AYA’S POV May mga araw na pakiramdam ko, parang isa na lang akong makinang de-susi. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin si Nico, at kung may matira pang oras, idadaan ko na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala akong karapatang mapagod. Sa aming dalawa ni Nico, ako ang kailangang manatiling matatag. Bitbit ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan akong umakyat sa hagdan ng apartment namin. Nanginginig ang mga binti ko matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip ko lang ay may pagsasaluhan kami ni Evan ngayong gabi. Birthday niya, at kahit kapos na kapos, pinilit kong bumili ng paborito niyang pagkain. "Sana gising pa siya," bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang susi sa bag. Pagdating ko sa tapat ng pinto, napakunot ang noo ko. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit namin. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka nanakawan
Last Updated : 2025-12-13 Read more