"Teka, Cassie ano yong sinasabi mo kanina, tatawag ng pulis, bakit may nangyari ba?" naalalang tanong ni Marvin. "Ahm..." lumingon siya sa estranghero "wala," napayuko si Cassandra. "Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon Cassie," turan ni Marvin. Tipid ang naging ngiti niya. Tumikhim si Ismael. "Marvin, anong oras ba ang kasal mo?" seryosong tanong nito. "Alas dos," sagot ni Marvin. "Tara na sa hacienda, may dala akong pick-up sumabay na kayong dalawa sakin," sabi nito, kinuha ang mga dala niya. Sa back seat ng pick up ni Marvin naunang pumasok si Cassandra. Dahil bakante ang katabing upuan ng driver's seat, inakala niyang doon uupo ang bestman ni Marvin. Kung bakit sumunod ito sa kanya at sa backseat din naupo. Nagsumiksik si Cassandra sa pinto ng sasakyan, kahit nalaman niyang kakilala ito ni Marvin, natatakot siya rito. Ang mga titig, salita at kilos ng lalake ay para bang manlalamon ng buhay! Napansin siya ni Marvin. "Naku, pasensiya na hindi ko nga pala ka
Última actualización : 2026-03-17 Leer más