Share

Falling For The Billionaire CEO
Falling For The Billionaire CEO
Author: Nightshade

KABANATA 1

Author: Nightshade
last update Last Updated: 2025-12-13 08:21:23

AYA’S POV

May mga araw na pakiramdam ko, parang isa na lang akong makinang de-susi. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin si Nico, at kung may matira pang oras, idadaan ko na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala akong karapatang mapagod. Sa aming dalawa ni Nico, ako ang kailangang manatiling matatag.

Bitbit ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan akong umakyat sa hagdan ng apartment namin. Nanginginig ang mga binti ko matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip ko lang ay may pagsasaluhan kami ni Evan ngayong gabi. Birthday niya, at kahit kapos na kapos, pinilit kong bumili ng paborito niyang pagkain.

"Sana gising pa siya," bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang susi sa bag.

Pagdating ko sa tapat ng pinto, napakunot ang noo ko. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit namin. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka nanakawan na kami, kaya mabilis akong pumasok nang walang ingay. Pero bago pa ako makarating sa sala, napatigil ako.

May mga damit na nakakalat sa sahig. Isang pamilyar na t-shirt ni Evan, at isang pulang bra na alam kong hindi sa akin.

Kasunod noon, may narinig akong mga boses mula sa kwarto...mga ungol na parang bumibigat sa dibdib ko. Isang malanding tawa ng babae, at ang baritonong boses ni Evan na puno ng pagnanasa.

"Dali na... baka dumating 'yung boring mong girlfriend," biro ng babae.

"Hayaan mo siya. Pagod 'yun sa trabaho, tiyak na matatagalan pa 'yun bago makauwi," sagot ni Evan, bago sinundan ng tunog ng halikan.

Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Nanlamig ang buo kung katawan habang dahan-dahang itinutulak ang pinto ng kwarto. Doon, sa ibabaw ng kama kung saan gabi-gabi akong nagdarasal na sana ay gumaling na si Nico, nakita ko sila. Si Evan na hubad, at si Shaina na kapitbahay namin, na halos wala ring suot.

Nalaglag ang supot ng pansit at tinapay sa sahig. Kumalat ang laman nito sa semento... gaya ng buhay kong unti-unti ring nagkakawatak-watak.

"A-Aya?!" mabilis na napabalikwas si Evan, gulat na gulat at mabilis na nagkumot para takpan ang sarili niya.

Hindi ako makapagsalita. Parang may nakabarang bubog sa lalamunan ko. Tumingin ako sa kanila, at ang nakita ko ay hindi lang ang pagtataksil nila, kundi pati ang tatlong taon na ibinigay ko sa lalaking ito...ang mga pagkakataong nagtiis ako para lang may maibahagi sa kaniya, ang mga gabing akala ko siya ang magliligtas sa akin.

"Magpaliwanag ka, Evan... sabihin mong panaginip lang ito," mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko sa matinding sakit.

"Aya, mali ang iniisip mo... lasing lang ako, hindi ko alam..."

"Lasing?!" bulyaw ko, at sa wakas, bumagsak na rin ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. "Birthday mo ngayon! Pinag-ipunan ko 'tong pagkain kahit kulang ang pambili ko ng gamot para sa kapatid ko! At ito pa ang bubungad sa akin?!"

"Eh ano ba?! Pagod na rin ako, Aya!" biglang sigaw ni Evan, parang siya pa ang naaagrabyado. "Mula nang magkasakit ang kapatid mo, wala ka nang oras sa akin! Laging may iniintindi sa ibang bagay! Para akong anino sa buhay mo! Tao rin ako, kailangan ko ng babaeng may oras sa akin, hindi yung laging pagod!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Namula iyon, pero alam kong mas masakit ang puso ko sa sobrang hapdi.

"Umalis ka na," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. "Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo at huwag ka nang babalik pa. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo."

Nang makaalis sila, naiwan akong mag-isa sa. Napaupo ako sa tabi ng natapong pagkain at doon ko ibinuhos ang lahat ng bigat na kinikimkim ko. Tahimik lang akong umiiyak, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang text mula sa ospital. Billing reminder.

Kailangan kong pumasok. Kailangan kong kumita ng pera. Wala na akong Evan na masasandalan. Ako na lang ang natitira para kay Nico.

Pagdating ko sa Alvero Grand Hotel, sinalubong ako ng marangyang liwanag na parang nanunuya sa madilim kong mundo. Mabilis akong nag-ayos ng uniporme at naglagay ng kaunting concealer sa ilalim ng mata ko, para lang maitago ang maga.

"Dizon! Saan ka ba galing? Kanina pa naghahanap ng assistance sa VIP lift!" bulyaw ni Ms. Rivas, ang Supervisor na tila laging galit sa mundo.

"Pasensya na po, Ma'am. Nagkaproblema lang po sa bahay," tipid kong sagot bago nagmamadaling tumakbo patungo sa elevator.

Dala ng pagkalito at pagmamadali, hindi ko napansin na ang napasukan ko ay ang Executive Lift...ang elevator na para lamang sa CEO at sa board members. Pagbukas ng pinto, muntik na akong mapaatras nang makita ko ang taong nasa loob.

Nakatayo sa gitna ang isang lalaking matangkad, seryoso, at balot ng isang awtoridad na tila kayang magpatahimik sa buong lobby. Si Lucius Alvero ang CEO ng Hotel.

Hindi siya tumingin sa akin. Nakaharap siya sa salamin, inaayos ang kwelyo niya. Ang bango ng pabango niya ay agad na humalo sa amoy ng metal sa loob ng elevator. Pumasok ako at nanatili sa sulok, nakayuko at halos hindi humihinga.

Biglang yumanig ang elevator. Isang matalim na tunog, at pagkatapos ay tuluyang namatay ang mga ilaw. Tumigil kami sa pagitan ng ika-15 at ika-16 na palapag.

"Damn it," bulong ni Lucius. Ang boses niya ay malalim at puno ng inis.

Nanatili akong nakasandal sa pader. Sa dilim, ramdam ko ang pag-akyat ng kaba sa dibdib ko. Ang sakit ng pagtataksil ni Evan kanina at ang takot sa sitwasyon ngayon ay sabay na dumudurog sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko... nang muli na namang umagos ang mga luha ko.

"Stay still. May emergency power ito," sabi ni Lucius. Inilabas niya ang phone niya at itinapat ang flashlight nito sa control panel, pero hindi niya sinasadyang maitama ang ilaw sa akin.

Doon niya ako nakita. Ang mga mata kong puno ng luha, ang nanginginig kong mga kamay, at ang mukha kong tila pasan ang buong mundo.

"Are you claustrophobic?" tanong niya. Walang emosyon ang boses niya, malamig at direkta.

"H-hindi po, Sir. Pasensya na po..." mahina kong sagot, pilit na pinupunasan ang mukha ko.

"Then stop shaking. You're making the air inside this elevator feel heavier," sabi niya bago binaling ang flashlight sa kaniyang relo. "Crying doesn't pay the bills, Miss. It just makes you look pathetic in front of people who don't care about your story."

Masakit ang mga salita niya. Direkta at walang preno. Pero sa gitna ng dilim na iyon, tila iyon ang kailangan kong marinig para magising sa reyalidad. Na sa mundong ito, ako lang talaga ang pwedeng sumalba sa sarili ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BlackthornX
Hindi na ako makapaghintay sa next chapter, ang intense ng start...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 123

    AYA’S POV Malalim na ang gabi nang makarating kami sa Laguna. Pagpasok pa lang ng sasakyan sa gate, nakita ko na agad ang liwanag mula sa maliit naming veranda. Nandoon si Nico, nakaupo sa sahig at mukhang kanina pa kami hinihintay. Pagkababa ni Lucius para pagbuksan ako ng pinto, mabilis na tumayo ang kapatid ko. "Ate! Kuya! Akala ko kung napano na kayo, ang tagal niyo sa Maynila," bungad ni Nico. Kinuha niya ang mga gamit na dala namin mula sa backseat. "Kumusta? Anong sabi ni Ms. Victoria?" Inalalayan ako ni Lucius paakyat ng hagdan bago siya sumagot. "Maayos na, Nico. Nahanap namin ang original na dokumento. Fake 'yung claim na ipinadala sa atin." "Seryoso? Ibig sabihin, hindi na hihinto 'yung construction?" tanong ni Nico, lumalaki ang mga mata sa tuwa. "Tuloy na tuloy," sabi ni Lucius habang nauupo sa sofa. Halatang pagod siya mula sa biyahe at sa tensyon sa Maynila. "In fact, kakausapin ko 'yung foreman bukas. Gusto ko mas mabilis na ang galaw nila para matapos tayo b

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 122

    AYA’S POV Maaga kaming nag-ayos para sa pagpunta sa opisina ni Victoria sa Maynila. Suot ko ang isang maluwag na maternity dress, habang si Lucius naman ay nagsuot ng simpleng polo shirt. Nakakapanibago siyang tingnan—walang mamahaling kurbata o pinatigas na kwelyo. Kahit ang kaniyang aura ay hindi na kasing-talas ng dati, pero ang seryosong tingin sa kaniyang mga mata ay nandoon pa rin. "Sigurado ka bang okay ka lang sa biyahe? Pwede naman tayong mag-zoom call na lang," tanong ni Lucius habang tinutulungan akong pumasok sa sasakyan. "Lucius, okay lang ako. Mas gusto kong nandoon tayo. Ayokong isipin nila na natatakot tayo sa sulat na 'yun," sagot ko. Sumakay na rin siya at nagsimulang magmaneho. Habang binabaybay namin ang daan palabas ng Laguna, nadaanan namin ang gate kung saan nakatambak ang mga materyales para sa warehouse. Huminto sandali si Lucius at tinignan ang mga trabahador na nagsisimula nang mag-set up. "Ituloy niyo lang ang trabaho!" sigaw niya sa foreman. "Walang h

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 121

    AYA’S POV Maaga kaming nagising ni Lucius dahil sa ingay ng mga truck na dumating sa gate. Mula sa bintana, nakita ko ang mga lalaking naglalabas ng mga bakal at semento. Ito na 'yun. 'Yung simula ng warehouse project na pinondohan ni Victoria. Pagbaba namin, sinalubong kami ni Nico na halos hindi na makahinga sa dami ng inaasikaso. "Kuya! 'Yung mga contractor, nasa garden na. Sabi nila, kailangan daw nilang ma-survey 'yung lupa sa likod bago sila mag-hukay," bungad ni Nico habang pinupunasan ang pawis gamit ang kaniyang braso. "Relax, Nico. Kakain muna kami," sagot ni Lucius. Inakbayan niya ako at inilapit sa kaniya. "Huwag kang masyadong mataranta. Hindi naman aalis 'yung lupa." Naupo kami sa hapag habang si Nico ay panay ang tingin sa labas, halatang excited. Pagkatapos naming mag-agahan, lumabas kami ni Lucius para salubungin ang mga trabahador. Ang ingay ng mga makina at ang sigawan ng mga construction workers ay biglang nagpabago sa dating tahimik na buhay namin sa Lag

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 120

    AYA’S POV "Lucius, dahan-dahan! 'Yung dulo ng hose, baka sumabit sa mga paso!" sigaw ko habang nakaupo sa tumba-tumbang upuan sa veranda. "Kabisado ko 'to, Aya. Don't worry, safe ang mga alaga mo," sagot ni Lucius nang hindi lumilingon. Pinanood ko siya habang maingat na dinidiligan ang mga hilera ng orchid sa labas. Pawis na pawis siya at may mga tilamsik ng putik ang kaniyang t-shirt. Malayo na ito sa imahe niya noon sa Makati na laging naka-suit at ayaw madumihan kahit dulo ng sapatos. Ngayon, parang mas komportable pa siya sa Laguna kaysa sa kahit anong boardroom. "Ate, si Kuya Lucius ba talaga 'yan o may kumuha sa kaniya at pinalitan ng look-alike?" biro ni Nico habang lumalabas ng bahay, may dalang tray ng meryenda. "Hayaan mo siya, Nico. Nag-eenjoy 'yan," sabi ko sabay kuha ng isang basong palamig. Lumapit si Lucius sa amin, pinatay ang gripo, at pinunasan ang noo gamit ang laylayan ng kaniyang damit. Napailing na lang ako. "You look like you've been working here for yea

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 119

    AYA'S POV "Lucius, tama na 'yan. Pang-apat na crib na 'yan na tinitingnan mo sa tablet mo," sabi ko habang inilalapag ang isang basong gatas sa tabi niya. Nasa veranda kami, nagpapalipas ng oras habang lumulubog ang araw. Isang taon na ang nakalipas simula nang iwan ni Lucius ang Maynila, pero ang pagiging perfectionist niya, hindi pa rin nawawala. Ngayon nga lang, hindi na sa business deals kundi sa gamit ng baby. "This one has better reviews, Aya. Solid wood, organic ang paint. Ayokong makalanghap ng chemicals ang anak natin," seryosong sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa screen. "Anim na buwan pa lang ang tiyan ko. Marami pa tayong oras," natatawa kong sabi sabay upo sa tapat niya. "Saka, sabi ni Nico, gagawa raw siya ng rocking chair para sa bata. Bakit hindi na lang 'yun ang gamitin natin?" Napaangat ang tingin ni Lucius. "Gagawa si Nico? Marunong ba siya?" "Nag-aaral siya sa kabilang kanto, doon sa gumagawa ng furniture. Gusto raw niyang may maibigay na regal

  • Falling For The Billionaire CEO   KABANATA 118

    AYA’S POV "Lucius, dahan-dahan lang ang pagbaba niyan! 'Yung paso sa dulo, medyo manipis 'yan," tawag ko habang pinapanood si Lucius na nagkakarga ng mga bulaklak sa likod ng kanilang bagong pickup truck. Isang taon na ang lumipas. Wala na ang mga itim na SUV at ang mga bodyguard na laging nakasunod. Ang tanging katuwang ni Lucius ngayon sa pagbubuhat ay si Nico, na mas lumaki na ang katawan dahil sa pagtatrabaho sa sakahan. "Aya, pang-sampung beses mo na 'yan sinabi," tawa ni Lucius habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang leeg. "Kabisado ko na ang bigat nito. Mas mabigat pa nga 'yung mga training weights ko dati." "Iba ang weights sa orchid, Kuya," singit ni Nico. "Ang weights, hindi nalalanta kapag nabigla." Inilapag ni Lucius ang huling kahon at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat at tiningnan ang malawak na hilera ng mga bulaklak. Ang "Orchid Haven" ay hindi na lang isang pangarap o isang maliit na garden; isa na itong sikat na supplier sa Laguna at maging

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status