Share

Chapter 6

            TAPOS na ang basketball game ngunit nakapagtatakang tahimik si Princess. Kung maaari lang sana ay umalis na siya at iwan na lang si Ethan ay ginawa na niya. Hindi niya lang kayang gawin dahil sa Mommy nito na malapit sa kanyang mga magulang. Mabuti na lang at nakasuot siya ng sunglasses dahil kung hindi ay malamang nakilala na siya ng tuluyan ng mga tao. Hindi namna niya inaasahan na tanyag siya subalit mainam na mag-ingat. Mawawalan siya ng privacy at iyon ang ayaw niyang mangyari.

            “Princess, okay ka lang ba?” tanong ni Katherine na nasa tabi niya habang naglalakad. Palabas na sila kasabay ng ibang tao habang nag-uusap naman sina Arvin at Ethan na nasa unahan nila. “Nabigla ka ba kanina?”

            “Ah, hi-hindi naman po, Tita. Hindi lang po ako sanay na maraming tao.” Pakiramdam niya kasi ay nahihirapan siyang huminga kapag napapalibutan siya ng maraming tao.

            “Masanay ka na, Princess. Hindi ka naman pababayaan ng aking si Ethan. Ganyan-ganyan lang ang panganay kong iyan pero kayang-kaya ka niyang protektahan.”

            Nginitian niya lang ang ginang. Sunod na sinulyapan sila ni Ethan. Mabuti na lang talaga at may suot siyang sunglasses. Atleast, naitatago niyon ang kakaibang nararamdaman niya. Iginala ng binata ang dalawang mata sa paligid. Nagdilang-anghel ang Tita Katherine niya. Lihim na nagmamatyag ang anak nito sa kanilang daraanan.

            “Oo nga pala, Princess. Ihahatid ka na lang mamaya ni Ethan pauwi. Let’s eat dinner together. Hinihintay na tayo ng Tito Dominic mo. Gusto niyang bumawi dahil hindi niya tayo nasamahan manood ng basketball.”

            “Okay po.”

            “That’s what I really like you, my daughter in law. You’re so very kind kaya kapag may ginawang hindi maganda sa iyo si Ethan, huwag kang mag-aatubiling sabihin sa akin ha? Hindi ko talaga palalampasin ang bagay na iyon. Hindi ko pinalaki ang anak ko para lang maanakit ng damdamin ng isang babaeng katulad mo.”

            Pinamulahan siya ng mukha. Sa puntong iyon ay lumapit si Ethan at walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay niya.

            “Mom, ako na ang maghahatid kay Princess. Isabay ninyo na lang si Arvin.” Tinanguan nito ang kaibigan.

            “Okay, walang problema,” nakangiting sagot ni Katherine kasunod ng paghawak sa braso ng asawa. “Mag-ingat kayo sa daan.”

            Pilit na bumitaw si Princess sa kamay ni Ethan na nakaugpong pa rin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nitong tinitigan siya. “Magpapaalam lang ako kay Tito at Tita.” Biglang nawala ang pagkunot ng noo nito saka siya binitiwan. She smiled so lovingly while kissing goodbye her soon to be in-laws. “Ingat din po kayo.”

            “Oh, my God! Princess, gusto na talaga kitang iuwi sa bahay! ‘Yong napag-usapan natin ha?” Kinindatan pa siya ni Katherine. Mayamaya pa ay bumaling ito sa anak. “Ethan, ikaw na ang bahala kay Princess. Make sure to greet Jade and Jameson for me.”

            “Yes, Mom.”

            “Bro, kita na lang tayo sa office bukas!” sigaw ni Arvin. May binulong pa ito na tanging ang kaibigan lang ang nakaintindi.

            “Let’s go,” aya ni Ethan nang tumalikod na ang mga magulang nito at si Arvin. Hinanap na naman nito ang isa niyang kamay at pinag-isa iyon ng kamay nito. Marami pa ring tao sa paligid na kasabay nilang naglalakad patungo sa parking lot.

            Nakita ni Princess kung paano makibagay ang lalaki sa ibang mga acquaintances na nakakasalubong at nakakasabay nila. Lahat yata ng mga taong nanonood ay kilala nito. Well, hindi na siya nagtataka. According to his Mom, dati rin itong isang basketball player. Tiyak na marami ang nakakakilala sa lalaki idagdag pa ang nangyari kanina. They kissed! How can she forget that? Mabuti na lang talaga at may suot siyang sunglasses dahil kung wala, hindi niya alam kung paano haharapin o titingnan ang mga tao na sabay-sabay pang sumigaw at nagpalakpakan para lang mangyari iyon ng isa pang beses.

            “Are you okay?” tanong nito sa kanya matapos buksan ang pinto ng sasakyan. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na siya nitong tinanong mula nang nanonood pa sila ng laro kanina.

“Yeah.”

“Something bothering you?” tanong na naman nito nang makaupo siya.

Nahigit niya ang paghinga nang bigla na lang itong ilapit ang katawan sa kanya. Dumagundong yata ang buo niyang dibdib sa kabiglaan. Sunud-sunod siyang napalunok. Hindi rin siya nakahuma agad. Tila nanigas ang kanyang katawan.

“Aayusin ko lang ang seatbelt mo,” anito kahit hindi naman siya nagtatanong.

“Sa-salamat.”

Umibis na ito saka mabilis na umupo sa kanyang tabi. “Nasa bahay ba sina Tito Jameson at Tita Jade?” Binuhay na nito ang makina.

“I’m not sure. Hindi ko alam kung umalis sila. Wala naman silang nabanggit sa akin.”

“Alam ba nila na kasama mo ako ngayon?”

“Nagpaalam ako sa kanila kanina na pupuntahan kita. Kinausap pa nga ni Mommy si Tita Katherine bago ako umalis.”

“Good. Ayaw ko lang na hindi aware sina Tito at Tita sa tuwing magkikita tayo. My Mom will not be happy about it.” Nagsimula na itong magmaneho.

“Are you afraid? I mean kay Tita Katherine…” Nag-iwas siya ng tingin nang bumaling ito sa kanya. Parang hindi niya kayang tigilan ang mga titig nitong tila mga bubog na tumutusok sa kanyang dibdib.

“Kung sasabihin ko bang oo, madi-disappoint ba kita?”

“Why should I?”

Mahina itong tumawa saka muling itinuon ang mga mata sa daan na tinatahak nila. “As expected of you. Kaya halos gawin ka ng anak ni Mom. May mga qualities ka na gusting-gusto niya. Or maybe, nakikita niya ang sarili niya sa iyo.”

“Paano mo naman nasabi?” Hindi niya napigilan ang mapangiti ngunit ayaw niyang ipahalata iyon sa lalaking katabi.

“Well, I can’t tell you enough. Hindi ko naman alam ang ugali ni Mom when she’s aged like you but my Dad keep on telling us about you. Mom really likes you because of what I said earlier.”

“Tito keep telling about me?”

Tumangu-tango ito. “Yes. Pero hindi namin alam na magkakapatid na ang tinutukoy nilang kinagigiliwan ni Mom ay mapapangasawa ko pala. That surprised me pati ng mga kapatid ko. Hindi nila alam na ang sikat na modelong katulad mo ay magiging bahagi ng pamilya namin…soon.”

ShanCaiStories

Thank you po sa mga nag-subscribe ng story na ito. I'll do my best na matuwa kayo sa kwentong ito.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status