na bumaba sa kotse niya tapos ayon, muntik nang mapaaway si Seth kanina kasi kung ano anong chismax ang kumakalat."

Pinaglaruan ko ang daliri ko. He also told me he would call last night. I waited pero wala naman. Hindi ko alam kung anong number niya, hindi din kami friends sa f******k kaya hindi ko siya nacontact.

Pinag isipan ko kasing mabuti kung ano ba dapat ang gawin ko. Wala naman sigurong masama. This is just a win-win situation. Mawawala si Ate Cassiedy sa kaniya tapos masasalba ko pa si Ate sa mga kahihiyan mula sa paghabol habol niya kay Kuya.

I still cringe whenever I call him Kuya, though.

"Wala."

"Gaga 'to! Sa amin ka pa talaga nagtatago?" Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya. "Kahit hindi ko sabihin, nararamdaman namin na may something. 'Wag ka nang magkaila." Nakangiting sambit niya.

"How?"

Umakbay siya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad. "We are not bestfriends for nothing." Napangiti na lang din ako. She's really something.

"So, ano nga? Anong meron sa inyo ni Kuya Jonathan? Magkakilala na ba kayo before?" Tanong niya agad nang makaupo kami sa study table. Nasa pinakadulo ang pinili namin para wala masyadong tao.

"He asked me to be his pretend girlfriend." I said as if it was just nothing, but really I didn't get any good sleep because it's been bothering me.

"HIS WHAT?!"

"Haeden!" Saway ko sa kaniya. Sinitsitan din kami ng librarian kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Umakto siya na parang nagzipper ng bibig at umupo sa harapan ko. "Seriously?" She hissed.

Kalmado naman akong tumango at nagflip sa hawak na libro. "He feels bad whenever Ate Cassiedy chases after him and ended up being humiliated. Hindi pa naman ako pumapayag."

"Pa? So may balak ka?" She crosses her arms over her chest. Nagkibit balikat ako.

"Pwede. Makakatulong din naman ako in that way."

"Hindi ka ba natatakot?" Nagulat ako ng bahagya dahil biglang naging seryoso si Haeden. "You might fall in love with him." Natawa ako sa sinabi niya.

"I only see him as an older brother, bessy. Don't worry, I won't fall for him. Kay Levi nga hindi ako naiinlove, kay Kuya Jonathan pa ba?"

But why does it sounds like I am more likely convincing myself? I must be crazy.

Hindi ko na siya pinansin pa para hindi na humaba pa ang usapan. Sineryoso ko na lang ang pag aaral at inintindi ang nakaraang lesson.

Hanggang sa pag-uwi ay dala dala ko ang isiping iyon. Simula nang mag usap kami kahapon sa sasakyan niya ay hindi pa ulit kami nagkikita ni Kuya Jonathan. Hindi din siya nagtetext o tumatawag. Hindi na ba tuloy?

Dapat maging masaya ako kung sakali man na gano'n kasi hindi na ako madadamay sa gulo nila, pero bakit mas nadidisappoint ako?

"Krissy, wala ka bang dadaanan?" Napatingin ako sa harapan kung saan naroon ang driver namin.

"Wala po, Manong. Diretso na po tayo sa bahay."

Wala naman kaming masyadong ginawa pero pakiramdam ko ay sobrang pagod ako. I just wanna lay down in bed right now and sleep. Napatitig ako sa phone ko na nasa kandungan ko.

Hinanap ko ang profile niya sa f******k, i*******m at pati sa twitter. Talaga nga palang sikat siya. Ang dami niyang followers, hindi naman siya nakaprivate kaya hindi ako nahirapang hanapin at tingnan ang account niya.

Malaki ang ngiti niya sa profile picture niya sa f******k. Nakalong sleeve polo siya na itim, bukas ang tatlong unang butones at itim na ripped jeans din. I guess sa ibang bansa 'to kuha kasi kita ang snow sa paligid niya.

Nakashades siya at nakaspread ang mga braso. Simple lang ang suot niya pero malakas ang dating. Ngayon ko lang mas napansin na talaga nga palang hindi nakakapagtaka kung bakit siya pinagkakaguluhan.

Mayaman, gwapo, sikat, balita ko ay matalino din siya. Frankly, he could be anyone's ideal man.

Hindi ko lang din maintindihan kung sino ba ang mas magbebenefit kung talagang maghihiwalay sila ni Ate Cassiedy. Siya ba o si Ate?

Muntik ko ng maitapon ang phone ko nang biglang magvibrate. May notification na biglang nagpop up.

From: +639076281682

Hi, Krissy! This is Jonathan. Save my number 😉.

Matagal akong napatitig sa screen ng cellphone ko at hinihintay na biglang mawala ang text na 'yon. Pero nabigla ako nang may sumunod pa.

From: +639076281682

Sorry, hindi na 'ko tumawag kagabi. I was thinking that I should give you enough time to think.

Sinave ko ang number niya. Hindi ko alam if I should reply already o maghihintay ako ng ilang minuto bago siya replyan. Baka naman sabihin niya na hinihintay ko ang text niya kaya ang bilis ko magreply.

Hindi nga ba, Krissy?

Hay naku, subconscious! Manahimik ka, okay?

Simple akong napangiti habang nakatingin sa daan. Will he call me tonight?

Kunware ka pa, Krissy pero simpleng harot ka din, e! Echos echos ka pa tapos ngayon excited ka sa tawag niya?

Okay, fine! Crush ko nga siguro si Kuya Jonathan. Sino ba naman kasi ang hindi magkakacrush sa kaniya? Less the attitude of being babaero, he's all good naman.

Pero ito 'yung tipo ng crush na alam kong walang patutunguhan. Bukod sa walang pag asa, ayoko din na umasa sa isang katulad niya. Alam kong ako lang din ang masasaktan sa bandang huli. Mas okay nang magpanggap kaysa maging totohanan.

"Tingnan mo 'yan! Maharot ka!" Napatawa ako sa reaction ni Seth. Nagvideo call kasi kami dahil naikwento ni Haeden ang sinabi ko about kay Kuya Jonathan at sa akin.

"Kakasabi ko lang na ayoko si Kuya para sa'yo tapos biglang magpepretend kayo? Naku ka talagang babae ka!" Frustrated na sabi ni Rosé.

"Hayaan niyo na si Krissy. Matanda na 'yan, alam niyan ang tama at mali." Pagsegunda ni Joy. "Just make sure to protect your heart. Kahit Kuya 'yan ni Rosé, kapag ginawa niya sa'yo 'yang ginagawa niya kay Cassiedy, naku! Mata niya lang ang walang latay."

"Kakalimutan ko naman talaga na Kuya ko siya kapag sinaktan ka niya!"

"Wala na 'kong ma-say. Sinabi na nilang lahat, e. Mga mang aagaw na 'to!"

Kahit ako, hindi makasingit sa usapan nila. Parang wala ako dito kung magkwentuhan at magrant sila about kay Kuya Jonathan e.

May nagpop up na notification ulit kaya natigil ako sa pagtawa.

Jonathan Smith accepted your friend request.

@SNathan followed you in I*******m.

@NathanS followed you in twitter.

I bit my lip to surpress my smile.

"Ay! Ay! Kita niyo 'yan, hindi nakikinig sa'tin oh! May pangiti ngiti pang nalalaman ang lola niyo." Sita ni Seth.

Agad kong pinigilan ang pagngiti at umastang inosente.

"Ha? Hindi naman ako ngumingiti, ah."

"'Wag kayong mag alala." Sabi ni Rosé. "Hindi siya nag iisa, may isa ding pangiti ngiti dito sa bahay, e."

"Pag ibig na kaya? Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?~~"

Pagkanta ni Haeden.

Kung magreact sila, akala mo naman totoong magiging kami. Pretention is way different from the reality. I should keep that in mind.

"Sige na. Matutulog na ako. I'll see you girls tomorrow."

And even before I could fall, I should stop myself from making it happen.

Because everything that fall gets broken.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status