Naglalakad ako sa hallway ng campus nang tignan ako ng mga taong nadadaanan ko. Mukhang nakarating na sa kanila ang balita na hiwalay na kami ni Jeo. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang pag-usapan iyon.
Hindi ko na pinansin ang mga iyon at pumasok na sa classroom namin. Agad akong pinalibutan ng mga kaklase ko nang makarating ako sa upuan ko. Guess I have some explaining to do. "Totoo ba na nagbreak na kayo ni Jeo?" "Sabi nila may kasama daw ang lalaking iyon na babae" "Cheater pala 'yong boyfriend mo, Viviene" Hindi ko na alam kung sino ang haharapin ko sa kanila. Sabay-sabay silang nagtatanong tungkol sa nangyari. Ang bilis talaga umabot ng chismis. "Hep Hep Hep! Padaanin niyo nga ako!" sigaw ni Alyssa sa inis. Katabi ko kasi siya at hindi siya makalapit sa upuan niya dahil nagkumpulan ang mga kaklase ko. Agad naman nilang pinadaan si Alyssa para makaupo. Akala ko pa ay titigil na sila pero nang makaupo na si Alyssa sa upuan niya ay nagkumpulan agad sila sa pwesto namin. "Nakita ko siyang may kasamang babae nang lumabas sila sa bathroom, okay?" I explained casually. Hindi ako magpapaapekto sa lalaking iyon. "Edi nagbreak na kayo?" Liana asked. "Of course! Ayokong magtagal sa lalaking iyon!" my goodness! Did they expect me to forgive Jeo after what he did?! Agad na bumalik sa upuan ang mga kaklase ko nang dumating na ang professor namin sa unang course. I'm a fourth-year student, studying computer science major in data mining. Nagbigay lang ng instructions ang babae naming professor. Bago pa ito umalis ay tinignan pa ako nito. Mukhang alam nila ang nangyari sa amin ni Jeo. Nakaabot pa talaga sa mga professor namin ang nangyari. Hindi makakapasok ang professor namin sa second course kaya nagpasya kaming kumain ni Alyssa sa cafeteria. Nang makarating kami sa loob ay bumili agad ako ng burger, fries, and cucumber juice. Umupo kami ni Alyssa malapit sa pinto at tahimik na kumain. Hindi ko na rin pinansin ang mga tingin ng mga estudyante. Alam kasi ng buong campus na hindi umaabot ng dalawang buwan ang mga nakakarelasyon ni Jeo kaya noong naging kami at umabot pa ng dalawang taon ay nakaabang na sila sa mangyayari. Namangha sila dahil ako ang pinakamatagal na naging girlfriend ni Jeo. Umakto agad akong walang nakita nang pumasok si Jeo sa cafeteria. Agad na tumingin sa akin lahat ng estudyante sa loob, pati na rin si Alyssa. Nakaakbay kasi si Jeo sa bago niyang babae at tinitignan nila kung anong magiging reaksyon ko. Wala pa ngang isang araw ay nakahanap na agad ng bago si Jeo. Mukhang maraming nakapila na babae sa kanya. Noon pa ata na kami pa ay nakapila na ang mga babae sa kanya. Hinihintay lang na maghiwalay kami para sila na ang pumalit sa akin. Alyssa poked my arm and looked at Jeo's direction. Saglit ko lang iyong tinignan at walang buhay na binalik ang tingin sa kaharap kong si Alyssa. "What?" "Hindi mo ba titignan iyong bagong kasama ng ex-boyfriend mo?" she asked while looking at them. Nagtaas ako ng kilay, "Nakita ko na at masasabi kong mas maganda pa rin ako" We both laughed at my remarked, making the students, including Jeo and his friends looked at our direction. Puno pa ng pagtataka ang mukha nila kung bakit ganoon ang reaksyon ko. Im not giving them what they wanted to see. Akala siguro nila ay tatakbo ako palapit kay Jeo at magmamakaawa na balikan ako. H*ll no! I'm not stupid to do that! "Saksak pa niya sa baga niya 'yang babae niya" I continued while laughing. Kumagat ulit ako sa burger ko at ninamnam ang sarap. Matagal na akong kumakain ng burger dito sa cafeteria pero ngayon lang ata ako sobrang nasarapan sa pagkaing 'to. Pagkatapos ng klase namin ay sabay kaming dumiretso ni Alyssa sa parking lot. Nagkatinginan kami ng makita namin si Jeo kasama ang mga kaibigan niya sa harap ng sasakyan ko. It looks like they're waiting for me. "Anong ginagawa ng ex-boyfriend mo sa harap ng sasakyan mo?" Alyssa asked curiously. I shrugged, "Hindi ko alam, Alyssa" sagot ko bago dumiretso sa paglakad patungo sa kotse ko. Nakita kami kaagad ni Jeo na papalapit kaya nilapitan niya agad ako. Ano nanaman kaya ang problema ng lalaking 'to? "What do you need, Jeo?" I nonchalantly asked as I looked at me nails. Hindi na iyon masyadong maayos nang tignan ko. I better visit the salon this week. "Don't try to get my attention, Viviene, by laughing." I looked at him ridiculously. Anong pinakain sa lalaking ito at ganito kataas ang tingin niya sa sarili niya? I can't believe him! "My goodness, Jeo. Lahat ba ng taong tatawa ay kinukuha ang atensyon mo?" natawa ako doon. "You're laughing while looking at me!" he argued. Nagkatinginan kami ni Alyssa sabay tawa. Jeo's friend looked at us like we're out of our mind. "We're laughing because of your ugly face, Jeo. Hindi ako makapaniwala na pinatulan kita!" Agad na umusbong ang galit sa mukha ni Jeo. He signaled his friends to hold us and raised his hand to slap us but I'm quicker than them. Sinapak ko kaagad si Jeo. Nilapitan siya ng mga kaibigan niya kaya dali-dali kaming sumakay ni Alyssa sa sasakyan ko. Lagi kasi siyang nakikisabay sa akin kapag uwian. Minaneho ko kaagad ang sasakyan paalis sa campus. "Ang taas naman ng tingin sa sarili ng ex-boyfriend mo, Viviene" Alyssa told me as she looked behind us. "Kaya nga e..." tinignan ko siya saglit, "Sabihin mo nga sa akin kung paano ko iyon nagustuhan?" Alyssa rolled her eyes, "Hindi ko alam sa'yo, Viviene. Iyan din ang katanungan ko kung bakit at paano mo nagustuhan 'yon? Mas madami pang guwapo sa paligid pero nag-settle ka sa lalaking 'yon" reklamo niya. "I was deceived, okay?" it was a mistake that I'm definitely not going to repeat again. And speaking of handsome. Bigla kong naalala ang lalaking nabunggo ko kagabi. Guwapo naman talaga iyon pero naiinis pa rin ako sa ginawa niyang hindi pag-Iwas.Maya-Maya lang ay may pumasok sa loob ng restaurant. Nang mapatingin ako doon ay nakita ko si Devin na papasok kasama ang isang lalaki. They are talking while walking inside. "Is that Devin?" gulat na tanong ni Alyssa. Nang tignan ko silang lahat ay nasa dalawang lalaki na pala ang mga mata nila. I just wished na hindi nila mapansin na si Devin 'yong lalaking nabagsakan ko kanina. "Wait..." Dona said, raising her one hand, "His clothes seems familiar. Parang nakita ko na 'yan" saad niya saka tumingin kay Danica na na kay Devin ang mata. Kumunot ang noo ni Danica hanggang sa namilog ang kanyang mga mata saka tumingin kay Dona. Looking at her reaction, I know she already know who it is. "Hindi ba siya 'yong lalaki kanina sa labas na nabagsakan ni Viviene?" ngiting saad into. "Talaga?" si Divine na tumingin kay Danica. "Oo nga! I remember his white shirt" laban ni Danica saka nakakalokong nakatingin sa akin, "Ikaw, Viviene ha. Si Devin pala ang nakasalo sa'yo kanina" tukso nit
When I wake up, it was already dark outside. Lumabas ako sa balkonahe habang inaayos ang medyo magulo kong buhok. Nagsisilbing liwanag ang mga ilaw sa bawat poste ng resort. Marami pa ring mga tao sa labas. May mga nagbo-bonfire at meron ding nagna-night swimming. Pumasok ako sa loob ng kwarto at tinignan ang tatlo na mahimbing pang natutulog. Wala akong magawa sa loob at ayoko naman silang gisingin para hindi ako ma-boring kayang nagpasya akong lumabas. I sighed deeply as I walked on the seaside. Nakakahingawa ang paki ramdam na 'to. Wala masyadong tao sa parte na 'to ng resort kaya I can think clearly this time about my problem. My mom is so strong for accepting my dad again, she even welcomed my dad's son from his mistress. I love my mom and my two brothers. Siguro may pagtatampo lang ako sa ginawa nila. Ayaw ko namang baling ang galit ko sa aking ama sa half-brother ko pero sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga araw na masakit pa sa amin ang lahat. Paunti-unti sig
Exhausted, I dropped my body on the bed and closed my eyes. We didn't get to appreciate the stunning view of the resort since we want to rest immediately after arriving here in Siargao. "Who's hungry?" Dona asked, holding her cellphone. "I want pizza" I raised my hand, eyes still closed. "What about you-" Dona was cut off when suddenly someone knocked on our door. I open my eyes and looked at the closed door. It must be our friends. "Dona! Kakain kami sa labas. Sama kayo?" it was Kuya Jay's voice. Marie stood up from sitting on the sofa and open the door. Pumasok si Kuya Jay kasama ang grupo namin. Bale sampu kaming pumunta dito sa isang resort sa Siargao. There's Dona, Maire, Mia, Kuya Jay, Arvin, Kristian, Danica, Divine, Alyssa, and me. Bumangon ako. Akala ko ba pagod ang mga 'to? They said, they're tired, but just looking at their face, hindi. So kaming apat lang dito sa kwarto ng 'to ang pagod? "Hindi niyo malilibot ang resort kung nakahiga kayo" Arvin slapped my left
Morning came and I'm inside the coffee shop with my friends. We are planning about our trip tomorrow on Siargao. Tahimik lang akong nakikinig sa gilid. Ang isip ko ay nasa nangyari kagabi sa garden. Hindi na ako sumabay na kumain sa kanila dahil ayaw kong makita si Devin pagkatapos ng mga sinabi ko. I was thankful though na hindi na niya pinantayan ang galit na nararamdaman ko. He just stand there for a minute before walking away. I'm kinda guilty, but wala na akong magagawa dahil nangyari na. I sighed before sipping the coffee I ordered. The bell rung when the door opened. Niluwa do'n si Devin kasama ang isang babae. She has a black and long hair. Kung magkasama man kami ng babaeng kasama niya ay siguro hanggang sa parteng leeg lang ako ng babae, matangkad kasi. Sa suot pa lang ng babae ay halatang mayaman ito. My eyebrow raised when I saw how she hug Devin's arm while ordering. This girl might be his girlfriend. Pero parang hindi naman, the girl keep on talking but Devin's eyes i
Napabangon ako nang wala sa oras dahil sa gulat. Jeo failed on of his subject? Wait, I shouldn't be shocked! Wala naman siyang ibang ginawa kun'di ang makipaglandian kaya bumagsak siya! Halos ako na nga ang gumagawa ng mga activities niya per subject. Should i be happy about this? Nalilito ako kung anong mararamdaman ko ngayon. Bahala na nga siya. i continued scrolling on my account. Napangiwi na lang ako ng dumaan sa news feed ko ang picture ni Jeo kasama ang ibang babae. He was tagged by some random girl. Our doorbell suddnely rang. I was about to stand and open the door, but my attention was caught by Kyren who's walking down on the stair. Nagmamadali itong bumaba habang buhat si Nico. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang pinto. I just shrugged and went back laying on the sofa. I was typing a message for Alyssa when I heard Kyren's shout. He was screaming in excitement. My brows furrowed in confusion about the person who arrived that makes Kyren excite.
"Did you had a fight?" pansin sa akin ni Alyssa. Nakita niya sigurong wala ako sa mood. "Naiinis lang ako. Pilit nang pili, e, ayoko ngang gawin. If they want to do something with dad, gawin nila basta 'wag nila akong isali. I don't want to see him" I answered, still annoyed. "Bumalik na ang dad mo?!" she asked, shocked. I nod, "Yeah. I forgot to tell you, ngayon ko lang naalala." "Iniwan niya ang babae niya or iniwan siya ng babae niya?" I shrugged, "Ewan ko doon. Sinama pa ang anak nila sa bahay." I saw her taking a quick glanced at me. "You have a half-brother?!" "Yes, girl" walang buhay kong sagot sa kanya. "So....how was it?" "Nakakairita minsan. Buti nga pumayag si mom na doon na tumira ang dalawang 'yon, e" kwento ko. I didn't want to talk about them right now, but Alyssa is the only one I can talked about this. Kinukwento namin sa isa't-isa ang mga problema namin o 'di kaya ay ang mga pangyayaring hindi kapani-paniwala. I really don't understand my mom why she l