Share

Chapter 5

“ETHAN! Princess!” malakas na sigaw ni Katherine. Malapit ng magsimula ang laro ng basketball kaya naman kanina pa siya silip ng silip sa mga taong pumapasok. Laking tuwa niya talaga nang makita ang dalawa kasama si Arvin. Kahiit paano ay success ang first bonding na nais niyang mangyari sa pagitan nina Ethan at Princess.

“Hi, Mom,” bati ni Ethan kasunod ng paghalik nito sa pisngi. “Sinama ko na si Arvin.”

“It’s okay! The more, the merrier!,” masayang tugon ni Katherine.

“Hi, Tita,” nakangiting bati ni Princess. Nagmano siya saka h******n sa pisngi ang ginang.

“I’m so happy na narito kayo ngayon. Akala ko ay hindi kayo aabot eh.”

“Where’s Dad, Mom?” tanong ni Ethan. Nilinga-linga nito ang paligid. ‘Wala ka bang kasama?”

“Kasama ko siya kanina kaya lang may biglaang lakad kaya hinayaan ko na lang. Tutal, darating naman kayo. Maupo na tayo! Magsisimula na ang laro!” excited na ani ni Katherine. “Arvin, halika! Tabi na tayo!”

Biglang nakaramdam ng ilang si Princess ngunit hindi niya ipinahalata iyon. Kailangan niyang magkunwaring komportable siya sa presensiya ni Ethan. Kahit papaano ay napapakinabangan niya ang pagiging professional niya sa trabaho sa pakikitungo niya sa lalaki.

“Ethan, ikaw na riyan sa dulo. Dito naman si Princess.” Tinuro ni Katherine ang katabing pwesto nito. “Mahirap na at baka may makakilala sa kanya.”

Tumango-tango ang lalaki. Kahit papaano ay nabawasan ang ilang niya nang malamang katabi niya si Katherine. Unang beses niya lang na manood ng basketball sa napakaraming taong nanonood dahil madalas sa runway ang event niya.

Halatang masayang-masaya ang kanyang soon to be mother in law nang magsimula na ang laro. Kasabay ng pagsigaw nito ang hindi magkamayaw na tili ng iba pang manonood. Napatango-tango na lang siya nang makita si Kaiden sa mga manlalarong tinawag na first five.

Kaya naman pala eh.

“Alam mo ba, Princess? Basketball player din si Ethan noon. Madalas din ako manood sa mga laro niya kasama ang mga kapatid at Dad niya kaya lang dahil he’s working na, si Kaiden naman ang pumalit sa kanya sa paglalaro,” kwento sa kanya ni Katherine. Bigla itong bumulong sa taenga niya. “Feeling ko nga, nami-miss na rin ni Ethan ang maglaro. It’s just that, busy na siya sa work.”

Napangiti lang siya saka tinapunan ng tingin si Ethan na tutok na tutok sa panonoood. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito, halatang may kakaibang saya na nakatago sa likod ng mga iyon. Nakikita niya ang pagnanais nitong makapaglaro ulit ngunit dahil sa maraming gawain sa kanyang trabaho ay hindi na nito magawa pang gawin iyon.

Napahugot siya ng malalim na buntunghininga. Ganoon din kaya ang mangyayari sa kanya? Paano kapag umalis na siya sa pagmomodelo? Hahanap-hanapin din niya kaya iyon?

“Okay ka lang ba?” mayamaya pa ay tanong ng lalaki sa kanya na ikinabigla niya.

“H-ha?” Hindi niya akalain na nagkusa itong makipag-usap sa kanya.

“Napansin ko kasi na parang may malalim kang iniisip. Hindi ka ba sanay sa ganito? I mean, manood ng basketball?”

“Ah… actually, first time kong manood ngayon. M-may naalala lang ako kanina kaya si-siguro napansin mong may malalim akong iniisip.”

Hindi pa rin nawawala ang tingin nito sa mga naglalaro habang nag-uusap sila. Paanong napansin nitong may malalim siyang iniisip?

“Kapag hindi ka komportable, sabihin mo lang sa akin. Ako na ang bahalang magsabi kay Mom.”

“Ha? Hi-hindi! Okay lang ako.”

Doon lamang siya tinapunan nito ng tingin. “Don’t pretend that everything is fine. Wala namang masama na sabihin ang totoo.”

Bigla na lang kumulo ang init sa ulo niya. Unang araw pa lang na magkasama sila ng lalaki ay sinusubukan na agad siya nito. Mariin siyang pumikit ng mga mata. Hindi niya kailangang mainis o magalit dahil baka lalo pa itong magdiwang. Hindi siya ganoon.

“You don’t have to worry, I’m just fine.”

“Really – “

Naputol ang sasabihin nito nang biglang may malakas na liwanag ang tumapat sa kanilang dalawa. Noon lang nila napansin na halos lahat ng tao ay nakatingin na pala sa kanila. Buong pagtataka niyang tiningnan ito at ang naging tugon nito ay isang kaaya-ayang ngiti.

Namamalikmata ba siya? Anong mayroon?

“Princess, look at the monitor,” turo sa kanya ni Katherine. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sarili doon kasama si Ethan. It’s a kiss cam!

“Tita – “ Nginitian siya nito.

“Parating na ang mascot. Kapag hindi pa kayo nag-kiss, kukunin ka ng mascot kay Ethan,” may halong pang-aasar na sabi ni Arvin.

Kasunod niyon ang malakas na sigawan ng mga tao. “Kiss! Kiss! Kiss!” Pati ang mga basketball players ay nanonood na rin sa kanila.

Sunud-sunod siyang napalunok. Lalo yata siyang kinabahan nang makitang nakangiti pa rin sa kanya si Ethan. Wala na talaga siyang magagawa sa ngayon kung hindi pagbigyan ang mga ito.

Dahan-dahan siyang ngumiti habang nakatingin sa lalaki. Iyon ang naging hudyat upang unti-unti itong lumapit sa kanya. Hinawakan pa nito ang mukha niya ng dalawa nitong kamay. Tila naging slow-motion ang oras at ang nakikita niya ang sarili kasama ng lalaking handa na siyang h****n.

Naipagpasalamat niyang nakasuot siya ng salamin dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya ng wala sa oras. Paanong sa ganoong paraan niya mararanasan ang kanyang first kiss? Kahit na nakatakda na silang magpakasal, hindi pa rin nila kilala ang isa’t isa!

Muli na naman siyang napalunok. Ang hirap pala huminga kapag nasa harap na ang mukha ng lalaking mapapangasawa. Parang gusto na lang niya mahimatay lalo pa nang masamyo niya ang mabango nitong hininga. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

“Just go with flow,” mahinang sabi sa kanya ni Ethan bago tuluyang ilapat ang labi nito sa kanya.

Doon na yata tumigil ang ikot ng mundo niya. Naramdaman pa niyang idiniin pa ng lalaki ang labi sa kanya na lalong ikinabilis ng tibok ng puso niya. Something’s wrong with me.

Sinikap niyang ngumiti ng maayos matapos iwan ni Ethan ang kanyang labi. Kinabig pa siya nito upang lalong maglapit ang kanilang mga katawan habang nakatingin sa monitor.

“Wow! Nakakakilig naman!” malakas na sabi ng announcer. “Bagay na bagay! Tunay na itinadhana dahil ang nahuli ng ating kiss cam ay malapit na pa lang ikasal! Pwede bang one kiss pa riyan?”

Muli na naman nagsigawan ang mga tao. Nagmistula na siyang nanalo sa pagka-presidente sa rami ng sumusuporta sa nais ng announcer.

Nang muli siyang tingnan ni Ethan ay kulang na lang ay lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog niyon.

“Congratulations soon to be Mr. and Mrs. Rodriguez!” ani pa ng announcer saka sinakop ni Ethan ang labi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status