Share

Chapter 41: Accident

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-04-16 21:51:58
“GODDY,” anas ni Halina nang makita ang higpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. Hinatid siya nito sa labas ng gate at parang ayaw siyang bitawan nito. Si Gayle naman nakatanaw sa kanila. Hindi siya magaling magbasa pero lungkot ang nakita niya sa mukha nito, gaya ni Goddy.

“A-aalis na ako.” Kasunod niyon ang pagkagat niya ng labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal sa harapan ni Goddy.

Matagal bago siya nito binitawan. Ngumiti ito nang alangan sa kanya.

Hindi niya napigilang haplusin ang mukha nito. Nasasaktan man siya sa desisyon niya pero ito ang dapat. Lalo pa sa pinakita kanina ni Pia, natatakot siya para sa anak.

Bali-baliktarin man ang lahat, siya ang may mali. Kabit pa rin siya dahil legal ang kasal nila. Napa-imbestigahan na niya at legal ang kasal ng dalawa. Hindi lang ginagamit ni Pia ang apelyido ni Goddy sa hindi niya alam na kadahilanan.

At kung iisipin niya ang mga sinabi ni Mang Ruben, may laman. Baka nga may kinalaman ito sa nangyari sa ama ni Goddy. K
AVA NAH

End of Book 1 na tayo...

| 27
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Che Che
my gulay impakta ka talaga Pia
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
Sana may UD ngaun
goodnovel comment avatar
Goyie Estanislao
maghahanap p ng book 2 dapat tuloy tuloy na lng.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 52: Meet Troy

    PAREHAS na nakatingin si Goddy at Halina sa ceiling noon. Nakahiga nga sila magkatabi pero parehasa namang ilang na ilang sa isa’t-isa. Mahigit isang oras na silang ganito. Maingay ang kabilang bahay pero mas maingay ang tibok ng puso niya. Para bang first time niyang magkaroon ng katabi na lalaki.Napalunok si Halina nang makita sa gilid ng mata niya na bumaling sa kanya.“Hannah,” anito.“Hmm,” tanging sagot niya.“Mabilis din ba ang tibok ng puso mo?”Lumunok muna siya bago sumagot. Bahala na kung nakita nito. Pero sana lang hindi.“H-hindi.”“Ows?” Binalingan niya ito saglit. Nakatingin ito sa dibdib niya kaya mabilis na tinakpan niya ng kamay.“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta hindi.”Akmang babaling siya sa kaliwa nang pigilan siya nito.“S-Sir Goddy.” Bigla na lang nilapit nito ang sarili at siniil siya nang halik. Napapikit siya sa ginawa nito. Hindi man siya tumugon pero walang paki ito, patuloy lang sa ginagawa. Marahil hindi ito nakaramdam nang pag-resist mula sa

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 51: Goddy

    UMILANG lingon si Halina sa malaking bahay ni Goddy. Tulog na siguro ito dahil hindi ito sumagot nang kumatok siya. Magpapaalam lang naman sana siya. Kaya nagpadala na lang siya ng text dito. Luto na ang ulam nito sa gabi. Inagahan niya para makaalis agad siya. Balik na lang siya maya para maghugas. Nabanggit niya rin ito kay Goddy. Kailangan niya lang makabili ng regalo para kay Tessa kasi.Sa malapit na mall siya nagpahatid, gamit ang sasakyang naka-park lang malapit sa kanila. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya bago iyon minaneho. Bagong cellphone, sapatos at dalawang pares ng damit ang binili niya. Bumili din siya ng cake na pina-deliver niya na lang dahil baka masira pa sasakyan dahil wala siyang kasama para humawak. 7:30 ng gabi siya nakabalik. Nakabalot iyon sa isang box. Pinag-isa niya para hindi malaman na marami iyon.“Ate Hannah!” masayang tawag sa kanya ni Tessa nang makita siya.“Happy birthday,” bati niya rito, sabay bigay ng box dito.“Salamat po, Ate!” Niyakap

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 50: Proposal

    NAKANGITING tinanaw ni Goddy ang papalayong si Hannah. Na-offend niya yata nang tanungin niya kung nilalagnat ito. Kung alam lang nito na ganoon din siya! Nakakabaliw na pakiramdam. Parang may sasabog na ewan kaya talagang parang lalagnatin siya. Sumasabay pa ang magulong isipan dahil sa pagkakaparehas nito at ni Halina.Paano, kapag tinitigan niya si Hannah, si Halina ang nakikita niya. Ginamitan na nga niya ng AI kung ano itsura nito kung papayat— si Halina ang inilalabas. Nag-manual manipulate na siya para papayatin ito, ganoon din ang resulta.Kaso naguguluhan siya dahil may asawa na ito. Pero nakakapagtaka lang, wala itong suot na singsing. Gusto niya sanang itanong pero nasabi na nitong may asawa. Pero hindi ba dapat laging nakasuot? Kaya naguguluhan siya sa kasambahay nila. Sa kutis din, Halina na Halina. Sa build lang talaga nagkaiba. Ilang beses na niyang naitanong sa sarili— paano kung si Halina at Hannah ay iisa lang? Masaya siya pero bakit ayaw nitong malaman niya? Takot

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 49: Do you have a fever too, Hannah?

    “M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya s

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 48: Was taken aback

    HINGAL na hingal si Halina nang makapasok sa loob ng gate. Walang tricycle kaya nilakad niya. Gusto niya sanang sumakay pero talagang minalas, walang dumaan. Malayo pa naman ang terminal sa bahay nila.“Ay!” gulat pa ang dalaga nang bumungad sa kanya si Goddy. Talagang sa pintuan maghihintay?“S-sorry po. Hindi na mauulit.”“Okay. Simulan mo na lang.”“S-sige po.”Nagmadali si Halina papunta sa kusina para simulan. Pero pagdating niya doon, may nakahanda ng gulay at ang isda. May kamatis din kaya tumingin siya rito.“Marunong ka ba niyan? Sabaw lang. Parang tinola. Ganoon.” “Marunong naman po.”“Mabuti.”Sa pag-aakalang umalis na si Goddy, tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa, pero paglingon niya, muntik na siyang mapasigaw. Prenteng nakaupo pala ito sa sa upuan. Wala ring imik kaya wala siyang ideya.“Nerbyusa ka pala.”“Ah— eh, hindi naman po. N-nagulat lang po ako. Akala ko kasi umalis ka na po.”Ngumiti si Goddy kaya napalunok si Halina. “Gutom na talaga kasi ako kaya hintayin ko

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 47: Hurry up

    PARANG pinaglalaruan si Halina ng tadhana. Kasi naman kinumpirma ni Goddy na ito ang anak ni Daniela.“K-kayo ho ba ang anak ni Ma’am Daniela?”Sunod-sunod ang bundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa muling pagkikita na ito.Bakit si Goddy pa ang anak ni Daniela? Bakit?Napatitig sa kanya si Goddy bago tumango.“Ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na bagong kasambahay,”“O-oho.”Tinago ni Halina sa likuran ang kamay dahil sa panginginig. Tumango-tango si Goddy sa kanya. “Goddy nga pala ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?” kaswal na tanong niya.Tinitigan niya ang binata. Hindi ba siya nito nakikilala? Kasi dahil sa pangangatawan at klase ng pamumuhay niya?“H-Hannah po. H-Hannah Miller.”“Hannah pala ang pangalan mo.”“Opo.”Ngumiti sa kanya ang binata. “Akala ko umuuwi ka kapag ganitong oras.”“Umuuwi naman po talaga. Kaso naglaba po ako ngayon at katatapos lang po.”“Kaya pala.” Hindi man lang inalis ng binata ang ngiti sa kanya. “Sige, miryenda lang ako.”“Gusto niyo ho bang ipag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status