Compartir

KABANATA 2

Autor: Nightshade
last update Última actualización: 2025-12-13 13:22:25

AYA'S POV

“Aya, anyari sa’yo? Para kang zombie, hindi ka ba natulog?” bungad ni Karen pagkakita niya sa akin sa staff room habang inaayos ko ang necktie ng uniform ko.

“Hindi talaga ako natulog, Karen,” sagot ko, habang hinihilot ang sintido ko.

Amoy kape sa buong office, pero parang hindi man lang nakakapukaw sa utak ko. Sobrang sabog pa rin ang isip ko sa mga nangyari kagabi. Lumapit siya at sinilip ang mukha ko.

“Girl, ang lulusog naman ng eyebags mo, mas malusog pa sa’yo,” mapang-asar na sabi niya.

“Baliw! At least may malusog sa’kin,” natatawang sagot ko.

Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto.

“All coordinators, report to the grand ballroom. CEO inspection. Now na,” matinis na boses ni Ms. Rivas.

“Inspection? Aga naman!” reklamo ni Karen.

“Tara na bago pa tayo balatan nang buhay dito,” sabi ko.

Paglabas namin, ramdam ko ang lamig ng aircon sa hallway, kumakapit sa balat ko. Kasabay nito, ang kabang nararamdaman ko na makita si…

“Lucius Alvero is already there.” Ayun, at nag-harumintado nanaman ang tibok ng puso ko.

Pagpasok namin sa ballroom, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Tahimik ang mga staff, na parang may exam na malapit nang magsimula.

Nakatayo ng tuwid sa gitna si Lucius, habang ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa niya, parang model sa magazine. Nakasuit siya ng dark navy, tila mas mahal pa sa tatlong buwang sahod ko, at amoy ko pa ang nakaka-adik niyang pabango na nanunuot sa ilong ko.

Nilingon niya kami nang sabay-sabay kaming pumasok.

“You’re late,” seryosong sambit niya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya, pero pakiramdam ko oo, dahil sa akin siya nakatingin ng diretso.

“S-sorry po, sir…” nauutal kong paghingi ng paumanhin.

“No excuses. Start the walkthrough.” At doon na nagsimula ang pag-iinspeksyon. Isa-isa niyang tinuro ang mga mali...ang kurtinang hindi pantay, ang centerpiece na hindi naka-center, ang spotlight na medyo naka-tilt. Tama siya, maingat sa detalye, at nakakatakot. Pero hindi siya sumigaw o nagalit… mas nakakatakot pa ang kalmadong boses niya kaysa sa galit ng sinumang manager.

“Ms. Dizon.” Parang biglang tumahimik ang paligid ko ng marinig ko ang pangalan ko. Napapikit ako sandali. Bakit ba palaging pangalan ko?

“Yes, sir?” Bigla siyang tumigil sa harap ko, na sobrang lapit. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga kaya halos hindi ako makagalaw.

“Look at the stage decor. What’s wrong?” seryosong tanong niya. Napaayos naman ako ng puwesto at huminga ng malalim bago sumagot, saka tinignan ang tinuro niya.

“The drapes, sir… medyo hindi pantay yung fold sa left side.” Bahagyang umangat ang kilay niya.

“And?”

“And… the floral arrangement sa main column… masyadong pushed forward. Dapat naka-align siya sa center axis.”

Tumahimik siya ng ilang segundo, parang sinusuri kung may iba pa akong sasabihin. Nang bigla niyang sinabi…

“Correct and fix it.” Tumigil saglit ang paghinga ko sa kakaibang tono niya na hindi ko alam kung papuri ba o normal lang talaga siya magsalita.

Habang inaayos ko ang drapes, ramdam ko ang tingin niya sa likod ko, parang sinisiyasat kung capable ba talaga ako o talagang hindi lang ako naka-focus kahapon. Ilang minuto ang lumipas, lumapit siya ulit sa akin.

“You’re trembling.” Napahinto naman ako sa ginagawa habang hawak ko pa ang tela ng drapes, saka ko napansin na nanginginig nga talaga ang mga kamay ko.

“A-ayos lang po ako…” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang binanggit nanaman niya ang pangalan ko.

“Ms. Dizon,” sambit niya sa malamig na boses. Napabuntong-hininga nalang ako.

“Medyo pagod lang po,” sagot ko.

“You don’t look ‘medyo’. You look exhausted.”

Napakagat ako sa labi sa sinabi niya saka napayuko.

“I’m fine, sir,” pagmamatigas ko.

Tumigil siya saglit at ramdam kong tinitigan niya ako ng mas matagal kaysa normal.

“You’re not good at lying.” Para akong batang iiyak sa sinabi niya. Bakit ganon?

Ayaw kong umiyak sa harap niya, at ayaw kong magmukhang kawawa sa paningin niya.

“Kailangan ko lang po matapos ‘to,” pagpupumilit ko. Narinig ko siyang huminga nang malalim… hindi yung parang pagod, parang… frustration?

“Get some rest after this. That’s an order.” Seryosong sabi niya. Napatigil ako saka napalingon sa kaniya. Tumingin siya sa akin nang diretso, parang curious. Hindi ako nakasagot, saka siya naglakad palayo. Naiwan akong nagtataka kung bakit may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko.

Pagkatapos ng inspection, malapit nang magsimula ang event. Nasa likod ako ng ballroom habang inaayos ang final guest list nang lumapit si Karen.

“Girl, ano yung pinag-uusapan niyo kanina ng CEO?” bulong niya, parang tsismosa lang sa kanto.

“Hindi kami nag-uusap. Pinapagalitan niya lang ako,” paliwanag ko.

“Hoy girl, hindi ganun ang nakita ko. Para siyang concerned.” May pang-aasar pa sa tono niya.

“Concerned? Si Lucius Alvero?” Natawa nalang ako sa sinabi niya.

“Oo. ‘Yung tingin niya sa’yo parang...” Hindi ko na siya pinatapos, at binatukan ko siya.

“Hoy Karen, tumigil ka,” bulong ko na naiinis.

“Aray ko naman, Aya,” hihimas-himas siya sa ulo niya saka ako pinandilatan ng mata.

“Fine! Pero aminin mo… iba ang aura mo kapag kausap mo siya, parang scene sa drama.” pang aasar pa niya.

“Eh kasi nga lagi niya akong napapagalitan,” matigas kong sabi. Humigpit ang hawak ko sa clipboard. “Wala namang espesyal dun. Ikaw lang nag-iisip ng kalandian.”

Pero kahit sabihin ko ‘yun, totoo, iba talaga ang pakiramdam ko kapag malapit siya.

Pagkalipas ng kalahating oras, kinailangan kong dalhin ang updated seating arrangement sa office sa second floor. Habang naglalakad sa hallway, biglang tumunog ang elevator.

Ding!

Pagbukas ng pinto… si Lucius ang nandoon. Nakakasilaw ang ilaw sa loob na tumatama sa maitim niyang buhok at sa perpektong hugis ng mukha niya. Amoy ko na naman ang nakaka-adik niyang pabango kahit ilang hakbang ang pagitan namin. Nagkatinginan kami at bago pako hindi makapag pigil ng sarili, ibinaling ko agad sa ibang bagay ang tingin ko.

“Going up?” tanong niya.

“Ah...o-po, sir,” sagot ko, medyo nahihiya. Saka ako mabilis na pumasok.

Nakakailang na kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator. Pagkasara ng pinto, tumunog ang cheesy instrumental jazz. Muntik pa akong matawa pero nagpipigil lang.

“You look better now,” sabi niya out of nowhere.

“Ha?” nagbibingi-bingihan kong sagot.

“Hindi ka na nanginginig,” sambit niya habang nakatitig sa akin. Para bang gusto ko nang lumabas kahit nasa first floor pa lang.

“Ay… medyo okay na po, sir,” medyo nahihiya kong sabi.

“Good. Employees who are distressed make more mistakes,” seryoso niyang sabi, habang nakatutok sa relo niya. Pero bago pa ako makapag-isip ulit, nagsalita ulit siya...

“But exhaustion… that’s different.”

Malamig ang boses niya, pero may kakaibang lambot sa tono, parang isang maliit na bitak sa matigas na personalidad niya.

“If you’re tired, ask for help, Ms. Dizon. You’re not a robot.” Hindi ko alam ang isasagot ko, naghalo ang hiya, sakit, at bigat sa dibdib ko.

Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa second floor na kami. Nauna siyang lumabas, pero habang humahakbang palayo, nagsalita ulit siya ng hindi man lang lumilibiga...

“You shouldn’t have to carry everything alone.”

Natigilan ako. Hindi niya alam ang bigat na pasan-pasan ko...ang kapatid kong may sakit, ang mga utang, at ang mga gabing iniisip kung makakabayad pa kami ng renta.

Pero bakit parang ramdam niya? At bakit parang… mas natatakot akong malaman niya pa ang totoo?

Kinagabihan, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa storage room, hindi ko mapigilang ulit-ulitin sa isip ko ang sinabi niya...

“You shouldn’t have to carry everything alone.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 10

    AYA’S POVKinabukasan, pakiramdam ko’y parang hindi na ako makagalaw nang normal. Bawat galaw ko ay mabigat sa dibdib, at sa bawat paghinga ay may kasamang kaba. Sa loob ng hotel, ramdam ko ang mga mata ng staff, nagbubulungan sa paligid, habang ako’y abala sa pag-aayos ng mga decorations.Pero sa isip ko, hindi trabaho ang laman kundi ang nakaraang araw… at si Lucius.Habang inaayos ko ang seating arrangements sa VIP area, biglang siyang lumapit. Tahimik, pero ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang niya.“Aya,” tawag niya, mahina pero seryoso. Napalingon ako at tumango, pero parang wala akong lakas magsalita.“Why didn’t you tell me?” deretso niyang tanong, walang paligoy-ligoy. Parang sinasabi ng mga mata niya na alam niya lahat.Napatingin ako sa kanya, at biglang nagsiksikan ang emosyon ko sa dibdib. “Sir… I… I can’t.”Tumigil siya sandali, halata ang pagka-frustrate sa kilos niya. “Aya, I can’t help you if you hide everything. You’re not alone in this.”Napasinghap ako at pilit pin

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 9

    AYA’S POV Kinabukasan, bago ako pumasok sa hotel, tumayo muna ako sa harap ng bintana ng apartment namin. Kita ko ang kalye na puno ng ingay, magulo, at mga taong nagmamadali. Pero sa loob ko, tahimik… at puno ng pag-aalala. Sa kabilang kwarto, naririnig ko ang mabigat na paghinga ni Nico. Sa bawat tunog, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng responsibilidad ko. Hindi ko siya puwedeng pabayaan. Hindi ako puwedeng sumuko. “Ate Aya…” mahina niyang tawag. Agad naman akong lumapit at kita ko sa mukha niya ang pagod at sakit na matagal ko nang pilit binabalewala. “Pangako mo… kakayanin natin ’to?” tanong niya. Tumango ako at pinilit ngumiti. “Oo, Nico kakayanin natin 'to, kakayanin ni ate basta magpalakas ka ahhh? ngumiti naman siya saka tumango. Pero sa loob ko, alam kong unti-unti na akong nauubos. Pagdating ko sa hotel, ramdam ko agad ang bigat ng paligid. Mas mabigat kaysa kahapon. Hindi lang HR ang parang nakamasid...pati mga staff na mahilig sa tsismisan. «“Mukha

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 8

    AYA’S POV Pagpasok ko sa hotel kinabukasan, agad kong naramdaman ang kakaibang lamig sa paligid. Parang may mga matang palihim na nakamasid sa akin, mga matang may tanong, may hinala, at may hinahanap na mali. Kahit pilit akong ngumiti sa staff room, alam kong may nagbago. May kung anong tensyon na hindi ko maipaliwanag. “Aya, pinapatawag ka ng HR,” sabi ni Ms. Rivas. May bahagya siyang ngiti sa labi at hindi ko alam kung pakitang-tao lang ba iyon o may halong panlalait. Hindi ko na tinanong. Tumango na lang ako at tahimik na lumabas. Habang naglalakad papunta sa HR office, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Bawat hakbang ko parang mas bumibigat. Sinubukan kong mag-isip ng dahilan at baka may mali lang sa paperwork o baka tungkol sa attendance. Pero sa loob-loob ko, alam kong mas malalim pa rito. Pagpasok ko sa opisina, sinalubong ako ni Ms. Hernandez, ang HR assistant. Seryoso ang mukha niya, walang kahit anong emosyon. “Aya, may natanggap kaming concern tungkol sa’yo,” diretsong

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 7

    LUCIUS POV Tahimik ang opisina sa simula ng araw, pero sa isip ko, hindi humuhupa ang ingay. Ang bawat detalye ng hotel operations ay nakalagay sa tablet ko, pero kahit gaano ko pa kamahal ang pagiging perpekto, may isang bagay na hindi mawala sa isip ko... si Aya Dizon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang epekto niya sa akin. Isa lang siyang ordinaryong empleyado, at may mga problema na hindi ko kayang hawakan. At sa kabila ng kanyang kahinaan, may kakaibang tapang at tibay sa kanya na hindi ko nakita sa karamihan ng mga tao sa paligid ko. Ngunit may mga patakaran ako. Mga patakarang hindi ko basta binabalewala. Isa sa mga iyon...Never get involved with employees. Hindi ko puwedeng hayaang maging personal ang trabaho, at lalong hindi puwedeng masangkot sa damdamin ko. “She’s vulnerable. I’m supposed to stay detached. I can’t...no, I won’t...let her see me weaken,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang schedule sa tablet. Pero kahit na gusto kong ipagsawalang ba

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 6

    AYA'S POV Pag-uwi ko galing sa clinic. Sobrang bigat ng katawan ko na halos hindi ko na ramdam ang mga hakbang ko sa hagdan ng apartment ng building. Ang bawat tunog ng mga paa ko sa sahig ay parang umaabot sa loob ng dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang tahimik naming apartment. Wala si Nico, siguro baka nasa therapy session niya. Ramdam ko pa rin ang kirot ng nakaraang araw. Umupo ako sa sofa, habang hawak ang baso na may lamang tubig at agad ko naman itong ininom. Tinitignan ko ang paligid ng apartment namin at napansin ko ang mga laruang naka kalat doon. Parang sabay na sumalubong sa akin ang bigat ng responsibilidad. Hindi ko lang basta trabaho ang pinag-uusapan; ito ang buhay ko. At sa bawat desisyon ko, alam kong nakasalalay sa akin ang kaligtasan ng kapatid ko. Habang nakatingin sa mga laruan, muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari sa clinic kanina. Si Lucius… Ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ibang klase ng init at proteksyon mula sa i

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 5

    AYA'S POV Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko...ibang iba sa dati. Hindi lang dahil sa pagod, kundi sa init ng pag aalala at kakaibang tensyon na naramdaman ko mula sa kaniya. Si Lucius ang lalaking dati’y malamig at walang pakialam sa mundo ko, ngayon ay tila may hawak na sa damdamin ko. “Sir…” tawag ko sa kaniya na halos pabulong, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mangamba. Lumapit naman siya ngunit hindi yung masyadong malapit, sapat lang para maramdaman ko ang presensya niya. “You need to eat,” sabi niya, may bigat sa bawat salita. “Then rest. No exceptions.” “Pero sir—” singit ko pa. “Do not argue.” may diin niyang sabi. Bumaba ang tingin niya sa akin, na parang sinusukat ang bawat galaw ng katawan ko. Ang seryosong titig niya ay parang kaya niyang basahin hindi lang ang hitsura ko, kundi pati ang lahat ng pinipigilan kong emosyon. Natigilan naman ano...Paano niya nasasabi ang lahat ng ito… ni hindi naman niya alam ang buon

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status