Share

Chapter 31: Gayle

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-03-30 21:39:25
Bakit kasama niya si Gayle? Bakit niya inaalalayan ito?

Natigilan si Halina nang maalala ang kapatid na babae na tinutukoy ni Goddy. Wala nga palang nababanggit na pangalan ang nobyo. Bakit kaya?

So, kapatid niya si Gayle? Bakit hindi man lang nito nasabi na dati niyang tauhan ang kapatid nito? At ang worst pa, dati niya ring pinatanggal!

Isa lang ang katanungan ngayon sa isipan niya. Does Gayle have any resentment towards her?

Umatras siya nang dahan-dahan bago pa makita ng mga pero huli na dahil napatingin na sa kanya si Gayle. Halata ang gulat sa mga mata nito.

Hindi na nakakilos si Halina nang bumaling na rin sa kanya ang atensyon ni Goddy. Mas gulat ito dahil nakabitaw pa ito kay Gayle.

“M-mahal.” Hindi man narinig ni Halina, pero iyon ang namutawi sa labi nito nang makita siya.

“I-I’m sorry,” anas niya, at mabilis na inihakbang ang mga paa pabalik sa sasakyan.

Ilang oras siyang nag-drive para lang sorpresahin si Goddy tapos siya lang pala ang masosorpresa.

Hindi niya kayang har
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (19)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mukang na modus si Halina ah, maari ngang may balak na paghihiganti sina Goddy. Pero sana naman naging totoo na talaga yung pagmamahal nya during the process based sa previous POV nya. Moreover, sana wala na nga talaga sana sila ni Pia matagal na.
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
naku Goddy mukhang may hidden agenda ka lang Kay Halina kaya kinuha mo ang loob niya sana lang sa ginagawa mo Hindi ka magsisi sa bandang huli. Alam mong mahal na Mahal ka ni Halina, sasaktan mo rin lang
goodnovel comment avatar
Mildred Ordonez Urriza
kya pala ayaw sayo ni dadi king goddy mukang me hidden agenda k sa paglapit mo ke halina
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 52: Meet Troy

    PAREHAS na nakatingin si Goddy at Halina sa ceiling noon. Nakahiga nga sila magkatabi pero parehasa namang ilang na ilang sa isa’t-isa. Mahigit isang oras na silang ganito. Maingay ang kabilang bahay pero mas maingay ang tibok ng puso niya. Para bang first time niyang magkaroon ng katabi na lalaki.Napalunok si Halina nang makita sa gilid ng mata niya na bumaling sa kanya.“Hannah,” anito.“Hmm,” tanging sagot niya.“Mabilis din ba ang tibok ng puso mo?”Lumunok muna siya bago sumagot. Bahala na kung nakita nito. Pero sana lang hindi.“H-hindi.”“Ows?” Binalingan niya ito saglit. Nakatingin ito sa dibdib niya kaya mabilis na tinakpan niya ng kamay.“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta hindi.”Akmang babaling siya sa kaliwa nang pigilan siya nito.“S-Sir Goddy.” Bigla na lang nilapit nito ang sarili at siniil siya nang halik. Napapikit siya sa ginawa nito. Hindi man siya tumugon pero walang paki ito, patuloy lang sa ginagawa. Marahil hindi ito nakaramdam nang pag-resist mula sa

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 51: Goddy

    UMILANG lingon si Halina sa malaking bahay ni Goddy. Tulog na siguro ito dahil hindi ito sumagot nang kumatok siya. Magpapaalam lang naman sana siya. Kaya nagpadala na lang siya ng text dito. Luto na ang ulam nito sa gabi. Inagahan niya para makaalis agad siya. Balik na lang siya maya para maghugas. Nabanggit niya rin ito kay Goddy. Kailangan niya lang makabili ng regalo para kay Tessa kasi.Sa malapit na mall siya nagpahatid, gamit ang sasakyang naka-park lang malapit sa kanila. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya bago iyon minaneho. Bagong cellphone, sapatos at dalawang pares ng damit ang binili niya. Bumili din siya ng cake na pina-deliver niya na lang dahil baka masira pa sasakyan dahil wala siyang kasama para humawak. 7:30 ng gabi siya nakabalik. Nakabalot iyon sa isang box. Pinag-isa niya para hindi malaman na marami iyon.“Ate Hannah!” masayang tawag sa kanya ni Tessa nang makita siya.“Happy birthday,” bati niya rito, sabay bigay ng box dito.“Salamat po, Ate!” Niyakap

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 50: Proposal

    NAKANGITING tinanaw ni Goddy ang papalayong si Hannah. Na-offend niya yata nang tanungin niya kung nilalagnat ito. Kung alam lang nito na ganoon din siya! Nakakabaliw na pakiramdam. Parang may sasabog na ewan kaya talagang parang lalagnatin siya. Sumasabay pa ang magulong isipan dahil sa pagkakaparehas nito at ni Halina.Paano, kapag tinitigan niya si Hannah, si Halina ang nakikita niya. Ginamitan na nga niya ng AI kung ano itsura nito kung papayat— si Halina ang inilalabas. Nag-manual manipulate na siya para papayatin ito, ganoon din ang resulta.Kaso naguguluhan siya dahil may asawa na ito. Pero nakakapagtaka lang, wala itong suot na singsing. Gusto niya sanang itanong pero nasabi na nitong may asawa. Pero hindi ba dapat laging nakasuot? Kaya naguguluhan siya sa kasambahay nila. Sa kutis din, Halina na Halina. Sa build lang talaga nagkaiba. Ilang beses na niyang naitanong sa sarili— paano kung si Halina at Hannah ay iisa lang? Masaya siya pero bakit ayaw nitong malaman niya? Takot

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 49: Do you have a fever too, Hannah?

    “M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya s

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 48: Was taken aback

    HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 47: Hurry up

    PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status