LOGINNgumisi naman si Magnus. Pinatigas niya ang braso para makawala sa hawak ng babaeng palaban. Malakas ito kaysa normal na babae, pero balewala lang sa kaniya iyon. Nagtagumpay siyang bawiin ang braso niya mula rito.
“Anong gagawin mo kung hahawakan kita nang ganito?” Tinangka niyang yakapin ang babae, pero mabilis itong umiwas.
“Tigilan mo ako!” naiinis nitong saway sa kaniya.
Ngumiti lang si Magnus. Kung plano nitong kunin ang atensyon niya sa pamamagitan ng pagtaboy sa kaniya, nagtagumpay ito. Mas lalo siyang nasabik gawin ang plano sa babae. Pasasaan ba’t bibigay na rin ito sa kaniya. Alam niyang nagpapasabik lang ang mga babaeng katulad nito. Kunwari ayaw, pero ang totoo gustong-gusto naman. Hindi ito ang unang beses na naka-encounter siya ng babaeng kunwari nagmamatigas, pero halos sambahin naman siya kaloob-looban.
“Paano kung ayaw ko?” nakangisi niyang sabi sa magandang waitress.
Lumapit ulit siya sa babae. Hinawakan niyang muli ang braso nito. Napangiti siya nang hindi ito umiwas. Tama ang iniisip niya, nagpapasabik lang ito para makuha ang buong atensyon niya.
“Bibigay ka rin pala, Ms. pretty, pinapahirapan mo pa ako.”
Kinabig ni Magnus palapit ang babae. Inangat niya ang isang kamay para hawakan ang batok nito. Isang halik lang ang gagawin niya at iiwan na niya ito. Sapat na iyon sa ginawa nitong pagpapahabol sa kaniya kanina. Gusto niyang manabik ito at siya naman ang habulin. Kapag nangyari iyon, pahihirapan niya ito at hindi papansinin. Ngunit ang lahat ng kaniyang plano ay biglang naglaho nang hawakan nito ang kwelyo ng damit niya. Hindi niya napaghandaan nang patirin nito ang kaniyang paa at walang hirap siyang ibinagsak sa sahig. Pakiramdam niya’y umikot ang kaniyang paligid sa ginawa nito.
“Tigilan mo ako kung ayaw mong mas higit pa riyan ang sakit na mararanasan mo,” seryosong sabi nito kay Magnus.
Napangiwi si Magnus nang maramdaman ang sakit sa likod pagbangon niya. Pilit pa rin siyang ngumiti nang tumingin sa babae, kahit napapangiwi na siya sa kaniyang isipan.
“Ang sakit mo naman magmahal, miss. Damang-dama hindi lang sa puso ko. Maging sa likuran ko tumagos ang pagmamahal mo,” nakangiti niyang sabi.
Tumalim ang tingin nito sa kaniya. Akma na itong lalapit at handa na muli siyang saktana nang biglang pumagitan si Jude. Hinila naman siya palayo ni Ken.
“Tol, ano ka ba? Hindi mo dapat siya ginalit. Mabuti ’yan lang ang napala mo. Kung hindi siya nag-kokontrol, baka sa ospital ka magdiwang ng kaarawan mo,” sermon ni Ken pagbalik nila sa kanilang mesa.
“Nakakatuwa kasi siyang mainis, tol. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng halos sumpain na ako sa tingin, kaya lang brutal. Grabe! Ang sakit ng likod ko. Sayang... ang ganda pa naman niya, pero sadista,” nakangiti niyang reklamo.
Nagtataka rin si Magnus sa kaniyang sarili kung bakit nakangiti pa rin siya kahit nasaktan na. Naaliw talaga siya sa babaeng iyon. Hindi ito basta-basta babae lang. Bukod tangi ito sa mga babaeng nakilala niya.
“Tol, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Jude nang bumalik ito sa mesa nila.
“Oo, ayos lang,” tugon niya.
Tumingin si Magnus sa pinanggalingan niya kanina. Naroon pa rin ang magandang waitress. Hinintay niya itong bumaling sa direksyon niya. Nang tumingin ito, ngumiti siya at nag-flying kiss. Nakita niya ang labis na inis sa mukha ng babae.Namilog ang mga niya nang dinampot ng babae ang bote sa bar counter at akmang ibabato sa kaniya. Mabilis naman siyang tumayo at nagtago sa likod ni Jude.
“Magnus, para kang bata. Napigilan na siya ng mga kasama niya kaya huwag ka nang magtago diyan. Ang kulit-kulit mo, pero takot ka naman pala,” sambit ni Jude.
Umayos naman ng tayo si Magnus at bumalik sa kaniyang upuan. Muli siyang napangiwi nang sumakit ang likod niya.
“Kilala mo ba ang magandang waitress na iyon, Jude? Baka jowa mo iyon, patay ka kay Alicia,” tanong niya kay Jude patukoy sa asawa nitong si Alicia.
“Step sibling ko siya, Magnus. Hindi siya waitress dito,” sagot ni Jude.
Namilog nanaman ang mga mata ni Magnus sa halong pagtataka at pagkagulat. Kilala niya ang nag-iisang kapatid na babae ni Jude, pero hindi iyon ang magandang waitress na natipuhan niya.
“Talaga? Paano? Bakit hindi ko alam?” may kuryosidad na tanong niya.
Kumuha si Magnus ng isang bote ng alak sa mesa at binuksan iyon. Diretso siyang uminom sa bote habang hinihintay ang sagot ni Jude.
“Anak siya ni Tita Amor—ang second wife ni Dad. Three months ago ko lang siya nakilala. Mabait naman siya, pero likas na yata ang pagiging seryoso sa kaniya at palaban. Saka para sa iyong kaalaman hindi siya waitress dito, female bouncer siya rito at katiwala na rin ng may-ari ng bar na ito. Minsan, all around pa siya rito.”
Magtatanong pa sana si Magnus, pero naudlot iyon nang sumigaw ang isang lalaki mula sa kabilang table.
“Hoy, kayong tatlo!” sigaw sa kanila ng lalaking maraming tattoo at kalbo.
Naglakad ito patungo sa kanilang mesa. Pilit naman itong hinihila pabalik ng isang babae habang nakatingin lang ang ibang nakaupo sa mesang pinanggalingan nito.
“Pare, may problema ba?” kalmadong tanong ni Ken na tumayo sa upuan. Hinarap nito ang lalaki na gusto yatang makipag-away sa kanila.
“Nananadya ba kayo ha?!” maangas nitong tanong.
“P-pasensya na po. Lasing na ang kasama ko,” paumanhin ng babaeng humihila sa lalaking maitattoo.
“Bitiwan mo ako, Erica!” Tinabig nito ang babae kaya napaatras ito at nabitiwan ang braso ng lalaki.
“Pare, lasing ka na. Mas mabuti siguro kung umuwi ka na lang,” muling sabi ni Ken.
“Gago ka ba? Sinong lasing sa atin ha?!” Tinulak ng lalaki si Ken kaya napaatras ito sa direksyon ni Jude. Tumayo na rin si Jude habang nanatiling nakaupo si Magnus.
“Kanina pa ako bwesit na bwesit sa pagmumukha ninyong tatlo. Inaagaw niyo ang atensyon ng nobya ko! Ano bang pinagmamalaki niyo, ha? Iyang mga itsura nyo? Aalisin ko iyan nang mawala ang angas niyo!”
Hinarap na rin ito ni Jude kaya tumayo ang apat na lalaki sa kabilang mesa. Waring nakahanda ang mga itong sumaklolo sa kasama kung magkakaroon ng gulo.
“Pare, tahimik lang kaming umiinom dito. Hindi namin kasalanan kung nakuha namin ang atensyon ng girlfriend mo. Sisihin niyo ang mga itsura niyo at hindi ang mga itsura namin. Hindi namin kasalanan na mas gwapo kami kaysa sa inyo,” mahinahong paliwanag ni Jude na may kaunting panglalait sa itsura ng lalaking ma-tattooa.
Tumayo na rin si Magnus nng palibutan ng mga lalaki ang mesa nila. Nakangisi ang mga ito sa kanila, at halatang naghahanap ng gulo ang mga ito.
“Aba, gago ka ah!” Pormang susuntok ang lalaki, pero naudlot iyon sa ere nang pigilan iyon ng isang boses.
“Anong problema rito?”
Sinundan ni Magnus ang direksyon na pinanggalingan ng boses. Nakita niyang palapit ang seryosong waitress na kapatid pala ni Jude.
Ngumiti si Magnus sa babae, pero hindi siya nito pinansin. Tumigil ito sa tabi ni Jude kaya nakatayo ito sa unahan niya.
“W-wala,” kinakabahan na sagot ni Jude sa kapatid.
Nagtataka si Magnus sa kinikilos ngayon ni Jude. Parang natatakot ito gumawa ng anumang gulo sa loob ng bar. Karaniwan naman silang napapaaway kapag umiinom. Kung siya ang tatanungin, kaya niyang pabagsakin ang lima sa isang iglap lang. Isama pa si Jude at Ken na marunong din makipaglaban. Nag-aral talaga sila ng martial arts dahil palagi silang nasasangkot sa gulo simula noong high-school sila. Binansagan pa sila noon na tatlong basag ulo sa eskwelahan. Nakatulong naman sa kanila ang pag-aaral ng self-defense para sa sitwasyong katulad nito.
“Miss, regular customer mo kami rito kaya paalisin mo ang mga ’yan. Ginugulo nila ang mga nobya namin!” sigaw ng lalaki.
“Sir, pag-usapan natin ito sa maayos na paraan. Umupo muna tayo para hindi maistorbo ang ibang kustomer,” mahinahon na pakiusap ng babaeng maganda.
“Sabrina, hindi iyan makikinig sa ’yo. May tama na ng alak ang utak niyan. Mahirap umunawa ang taong gusto talaga ng gulo,” sambit ni Jude.
Lihim na ngumiti si Magnus nang marinig ang pangalan ng babae. Ngayon alam na niya ang pangalan nito, hindi na niya ito tatawaging magandang waitress o Ms. pretty. Totoong maganda ito, pero mas maganda pala ang pangalan nito.
Bahagya siyang lumapit kay Sabrina at dumukwang dito.
“Hello, Sabrina,” bulong niya sa tapat ng tainga nito. Sinadya niyang gawin na mapang-akit ang kaniyang boses, pero isang malakas na siko sa kaniyang tagiliran ang naging sagot nito.
Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala
Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga
Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m
Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na
“My father is a bouncer before. Labis kong hinahangaan si Papa kaya pinasok ko rin ang trabaho niya noon. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Sabi niya kailangan ko raw matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi raw habang buhay na sa tabi ko siya.”Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina. Ito ang unang beses na hindi ito nainis sa tanong niya. May tipid itong ngiti sa labi pero napakalungkot ng mga mata.“Where’s your father?” tanong niya rito.Malungkot itong ngumiti.“Patay na si Papa. Pinatay siya. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”“I’m sorry about that,” paumanhin niya.Nakonsensya siya nang ungkatin ang bagay na nagbibigay kalungkutan dito. Dapat hindi na niya iyon tinanong para hindi niya nakita ang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.Tumayo si Magnus at lumapit kay Sabrina. Marahan niya itong niyakap mula sa likuran nang marinig ang hikbi nito. Sinandal naman nito ang ulo sa braso niya. Akala niya itat
Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kaniyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ang katiwala roon tuwing sabado at linggo upang maglinis.“Kaninong bahay ito?” tanong ni Sabrina sa binata.“This is our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin.”Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang mga de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.“Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin ito,” sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.Tinanggap naman ito ni Sabrin







