تسجيل الدخول“Aww!” reklamo ni Magnus nang sikuhin ni Sabrina.
Alaga siya sa ehersisyo. Matigas ang kaniyang kalamnan. Maganda at malusog ang kaniyang katawan, pero sa ginawa ni Sabrina parang balewala ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya tumagos sa kaniyang ribs ang siko nito.
“Tol, ayos ka lang?” tanong ni Ken.
Nakangiwi naman siyang tumango.
“Kung gusto ninyong ayusin ang problema niyo, sumunod kayo sa akin,” muling sabi ni Sabrina.
Nakangising sumunod ang mga lalaki kay Sabrina. Pinakita pa ng isa kay Magnus ang nakakuyom nitong kamao.
Umiling na lang si Magnus at marahang hinaplos ang nasaktang tagiliran. Maayos siyang tumayo nang bahagyang nawala ang sakit. Umakbay sa kaniya si Ken habang na sa unahan nila si Jude. Magkakasunod silang naglalakad patungo sa likod ng bar.
“Hindi ka ba nagtataka sa kilos ngayon ni Jude?” tanong ni Ken kay Magnus.
“Nagtataka rin ako. Hindi siya mapakali at mukhang kinakabahan,” sagot niya, pero si Sabrina ang tinitingnan niya. Para itong robot maglakad. Hindi man lang gumagalaw ang ulo at katawan maliban sa mga paa. Diretso rin itong nakatingin sa unahan.
“Dahil iyan sa kapatid niya. Ayaw niya kasing nagagalit si Sabrina.”
“Bakit naman?” nagtataka niyang tanong.
aLihim siyang ngumiti nang humagod nanaman ang tingin niya sa magandang hulma ng pang-upo ni Sabrina. Ang liit din ng baywang nito kahit hindi hapit sa katawan ang suot na uniporme.
“Kagaya nang nangyari sa iyo kanina, nasampolan na rin siya ni Sabrina noong uminom kami sa bar na ito at nagkagulo. Mas malala lang iyon dahil sadyang mainit ang ulo ni Sabrina. Wala ka noon dahil umattend ka sa binyag ng panganay na anak nina Vander at Dawn.”
Naalala ni Magnus ang k’wento noon ni Ken tungkol sa nangyaring gulo. Nalasing ang dalawa at aksidenteng natumba sa kandungan ng babae sa kabilang mesa. Doon nagsimula ang gulo na kinasangkutan ng mga ito.
“Narito na tayo,” anunsyo ni Sabrina nang makarating sila sa likuran ng bar.
Maliit ang espasyo roon, pero walang kahit anong gamit. Nahaharangan iyon ng mataas na bakod na yari sa dikit-dikit na kawayan. May ilang halaman baging na gumagapang sa mga iyon.
“Kahit mag-patayan kayo rito, walang makikialam. Huwag lang kayo gagawa ng gulo sa loob ng bar. Dinadagdagan niyo ang trabaho namin,” muling sabi ni Sabrina.
Humarang naman si Magnus sa daan nito nang aalis na ito. Seryoso itong tumingin sa kaniya pero ngumiti lang siya.
“Ms. Sabrina, sa ganitong paraan mo ba aayusin ang gusot sa pagitan namin? Paano kung masaktan kami rito? Kilala mo naman kami, ’di ba? Kaya mo bang panagutan kung mapapahamak kami?” may panghahamon niyang tanong. Gusto niyang makita ang natatakot nitong reaksyon sa paalala niya.
“Mas lalo kang mapapahamak kung hindi ka aalis sa harapan ko. Tumabi ka!” seryoso pa rin nitong sagot.
Hinila naman siya ni Ken si Magnus kaya nakadaan si Sabrina. Sinara pa nito ang pintuan na dinaanan nila kanina.
“Seryoso ba siya?” tanong ni Magnus kay Ken.
“Sa palagay ko, oo. Hindi marunong magbiro si Sabrina. Ayaw niyang magkaroon ng karagdagan na trabaho. Sumunod na lang tayo.”
“Lumpohin ang mga iyan at wasakin ang mga mukha nila! Tingnan natin kung magustuhan pa sila ng mga babae pagkatapos ng mangyayari sa kanila ngayon,” utos ng lalaking may tattoo sa mga kasama at bigla na lang sumugod sa kanila.
“Maraming salamat at sumunod kayo rito, mga ungas!” sambit ni Jude na siyang humarap sa mga lalaki.
“Tutulungan pa ba natin si Jude, tol?” tanong ni Ken sa kaniya.
“Kulang pa sa kaniya iyan. Hintayin na lang natin matapos,” nakangiting sagot ni Magnus.
Sumandal siya sa pader habang pinapanood si Jude. Maliksi itong kumilos kaya hindi ito tinatamaan ng mga suntok ng mga kalaban. Dalawa na ang napabagsak nito habang nahihirapan namang makipagsabayan ang natitira.
Nawala ang atensyon ni Magnus kay Jude nang tumunog ang kaniyang cellphone. Dinukot niya ang phone mula sa bulsa. Napangiti agad siya nang makita kung sino ang caller.
“Hello, Baby Indi! Miss mo na ba ako kaya tumawag ka sa akin? Aaminin mo na bang mas gwapo ako sa asawa mo?” baungad niya nng sagutin ang tawag ni Dawn.
Narinig niya ang mahinang tawa ni Dawn at ang galit na boses ni Vander sa kabilang linya.
“I heard you, Magnus. Stop calling my wife, baby,” sambit ni Vander sa kabilang linya.
“Vander is more handsome than anyone else. He’s my husband, Magnus,” sagot naman ni Dawn.
Ngumiti naman si Magnus. Alam niyang patay na patay ito sa asawa. Kaya nga hindi na siya humadlang sa pag-iibigan ng dalawa.
“Sinasaktan mo ang inosente kong puso, Baby Indi,” biro niya rito.
“Sira! Anyway, happy birthday, Magnus.”
“Muntik mo na akong makalimutan, Baby Indi. Ilang oras nalang matatapos na ang birthday ko. Akala ko bukas mo pa ako babatiin, e,” kunwari nagtatampo niyang sabi.
Gustong-gusto niya talagang asarin si Vander kaya ginagawa niya iyon. Nasanay naman si Dawn sa mga biro niya, at hindi na lang pinapansin ang mga iyon.
“Kausap ko kanina si Magnum. Napahaba ang kwentuhan namin.”
“Wasak na wasak na nga ang puso ko, Baby Indi. Inuna mo pang tawagan ang kakambal ko kaysa sa akin. Mas gwapo naman ako sa kaniya, ah.”
“Identical twin kayo kaya iisa lang ang hulma ng mga mukha ninyong dalawa. Kung gwapo ka, gwapo rin siya pero syempre mas gwapo ang asawa ko. Don't worry, pinagbake naman kita ng cak, eh. Pinadala ko sa ’yo ngayon. Nasa Lively Bar ka, ’di ba?”
“Paano mo nalaman na narito ako? Kunwari ka pa, Baby Indi. Siguro ini-stalk mo ak, ’no?”
“Baliw ka talaga. Sinabi sa akin ni Magnum na magpapalipas ka ng kaarawan diyan kaya pinadala ko sa driver ang ginawa kong cake. Enjoy your day, Magnus.”
“Thank you, Baby Indi.”
“You’re welcome, Gotta go. Patutulugin ko pa ang mga bata. Bye Magnus!”
Nakangiting binalik ni Magnus ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Nakita niyang bagsak na rin ang mga kalaban ni Jude.
“Mabuti hindi nagseselos si Vander kapag tinatawag mong baby ang asawa niya?” tanong ni Ken.
“Baby ko na si Dawn bago pa niya naging asawa. Tanggap na iyon ni Vander at tanggap ko na rin na asawa siya ni Dawn. Iyon nga lang, napaka-seloso ng isang iyon,” umiiling niyang sabi.
Hindi na nagkomento si Ken ng muling bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Sabrina kasama ang tatlong lalaki na sa tingin ni Magnus ay mga bouncer din ng bar. Lumapit ang tatlo sa mga walang malay na lalaki. Naglakad naman sa kanilang direksyon si Sabrina.
“Sino sa inyo si Magnus Anticlair?” tanong nito sa kanila ni Ken.
“It’s me, my Sabrina,” nakangiting sabi ni Magnus habang nakataas ang kamay. “Hindi mo ba ako kilala? Kahit toddler yata kilala ako sa bansa. Bakit ikaw hindi? Saang planeta ka ba nagmula? P’wedeng sumama? Doon tayo gumawa ng pamilya,” nakangiti pa rin at pampakilig niyang banat.
“May delivery para sa ’yo. Kunin mo na lang sa bar counter,” balewala nitong sabi bago sila talikuran.
Nadismaya naman si Magnus. Hindi pa rin umeepekto rito ang maganda niyang ngiti at nakakakilig na banat. Manhid yata talaga ang babaeng ito.
Nagsimula ang tahimik nilang hapunan. Masasarap ang mga nakahain na pagkain, pero nahihirapan si Sabrina na lunukin ang kinakain. Mas marami pa ang iniinom niyang tubig kaysa nilulunok na pagkain.“Jude, kamusta ang modeling?” panimula ni Jap.“Okay naman, Dad. Meron kaming event sa Singapore next week.”“Thats nice, isama mo si Alicia para hindi siya mainip sa bahay niyo.”“Kasali ako sa event, Dad. Kaya magkasama pa rin po kami ni Jude sa Singapore,” sagot naman ni Alicia.“Good. How about you, Jade? How’s your acting career?” baling nito sa bunsong anak.“It’s great, Dad. May offer sa akin na gumawa ng drama sa telebisyon, pero pinag-iisipan ko pa. Marami pa kasi akong project sa theater. Baka hindi ko kayanin,” nakangiti nitong sabi.“Do what you think is good for you. Don’t force yourself. Baka mawalan ka ng oras kay David. Kailan ba kayo magpapakasal?”Nasamid naman si David kaya napatingin si Sabrina sa lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay nang mahuli niyang nakatingin din ito sa
Dahil sa hindi inaasahang pagdating ng limang panauhin sa bar, tinawagan ni Sabrina ang kaniyang Tito Mando—ang may-ari ng bar.“Sabrina, hija. Kung tumawag ka para itanong ang tungkol sa iyong mga bisita, alam ko na pupunta sila riyan ngayong araw,” diretsong sabi ni Mando pagkasagot ng tawag ni Sabrina.“Tito, ano po bang ginagawa nila rito? Bigla na lang silang sumusulpot, tapos kailangan pa naming magsara ng ilang linggo o may posibilidad pang umabot ng buwan para gamitin nila ang bar. Nakakapagtaka dahil hindi kami p’wedeng pumunta sa bar kapag narito sila,” curious na tanong ni Sabrina.Sinulyapan pa niya ang limang panauhin na sinusuri ang bawat sulok ng bar. Kahina-hinala ang kilos ng mga ito at tila palaging alerto. Ilang beses na niyang nakakasalamuha ang lima, pero wala siyang ideya sa ginagawa ng mga ito. Isang palatandaan ang pagsulpot ng mga ito ay ang biglaang pagpatay ng ilaw katulad nang nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpatay ng ilaw sa tuwi
Malalipas ang ilang oras, pagod na umupo si Magnus sa sahig pagtapos nilang maglinis. Ngayon nauunawaan na niya si Sabrina kung bakit ayaw nitong may gulo sa bar. Mahirap pala talaga maglinis. Masakit sa likod ang ilang oras na pagyuko. Basang-basa ng pawis ang damit niya, pero hindi naman nababawasan ang kapogian niya. Mas attractive pa rin siya sa pawisang itsura.“Tol, pagsaluhan na natin ang cake mo. Nagutom ako sa paglilinis, eh,” sigaw sa kaniya ni Ken hawak ang box ng cake na galing kay Dawn.Tumayo si Magnus at lumapit sa mga ito.“Kantahan muna natin ang celebrant.” Hiling ng babaeng kasama ni Sabrina sa trabaho.Tulad ng sinabi ng babae, kumanta ang mga ito ng happy birthday. Napakamot na lang sa batok si Magnus dahil sa hiya. Matanda na siya para sa ganitong bagay, pero sino ba siya para pigilan ang mga ito? Hindi naman siya killjoy kaya hinayaan na lang niya.“Blow the candle!” sambit ng mga ito pagtapos kumanta.Nakisakay na rin si Magnus sa gusto ng mga kasama at hinipan
Bumaling ang tingin ni Sabrina nang marinig ang sinabi ni Magnus Anticlair. Kilala niya ang lalaking ito na palaging laman ng magazine, telebisyon at internet. Kaibigan din ito ni Jude na step-brother niya. Palagi itong bukambibig ng kaniyang kapatid sa tuwing may family dinner sila. Ayaw lang niya sa pagiging presko ni Magnus kaya nagpanggap siyang hindi ito kilala kanina.“Nagkakilala na kayo two years ago?” tanong ni Jude kay Magnus.Nagtataka man sa tinutukoy ni Magnus, binalewala na lang iyon ni Sabrina. Kailangan pa nilang ligpitin ang mga kalat sa bar.All around ang kaniyang trabaho sa Lively Bar, pero isa talaga siyang bouncer. Kaibigan ng pumanaw niyang ama ang may-ari ng bar na nasa ibang bansa ngayon. Siya ang pansamantalang nangangasiwa sa bar. Siyam na katao lang sila na nagtatrabaho sa bar na iyon kaya lahat ng trabaho rito ay tulong-tulong sila. Hindi sila pwedeng kumuha ng panibagong tauhan sa bar dahil ayaw na ng may-ari. Maayos naman itong magpasweldo kaya kinakaya
“Magpalit ka na lang ng strategy, tol. Baka expired na ang ngiti mo sa dami ng babaeng pinakitaan mo niyan,” natatawang tudyo ni Ken sa kaniya.“Salamat sa payo, Ken. Hayaan mo’t mag-iisip ako ng panibagong paraan para mabihag ang puso ni Sabrina,” sagot niya na tinawanan lang nito.“Kayong dalawa, tara na!” sigaw ni Jude na nakatayo sa bungad ng pinto.Bumalik sila sa loob ng bar habang hinahakot ng tatlong bouncer ang mga walang malay na lalaki.“Bakit nagkakagulo rito?” puna ni Ken nang makarating sila sa loob.Nakatumba ang mga upuan at mesa. May mga basag na bote at baso sa sahig. Nagkumpulan ang mga kustomer sa gilid habang may dalawang lalaki na nagsusuntukan sa gitna.“S-Sabrina,” tawag pansin ni Jude sa kapatid.Tumingin si Magnus sa dalaga. Hindi niya maiwasan na kabahan nang makita ang madilim nitong anyo. Kuyom ang dalawang kamay at nagtatagis ang bagang. Kung nasa anime sila, pakiramdam niya may lumalabas na itim na awra dito.“Mukhang magiging tatlo sila,” pahayag ni Ken
“Aww!” reklamo ni Magnus nang sikuhin ni Sabrina.Alaga siya sa ehersisyo. Matigas ang kaniyang kalamnan. Maganda at malusog ang kaniyang katawan, pero sa ginawa ni Sabrina parang balewala ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya tumagos sa kaniyang ribs ang siko nito.“Tol, ayos ka lang?” tanong ni Ken.Nakangiwi naman siyang tumango.“Kung gusto ninyong ayusin ang problema niyo, sumunod kayo sa akin,” muling sabi ni Sabrina.Nakangising sumunod ang mga lalaki kay Sabrina. Pinakita pa ng isa kay Magnus ang nakakuyom nitong kamao.Umiling na lang si Magnus at marahang hinaplos ang nasaktang tagiliran. Maayos siyang tumayo nang bahagyang nawala ang sakit. Umakbay sa kaniya si Ken habang na sa unahan nila si Jude. Magkakasunod silang naglalakad patungo sa likod ng bar.“Hindi ka ba nagtataka sa kilos ngayon ni Jude?” tanong ni Ken kay Magnus.“Nagtataka rin ako. Hindi siya mapakali at mukhang kinakabahan,” sagot niya, pero si Sabrina ang tinitingnan niya. Para itong robot maglakad. Hindi man







