แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Lady Fei
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-10 21:07:06

“Cedric, I already warned you. Kapag hindi ka pa nagtino ay ipapatapon kita sa ibang bansa na walang kahit isang kasambahay. Baka doon ay magtino ka!” mariing banta ni Trsitan kay Cedric habang hawak ng mahigpit ang braso nito. Napayuko na lang si Cedric dahil wala itong lakas ng loob na kalabanin ang tiyuhin. Kahit galit ito ay tila ito maamong tupang lumayo na lamang.

Hindi naman makapaniwala si Gaile na sa ikatlong pagkakataon ay pinagtanggol siya ni Tristan.

Nang makaalis si Cedric ay siya naman ang binalingan ni Trista. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng classroom.

“Uncle Tristan, ano ba. Nasasaktan ako!” daing niya rito. “Sasama naman ako, huwag mo po akong kaladkarin,” mangiyak-ngiyak na wika niya.

Nahaplos niya ang namumulang kamay ng bitiwan siya nito. Tahimik niyang sinundan ang lalaki hanggang sa makarating sila sa magara nitong kotse.

Hindi na siya nagtanong nang sumakay siya sa kotse nito. Para siyang tuod habang nakaupo sa tabi nito. Naiilang pa rin kasi siya kapag kasama ang lalaki. Idagdag pa ang malakas na kabog ng dibdib niya kaya mas lalo siyang nati-tense.

Bahagya niyang nilingon si Tristan, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mukha nito. Kitang kita ang tangos ng ilong nito lalo na't nakatagilid ang lalaki sa kanya. Ang makapal nitong kilay pati na ang panga nito ang mas nagpatingkad sa kanyang masculine feature. Ang mga labi naman nitong likas na mapula ay tila ba kay sarap humalik. Ang mga mata nitong matiim kung tumitig ay nakakapanghina ng tuhod lalo na kapag tumititig sa kanya.

“Are you done staring at my face?” tanong nito na hindi man lang inaalis ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napapahiyang umiwas siya ng tingin at tumitig na lang sa labas ng bintana.

Nagulat na lang ako nang huminto kami sa harap ng mall. Napatingin si Gaile kay Tristan at mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang itanong.

“You need to change your clothes, uuwi tayo sa bahay dahil gusto kang makita ni Mama,” wika nito bago umibis sa sasakyan at ipina-park na lang ang kotse.

Nauna itong naglakad papasok sa mall habang nakabuntot naman siya dito.

Tahimik na lang siyang sumunod hanggang sa makarating sila sa isang luxurious brand. Pag-aari iyon ng mga Venzon kaya pumapasok pa lang sila ay nakahilera na ang mga saleslady pati na ang manager. Sabay-sabay pa silang yumukod noong papasok na sila.

Pagkatapos non ay isa-isang ipinasuot sa kanya ang mga damit. Hindi talaga siya kumportable sa mga sexy ang tabas kaya naman nauwi siya sa isang simple pero elegante na white dress. Tinernuhan nila ito ng scarf para itago ang pasa sa kanyang leeg.

Pagtingin niya sa salamin ay lantad na naman ang tinatago niyang ganda kahit pa may makapal siyang salamin sa mata.

pagkatapos nilang bumili ng damit ay dinala siya nito sa salon.

“Uncle Tristan, hindi na po kaila–”

“Tawagin mo pa akong uncle lalo na sa harap ni mama, malilintikan ka sa akin,” putol nito sa sasabihin niya.

Hindi siya nakapagsalita at napatango na lamang.

Muling nakaranas ng make up sa salon na 'yon si Gaile. Hindi naman kasi siya mahilig mag-apply ng make-up.

Tinanggal pa nila pati ang makapal niyang reading glass at pinalitan ng contact lens. Halos maluha siya pero tiniis na lang niya ang hapdi.

Nang matapos siyang ayusan ay hindi na naman niya makilala ang kanyang sarili. Napakapit na lang siya sa laylayan ng dress na suot niya habang mariing kagat ang ibabang labi.

Ayaw niya kasing makita ang gandang tinatago niya sa makapal na reading glass at maluluwang na damit. Napakatagal niyang tinago ang mukhang iyon pero ngayon ay muli niyang nasilayan. Ang gandang 'yon na muntik nang magpahamak sa kanya noon.

“Hailey Gaile! Ano pang tinutunganga mo diyan!” singhal ni Tristan kaya napapitlag siya. Lumuwang ang kapit niya sa laylayan ng dress niya. Halos magdugo din ang bibig niya sa diin ng pagkakakagat niya dito. Huminga na lang siya nang malalim bago sumunod kay Tristan na palabas na sa salon.

Patakbo siyang sumunod dito kaso hindi siya sanay sa mataas na takong. Na-out balance siya at muntik nang mapasubsob sa sahig.

Mabuti na lang dahil sa isang matipunong mga bisig siya bumagsak. Natulala siya sa mukha ng lalaking nakasalo sa kanya. Pamilyar ang mukha nito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

“I got you, Miss,” wika nito sa baritonong boses. Umayos naman siya ng pagkakatayo.

“T-Thank you,” aniya bago marahang tinulak ang lalaki kaso hindi siya nito binitiwan. Hawak pa rin nito ang kamay niya.

“You can let go of my wife now.” Napalingon siya kay Tristan na noon ay nasa likod na niya.

Hinapit pa siya nito sa bewang habang madilim ang mukhang nakatitig sa lalaking tumulong sa kanya.

“Ooops, sorry...” wika naman ng lalaki na itinaas pa ang dalawang kamay bago nakangising tumingin sa kanya.

Nakaramdam siya ng pangingilabot dahil don. Agad siyang kumapit sa braso ni Tristan bago ito hinila palayo doon.

“Are you okay?” tanong ni Tristan nang makitang namumutla siya at bahagyang nanginginig ang mga kamay.

“O-oo...” tugon niya bago muling lumingon sa lalaki. May kausap na itong babae kaya kahit paano ay nabawasan ang kaba niya.

'Kamukha lang siguro,' aniya sa isipan.

Inalalayan naman siya ni Tristan hanggang sa makasakay na sila sa kotse. May pagka-gentleman din naman pala ito at mas lalo itong gumugwapo kapag hindi nakakunot ang noo.

Bago nito pinaandar ang kotse ay yumuko muna ito para tignan ang paa niya. Nang makitang namumula ito ay kinuha nito ang ilang pinamili nila at pinalitan ng flip-flops ang suot niyang stiletto.

Nakatingin naman siya sa lalaki habang nagtataka dahil ibang-iba ang kilos nito kaysa kanina.

“Ayaw kong may masabi si Mama na pinababayaan kita,” malamig na wika nito bago tuluyang pinaandar ang kotse.

Hindi naman niya maiwasang kabahan lalo na dahil makakaharap niya ulit ang mga magulang ng lalaki.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 33

    “Teka, nasasaktan ako,” daing ni Gaile nang makarating sila sa Parking lot. Isinandal naman siya ni Tristan sa side ng kotse at itinukod doon ang siko. Hindi siya makagalaw sa sobrang lapit nito. Kumakabog sa sobrang kaba ang dibdib niya. Kitang-kita niya ang pagkislap ng galit sa mga mata ng asawa kaya halos mautal siya nang magsalita. “Uncle Tris–” “Isang Uncle Tristan pa, I will kiss you right now!” mariing singhal nito kaya napakagatlabi siya. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya nawawala na naman siya sa sariling wisyo. “Don't bite your f*ckin lips!” mariin pero halos pabulong na utos nito. Napapitlag siya at napangiwi. Nakatingin si Tristan sa labi niya at para bang gusto nitong sakupin 'yon. Anong magagawa niya? Natural sa kanya ang mapakagat labi kapag nate-tense... “Tristan, mali-late tayo sa next appointment natin,” madilim ang mukhang wika ni Aria. Naitulak naman ni Gaile ang asawa. Nakita niya si Aria na nakahalukipkip at masama ang pagkakatingi

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 32

    Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 31

    “Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 30

    Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 29

    “Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   chapter 28

    Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status