“Thanks God, your awake now love,” maluha-luhang sabi ni Mr. Moneclaro sa kabiyak. Makalipas ang halos isang buwan ay muling nagising na si Mrs. Monteclaro. Gayunpaman ay nagkaroon ito ng mild stroke sabi ng doktor nito ay gagaling pa naman ang sakit ng ginang, kilangan lang nitong inumin ang mga iniresetang gamot, samahan din ng disiplina sa pagkain at ehersiyo na naaayon sa kalusugan nito. Maging ang mag-kambal ay hindi rin napigilan ang pagluha. Lumapit si Steve sa ina at hinalikan ang noo nito sabay hingi ng tawad. “I’m really sorry mama,” sambit ni Steve sa ina sabay patak ng mga luha sa pisngi. Walang emosyong tumingin ang ginang kay Steve. Hindi pa man nagigising ang ginang batid na nina Steve kung ano ang maaaring kahinatnan pagkagising ng kanilang ina. Kaya kapwa na nilang inihanda ang kanilang mga sarili. Noong una ay hindi matanggap ni Mr. Monteclaro ang posibleng pagiging paralisado ng kanyang maybahay. Ngunit dahil sa tulong ni Stefano ay unti-unti na nitong niyaka
“Bro, ikaw na muna ang bahala kina Mama at Papa,” sabi ni Steve sa kanyang kambal. Nasa airport sila ng mga oras na na iyon, gusto kasi ng anak nito na ihatid sila ng kanyang tito Stepfano sa may paliparan. “Don’t worry about them bro ako na ang bahala sa kanila, anyway few weeks from now ay susunod na dito si Ysabelle,” nakangiting sabi nito sa kakambal na ang tinutukoy ay ang kanyang asawa. “Ok, update mo na lang ako lagi,” sabi ni Steve. “Sure bro,” sagot naman ni Stefano. “Say goodbye na kay tito Stefano baby,” utos ni Steve sa kanyang unica iha. “Bye, Tito,” nakangiting sabi naman ng bata. “Bye for now, our little princess be a good girl ha,” bilin nito sa pamangkin. “I will, po,” sagot naman ng bata. “Segi bro, alis na kami ingat kayo lagi dito ha,” sabi ni Steve. “Kayo rin bro, ingat sa biyahe,” pamama-alam din ni Stefano. Di nagtagal matapos na ihatid ni Stefano ang mag-ama sa airport ay lumisan na rin ang sinasakyan nitong eroplano pabalik ng Pilipinas. “Finally,
Hindi pa nga halos nakakapagpahinga mula sa biyahe galing ng Amerika heto ngayon at nakaupo na naman si Steve sa loob ng kanyang private plane.Kasama si Abegail ay magpapahatid sila sa isang branch ng hotel na pagmamay-ari rin ni Steve sa Negros.“Kailangan ba talagang pupuntahan natin today caz, kararating mo lang galing Amerika ah,” nagmamaktol namang sabi ni Abegail.Naiinis siya sa pinsan dahil may date sana sila ni Noel ng araw ding ‘yon.Mabuti na lang at mabait at maunawain naman ang nobyo. Naging kasintahan niya na rin ang lalaki matapos ang halos isang taong panliligaw nito.Sayang nga dahil hindi na nalaman ni Loisa ang pag-sagot niya sa lalaki. Ito kasi ang mga panahong hindi na sumisipot sa Monteclaro Corporation ang babae. “Don’t worry madali lang naman tayo doon, besides ipinagpa-alam na kita sa boyfriend mo,” sabi naman ni Steve.Inirapan niya na lang ang pinsan.Dahil kahit ano pang alibi ang sasabihin niya dito batid niya rin naman na hindi titigil ang pinsan hangga
“Nanay, subukan ko po kayang aplayan itong hiring job sa isang hotel,” sabi ni Loisa sa matandang babae. “Naghahanap po sila ng finance staff,”dagdag pa niyang sabi. Kasalukuyan silang nananghalian ng matanda ng mapansin niyang tumunog ang kanyang cellphone. Isa pala ‘yong notification kung saan nakatanggap siya ng isang advertising messages. “Naku, segi anak alam ko namang miss na miss mo ng magtrabaho sa mga malalaking kumpanya,” nakangiting sabi ni Aling Marie. Nilagok muna ang isang basong tubig saka nagsalita muli. “Kung sakaling matanggap ka iha, isang beses sa isang buwan ka lang ba uuwi niyan dito sa atin?” Tanong ng matanda kay Loisa habang ngumuya muli ng pagkain. “Hindi ka ba malulungkot doon?” Dagdag pa nitong sabi. “Dito ka na lang kaya, sabagay maganda naman ang kita natin sa mini grocery mo sa bayan, iha,” bigla bwelo naman ng matanda. Nang maalala nito na baka mahirapan si Loisa sa biyahe at baka matagalan bago ito maka-uwi sa kanila. “Nanay, naman mag-aaplay
“So how’s the interview?” Nakangiting bungad ng attorney kay Loisa. Medyo atubili naman si Loisa, hindi niya kilala ang lalaki pero heto at hinintay siya upang itanong kung kamusta ang kanyang interview a while ago. “Mabuti naman po sir,” nahihiyang sagot naman ni Loisa. “Miguel,” sabi ng Attorney sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa dalaga. “Ho?” Takang tanong naman ni Loisa. “I mean Miguel na lang ang itawag mo sa akin, hindi naman siguro malayo ang agwat ng edad natin para lagi kang mag po sa akin,” nakangiti niyang sabi sa babae. “Huwag mo na rin akong tawaging sir, Miss Sanchez,” napakamot ito sa ulo ng hindi pa rin tinatanggap ng babae ang kanyang pakikipag-kamay. “Miguel na lang, by the way I’m Atty. Miguel Rodriguez,”pakilala niya dito. Muli ay inilahad ng binata ang kamay sa babae. Inabot naman ‘yon ni Loisa at sabay pakilala din sa kaharap. “Loisa na lang po sir,” sabi naman ni Loisa. “Ayan ka na naman kasasabi ko lang di ba,” nakangiting pa-aalala ng lalaki. “
“Miss Sanchez, ito ‘yong magiging table mo paki turn on mo na lang din ang computer mo at paki-fill upan ang mga papers na ito,” sabi ng kanilang finance manager secretary. Makalipas ang isang linggo ay sa wakas natanggap na rin ni Loisa ang magandang balita mula sa hotel na pinag-aplayan. Sa tulong ni Miguel ay nakahanap sila ng pansamantalang matutuluyan na malapit sa kanyang papasukang hotel. Unang araw niya ngayon sa pinapasukan at kasalukuyang ini-orient ng sekretarya ng kanilang bagong finance manager. Nagkaroon ng problema sa dating finance manager kaya nagkaroon ng finance staff vacant position kung saan siya ang napili. “Huwag kang mahiyang magtanong kung sakaling meron kang gustong malaman tungkol sa trabaho mo, Miss Sanchez,” sabi pa ng sekretarya. “Opo ma’am,”sagot niya naman sa babae. “Naku huwag mo akong tawaging ma’am, magka-level lang tayo Miss Sanchez,” nakangiti namang sabi niya sa babae. “Dianne na lang itawag mo sa akin,” sabi pa nito. “Segi po Miss Dianne
“Congratulations, Louise?” Nakangiting bati ni Atty. Miguel sa babae. At inabot dito ang isang napakalaking boquet ng bulaklak. Nakagawian ng itawag nito sa babae ang panggalang Louise. Paliwanag nito sa babae, marami ng tumtawag sa pangalan nitong Loisa. Para ma-iba naman siya ay binsagan niya itong Louise imbis na Loisa. “Naku, nag-abala ka pa nito pero salamat Atty ha,” nakangiting sabi ni Loisa. “Ayan ka na naman e,” biro niyang reklamo sa kaibigan. Napag-usapan na kasi nilang minsan na tatawagin siya nito ayon sa pangalan niya at hindi Atty. “O siya, salamat Miguel ikaw naman di ka mabiro,” sabi pa ni Loisa. “Oy, sana all may pa-bouquet,” nakangiting pansin ni Nancy sa dalawa ng makita ang mga ito sa may lobby. “Hayaan mo sa birthday mo bibigyan kita,”biro naman ng abogado kay Nancy. “Naku, kahit gustohin ko pa atty huwag na lang alam n’yo na po matampohin si mahal ko e,” sagot naman ni Nancy. Hindi na rin nagtagal at nauna ng lumabas ng hotel si Nancy. “O paano ‘yan s
“Bakit parang naririnig ko ang boses ni Loisa sa katauhan ng kaibigan ni Miguel?” Nagtatakang tanong ni Steve sa sarili. “Hay naku nababaliw na yata ako?” Ipinilig na lamang ni Steve ang kanyang ulo. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang duda na si Loisa nga ang kausap ni Miguel. Kasalukuyan siyang nasa silid ng kanyang mama ngayon, inatake na naman kasi ito ng alta presyon nito. “Sino kausap mo son,” tanong naman ng kanyang ama ng maabutang tila may kausap ang anak. “Nothing papa,”sabi naman ni Steve. “I see, akala ko nababaliw ka na diyan at kinakausap mo ang iyong sarili,”biro pa ng ama nito. Natawa lamang si Steve, mabuti nga naman at okay na silang mag-ama. Makalipas din naman ang ilang buwan ay unti-unti na siyang napatawad ng kanyang Papa. Ngunit kabaligtaran pa rin sa kanyang ina na maging hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin. “Pasensiya ka na at ipinatawag ulit kita dito,” sabi ng kanyang Papa. “Alama mo kasi sobrang kaba ko noong inatake ulit ang Mama