LOGINNaabutan nila sa veranda si Janus—nakataas ang dalawang kamay pero halata sa ngisi niyang hindi siya takot, habang nakatutok nang mariin ang baril ni Ismael sa gitna ng noo nito.Sa paligid… amoy na amoy ang bakal at dugo. Nagkalat ang pulang likido sa malamig na baldosa, may mga katawan ng bantay na nakahandusay, wala nang buhay.At sa gilid—nakatayo si Indira, hawak ang baril, nakabantay. Handa anumang oras kung may gagalaw.“Ano na naman ‘yan, Ismael?” malamig na tanong ni Arsenio, tila walang pakialam sa kaguluhan. “Parang mainit yata ang ulo mo.”Doon lang tumingin si Ismael kay Cassandra.At sa isang iglap—tila bahagyang gumaan ang paghinga nito nang makita siyang buo at ligtas. Parang lahat ng galit at karahasan sa paligid, biglang nawala sandali para lang sa kanya.Napailing si Cassandra.Halatang dumaan na sa dugo ang araw na ito para kay Ismael—sa talsik ng dugo sa damit nito, sa lamig at pagod na nakaukit sa mukha at sa mga mata na sanay nang pumatay.Samantalang si Arsenio
– Cassandra –Dito siya mamamatay.Biglang umatras si Cassandra. Nanlaki ang mga mata sa nakikita.“Cassandra, ano ba naman ‘yang reaksiyon mo?”Napatawa si Arsenio—magaan, parang walang anumang banta. Ibang-iba ito sa Arsenio Vergara na nakilala niyang sakitin, nakatali sa wheelchair, at kaawa-awa.Ang lalaking nasa harap niya ngayon—tuwid ang tindig, matatag ang hakbang, masigla at malakas.At higit sa lahat…Hindi ito lumpo.“T-Tito… I mean—Kuya Arsenio… yong mga paa niyo?” nauutal niyang tanong.Lumawak ang ngisi nito.“Nalumpo ako, Cassandra oo. Nilumpo ng pinakamamahal kong kapatid—si Ismael.”Saglit itong tumigil, may halong pait at galit ang boses.“Pero kamakailan lang, nakahanap ako ng mahusay na doktor. At ngayon… tuluyan na akong gumaling.”Nakahinga siya nang maluwag, pero parang may tinik na nanatili sa lalamunan. Napahawak pa siya sa dibdib.“Mabuti naman po kung gano’n… Pero kaya niyo po ako pinapunta rito dahil sabi niyo narito si Ismael at… at si Divina?”“Ah, oo. N
Sa mansyon ng mga Vergara—mahina ang ilaw sa silid habang nag-uusap ang mag-inang Sylvia at Divina. “Anak… ano na naman bang ginawa sa’yo ni Arsenio?” Halos mabasag ang boses ni Manang Sylvia nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng anak. Pasa sa mukha. Mga marka ng paso ng sigarilyo sa balat. Napayuko si Divina. Nanginginig ang mga kamay. “Pinipilit niya po akong… makipagtalik sa kanya,” halos pabulong niyang sabi. “Tumanggi ako, Nay… kaya ganito ang ginawa niya sa’kin.” Nanlaki ang mga mata ng matanda. “Hayop siya!” galit na galit na sambit ni Sylvia. “Buhay pa siya, pero sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno!” Napapikit si Divina. “Hindi ko na po alam, Nay…” mahina niyang sagot. “Parang… habambuhay na tayong makukulong sa ganitong buhay.” Umiling si Sylvia at agad siyang niyakap. “Ayos lang kung ako, Divina… matanda na ako,” nanginginig ang boses niya. “Pero ikaw—bata ka pa. Kailangan mong makawala sa galamay ng mag-amang ’yan.” Saglit si
Hindi na nagdalawang-isip si Ismael. Diretso lang. Mas mabilis pa sa galit niya ang takbo ng sasakyan. “Cassandra…” Parang paulit-ulit na tumatama sa isip niya ang pangalan nito—kasabay ng kaba na unti-unting kumakain sa kanya. Pagdating niya sa address—agad siyang bumaba. Isang gusali. Tahimik. Walang katao-tao. Pero alam niyang may mali. Pumasok siya. Mabagal. Maingat. Baril sa kamay. Matalas ang tingin sa paligid. Hanggang sa—may gumalaw sa dilim. Hindi na siya nagtanong. Bang! Isang katawan ang bumagsak. Diretso siyang naglakad sa loob. Mahaba ang hallway. May mga pintong sarado. May bakas ng dugo sa sahig. Mas lalo siyang kinabahan. “Cassandra…” mas mababa ang boses niya ngayon. Biglang—may tatlong lalaking sumulpot. “Siya ’yan!” “Barilin niyo—!” Hindi na pinatapos ni Ismael. Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod. Eksakto. Walang sayang. Isa-isa silang bumagsak. Tahimik ulit. Pero mas mabigat ang hangin. May isang pintong bahagyang
-Cassandra- Huminto ang sasakyan sa isang tahimik na lugar.Walang tao. Walang ingay.Tanging hangin lang ang gumagalaw.Dahan-dahang bumaba si Cassandra.At sa unang hakbang pa lang—may kung anong nagsabi sa kanya—dapat hindi siya pumunta rito!Samantala—Mariing hawak ni Ismael ang manibela habang pabalik sa shop.Hindi na niya kasama si Divina.Naibaba na niya ito kanina—at hindi na siya nag-aksaya ng oras.Mas mahalaga ngayon si Cassandra.Biglang tumunog ang cellphone niya.INDIRA.Agad niya itong sinagot. “Ano’ng nangyari?”“Ismael—” nagmamadali ang boses ni Indira.“Nawala si Cassandra.”Nanigas siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa ang boses niya, mabigat.“Sabi niya ihahatid lang niya yung client—”“Pero sumabay siya sa pag-alis. Hindi na siya bumalik.”Tahimik.Isang segundo.Dalawa.At sa susunod na sandali—biglang tumigas ang ekspresyon ni Ismael.“Put*ngina…”Bigla niyang tinapakan ang silinyador.Umingit ang gulong sa kalsada.“Sinundan ko agad,” dagdag ni Indira.“
Kumalat sa buong silid ang walang tigil na pagtunog ng cellphone ni Ismael.Napako ang tingin ni Cassandra sa mesa.Hindi niya sana papansinin—pero hindi tumitigil.Humakbang siya palapit.At doon niya nakita ang pangalan sa screen.DIVINA.Parang may kumirot sa dibdib niya.Biglang bumalik sa isip ni Cassandra ang gabi—kung paano protektahan ni Ismael ang babae.Bumukas ang pinto ng banyo.Lumabas si Ismael—nakatapis lang, basa pa ang buhok.Napatingin ito kay Cassandra, at sa cellphone.Walang sinabi si Cassandra.Inabot niya lang ang phone.Kinuha iyon ni Ismael.At walang pag-aalinlangan—sinagot.“Divina.”Diretso. Walang emosyon.Saglit itong tumingin sa kanya.Napayuko si Cassandra. Hindi siya gumalaw.Tumalikod si Ismael. Lumayo.Mahina ang boses nito.Sadyang dumistansya.Hindi niya marinig ang usapan.Nakatayo lang si Cassandra.Parang nakapako sa kinatatayuan.Hindi niya alam ang nararamdaman.Galit?Selos?Takot?Pero isang bagay ang malinaw—may tinatago si Ismael.At kahi
Pagdating sa bridal shop, hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan, bigla nang bumukas ang pinto.“Cassandra!” sigaw ni Indira, pero huli na.Bumaba na ang dalaga. Halos matumba pa siya sa sobrang pagmamadali.“Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?” habol ni Indira habang sumusunod.“Babalik ako.
Sa labas ng venue, naka-park ang mga sasakyan. Tahimik—pero mabigat ang hangin. Magkahiwalay ang grupo. Sa kabilang side—Si Arsenio, si Janus… at si Divina. Sa kabila—Si Ismael, si Cassandra, at si Indira. “Pa, mauna ka na,” sabi ni Janus, inalalayan ang ama papasok sa sasakyan. “Sandal
Bahagyang nagtagpo ang mga mata nina Ismael at Divina. At sa sandaling iyon—parang may kung anong bumalik na matagal nang nawala. Ngunit agad iyong naputol—ng isang mahinang tawa. “Ang tahimik n’yo naman,” ani Janus, tila inosente ang tono—ngunit may halong panunuya. Hindi iyon pinansin ni
Nag-uumapaw ang ilaw at ingay sa loob ng venue. Isa-isang rumarampa ang mga modelo suot ang mga likha ni Cassandra—palakpakan, bulungan, paghanga. Ngunit sa kabila ng tagumpay—wala roon ang taong hinihintay niya. Mahigpit ang kapit ni Cassandra sa clipboard na hawak, pilit pinapakalma ang sar







