Share

Chapter 3

[AMARA, are you still awake?] Pinadalhan ni Princess ng mensahe ang kanyang kaibigan nang sa wakas ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Nais niyang may makausap upang mahingan sa kalagayan niya.

            Ikakasal na siya at next na month na iyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating siya sa ganoong sitwasyon. Ikakasal siya sa lalaking hindi man lang niya kilala ng lubos.

            [Yes, babe. What’s up]

            Laking pasalamat niya talaga na may isang tao na laging handang makinig sa kanya. Kahit nasaan man ito ay hindi nito nakakalimutan siya ano mang oras. Kung bibigyan siya ng pagkakataong humiling, hihilingin niyang sana ay maging kapatid niya si Amara. Ganoon nila pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan.

            [I need you.]

            Iyon ang madalas niyang sabihin sa kaibigan at alam na nito ang ibig niyang sabihin.

            [Talk to me, babe.]

            Hindi nga siya nagkamali. Lagi itong may oras para sa kanya.

            [I’m getting married next month.]

            Biglang tumunog ang mobile phone niya at alam na niya kung sino iyon.

            “Hey,” aniya.

            “Tell me you are just pranking me,” ani ng nasa kabilang linya. “It’s not a good joke, babe.”

            “I wish I could just prank you, Amara.”

            “So, you mean – “

            “Yes, it’s true.” Nagbuga siya ng hangin. “I’m getting married next month. Are you willing to be my maid of honor?”

            “Wait. Are you pregnant? Who’s the lucky bastard?”

            Nahihiwatigan niya ang inis sa tinig nito kahit na napagkamalan pa siya nitong buntis. “First of all, Amara I’m not pregnant. Okay? Listen to me first before say anything.”

            “Fine.”

            “I’m at home now and got engaged to someone I don’t even know. I thought we are going to attend a dinner with my Mom and Dad’s friend but to my surprise, the Rodriguez family announce my marriage with their son, Ethan.”

            “Ethan? Sino naman iyon?”

            Gusto niyang matawa. Mukhang naiinis na talaga ang kaibigan niya. Nakapagsasalita lang ito ng tagalog kapag sira na ang mood nito, palatandaan na nabubwisit ito.

            “You’re not listening, babe. He’s the child of Rodriguez family.”

            “I don’t know him.”

            “Me either.”

            “So, what are you going to do? Do you want to elope? I can accompany you. Don’t worry, hindi ako magpapabayad, babe.”

            Doon siya tuluyang natawa. “Mukhang hindi ko magagawa iyan, Amara. I’ll break my parents’ hearts.”

            “So, are you going to marry that Ethan even you don’t have any feelings for him?”

            “I don’t know. Or should I say, I don’t have a choice.”

            Mayamaya pa ay sunud-sunod na katok sa pinto ang kanyang narinig. “Princess, gising ka pa ba? Can I come in?” boses iyon ng kanyang Mommy.

            “Wait Amara, Mom is here. I will call you back.”

            “Okay.”

            Nang mawala na ito sa linya ay agad siyang tumayo upang buksan ang pinto.

            “Mommy? Bakit po?”

            “Maaari ka ba naming makausap? Kami ng Daddy mo?” tanong ng Mommy niya. Nang luwagan niya ang pagkakabukas ng pinto ay saka pa lamang niya nakita ang Daddy niya na nasa gilid.

            “Oo naman po. Pasok po kayo.”

            Umupo ito sa gilid ng kanyang kama matapos niyang maupo sa gitnang bahagi.

            “Kumusta ka?” tanong ng Daddy niya. Nababanaag niya ang pag-aalala sa mukha nito. “Alam kong nabigla ka kanina. Sana ay hindi ka magtampo at magalit sa amin ng Mommy mo, anak. Nais lamang namin na mapabuti ka.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay. “Hindi na kami bumabata ng Mommy mo at ang nais lang namin ay maging panatag kami na ikaw na anak namin ang magmamana at mamamahala ng negosyo natin.”

            “Tama iyon, anak. Pinaghirapan ng Daddy mo na maitayo ang negosyong bumuhay at nagbigay sa atin ng maginhawang buhay,” dagdag ng Mommy niya.

            “Pero, bakit po kailangan kong magpakasal kay Ethan?” kagat labi niyang sabi. Hindi pa rin kasi malinaw sa kanya ang dahilan ng kanilang pagpapakasal.

            Malalim na bumuntunghininga ang Daddy. “Katulad ng sinabi ng Tito Dominic mo kanina, napagkasunduan na namin ang pagpapakasal mo sa panganay nilang anak noong mga bata pa kayo. Minsan ikukwento namin sa iyo ng Mommy mo kung paano kami nagkasundo ng pamilyang Rodriguez. At ang isa pang dahilan, nais namin na sa pamamagitan ni Ethan ay matulungan ka niyang pag-aralan na pamahalaan ang negosyo natin. Wala kaming ibang nakikita na ibang lalaki na nababagay sa iyo kung hindi siya.”

            “Paano ninyo naman po nasabi – “

            “Anak, magtiwala ka sana. Hmn?” Marahan na hinaplos ng kanyang Daddy ang buhok niya. “Kung nag-aalala ka na dahil hindi ninyo kilala ang isa’t isa, sinasabi ko na sa iyo na mabuti siyang lalaki. Nakita ko kung paano siya pinalaki nina Katherine at Dominic. I assure na maaasahan mo rin siya.”

“Daddy, Mommy, w*-w*la naman po kaming nararamdaman para sa isa’t isa.”

            Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya na ipinagtaka niya.

            “Kayo po ba noon ay wala ring nararamdaman para sa isa’t isa noong nagpakasal kayo? Paano na lang kung may iba pa lang gusto si Ethan? Paano kung magustuhan po ako? A-ano po ang gagawin ko?”

            Sabay na niyakap siya ng mga ito. Ramdam niyang nakangiti ang mga ito habang yakap siya.

            “Basta lagi mong tatandaan na magtiwala kayo sa isa’t isa. Malalaman mo rin ang kasagutan sa mga tanong kapag mag-asawa na kayo,” ani ng kanyang Mommy.

            “Huwag kang mag-alala, anak. Nandito lang palagi kami ng Mommy mo, aalalay sa iyo. Kapag nagkaproblema kayo ay sabihin mo agad sa amin, nakahanda kaming magbigay ng payo para sa inyong dalawa.”

            “Paano po ang trabaho ko? Six months pa po ang contract ko.” Tiyak na magwawala ang manager niya sa oras na malamang mag-aasawa na siya. Katakut-takot na iyak ang gagawin niyon para lang huwag siyang magbitiw sa pagmomodelo.

            “Well, maybe Ethan will consider thatI know, he will understand you,” anang Mommy niya.

            “Okay po.” Sa puntong iyon ay iyon lang ang kaya niyang sabihin.

            Muli siyang niyakap ng mahigpit ng mga ito sabay usal ng pagmamahal sa kanya. Batid niyang malaki ang pagbabago sa kanyang buhay sa oras na maging asawa siya ng isang Ethan Rodriguez. Hindi na niya magagawa pang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang modelo dahil kailangan niyang i-manage ang negosyo ng kanilang pamilya.

            “We love you so much, anak.” Narinig niyang sabay na bigkas ng Mommy at Daddy niya.

            Napapikit siya ng mga mata. Hindi niya talaga kayang tiisin ang mga ito.

            “I love you too, Mommy and Daddy.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status